Shadows Of A Silverharth [COM...

נכתב על ידי hiddenthirteen

1.6M 63.5K 8.4K

Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, sh... עוד

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 71: The Coronation Day

10.7K 479 61
נכתב על ידי hiddenthirteen

Rathro's POV

Sa wakas. Araw na para makamit ko ang bagay na matagal ko nang pinangarap, ang maging hari ng Archania.

Kasalukuyan akong binibihisan ng mga maid. Maingat nilang sinuklob sa akin ang puting royal mantle na parang kapa ngunit sumasayad hanggang sa sahig. Sa may bandang dibdib at balikat nito ay may mga linya ng ginto.

Tumunog ang kampana ng palasyo na siguradong maririnig ng buong mamamayan ng Archania, tinatawag ang kanilang presensiya na dumalo para sa engrandeng araw na ito. Pinikit ko ang aking mata upang damhin ang tunog nito. Weird pero para sa pandinig ko ay para itong musika, musika tanda na nasa kamay ko na ang aking pangarap.

Hindi ko namalayang tapos na pala akong bihisan at nasa likuran ko naghihintay ang tatlong maid. "Pwede na kayong umalis," pahintulot ko. Pag-alis nila ay saka ako humarap sa salamin. Tinitigan ko ang aking repleksiyon mula paa hanggang ulo. The royal mantle above the white suit and pants was really made for me. It perfectly fits. Wearing this royal attire makes me feel like I'm a real king. No, I am a real king. I will be, sooner.

Lumabas ako ng kwarto at napagdesisyunang pumunta sa underground hall ng kastilyo. Dumaan ako sa isang medyo madilim na hallway. Tanging mga kandila lamang sa magkabilang gilid na parte ng sahig ang nagbibigay ng kaunting liwanag. Narating ko ang dulo ng hallway. May isang lumang pinto na siyang kaagad kong binuksan. Mula sa pinto ay nakita ko ang mga taong gusto kong makasaksi sa koronasyon ko. Sila ang mga taong hindi naniwala sa akin na kaya kong marating ang posisyong ito. Sila ang rason sa lahat ng ito, kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito.

Naglakad ako palapit sa kanila. I am on a stage kaya kailangang bahagya kong ibaba ang aking paningin upang makita ko ang pamilyar nilang mga mukha. Si mama, si papa, si Zexus at ang mga dating opisyal ng Archania. Sila ang una kong napansin dahil sila ang nasa harapan ng mahigit isaang-daang katao na narito.

"Open your eyes now," utos ko saka namang sabay-sabay na pagbukas ng kanilang mga mata.

Hindi sila gagalaw kapag wala akoong inutos, because they are all dead. They died hundreds of years ago. Binuhay ko sila upang masaksihan nila kung sino na ako ngayon. Gusto kong makita nila na ang taong tinawanan at inapi nila noon dahil sa kawalan nito ng kapangyarihan ay siya na'ng pinakamakapangyarihan ngayon.

"Tingnan niyo ang suot ko," dumagundong ang boses ko sa buong underground hall. "Suot ko ang kasuotang inaasam ng lahat. Ma, Pa, 'di ba sabi niyo hindi babagay sa akin ang damit na'to? Kasi hindi ako pinanganak para maging isang hari?Tingnan n'yo, oh, bagay na bagay sa'kin."

Umaasa akong sasagutin nila ako. Hindi ko namalayang may tumulo na palang butil ng tubig sa mga mata ko. Sandali, 'di ba dapat masaya ako kasi makukuha ko na ang gusto ko? Kasi napatunayan ko nang mali sila at tama ako? Ba't parang may kulang pa rin? Bakit parang hindi pa rin sapat?

Muli kong pinukaw ang paningin ko sa kanila. Ngayon ko lang napagtanto, na kahit anong gawin kong pagpapatunay ay wala pa rin itong halaga. They are not the ones who underestimated me. Maybe partly yes, but they are now just my summons.

Nababaliw na ako hahahaha! Kinakausap ko ang mga summons ko na alam kong hindi sasagot. "Nababaliw na nga talaga ako. Argggggghhhhhh!" Nagpalabas ako ng malaking dark energy blade na lumamon sa kanilang lahat. Sumabog ang mga katawan nilang kaagad naging abo.

Nilisan ko ang underground hall nang mabigat ang kalooban. Bumalik na ako sa ikalimang palapag ng kastilyo upang panooring magsidatingan ang mga bisita.

Bigla na lamang naghiyawan ang mga tao kaya napasilip ako sa bintana. Kaya pala, the royalties are coming.

"Desidido nga talaga silang patayin ka," that was Alvar's voice which I heard out of nowhere. Hinanap ng paningin ko kung nasa'n siya at natagpuan ko sa kabilang bintana, limang metro mula sa akin.

"What do you mean?" tanong ko.

"Naalala mo ang sinabi ko sa'yo kahapon?" sagot niya. "Look at what's hidden behind their royal robes," aniya.

Tiningnan ko ng maigi ang suot ng mga royals and I saw armors behind their gorgeous outfits. "Tsss, they're going to kill me? As if they can."

"So what do you plan to do now?"  Muling tanong ni Alvar.

"I will give them the battle that they expect," bulong ko sa hangin.

***

Ester's POV

"Kailangan ko ba talagang isuot ito?" nakabusangot na pagrereklamo nina Heaven at Hydra. Sabay nilang binanggit ang mga katagang iyon pero magkaiba ang kanilang tinutukoy.

"Kailangan ko ba talagang isuot ang royal dress na 'to? Sobrang bigat sa katawan. Mas mabuti pang nag-casual attire na lang ako," pagrereklamo ni Hydra habang hinahawing ang royal blue niyang gown na sumasayad sa sementadong pathway.

"Alam mo couz, akala ko magkasundo tayo sa oras na 'to. Ano, nagrereklamo ka sa suot nating royal gown? 'Di ba dapat nagrereklamo tayo sa suot nating armor? Ambigat kaya! 'Di man lang ako makapagrampa ng maayos," pag-iinarte ni Heaven na tila uod na ginagalaw ang katawan, inaayos ang armor niyang suot na nakatago sa kaniyang silver royal gown.

"Ester, ayos ka lang? Kanina ka pa yata tahimik? 'Di ka pa komportable sa suot mo," magkasunod na tanong ni Finnix. He used a tone na tila siya ang 'di komportable, 'di mapalagay.

"I'm fine, Finnix, don't worry. Ayos lang ako sa suot ko," malumanay kong tugon at lumapit sa kaniya para ayusin ang itim niyang necktie na bumabagay sa suot niyang maroon suit, black slacks at brown leather shoes.

Prinsesa nga talaga ang mga kaibigan ko at prinsipe naman ang kasintahan ko. They emit the aura of being pincesses and a prince dahil sa magagarang suot nila. Ibang-iba sa suot ko na itim na leather jacket, itim na shiny pants at itim na boots. Hindi sa dadalo ako ng lamay pero ako ngayon ang kunwaring guwardiya ng tatlo. A black hat also covers my face para hindi ako makilala ng mga kawal ni Rathro.

"Heaven! Hydra! Ester!" rinig naming sigaw mula sa gate. It was Crystal at nasa likod niya si Ten at Winwin. Tumakbo sila papalapit sa'min hindi alintana ang napakapormal na kasuotan nila.

"Kamusta ang lakad n'yo?" tanong ni Finnix pagkarating nila. Wala ni-isa sa kanila ang kaagad na sumagot dahilan para panghinaan ako ng loob.

"It was a success. Nakumbinsi namin ang mga malalakas na archanians para lumaban mamaya sakaling may mangyaring masama," tila nabuhayan ako sa sinabing 'yon ni Crystal. Mas madaming kakampi, mas malaki ang tiyansa naming manalo at mapigilan ang binabalak ni Rathro.

"Lahat ng archanians na narito ngayon ay 'yong mga nakumbinsi namin. They are willing to fight for Archania, Ester," pagpapa-alam ni Ten. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Halos hindi ako makapaniwala dahil sa dami nila. Batay din sa kanilang magagarang kasuotan ay tila naparito sila para masaksihan lamang ang pagkilala sa bagong hari at wala ng iba. Hindi ko inakalang narito sila para lumaban.

"Karamihan sa kanila ay mga magulang ng mga namatay na signusians noong sumugod ang mga drakos sa Signus Academy.  Ang iba naman ay ang mga nakaligtas nang sinunog ang buong bayan ng Bagaro. They want to seek  justice for their family who were burned to death by Rathro that's why they're here," sabi ni Winwin habang tinatahak ang espasyo upang makatabi si Hydra.

Muli kong nilibot ang aking paningin. All of them is smiling. Hindi mo mahahalatang dumaan pa lang sila sa pagkalugmok dahil tinatago nila ito sa likod ng pekeng mga ngiti. Hindi mo maiisip na dala-dala nila sa kanilang puso ang pagnanais na bigyang hustisya ang pagkamatay ng kanilang minamahal.

Everyone is hiding their feelings. Kahit na ang mga kaibigan ko ay tinatago nila ang kasalukuyan nilang nararamdaman. They are trying to hide it but it can't escape  Singko's and Sais' signus. I can hear their hidden thoughts. I can hear their loud and fast heartbeats. Most of all, I can feel how nervous and scared they are.

"I think kailangan na nating pumunta sa venue. The program's going to start soon," paalala ni Hydra kaya nagdesisyon na kaming umusad. Nakahawak ang kamay ko sa kamay ni Finnix habang naglalakad sa konkretong daanan tungo sa harap ng kastilyo, kung saan magtitipon-tipon ang mga nais manood ng programa.

Habang naglalakad ay bigla akong napahinto dahilan upang mapahinto si Finnix, gayundin ang buong grupo.

"Sige na, mauna na kayo. May sasaibihin lang ako kay Finnix," sabi ko sa kanila. They left us standing on the middle of the pathway.

"Bakit, Ester? Ayos ka lang?" pangalawang pagkakataong tanong ni Finnix.

"Ayos lang ako, Finnix. I'm just..."

"Scared?" dugtong niya. Tumango ako. Natatakot ako dahil paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang sinabi ni pangalawang babala ni Ms. Gould. I'm not afraid of anything other than that.

Marahan akong hinila ni Finnix at kinulong sa kaniyang mga bisig. "Sabi ko naman sa'yo 'di ba, poprotektahan kita," bulong niya habang hinahagod ang likod ng ulo ko. "Tara na, mukhang nakakalayo na sila," sabi niya. Muli niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at sabay kaming naglakad.

Sa paningin ko ay unti-unting lumalaki ang imahe ng kastilyo ng Archania Palace habang kami ay papalapit. The castle is like half of a hexagon, a hexagon cut horizontally. Sa gitna ay ang pahabang parte habang may dalawang pahilis na parte ng kastilyo sa magkabilang gilid. Kaya mayroong malapad na espasyo sa gitna kung saan kaming lahat manonood sa programang magaganap.

"Finnix, dito!" masiglang kumakaway si Ten upang kunin ang atensiyon namin. Nakaupo sila sa binabalutan ng puting tela na upuang naka-palibot sa isang transparent na round table. Umupo kami ni Finnix sa dalawang magkatabing bakanteng upuan na halatang nakalaan para sa'min.

Dalawampung minuto ang lumipas nang biglang,

BAAAAAAAAM!

Isang malakas na pagsabog ang narinig. Sinundan ito ng pagtugtog ng masiglang musika kasabay ng  pag-ulan ng mga confetti. Twin rainbows started to magically appear above the castle.

Napatingala ang lahat sa terrace ng kastilyo kung saan nagpakita si Rathro na suot ang puting royal outfit ng Archania Palace, white as in the symbol of peace, light and hope.

"Let's bow  to the soon-to-be king!" As the voice sounded everywhere, everyone bowed their head even the royals at pati na rin ako. When I raised my head again, si Rathro na may abot-tengang ngiti ang una kong nakita. Kumakaway pa siya sa amin.

Sunod na nagpakita sa terrace si Alvar na may hawak na isang korona. "Huwag na nating patagalin pa ang lahat! Alam naman natin ang rason kung bakit tayo naririto! This is the crown of Archania..." Alvar raised the crown so that everyone would see it. The crown is gold, shining because of the sun.. "This crown is the symbol of supremacy, power and most of all, responsibility. This crown is fated to be wore by the right person. And that right person is he, who stands in front of you. From this day and forth, Rathro who saved the world not once but twice will wear this crown as a sign of accepting the responsibilities of a king!"

Rathro slightly bowed before Alvar to receive the crown. Ang kamay ni Alvar na hawak-hawak ang korona ay marahang bumaba upang ipatong ang korona sa ulo ni Rathro. "Hail king Rathro!" sigaw ni Alvar.

"Hail king Rathro!" Alvar chanted again.

"Hail king Rathro!" this time, marami ang sumabay sa kaniya at alam kong napipilitan lang ang mga ito.

"Hail king Rathro!" hanggang sa halos kalahati na ng mga dumalo ang sumabay sa pagsigaw.

"HAIL KING RATHRO!" pati kami ay nakisabay din. Sinuri ko ang ekspresiyon ni Rathro habang binabalot ng pagpupuri ng kaniyang pangalan ang buong palasyo. Bakas sa kaniyang mukha ang satisfaction at labis na tuwa. Suot niya ang ekspresiyomg tila nakamit niya na ang matagal niya ng pinangarap.

Dumako ang tingin niya sa'kin. Ramdam niya siguro ang mga titig ko. I shifted my gaze pero bago pa mawala ng paningin ko sa kaniya ay nahagip ng mata ko ang kaniyang pagngisi.

Biglang bumigat ang dibdib ko. Binalot ng kaba ang buong sistema ko.

Rathro raised his right palm, a gesture that made everyone stop chanting. Pumorma ang kaniyang mga labi ng isang matamis na ngiti bago nagsalita, "Una sa lahat, nais kong humingi ng paumanhin dahil pinaghintay ko kayo ng matagal. Natagalan ako sa pag-aayos dahil gusto kong maging presentable ako sa harap ng lahat, paraan ko upang pasalamatan kayo dahil sa tiwalang binigay ninyo. Maraming salamat dahil pinili n'yo akong maging hari. Pangako, gagawin ko ang lahat para panatilihing ligtas ang Archania mula sa mga drakos, sa mga tulisan."

"Pamumunuan ko ang Archania sa paraang alam kong makabubuti para sa lahat.  Kaya nais ko sanang hilingin na kung maari ay mapasaakin ang lahat ng kapangyarihan upang gawing payapa ang Archania. Mga hair at reyna ng ibang kaharian, panahon na siguro upang ibaba ninyo ang inyong mga korona at ibigay sa akin lahat ng responsibilidad upang protektahan ang Archania."

"Anong ibig mong sabihin, king Rathro?"

"Na simula ngayon, iisa na lamang ang magiging hari ng buong Archania at ako 'yon,"

"King Rathro, hindi naman yata pwedeng..."

"That's my first order...as the new king," sabi ni Rathro sa isang mapagbantang tono. "Stand-up and remove your crown," utos niya.

"Pero king Rathro..."

Ngunit muling pinutol ni Rathro ang sasabihin ni Queen Eave.

"Did I give you a choice?" ang pagkakasabi niyang iyon ay sapat na para tumaas ang mga balahibo ko sa batok.

I looked at my friends and I saw they're worried. Walang magawa ang mga hari at reyna ku'ndi ang tumayo at dahan-dahang tinanggal ang kanilang korona. Ngunit isang pangyayari ang hindi ko inaasahan.

Biglang tumayo si Heaven, a bow and arrow formed out of air appeared in her hands. Mabilis niyang kinalabit ang palaso at pinakawalan.

Swooooosh!

An arrow was shot . Heaven's arrow travelled in an incredible speed into the crown. Tinamaan nito ang korona sa ulo ni Rathro dahilan upang tangayin ito. Bumaon ang pana sa pader sa likuran nila Rathro. Nakasabit din sa pana ang coronang sira na.


Everyone gasped. Alvar's eyes widened. Maging ako ay nagulat sa biglang aksiyon ni Heaven.

"WHO, THE HELL, DID THAT?" Nanggagalaiting tanong ni Rathro. Hinanap ng paningin niya kung sino ang may gawa nito at papunta na ito kay Heaven na hawak ang puting pana.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko dala ng kaba. Hindi ko namalayang lumapit na pala ako kay Heaven at kusang kinuha ng kamay ko ang puting pana na hawak niya. Tumindig ako sa harapan ni Heaven at mahigpit na hinawakan ang pana, saktong napunta sa pwesto namin ang paningin ni Rathro. "IKAW! Ikaw ba ang may gawa n'on?" I could feel that he's staring at me.

I raised my head at nakipagtitigan sa kaniya. Nanunuyo man ang lalamunan ko ay sinubukan kong magsalita.





"It was your crown that had to be removed, so I did," pagsisinungaling ko.

המשך קריאה

You'll Also Like

4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
10.3M 475K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
6.1M 267K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
377K 14.1K 62
✔COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Demigod Trilogy Book 1 of 3) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was...