RETURN OF THE KING (COMPLETED)

Por mafioso_akio

32.4K 1.3K 414

Namatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio Más

KING
PROLOGUE
CHAPTER 1: I'm Back
CHAPTER 2: Mission
CHAPTER 3: Angel without wings
CHAPTER 4: Soldato
CHAPTER 5: Being a student again
CHAPTER 6: Morpeheous Ladies
CHAPTER 7: Band Aid
CHAPTER 8: Blue Rose
CHAPTER 9: Warning
CHAPTER 10: Make out
CHAPTER 11: Secret Lover
CHAPTER 12: Untold Story
CHAPTER 13: Avi Gray
CHAPTER 14: Kalachuchi
CHAPTER 15: Something suspicious
CHAPTER 16: Tattoo
CHAPTER 17: Daughter
CHAPTER 18: Amy Green
CHAPTER 19: Trouble
CHAPTER 20: Acceptance
CHAPTER 21: Favorite Song
CHAPTER 22: Mistress
CHAPTER 23: Caught
CHAPTER 24: Black Page
CHAPTER 25: Death Battle
CHAPTER 26: Alliance
CHAPTER 27: Substitute
CHAPTER 28: The Evil Sisters
CHAPTER 29: Craig Revelations
CHAPTER 30: Red Queen
CHAPTER 31: Stuck with you
CHAPTER 32: Flirtatious
CHAPTER 33: Combat Exercise
CHAPTER 34: Love Triangle?
CHAPTER 35: Birthday Party
CHAPTER 36: Drunk
CHAPTER 37: Confession
CHAPTER 38: Angry Bird
CHAPTER 39: Overnight Swimming
CHAPTER 40: End Game?
CHAPTER 41: Supremo
CHAPTER 42: Visitor
CHAPTER 43: Plan
CHAPTER 44: Saving the queen
EPILOGUE

CHAPTER 45: The End

812 27 4
Por mafioso_akio







Hindi ko alam kung ito ba ang oras para pag usapan ang tungkol sa kung anong feelings namin sa isat isa. Pero bakas ko sa mga mata niya ang paghihintay sa isasagot ko.

Malalim akong napabuntong hininga at tumango sa kaniya.

"Sinabi ko na diba? Gusto din kita."sagot ko.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nanatili siyang seryoso at tahimik lang.

"Kaya lang, hindi tayo pwede. Tulad ng sabi mo."

Napangisi ako sa narinig.

Nawala ang atensyon ko sa kaniya ng maramdaman kong muling nagpumiglas si Nicanor sa pagkakahawak ko. Inis kong pinilipit ang braso niya.

"Ahh! Fuck!"sigaw niya.

"Pakawalan mo na si Red. Kung ayaw mong baliin ko ang buto mo."banta ko.

Galit niya akong binalian ng tingin. Ang kanyang mga mata ay nanlilisik.

"Akala mo makakalabas kayo ng buhay dito? Hindi mangyayari yun?"

Napakunot noo ako.

"Anong ibig mong sabihin?"

Imbes na sumagot ay tinawanan lang ako ng Gago kaya pinilipit ko na naman ang braso niya.

"Sumagot ka!"iritado kong sigaw.

"Lahat kayo mamatay dito sa mansyon. Hinding hindi kayo makakaalis."

Bago pa ako makapagsalita ulit ay narinig ko ang boses ni Claud sa earpiece kong suot.

"Boss! Kailangan ninyo ng umalis dyan ngayon."

"Claud, anong nangyayari?"taka kong tanong.

Dama ako ang pagkabalisa ng boses niya sa kabilang linya.

"Katatawag lang ni Calix. May kung anong nasusunog sa unang palapag ng mansyon. At base sa kaniya. Mukhang sinadya ito."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at tumitig ulit kay Nicanor na ngayon ay humalakhak ng todo.

"Mamatay kayong lahat!"sigaw niya.

"Boss?"

Napailing ako.

"Claud, kontakin mo ulit sila at tanungin ang nangyayari sa baba. Sa ngayon napahiwalay ako sa kanila. Paki-check ang kalagayan nila. Lalo na ni Ace."

"Masusunod, Boss."

Nang mawala na siya sa kabilang linya ay agad kong sinipa sa sikmura si Nicanor kaya tumalsik siya palayo sa akin. Bago pa siya makatayo ay dali-dali ko siyang nilapitan at pilit itinayo. Sinuntok ko siya sa mukha ng ilang beses kaya sa ikalawang pagkakataon ay bumagsak siya sa sahig.

Balak ko pa sana siyang lapitan ng biglang akong matigilan dahil may kung anong sumabog mula sa unang palapag ng mansyon. Pakiramdam ko ay bahagyang lumindol. Tapos narinig ko na ang ilang sigawan mula sa labas. Nagmamadali akong dumungaw sa bintanang nasa malapit. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang ilang tauhan ni Nicanor na nagtatakbuhan palabas ng mansyon. May mangilan-ngilan din na mga kasamahan namin.

May na amoy din akong usok na mukhang nangagaling nga sa baba.

Nang ibaling ko ang tingin kay Nicanor ay nasa pinto na ito at nagbabalak lumabas. Nabuksan niya na nga ito at hahakbang nalang siya para makalabas.

"Saan ka pupunta, Ungas?"bulalas ko at mabilis na tumakbo palapit sa kaniya.

Bago pa siya makalabas ay hinablot ko ang damit niya. Natigilan siya at humarap sa akin. Inambahan niya ako ng suntok na agad kong naiwasan. Bilang ganti ay sinipa ko siya sa pinaka-iingatan niyang pagka-lalaki.

"Fuck!"malakas niyang pagmumura bago napayuko.

Kinuha ko ang ekstra kong baril sa bulsa ko ng Jacket ko bago tinutok sa kaniya. Nang saktong tumuwid siya ng tayo ay nanlaki ang mga mata niya sa hawak ko.

"Tigilan mo na ang pagmamatigas. Pakawalan mo na si Red."sabi ko.

Bumaling siya ng tingin kay Red at pinalisikan ito ng mga mata.

"Makaalis ka man sa poder ko. Mamamatay ka din Red Queen. Pagsisihan mo ang ginawa mong pagsuway sa akin."sabi nito.

Inis kong binaril ang binti niya dahilan para mapasigaw siya.

"Dami mong satsat. Pakawalan mo na sabi siya!"

Kanina pa ako naiinis sa taong ito. Ang daming pasikot sikot.

Hindi siya umimik. May kung ano siyang kinuha sa bulsa ng pantalon niya. Bahagya akong napangisi ng makitang susi ito. Ang kaso lang, napakaraming susi. Halos kinse yata ito.

Hinagis niya ito papunta sa akin na agad ko namang na salo.

"Iyan na. Binigay ko na ang gusto mo. Hayaan mo akong makaalis."

Tumango ako na siyang ikinatuwa niya. Paika-ika niya akong tinalikuran at nagsimula ng maglakad palapit sa pinto.

Tahimik kong tinutok ulit sa kaniya ang baril ko. Walang pasabing kinalabit ko ang gatilyo at ilang beses ko siyang pinaputukan.

Bang! Bang! Bang!

Diretsong humandusay sa sahig ang katawan ni Nicanor.

Inalis ko na ang tingin ko sa kaniya at mabilis na naglakad palapit sa kinaroroonan ni Red. Muli kong binulsa ang baril ko at mabusising tinignan ang mga susi kong hawak.

Anak ng tokwa.

Alin sa mga susi na ito ang susi ng hawlang pinagkulungan kay Red?

"Bahala na nga."mahina kong bulong.

Sinimulan ko ng isa-isahin ang mga susi sa kadenang bakal na nakapulupot sa pinto ng pinagkukulungan kay Red. Habang ginagawa ko yun ramdam ko ang seryosong pagtitig niya sa akin. Nanatili siyang nakatayo sa tapat ko at ang mga bakal na rehas na ito ang nagsisilbing harang sa pagitan naming dalawa.

Ilang beses akong napamura ng hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabuksan ang pinagkukulungan sa kaniya. Halos limang susi na nga ang sinubukan ko pero wala pa rin. Kasabay nun ay mas lalo kong naririnig ang ingay mula sa labas. Pati ang mga pagsabog na alam kong nagmumula sa baba. Bigla tuloy akong nag aalala sa mga kasama ko. Kung nandito din ang mga taga-Toshiyana Scorpion Hunters. Malamang anumang minuto ngayon ay papunta na sila sa silid na ito upang kunin si Red.

"Galit ka ba dahil pinatay ko siya?"naisip kong itanong.

Mabilis ko siyang sinulyapan.

"Hindi. Nauunawaan ko naman. Pero malungkot lang dahil tunay na magulang pa rin ang tingin ko sa kaniya."

Napatango nalang ako sa kaniyang sinagot at muli ng tinuon ang tingin sa ginagawa ko.

"Kung iwan mo nalang kayo ako dito."rinig kong sabi niya.

Hindi ko pinansin yun. Busy lang ako sa pag isa-isa nitong mga susi. Tangina kasing Nicanor ito. Magdadala lang na susi napakarami pa.

"Umalis ka na, Acel."

Nanatili akong tahimik at panay na ang mura dahil natataranta na ako.

"Alis na sabi. Hayaan mo na ako dito. Umalis na kayo."patuloy niyang sabi.

Bakas ko sa boses niya ang iritasyon sa akin pero wala akong pakialam dahil naiirita na rin ako.

"Acel, uma-"

"Shut up!"

Napatulala siya sa akin at nagulat sa ginawa kong pagsigaw.

"Tangina. Kailangan kong mag focus dito. Napaka-daldal mo. Gusto mong iwan kita dito? Kung pwede lang. Ginawa ko na at hindi na kita pinuntahan. Pero hindi diba? Bakit? Dahil malaki ang kasalanan mo sa akin na dapat mong pagbayaran. Alalahanin mong ikaw pa rin si Supremo. So, manahimik ka dyan ng mapakawalan kita."mahaba kong paglilitanya.

Napamura akong muli ng makitang maiiyak na siya.

"Tangina talaga."inis kong sabi.

"Minumura mo ko?"tanong niya na hindi ko alam kong seryoso o sadyang gusto niyang mang inis.

"Hindi ikaw. Sabi ko, ang tangina ko talaga."pagtatama ko.

Sa bwisit ko ay tinapon ko nalang sa sahig ang mga susi at dinukot sa bulsa ang baril ko.

"Lumayo ka ng kaunti."sabi ko.

Kahit mukha siyang ewan na maiiyak ay sinunod niya ang sinabi ko. Bahagya siyang umatras palayo. Tinutok ko ang baril sa padlock ng kaniyang pinagkukulungan. Ilang beses kong pinapatukan yun hanggang sa masira at malaglag sa sahig ang kadenang nakapulupot sa pinto.

Napangisi ako.

"Nonsense din pala ang mga susi ni Nicanor."sabi ko na tila may kausap.

Agad na akong naglakad papasok sa pinagkulungan kay Red. Mabilis kong kinalas ang lubid na nakagapos sa mga kamay niya. Nang mawala ito ay niyakap ko siya ng mahigpit na siyang ikinagulat niya. Pero bigla rin akong kumalas sa kaniya.

"Galit nga pala ako nakalimutan ko." Nakangiwi kong hinimas ang batok ko. Habang siya nakatitig lang sa akin.

Ilang segundo pa ay narinig ko na naman sa earpiece ang boses ni Claud.

"Boss lumabas na kayo dyan. Kasalukuyang nasusunog na ang mansyon."

Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya.

"What?"gulat kong naibulalas.

Sa pag uusap namin ay muli ko na namang na amoy na may nasusunog. Mukhang tama nga siya. May nagaganap ng kung ano dito sa mansyon.

"Ayon kay Calix. Halos karamihan sa mga miyembro ng Scorpion Onźe ay natalo na nila. Sila Boss Katashi ay nasa labas na kasama ang mga kapatid ni Miss Red Queen. Ngayon ay pilit nilang pinipigilan ang mga taga-Toshiyana na makalapit sa inyo. Mas mabuti kung makaalis na kayo agad dyan."

Napatango ako.

"Sige na. Lalabas na kami."sabi ko at tinitigan si Red.

"Kaya mo bang maglakad?"bigla kong tanong.

Tumango siya na siyang ikinailing ko. Kitang kita ng mga mata ko ang mga pasa at sugat sa braso niya. Dagdag pa dyan sa magkabila niyang pisngi.

"Tara na."pag aya ko at marahang hinablot ang isa niyang kamay.

Dali-dali kaming lumabas ng silid. Saktong paglabas namin ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang ilang parte ng mansyon na nasusunog na. At ang ilang bangkay na nagkalat sa sahig.

Naisip ko si Ace. Nasaan na kaya siya?

"Ace!"malakas kong tawag habang nagmamadali kami ni Red na bumaba ng hagdan.

Narinig ko pa ang ilang beses niyang pag-ubo dahil sa kumakapal na ang usok dito sa loob dahil na rin sa nagkalat na apoy sa paligid.

"Ace! Nasaan ka?"patuloy kong pagtawag sa Kambal ko.

Hanggang sa makababa kami sa second floor ay wala akong Ace na nakikita. Nang tumitig ako railings para tanawin kung anong nangyayari sa baba. Nakita ko ang ilan ko pang kasamahan na kasalukuyang nakikilaban sa mga taga-Toshiyana Scorpion Hunters.

Obvious na miyembro sila nun dahil sa pare-pareho nilang suot na tingin ko ay kanilang uniporme.

"Acel, lumabas na tayo."rinig kong sabi ni Red.

Binalingan ko siya ng tingin sabay iling.

"Hindi pwede. Dito ko iniwan si Ace kanina. Paano kung hindi pa siya nakakalabas?"

Hindi siya umimik kaya marahan ko siyang hinila para maglakad ulit at libutin itong second floor para hanapin si Ace. Habang mabilis kaming naglalakad ay palala ng palala ang apoy sa buong paligid kaya damang dama na namin ang init. Para na kaming nasa impyerno.

"Ace!"sigaw ko.

Napamura ako ng mahina ng hindi ko makita ang kambal ko.

"Acel, tara na. Baka nasa labas na siya!"sigaw ni Red sa akin.

Kahit nag aalangan ay tumango nalang ako. Pero alam kong hindi lalabas ng mansyon na ito si Ace hanggat hindi ako kasama.

Palapit na kami sa hagdan para sana bumaba ng may mga lalaking sumalubong sa amin. Agad kong hinila si Red para umatras sa mga ito. Huminto sila sa tapat namin. Sa aking mabilis na pagtansya ay sampu sila.

Naramdaman kong humigpit ang pagka-kapit ni Red sa kamay ko ng bigla kaming palibutan ng mga lalaking ito.

Base sa mga suot nilang damit na pare-pareho. Sila ay taga-Toshiyana Scorpion Hunters.

Hindi nga ako nagkamali dahil namataan ko na si Hetti ay kasalukuyang kasama nila.

"Long time no see, Mr.Warlord."nakangising bati nito.

Ngumiwi ako.

"Para kang aso. Sunod ka ng sunod."sabi ko.

Humalakhak siya na tila kontrabida sa isang pelikula.

"Natural na susunod ako kung saan kayo pumunta. May kailangan ako, eh."

Nagsalubong ang mga kilay ko ng makitang sinulyapan niya si Red sa tabi ko.

"Ibigay mo na sa amin ang babaeng yan."sabi niya.

Umiling ako.

"Sinabi ko na saiyo. Ang Top Famiglias ang magpapasya sa magiging kahihinatnan niya at hindi ang ahensya ninyo. Isa pa, ako ang unang nakakuha sa kaniya kaya sa Organisasyon namin siya mapupunta."giit ko.

Sumeryoso ang mukha ni Hetti na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Kunin ninyo yung babae. Ngayon na."utos niya sa kaniyang mga kasama.

Agad akong na alerto ng sabay-sabay sumugod sa amin ang mga kasama ni Hetti. Itutok ko palang ang baril ko ng mabilis ng makalapit sa akin ang isa sa kanila. Sinipa nito ang kamay ko kaya nabitiwan ko ang baril at tumalsik na sa kung saan. Dahil dun ay nabitiwan ko ang kamay ni Red.

"Red!"tawag ko sa kaniya.

"Kaya ko ang sarili ko!"sigaw niya pabalik sa akin.

Tumango lang ako at sabay na kaming nakipag-bugbugan sa mga kalaban. Magkakasunuran kaming sinusugod ng mga ito. Sipa dito, at suntok dyan. Puro pag ilag muna ang ginagawa ko dahil masyado silang marami.

Nang makakita ng pagkakataon ay na hablot ko ang braso ng isa at pinilipit ko ito kaya napasigaw siya. Kasabay nun ay ang pagsugod pa ng pangalawa. Ang ginawa ko ay sinipa ko siya sikmura kaya tumalsik siya palayo sa akin. Habang mas pinilipit ko pa ang braso nitong taong hawak-hawak ko. Nang masigurado kong nabitiwan ko na siya ay sinuntok ko na siya sa mukha. Agad din siyang tumalsik palayo.

Napamura ako ng may kung sinong sumipa sa akin mula sa likuran. Saktong pagharap ko ay naka-pwesto na ang kamao nito. Sa bilis ng paggalaw ko ay naka-iwas ako kaya lang may kalaban na namang isa kaya tuluyan akong nasuntok sa mukha.

Bigla akong nahilo. Hindi ko napigilang mapayuko.

"Acel!"rinig kong sigaw ni Red.

Mabilis akong tumuwid ng tayo. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang limang lalaki ang kasalukuyang pinagtutulungan siya ngayon.

"Tsk."inis kong sambit at agad tumakbo para lapitan siya.

Ngunit napahinto ako ng may tatlo pang lalaki ang humarang sa daranan ko. Magkakasabay nila akong sinugod. Puro suntok at sipa. Wala akong ginawa kung hindi dumepensa muna gamit ang dalawa kong braso na pinag-ekis ko para hindi matamaan ang mukha ko. Kaya lang ang tatlo kong kalaban ay nadagdagan pa ng dalawa kaya tuluyang na tibag ang depensa ko. Nagawa akong masuntok sa sikmura ng isa sa kanila. Dinagdagan pa yun ng sipa sa binti kaya diretso akong bumagsak sa sahig. Napamura nalang ako ng malakas.

Nang idilat ko ng maayos ang mga mata ko ay nakita ko sa tabi ang baril ko. Lihim akong napangisi. Tignan mo nga naman ang pagkakataon.

Ang mga kaninang kumalaban sa akin ay iniwanan na ako. Agad silang tumalikod at palapit na sa kanilang mga kasama.

"Acel!"

Sa ikalawang pagkakataon ay narinig ko ang pagtawag ni Red sa akin. Nataranta ako ng makitang pilit na siyang kinaladkad ng mga kasama ni Hetti. Mabilis kong dinampot ang baril ko at tumayo na.

"Red!"malakas kong sigaw.

Humarap sa akin ang mga kalaban. Bago pa sila makagawa ng kung anong aksyon laban sa akin. Pinaputukan ko na sila ng ilang beses.

Bang! Bang! Bang!

Kaya halos kalahati sa mga kasama ni Hetti ngayon ay nasa sahig na.

Napamura akong muli ng makitang wala na akong bala. Napansin ko si Hetti na may hawak ng baril. Itinutok niya ito sa akin.

"Huwag!"pagpigil ni Red na ngayon ay hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang braso.

Napangisi si Hetti. Akala ko kakalabitin niya na ang gatilyo pero hindi. Nagulat nalang ang lahat maging ako. Nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at ang nakita ko nalang na isa-isang nagbagsakan ang mga natitirang kasama ni Hetti. Tanging siya nalang ang natira at si Red.

Napangiti ako sa kinalagyan ng mga miyembro ng Toshiyana.

"Acel!"

Napakurap kurap ako ng makita si Ace na tumatakbo palapit sa akin. Kasama niya sila Calix at Nickson pati ang iba pa naming kasama.

Nang makalapit sa akin si Ace ay agad niyang sinuri ang itsura ko mula ulo hanggang paa.

"Ayos ka lang?"tanong niya.

Tumango ako.

"Hayup ka. Kanina pa kita hinahanap."sabi ko.

Bahagya siyang natawa at napakamot sa kaniyang kilay.

"Tinulungan ko sila Katashi na mailabas dito sa mansyon ang mga kapatid ni Red Queen."

Napatango nalang ako sa kaniyang dahilan.

"Bitiwan ninyo ko!"rinig kong sigaw ni Hetti.

Magkasabay kaming napalingon sa kaniya ni Ace. Kasalukuyan siyang hawak sa magkabilang braso ni Calix at Nickson.

"Dalhin sa sasakyan ang pakialamerang yan."utos ni Ace.

Nanlisik ang mga mata ni Hetti sa akin at sa Kambal ko.

"Anong gagawin ninyo sa akin?"tanong niya.

Nagkatitigan kami ni Ace. Ngumisi siya kay Hetti.

"Pupugutan kita ng ulo. Tapos hahatiin ko sa lima ang katawan mo. Masaya yun diba?"

Natawa si Calix at Nickson sa sinabi ni Ace. Habang si Hetti ay namilog ang mga mata at nagsimula ng magmura.

"Ilayo ninyo na sa amin ang babaeng yan. Bago pa ako mainis."panibagong utos ni Ace.

Magkasabay na tumango si Calix at Nickson bago nagmamadaling bumaba na ng hagdan. Sumunod sa kanila ang mga tauhan namin. Naiwan ako, si Red at si Ace.

"Tara na. Bago pa tayo maprito dito."pag aya ko.

Hinigit ko ang braso ni Red at nagsimula ng humakbang paalis. Pero bago pa kami makababa ng hagdan ay tinawag ako ni Ace.

"Bakit?"taka kong tanong.

Hindi siya sumagot. Nagulat ako ng hablutin niya ang kaliwang braso nito. Nabitiwan ko tuloy si Red.

"Ace."mariin kong tawag sa kaniya.

Seryoso ang mukha niya habang nakatitig kay Red.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang kasalanan mo kay Scarlet. Supremo ng Scorpion Onźe."

"H-hindi ko sinasadya. Sorry."mahinahong sambit ni Red.

Napangisi si Ace. Napailinga ko ng makitang mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapit kay Red.

Hindi ko masisisi si Ace. Alam kong malaki din ang kasalanan ni Red kay Scarlet lalo na at kasamahan niya ang taong gumahasa dito. Bukod pa dun, inutusan niya ang kaniyang mga tauhan na patayin ito.

Ang hindi ko lang alam ay kung totoong kagustuhan ni Red ang tungkol dun o utos lang ni Nicanor dahil dakila nga itong diktador.

"Fine. Tinatanggap ko ang sorry mo. Pero sana mag sorry ka din kay Scarlet. Lalo na dito kay Acel."

Pagkasabi niya nun ay binitiwan niya na si Red.

Tumango tango si Red na bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Okay. Lumabas na tayo. Masyado ng lumalaki ang apoy dito."sabi niya pa at na una ng bumaba ng hagdan.

Sinenyasan ko nalang si Red para sumunod kay Ace. Magkasabay na din kaming humakbang pababa ng hagdan.

Nang makarating sa unang palapag ng mansyon ay dali-dali na kaming lumabas ng pinto. Nabungaran namin sila Calix na naghihintay. Napansin kong palabas na ang araw sa kalangitan. Saktong pagdungaw ko sa wrist watch kong suot ay alas kwatro na ng umaga.

Nasa bungad na ng gate ang mga sasakyan namin.

"Kailangan na nating umalis dito. Anumang oras ay darating na ang mga pulis kasama ang mga bumbero."sabi ni Calix.

Tumango ako.

"Nasaan ang mga kapatid ko?"tanong ni Red.

"Nauna ng umalis para madala sila sa hospital. Dahil sa mga sugat na natamo nila. Kasama nila si Katashi at Miss Black."sagot ni Calix.

"Kamusta ang iba nating kasama? May namatay ba?"tanong ko naman.

"Halos lima din. Ang iba naman ay sugatan. Pinauna na din namin sila."sagot naman ni Nickson.

"Paano ang mga bangkay sa loob ng mansyon?"sabat ni Red.

"Ang mga pulis na ang bahala dyan. Kaya mas mabuting umalis na tayo bago pa may ibang grupo ang dumating at makialam."sagot ni Calix.

"Let's go."sabi ni Ace.

Agad na kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Si Calix na ang nagsilbing driver. Habang ang mga natitirang tauhan na kasama namin ay nakasakay naman sa isa pang Van na kasama si Hetti.









_________________________







Seguir leyendo

También te gustarán

8.3K 765 54
Isa siyang hari na mayaman pero kuripot. Isang siyang hari na matalino pero slow sa usapan. Isa siyang hari na gusto ang larong patayan pero laging t...
1.7K 80 53
From the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. After the Goddess Zuleika saved Razzo fro...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...