What Would It Be? (COMPLETED)

By jossmstr

1.1K 0 0

Without rain, nothing grows. Stefan Raval is the man who just wanted to be the one that he always wanted to b... More

What Would It Be?
dedication
#0
#1
#2
#3
#4
#5
#6
#7
#8
#9
#10
#11
#12
#13
#14
#15
#16
#17
#18
#19
#20
#21
#22
#24
#25
#26
#27
#28
#29
#30
#31
#32
#33
#34
#35
#36
#37
#38
#39
#40
#41
#42
#43
#44
#45
Final Chapter
Final Chapter (Part Two)
Final Chapter (Last Part)
SURPRISE!
Special Chapter
Special Chapter (Last Part)
Notes

#23

17 0 0
By jossmstr

#WhatWouldItBe

09127******: Stefan, si Hera 'to. Pwede ba tayong magkita? Usap?

"Who is that?"

Mabilis kong binaliktad ang telepono nang magsalita si Von. We're taking our dinner for tonight when I received that text.

Bigla akong nakaramdam ng takot. "Ah. Si mama lang.."

Hindi ko puwedeng sabihin na si Hera 'yun, hindi pwede na nagtext sa akin bigla ang manager ni Trent dahil alam ko, alam niya where this would go.

Kung o-oo ako sa sinabi niya.

"Talaga?" he gulped at his water. "Dapat sinagot mo, bakit mo binaliktad?"

Umiling ako. "Wala lang naman, nangumusta at nagtanong kung kailan na magsstart ang susunod na taon."

Laking pasasalamat ko na hindi na siya nagtanong pa. Pagkatapos namin kumain, naglibot lang kami saglit hanggang mapagpasyahan namin na umuwi na.

"See you tomorrow?" he says while I'm unbuckling my seatbelt.

"Okay.." ngiti ko at mabilis na kinuha ang mga gamit.

Bago pa ako makababa, he pulled me closer so he can kiss me. Again. "You tastes like milktea," tawa niya.

I pulled his hair for that. But instead of saying anything, kumaway na lang ako at mabilis na bumaba.

Pinanood ko muna na mawala siya sa paningin bago tumakbo sa loob ng kuwarto. Binagsak ko sa sahig ang mga pinamili.

I quickly dialed Hera's unknown number and waited for her to answer. Hindi ko rin alam kung bakit pero pakiramdam ko.. kailangan ko.

Dapat hindi. She has connection with Trent and this is the first time she talked or come for me after her alaga broke up with me.

Kaya nakakapagtaka rin.

"Hello, Stefan? Nandiyan ka ba?"

"Yes.. I'm here.." mas lalong sumandal ako sa pintuan. "What I should do? Napa text ka.."

Gusto kong magsaya dahil nagkausap kami uli. The last time we talked was pure happiness. Nagkasundo kami kaagad, without knowing it'd be the last time for us.

Ayoko nang balikan ang nakaraan. Nakakasawa na.

"Puwede ka bang pumunta rito? Sa bahay?"

Napalunok ako, "N-ngayon na?"

"Please?" naghihintay ako ng susunod niyang sasabihin pero isang malakas na pagbasag ang umalingawngaw sa kabilang linya hanggang mamatay iyon.

She didn't say where I should go, pero mukhang sa dati pa rin naman siya nakatira? Kaya agad din akong nagpalit ng damit, baka kasi nandiyan pa si Von kaya kailangan.

Agad akong sumakay ng tricycle habang nakasuot ng cap kahit na wala naman na ang araw sa kalangitan. Nag mask na lang ako kaysa salamin dahil baka magtaka na ang mga tao kapag sobrang tago na ng mukha ko.

Nang mapansin ko na nasa mga pamilyar na kabahayan na kami, nagpatigil kami sa kulay pula na bahay. Nagbayad ako kaagad at hindi na kumatok sa gate, deretso na ako hanggang makita ko ang loob ng bahay ni Hera.

Bago pa ako makapagsalita at magtanong kung bakit ang daming basag na mga bote ng alak sa sahig, sinalubong na niya ako ng yakap.

Sa sobrang lakas ng pwersa niya ay muntikan na akong mawalan ng balanse. "Salamat... Thank you at nagpunta ka!"

Binaba niya ang mask ko, doon niya napansin na nakaawang pa rin ang labi ko. "Akala ko.. akala ko hindi ka pupunta.."

"B-bakit? Ano.. bang nangyari?"

I don't know if Hera is some kind of alcoholic but she doesn't smell like a liquor or what. Puno lang ng luha at pawis ang mukha niya.

"Si Trent... kanina pa nagwawala.." lumayo siya sa akin. "Sorry kung tinext kita.. Alam ko wala na akong karapatan, he broke your heart before pero wala na akong matawagan na iba para pakalmahin siya.."

"Bakit ako?"

"Kasi ikaw lang ang natirang paraan, Stefan.."

Mariin akong umiling. Hindi ko maintindihan. "Saglit lang, Hera. Matagal na kaming wala, alam mo 'yun hindi ba? At bakit niyo pa ako hinihila pabalik sa mga buhay niyo? Sa buhay niya?"

What happened from the last time was not big, hindi kami nabalita or what pero nag-away kami ng Von after going home. Sa dami ng sinabi namin sa isa't-isa, hindi ko na matandaan kung ano ang pinag-awayan namin.

Pero si Trent ang pinaka dahilan.

"Hera, I don't want to get mad at you kasi... it was only Trent who hurt me before, wala kang kinalaman but... this is obviously not right.."

"I know.." she sobs. "Alam ko.."

"You know it then why are you guys still pushing your life in my quiet life now? At dapat ang girlfriend niya ang tinawagan mo! Hindi ex niya!"

Gumuhit ang gulat at pagkagulo sa mukha niya. "G-girlfrien? Stefan, anong girlfrien—"

"Tiffany," that tastes bitter in my mouth. "Girlfriend na siya ni Trent, hindi ba? Dapat siya ang tinawagan mo! Hindi ako! Kasi nananahimik na ako! Ang puso ko!"

Okay na ako, e.. Naging okay na ako after ko matanggap na gago talaga si Trent at siya ang isa sa pinaka gagong nakilala ko. Natanggap ko na ang akala ko akin na, hindi naman na pala.

Kampante na ako sa pag-aaral ko, I'm okay with Von, I'm getting better tapos isang pitik lang, nagugulo na naman!

Can't they let me fix my fucking life now?!

Ano bang mahirap sa hayaan na maging masaya naman na ako ngayon? Uli?

Hindi na siya nagsalita pa. Patuloy lang ang pag-agos ng luha sa pisngi niya. "I'm sorry.. I couldn't do this."

Tumaliko na ako at nagsimula na maglakad palabas ng bakuran nila. Pero bago pa ako makahakbang palabas ng gate, "Walang girlfriend si Trent, Stefan. Hindi siya tumingin sa iba kahit na wala na kayo."

Did she purposely do that to make me face her again? To entice me? "Kalokohan!" nagpatuloy ako sa paghakbang.

"Huling pabor ko na 'to, Stefan. Please! Just one favor... pakibantayan siya at kung pwede, kausapin mo siya at tapusin niyo na lahat."

I halted. "Huling pagkakataon na, kapag pumayag ka, hindi na kita guguluhin pa. Hindi ko na hahayaan na makalapit pa si Trent sa'yo, pangako."

Humarap ako sa kaniya. "I don't believe you.."

"Then let yourself believe me for the last time, Stefan." lumapit siya at hinigit ako uli sa yakap. "Parang awa mo na... pangako, hindi ka na guguluhin ng alaga ko kapag nanatili ka hanggang sumikat ang araw... please.."

"Nakikiusap ako.. para matapos na.. para maging masaya ka na.. para maging masaya na rin siya.."

***

"Matutulog na ako.." mahina kong sabi sa tawag. "Matulog ka na rin."

Humalakhak si Von sa kabilang linya. "See you tomorrow.."

"Oo na.. Sige na, drop the call so I can sleep already."

He muttered I love you before hanging up. Ha. I feel bad for lying to him. "Stefan,"

Mabilis kong hinanap ang nagsalita. "Nandito na 'ung lugaw. Mabuti naabutan ko pa sila dahil pasara na sila,"

Tinago ko kaagad ang phone sabay kuha ng dalawang mangkok sa tray. "Why two?"

She shrugs, alam ko na. "May gamit siya sa baba, kailangan mo ba?"

Tumango ako. "Kailangan niya magpalit, pawisan siya."

"Sige, punta ka na roon at nandiyan na ang gamot. Isusunod ko na lang ang damit kaagad." hinawakan niya ang braso ko.

Ngiti lang ang sagot ko saka pumasok sa kuwarto kung nasaan si Trent. From here, tulog mantika pa rin si Trent.

Nilapag ko sa tabing table ang pagkain at tiningnan ang damit niya. One last time, Stefan. This will be the last time so swallow your fucking pride.

Mas lalong nabasa ang damit niya, naka-aircon naman ang kuwarto pero pawisan pa rin siya.

Ilang saglit lang ay pumasok na naman si Hera, offering the clothes of Trent to me. "Thank you.."

Hinuli niya ang kamay ko. "Ako dapat nagtha-thank you.."

Ayoko na uli kami magkausap kaya tango na lang ang sagot ko. Nawala rin naman siya kaya dahan-dahan kong ginising ang natutulog.

Kilala ko pa rin naman si Trent. Hindi 'yan maiinis kapag gigisingin siya na may mahalagang gagawin. Ngayon, I need to change his shirt kasi naliligo na siya sa pawis.

"Hey.. wake up. Magpalit ka ng damit.."

He groaned on the bed before opening his eyes. "Iwan mo na ako, Hera.." sabay talikod.

"Hindi ako si Hera so bangon at magpalit ka ng damit," irita kong sabi.

Bigla siyang napabalik ng tingin, but now, wide eyes at mabilis naupo para tingnan talaga ako.

"Quit staring," tinampal ko ang pisngi niya at hinanap ang hem ng shirt niya.

"What are you doing.. here?" amoy-alak niyang tanong.

"Not important... remove your shirt o ako mag-aalis?"

One swift move, nakaalis na iyon kaagad. Napalunok ako nang makita ang tattoo niya. But what surprised me was the one from it. May bago uli siyang Kanji na tattoo.

The last time I've seen him topless, wala ang isang 'yun. He got a new one?

"Gusto mo malaman anong ibig sabihin?" tinuro niya ang kanina ko pa pala tinititigan.

Mabilis akong umiling at inabot sa kaniya ang damit. "Put it on and eat, hindi ka pwedeng matulog na lasing at walang laman ang sikmura.."

Tumayo ako at kinuha ang isang mangkok. Kitang-kita ko na nakabagsak na ang balikat niya, na para bang naiiyak na siya dahil hindi ko gustong marinig ang sasabihin niya.

Hindi ko na lang pinansin. "Eat, so you can take your med and I can go home already."

"Aalis ka kaagad?"

"This is not my home, so why would I stay?"

He gulped. He's still the same Trent from before. But things are different now. Kung dati ay guwapo lang ang tingin ko sa kaniya, now was, guwapo pero sobrang gago.

"Lasing ka lang pero hindi ka bingi, I said eat." kailangan ko pa mag spoon feed sa kaniya? Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

Tinuro niya ang isa, "Kain ka rin."

"Busog ako."

"Sige na please?"

"And why would I follow you?"

"Gusto ko lang naman na kumain ka rin, para hindi awkward na ako lang ang kumakain."

"Well, for me, hindi awkward so just eat the damn porridge so you can take meds and I can go home now!" hindi ko na napigilan ang mapasigaw.

He looks terrified after, "Why are you angry?"

"Why are you acting stupid?" balik ko.

Natawa siya at hinalo ang spring onions sa lugaw. "Nagbago ka na nga talaga.."

"People tend to change, baka lang hindi mo na alam."

Umalis ako sa bed niya dahil malakas ang pakiramdam ko na ibuhos ko lang sa kaniya ang kinakain niya. Kumain lang ang dapat gawin, hindi pa magawa!

Naupo ako sa isang upuan na malayo sa kaniya, "Talaga? O baka kasi dahil sa boyfriend mo?"

"Pardon?"

"Wala.." umiling siya at nagpatuloy sa pagkain. "Only if you let yourself really hear me.. wala sanang problema."

"What?! You have something to say? Say it to my face,"

"Wala.."

"Wala? Yet you kept blubbering words there, saying nasty things about me and Von?"

"So may pangalan siya?"

"Ano bang pakialam mo?"

"Wala.."

"Wala naman pala e so just eat it at manahimik ka na. Mas maganda pa.."

This is... different. Dati, hindi kami nagtataasan ng boses kahit na minsan may misunderstanding kami.

Tapos ngayong... talagang may mga bagay na hindi magsstay, 'no?

"Tapos na. Akin na gamot ko, girlfriend ni Von." kung tama ako, umirap pa siya habang nilahad sa akin ang mangkok.

"Anong sabi mo?"

"'Yung gamot kak—"

"Hindi, the last one." binagsak ko ang mangkok. Walang paki kung nabasag man. "Why do you keep mentioning Von here?"

"Was I?"

"Stop acting stupid!" sigaw ko. "Please lang, ayoko na ng gulo pero gusto mo pa ng gulo! May hindi ka pa ba nagagawa sa akin? Hindi pa ba sapat na sinaktan mo ako? Kaya ka ganito?!"

"Anong ganito?"

"Oh fuck you Redido! Fuck you to the moom and back! You see, sobrang worthelss ng dahilan kung bakit nandito ako! Ano pa bang pakialam ko kung malasing ka?!"

"Tinanggalan mo na ako ng karapatan noon kaya bakit nandito pa ako? Alam mo Trent? Hindi ka naman gago dati pero sobrang gago mo na.."

Kinuha ko ang bumagsak na panyo ko at nagsimula magmartsa palabas. "Gusto ko lang naman pakinggan mo ako, Stefan! Just listen to me and we're done! Ano bang mahirap doon?!"

Natawa ako. Was he asking me to listen to him again? "Makinig?" hinarap ko siya. "Have you forgotten already? The last time I let myself listen to you was you broke me in half. Especially my heart."

He pursed his lips, "So bakit ko hahayaan uli na makinig sa'yo when all I can remember was how you made me feel small before?!"

"I need to.." mahina niyang sabi. "I need to break you to save you.."

"A-ano?"

Tinapik niya ang kaninang inupuan ko. "Pagod na ako sumigaw. Pagod ka na rin. Just.. listen please... Do I need to kneel?"

"Anong sabi mo?" I ignored what he said a while ago. Ang gusto kong marinig ay 'ung kanina niyang nabanggit.

"I won't sit on that until you tell me what did you just say,"

"Kaya nga maupo ka at sasabihin ko."

Sumunod ang katawan ko at naupo sa harapan niya. "What did you just say?"

"I need to.." there's a faint smile on his face. "Kailangan ko na saktan ka para isalba ka.."

"W-what?"

He sighed and wiped his tears. "Sobrang cliché ng kuwento natin noon, Stefan. Gusto lang naman kitang mahalin pero ang daming hadlang..."

"H-hindi kita maintindihan.."

"Kasi hindi mo hinahayaan sarili mo na intindihin ako.."

"Woah, after what you did? Umasa ka pa na kakausapin kita?"

"Puwede rin. Pero makikinig ka lang naman sa sasabihin ko, e..."

Hindi na ako nagsalita. Hindi talaga siya magpapatalo.

"Naalala mo noong umuwi tayo galing Isabela? Noong sandali akong umuwi para kumuha sana ng damit ko?"

Tumango ako. Paano ko naman makakalimutan 'yon? "Nakasalubong ko si mama mo.. Si tita.. Siyempre, binati ko siya.."

Umawalang ang bibig ko. What? Hindi nabanggit sa akin ni mama iyon! "Sinabi ko na ako boyfriend mo.. na hinihintay mo siya sa kuwarto.. Tapos 'ung sumunod na nangyari..."

"What?" kinuha ko ang kamay niya. Only to feel it trembling so bad.

"She slapped me. For saying na I was your boyfriend. For lying to her kasi alam niya na wala ka raw boyfriend kaya bakit biglang may magpapakilala sa kaniya as her son's boyfriend.." mapait siyang ngumiti.

Bumagsak ang mundo ko sa narinig. Mama... did that to him? Bakit?

"Tapos umalis na siya. Hindi ko sinabi kasi ayokong dagdagan ang iniisip mo noon.."

"Why?"

"Anong why? Sabi ko nga ayaw kit—"

"Why you didn't explain yourself to her?"

"Para saan?"

"Na boyfriend kita!"

"She left immediately. Pero okay lang kasi mas masakit iyong nangyari noong libing ni Tito Israel.."

"Trent.." parang hindi ko kakayanin ang maririnig. "Huwag mo na lang sabihin, please.."

"Bakit? The truth will set you free. Pwede ring it might set us free already. Masaya ka na, dapat masaya na rin ako."

Umiling ako. Hindi maintindihan. "She talked to me and said na iwan kita dahil baka maging sagabal lang ako sa pag-a-abogado mo."

"Wala ka pang naging nobya or nobyo noong nag-aaral ka kaya natakot siya na baka... na baka maging dahilan ako para hindi ka magtapos.. na baka hindi ka maging abogado kagaya ng kagustuhan mo.."

Para akong sinasaksak sa dibdib.

Paulit-ulit.

"Tapos.. noong natapos kayo nag-usap ni Tito Israel?"

"Ano na naman 'yan?" panic kong tanong.

He wiped the tears away, "Just listen, okay?"

"Sinabi ko na rin na ikaw 'ung sinasabi kong mahal na mahal ko. And he did what your mom did to me. He punched me so bad that it escaped your eyes since umalis ka nga noon.."

"Oh God, Trent, if you're just creating stories to win me back, stop.."

"Alam ng Diyos kung gaano ko gustong bumalik sa'yo.. pero tama na 'yung mga kasalanan na nasabi ko noon. Hindi mo deserve... Hindi mo deserve makaring ng mga kasinungalingan na pwede kong masabi."

"So is that the reason you broke up with us? Because my parents told you so?" I stood up from sitting.

I couldn't believe anything I'm hearing. Pakiramdam ko bingi na ako at sarili ko lang gumagawa ng mga naririnig ngayon.

"Yeah... And I do want you to excel Law school kaya kailangan ko.."

"Wow... Do you think breaking my heart will motivate me to continue? Kung alam mo lang kung gaano ako nabaliw noon!"

Lahat-lahat ng nagawa ko, bumalik. Si Nale ang nandoon habang nagwawala ako dahil sa ginawa niya sa akin. Ilang beses kong kinain ang mga sinabi niya, para matapos na ako sa kaniya.

Only to know that those are lies and all this time.. he never wanted me to go?

"Hindi ko rin alam.. But you're done with first year naman na... so it's a good thing.." palakpak niya sa harapan ko.

Wow. Wow lang.

"What about the notes? Ikaw ba talaga nagbibigay sa akin noon?"

"Yes.."

"Saan mo kinukuha?"

"Akala ko ba alam mo na?"

"Yeah, right. But why are you doing that?"

"I told you, I want you to excel."

"You want me to excel in school but you made me let you go."

"I had to.."

Natahimik kaming dalawa. Prinoproseso ko pa ang mga narinig. Mabuti na lang ay wala pa kaming pasok, dahil sigurado na sasabog na ang ulo ko kapag nagbasa na ako ng mga batas.

"Kuwento ko lang.." tinapik niya ang inupuan ko. "Bakit ka ba tayo nang tayo? Upo ka please.."

Inirapan ko siya at bumalik. "Muntikan na akong sumali ng frat mismo, para makakuha ng mga binigay ko,"

"What?!"

"Calm down, hindi natuloy, hindi ba? Pero totoo.. muntikan na. Kasi wala naman akong alam sa ginagawa mo kaya anong pwede kong gawin? Kumapit sa mga may paraan para tulungan ka.."

"Tapos nalaman 'un ng kaibigan ko, then he just offered me the notes he had before.. I wanna know what would happen if natuloy ang paddling sa akin..." tawa niya.

"You'll be dead.."

"Grabe ka naman.."

"I'm saying the truth," umirap ako. "Malakas ka lang sa mga salita mo pero 'yang katawan mo? Hindi.."

"You still know me, huh?"

"Duh? How am I supposed to forget the guy who broke my heart for the first time?"

Natahimik siya pagkatapos kong sabihin iyon. Parang nagdim ang paligid at hindi ko mapigilan na makaramdam ng pag-iisa.

"I-is that all?"

"Huh?"

"Are you done talking?"

"Do you want me to continue?"

"Fuck you, tell it to me so I can go home already.."

Ngumuso siya. "Uwi ka kaagad?"

"Why? Do you want me to fly to Mars ater hearing your side?"

"Ang sakit mo naman magsalita.." hinawakan niya ang bandang puso niya. Gago talaga 'to, hindi pa rin sinuot ang damit.

"Just tell it to me so I can shut up and you can, too."

"Wala na.." tumawa siya. "Sige na.. uwi ka na.. uwi ka na sa boyfriend mo.."

Sinamaan ko siya ng tingin. There's no way that he's jealous or what. Tapos na kaming dalawa.

"He's not my boyfriend," tumayo ako.

"Talaga? I just saw you both yesterday. He kissed you in the part that I once owned before," nginuso niya ang labi ko.

Nag-init na ang pisngi ko. "Oh, don't be sorry. Binigyan kita ng dahilan para maghanap ng iba.. kasalanan ko naman.."

Hindi ko alam kung bakit ako biglang napailing. "Don't say that,"

"Why not. I gave you so many reasons to find a better guy, kaya dapat wala na akong salita. Pinakawalan na kita, e. Bakit pa ako eepal kung doon ka masaya?"

"Sino naman nagsabi sa'yo na masaya ako sa iba?"

Kumunot ang noo niya. "Uwi ka na. Nagsisinungaling ka na, e."

"Tell me who's saying I'm lying?" lumapit ako uli sa kaniya. But now, closer. "Mas magaling pa siya kaysa sa akin?"

"I don't know... Si Lord nagsabi sa akin.."

Inirapan ko siya at tumayo muli. Nagsimula akong kumain sa lugaw. "But.. are you happy with him?"

"Whom?"

"Von, iyong sinasabi mo at humila sa'yo the last time."

"Of course, he's my friend from school. Kasama ko siya lagi so there's no way I shouldn't feel happy.."

"Don't deny it. He's you're boyfriend,"

"Bakit ba mas magaling ka sa akin?"

"Magaling lang ako mag-distinguish ng mga bagay.."

Umirap ako. "Bahala ka. Believe what you wanted to believe,"

"Sigurado ka?" ngumiwi siya. Tumambol ang puso ko. That smile.. that's the smile I used to see and kiss.

Kumunot lang noo ko.

"So if I want to believe na you're still into me, I can?"

"Bahala ka.. Buhay mo naman 'yan..."

"You won't get mad?"

"Bahala ka.."

"Si Von? Magagalit boyfriend mo.."

"For the twenty seventh time, Redido, hindi ko nga siya boyfriend!"

"Hindi ko rin girlfriend si Tiffany, so quits na tayo."

"Pakialam ko sa inyo?"

"Narinig ko kayo kanina, binabanggit mo si Tiffany.."

"It's because I thought girlfriend mo siya at dapat siya ang tinawagan ng manager mo kaysa sa ex mo!"

"What made you think na girlfriend ko siya?"

"Why are you curious?"

"Masama?"

"No. But I just know. Magkasama na kayo after natin magbreak. She probably spread her legs so you can calm down for a minute, right?"

Bumulusok ang tawa sa kaniya. Na paea bang hindi niya ine-expect ang sinabi ko. "You're a liar. You said you don't do girls anymore and now you just proved you fucked another vagina?"

"Your mouth!"

"Nasa demokratikong bansa tayo, I can say whatever the hell I want,"

"Grabe ka!" binato niya sa akin ang unan niya! Muntikan tuloy mabasag ang mangkok!

"But I don't care, gawin mo na lahat ng gusto mo. Walang ako na pipigil sa'yo.."

"I don't really do girls anymore, Stefan. She's just my co-star kaya magkasama talaga kami. And I didn't fucked her, never once."

"Kunwari naniniwala ako,"

Sinamaan niya ako ng tingin. "And who told you being out in your life was good to me?"

"Dunno.."

"Mas gusto ko pa na may nagpipigil sa akin kasi kahit hindi ko kunin, nandiyan ka. Unlike the one you said, I might get the item but I lose you.."

Hindi na ako sumagot. Natapos na rin ako kumain at uminom ng tubig. Inayos ko sa tray ang pinagkainan. "Uwi ka na?"

"Puwede rin.."

"Huwag muna.."

"Kanina pinapaalis mo ako, ngayon, ayaw mo na.."

"Kasi hindi mo pa nakikita painting ko," may tinuro siya mula sa malayo. Only to see a painting above the cabinet.

"Can you get it for me?"

Mabilis ko iyon kinuha at hindi makita ang loob. "Sige, I'll let you go home and forget me for the rest of your life but can you at least bring this with you?"

Bumagsal ang panga mo. It's a portrait of myself. It's really me! "Maganda?"

"You did this?"

"Sino pa ba?"

"Can I look at it again?"

"Sure.." dahan-dahan ko na kinuha iyon. Para akong nananalamin sa sobrang pareho ng pagkakagawa niya.

Mas makulay nga lang 'to. "Can you, at least?"

"What?"

"Bago mo ako kalimutan, puwede iyan na lang iwan ko sa'yo? Please, Stefan?"

Nawala ang saya sa puso ko. "I know forgetting me completely is absurd and impossible to happen but.. pretty please? Mapapanatag ako kapag tinanggap mo 'yan."

"Why are you sounding lile you're ready to pass away?"

"I already did. Ever since I left you before,"

Hindi ako sumagot. His eyes pulled out the words in my mouth and mind.

"Stefan, baby, I always miss the things we had. I will always cherish the short time I had with you. Maybe our film was really a short one, but remember that I still and will always love you even after I changed your mind about me."

Nanginginig na ang labi ko. "Forget me, but not the things we had."

"Forget me, but not the love I gave to you. You were the best thing that ever happened in me and in this world. And I'm so glad I loved you. That you let me love you."

"Sapat na sa akin 'yun, Stefan. Sapat na sa akin na hinayaan mo akong mahalin ka. Sapat na sa akin na minahal mo ako kahit saglit lang."

"May this love will never be forgotten. I will never ever forget you, baby... Never ever."

Continue Reading

You'll Also Like

28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
9.9M 501K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...