Shadows Of A Silverharth [COM...

By hiddenthirteen

1.6M 63.5K 8.4K

Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, sh... More

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

/53/ Four Months Later

17.2K 600 46
By hiddenthirteen

Chapter 53:
FOUR MONTHS LATER
*************

* 4 Months Later *

Ester's POV


Nandito ako ngayon sa loob ng training hall ng Signus Academy na inilaan para sa aming mga D-rank students. Todo training ang lahat ng mga Signusians dahil sa makalawang araw ay magsisimula na ang Annual Academy Competition. Kung hindi ako nagkakamali ay bukas na bukas, darating na ang mga estudyanteng sasali sa competition, gano'n din ang mga manonod lang.

Pinapalitan ko na ang suot kong combat boots ng comfy shoes dahil tapos na rin naman akong magtraining. Hindi ko na kailangang magpalit ng damit o kung ano pa dahil hindi naman hard training ang ginawa ko. Umupo lang ako sa square tile ko at pumasok sa loob ng diwa ko upang bisitahin ang mga links ko. They are doing the training for me.

Matapos kong magpalit ng sapatos ay kinuha ko ang training bag ko at pumunta sa canteen. Bumili ako ng two bottled water. Isa sa akin at isa kay Finnix. It's been four months simula ng last night namin sa SouthWestern Academy when and where Finnix and I started to step into a special relationship. Pupuntahan ko siya ngayon sa training hall ng mga A-rank students kung saan kasama niya magtraining ang Bluebloods. Sigurado akong puspusan ang pagte-training nila dahil kasama sila sa highlight ng AAC. Sa buong 4 months na iyon ay puro training lang ang pinagawa sa amin ng academy. Ayaw kasi nilang mahablot ng ibang academy ang title ng Best Academy of Archania.

Naglakad ako papunta sa training hall nila at hindi ko maiwasang mapansin ang malalagkit na tingin sa akin ng mga kababaihan. Alam na kasi nila na boyfriend ko na si Finnix and they are jealous. Tama 'yan. Mainggit kayo. Napangiti na lang ako sa aking na-isip.

Sa daan ay nakita ko rin ang grupo nila Rizka ngunit nang dumaan ako ay kaagad silang nagsitabihan. Na parang napakataas ng repeto nila sa akin at takot na takot sila sa akin. Sino ba naman ang hindi matatakot kung tinanggalan ko sila ng paningin sa loob ng halos isang buwan. It must have been a nightmare for them. Siguro ay nanalangin siya ng million beses para buhay akong makabalik dito.

Sariwa pa sa mga ala-ala ko nang minsa'y humingi sa akin ng tawad si Rizka.



*flashback*

"Ester!" pagtawag ng isang babae sa likod ko. Tumatakbo siya na parang pasugod kaya ihinanda ko ang sarili ko lalo pa't si Rizka ang babaeng ito. Nang makalapit siya sa akin ay agad siyang lumuhod.

"Patawad Ester! Sorry for what I did to you last time. I learned my lesson. Please accept my apology. Only then I can finally start to change myself."

"If that is the way for you to change then I will gladly accept you apology. Stand up! I'm not a god to be kneeled for. Basta, just remember to never bully someone just because you are strong naintindihan mo?"

Tumayo siyang nakayuko at napaiyak. "I will certainly change Ester. Thanks and goodbye. I hope when I become a different person we would become friends," she said finally before she left.

*end of flasback*


Isa pang rason kung bakit tinanggap ko ang apology niya ay dahil sa nakita kong sincerity sa mga mata niya. Nabawasan ng bully ang Signus Academy but still there are still many of them. Mabuti na lang at nagawa ko silang takutin.


Hindi lang sila takot sa kaya kong gawin kundi mas takot sila sa mga kaibigan ko. Simula nang maging boyfriend ko si Finnix ay maraming nagtangkang saktan ako. Siyempre lumalaban ako and I always win. Pero dahil sadyang over protective sila Heaven, Hydra at Crystal, pwera sa bugbog na inabot ng mga bullies mula sa akin ay iba pa ang bugbog na inaabot nila sa tatlong 'yon. Funny, right?


Pagkarating ko ng hall ay kaagad akong pumasok. As soon as I enter the room ay nag-shutdown ang sytem na nagpapatakbo sa hall. The hall is small, but thanks to Mr. Vectors signus and the technology made by the Brain Guild ay nagiging isang malawak na space ang hall at nagkakaroon ng parang virtual reality per square tile na maaring pag-ensayuhan ng iba't ibang uri ng signus.

Speaking about guilds, simula nang magbalik ako rito ay hindi na ako nakakapasok sa Viper Guild. Palagi itong nakasara. Hindi ko na rin nakikita si Uncle sa kahit saang sulok ng akademya. Nag-aalala na ako sa kaniya. Pupuntahan ko mamaya si Headmaster A kung may balita na ba siya kay Uncle.


Pawisang nakatayo si Finnix nang matapos siyang magtraining. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at binuksan ang kaniyang mga braso. Lumapit ako sa kaniya at akmang yayakapin niya ako ngunit kaagad akong humakbang paatras.


"Isa lang, please!" he said. He really wants to hug me. I think hugging me became his hobby.

"Punasan mo muna pawis mo! Basang-basa ka. Hindi ka man lang ba nahihiya sa akin?"

"Tss. He said. If you really love me, you must love me at my worst. At saka ngayon ka pa ba aarte? Para namang hindi tayo nag..." sunod-sunod niyang sabi nang hindi tumitingin sa akin. Kaagad kong tinakpan ang bibig niya baka may ibang makarinig at mali ang isipin nila. Pagbaling ko sa paligid ay nangyari nga ang naiisip kong mangyayari. Narinig nila ang sinabi ni Finnix. Tumingin ako kay Finnix na saktong nakatingin na rin sa akin at pinanliitan ko siya ng mata.


"What?" he said with an innocent tone na parang hindi niya alam ang mali sa sinabi niya kanina. Pagtingin kong muli kina Heaven, Crystal, Hydra, Winwin, Lucas at Ten ay parehas silang nakakunot ang noo na parang naghihintay ng explanation sa binanggit ni Finnix.

"Hehehe," plastic kong pagtawa. "Don't mind what he said. He is just uttering nonsense."

"Bakit? What's wrong with a kiss?" finally! He said it. Napabuntong hininga na lang ako dahil nakita kong nawala na ang kunot sa noo ng mga kaibigan ko. Pero hindi maiwasang uminit ng mga pisngi ko.


"Kiss lang naman pala. Akala ko kung yung 'ano' na," sabi ni Ten nang pabiro at tumawa na mas lalong ikinainit ng pisngi ko, hindi tulad ni Finnix na parang walang reaction at parang proud pa sa sinabi niya. A man is a man nga talaga.


Nagsitawanan silang lahat dahil sa sinabi ni Ten. Isang minuto pa ay ramdam kong sasabog na ang pisngi ko sa pamumula sa sobrang hiya kaya hinila ko si Finnix palabas ng training room. Dumaan kami sa pathways kung saan dumadaan rin ang ibang signusians na kakatapos lang din ng training mula sa ibang training hall. Agaw atensiyon sa mga babae si Finnix dahil basang-basa siya ng pawis and he looks hot on that look. Maligkit ang tingin sa kaniya ng mga babaeng nadadaanan namin na siyang ikinasama ng loob ko.



"Pwede bang magbihis ka muna," I suggested.

"Huh?"

"Magbihis ka na. Basang-basa ka ng pawis. Baka magkasakit ka."


"'Yan ba talaga ang rason o naiinis ka dahil pinagpipiyestahan ako ng mga babae?" napalunok ako ng laway. Paano niya nalaman yun?


"So I am right? Don't worry, Ester. Tanging panlabas lang ang ipapakita ko sa kanila. I'll leave what is inside to yours," he said na nagpanumbalik sa pamumula ng pisngi ko.


"Why are you blushing? Nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano, Ester. Kanina ka pa sa training hall. What I am referring is my love. Sa'yo ko lang ipapadama ang pagmamahal ko," he said with a wink. "Yieh! Kinilig siya! Huwag kang mag-alala. Araw-araw kitang pakikiligin," sabi niya pa.
Simula ng maging kami ni Finnkx ay halatang-halata ko ang malaking pagbabago sa kaniya. Naging ganito na siya na mas ikinagusto ko sa kaniya. He is making me feel loved and as a return, my love for him automatically increases.


"Dami pang sinasabi. Magbihis ka na nga!"


"Dito mismo? O sige!" sabi niya at bigla na lang siyang naghubad ng damit mismo sa kinatatayuan namin. Nakalimutan niya yatang nasa labas kami at napapalibutan kami ng mga estudyante. Nakarinig ako ng iba't ibang tili kaya kaagad kong pinigilan ang dalawang kamay niyang hinuhubad ang kaniyang damit at ibinaba ito.


"Are you having fun teasing me?"

"Sino ba ang nagsabi sa iyong inaasar kita?" sagot niya.


"Aish! Bahala ka na nga. Sige maghubad ka diyan sa gitna ng maraning tao. I don't care," sabi ko at nagwalk-out.



Hinabol niya ako at hinawakan ang wrist ko.


"Ikaw naman, hindi ka mabiro. I love you, Ester!" sabi niya at ngumiti.


"Bakit mo ba kasi ako laging inaasar?"

"Because I love you."


My heart skipped a beat at napakagat labi ako sa hindi ko malamang dahilan.


"Stop doing that. You're tempting me. Don't make me want to kiss you here on public," seryoso niyang sabi kaya kaagad ko namang itinigil ang ekspresyon kong iyon.


"Good! The next time you do that, make sure na nasa private na lugar tayo or else hindi ako magdadalawang isip na halikan ka," Finnix said as he hold ny hand. "So, saan nga ulit tayo pupunta?"


"Nakalimutan mo na ba? After training ay sasamahan mo ako papunta kay Headmistress A, remember?" pinaalala ko sa kaniya ang usapan namin kahapon.


"Headmistress' Office. Copy. But I have to change first. Hintayin mo na lang ako diyan sa punong iyan. I'll be real quick, okay?" tinuro niya sa akin ang punong hindi kalayuan sa amin.

Tumango ako. Hinalikan niya ako sa noo bago umalis. Tinungo ko ang punong tinuro niya at umupo sa bench nito.



Para hindi ako mainip ay binilang ko kung ilang signusian ang dumadaan. Hanggang sa umabot ng 32 katao ang dumaan at hindi ko inaasan ang taong dadaan kasunod sa bilang na ito. It's Lucas.

Lumingon siya sa direksyon ko. Kumaway ako at ngumiti sa kaniya, but he did not respond. Not even a simple smile or an eyebrow nod.



Lucas has also changed. Hindi ko alam kung ang pakikitungo niya lang sa akin ang nagbago dahil mula nang gabing iyon ay hindi ko na siya nakaka-usap nang masinsinan. Iniiwisan niya ang mga mata ko. Iniiwasan niya rin ako. Kapag nagkakasama kaming magbabarkada, he is either quiet or nakikipag-usap sa iba maliban sa akin.


I saw how his back disappeared from my sight. I put that moment behind my mind at nagsimula na muling magbilang until Finnix came.



"Let's go?" he asked at iniabot niya ang kamay ko. I did not answer but held his hand instead. Tinungo namin ang Headmistress Office at nadatnan naming kinakausap ni Ms. A ang Signus Flower.



"Good morning, Headmistress!" sabay naming pagbati ni Finnix na siyang ikinagulat ko. 'Di ba't nagtatampo si Finnix kay Headmistress A? Kailan pa sila nagkaayos? Matanong nga sa kaniya mamaya.


"Anong pakay n'yo't naparito kayo?"


"Headmistress, alam ko namang halos tigdalawang araw akong pumupunta rito to ask the same question, may balita na po ba tungkol kay Uncl... Mr. Magnus?"

***



Headmistress A's POV


"Headmistress, alam ko namang halos tigdalawang araw akong pumupunta rito to ask the same question, may balita na po ba tungkol kay Uncl... Mr. Magnus?" magalang na tanong ni Ester.


O'o nga't every two days ay nandito ang batang ito upang magtanong tungkol sa guild master niya. Kakaalis lang din ni Lucas at itinanong niya rin sa akin ang tungkol sa bagay na ito, kung nasaan ang papa niya.

Pero kahit na ako ay walang kaalam-alam kung nasaan na ang lalaking iyon. Apat na buwan na ang nakakaraan nang nagboluntaryo siyang sundan si Ester at para rin iligtas ang Bluebloods sa kapahamakan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. As days passed by, lalong nag-aalala lang ako sa kaniya.


Pero bago siya umalis ay may isang bagay siyang ibinilin sa akin tungkol sa hindi niya pagbalik. Binilin niya sa akin na kapag hindi siya bumalik ay sabihin ko raw kay Lucas at sa mga taong maghahanap sa kaniya na ipinadala ko siya sa isang espesyal na misyon at aabutin ito ng ilang buwan. He even left a letter na dapat ay ibigay ko raw sa kanila kapag umabot ng ilang buwan at hindi pa siya nakakabalik. I must tell them that he sent this far away to not make his loved ones worry about him.


Binuksan ko ang drawer sa ilalim ng mesa ko at kinuha ang nakatuping itim na papel at ibinigay ito kay Ester. "Wala pa akong balita sa kaniya, Ester, but he sent me a letter recently for you and Lucas. I just gave the other one to Lucas a while ago and this is his letter for you."


I know Magnus since we were teens  at hindi siya gagawa ng bagay nang hindi niya pinag-isipan nang mabuti. Malaki ang tiwala ko sa kaniya. Kailangan kong irespeto ang desisyon niya at gawin ang tanging bagay niya ibinilin niya.

***

Ester's POV

Iniabot sa akin ni Headmistress ang sulat na kapapadala pa lang daw ni Uncle.

Nang makuha ko ito ay hindi na ako nagsayang ng oras at kaagad na binuksan ito. Tinangkang sumilip ni Finnix para basahin rin ang sulat but kaagad ko itong nilayo sa kaniya.


"Privacy, please! Guild matters," I said in unoffensive way.

"Okaaay. Okay!" he said at itinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

Umupo ako sa couch na nasa bandang gilid ng office at sinimulang binasa ang sulat.



Dear Ester,

Siguro ngayon ay nalaman mo na ang totoo tungkol sa katauhan ko. Tama ka. Ako nga ang uncle mo. I hid this fact from you for so many reasons and one of that is to make sure that no one will know that one of Magnus' family member survived. Huwag kang mag-alala sa akin, Ester. I am just doing fine. Kailangan ko lang tapusin ang misyon ko at babalik ako diyan. Hintayin mo lang ako at pagbalik ko ay sisiguraduhin kong babawi ako sa mga araw, buwan at taon na wala ako sa tabi mo. Stay away from any harm lalo na't kaparehong-kapareho ka ng mama mong laging napapalapit sa problema. Always be safe, my beautiful niece.

Your best uncle,
Magnus.                


Napaluha ako sa aking nabasa. Napaluha ako sa tuwa. He just confirmed everything. Siya nga ang uncle ko! At higit sa lahat ay mali ang kutob kong may nangyaring masama sa kaniya. He is safe and just like me, he is also looking forward to our next meeting.


I felt my lips curved wider and wider, and I couldn't help myself but find a body to hug para lalong madama ang sayang ito. There is no other person near me but Finnix, so I hugged him tight. Bahagyang nagulat siya pero naramdaman ko na lang ang paghagod niya sa likod ko.

***

Mr. Magnus' POV

Nauuhaw ako. Nagugutom na rin ako. Ilang araw na ring kakarampot lang ang pinapakain sa akin ng mga dungeon guards. Minsan pa nga ay kaning baboy lang ang ibinibigay nila sa akin. Pero tiniis kong kainin ang lahat ng ito para mabuhay. Kasabay pa ng uhaw at gutom ay ang patuloy na pagkirot ng mga pasa't sugat ko gawa ng araw-araw na pagpapahirap sa akin ng mga gwardya.

Tinangka ko mang tumakas noon pero hindi gumagana ang signus ko sa lugar na ito. Wala na rin akong sapat na lakas upang makawala sa mga kadenag ito. Sa bawat araw na lumipas ay naglalaho rin ang pag-asa kong makatakas mula sa impyernong ito na parang isang kandilang sa paglipas ng panahon ay nalulusaw.

It has been 4 months. Sa tingin ko sa mga oras na ito ay naibigay na ni Alicia ang sulat na ibinilin ko sa kaniya bago ko pa sundan si Ester upang iligtas na rin ang grupong Bluebloods.


Plinano ko ang lahat bago pa ito mangyari. Nasa plano ko ang umamin kay Ester sa mas maagang panahon. Inihanda ko ang mga sulat na iyon kung sakaling magkabulilyaso man. And hindi ko lang inaasahan ay mahuli ako ng mga drakos.



Sana ay nasunod ang lahat ayon sa plano ko. Sana ay naibigay na nga ni Alica ang dalawang sulat kay Ester at Lucas. Ayaw ko silang mag-alala. I want them to live their everyday life without worrying about me at sa tingin ko ay tama ang desisyon kong ito.



Tama nga ba? Tama nga ba ang ginawa ko?

Continue Reading

You'll Also Like

250K 16.2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...
378K 14.1K 62
βœ”COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Demigod Trilogy Book 1 of 3) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was...
3.5M 113K 69
In the Land of Divine Continent, there's a renowned myth about the mysterious demigod who bears crystal blue eyes. It was foretold by the oracle that...
6.4K 559 87
[ COMPLETED ] Tulog, kain, anime, at school--- iyan ang buhay ng eighteen-year-old high school student na si Roma hanggang sa magdesisyon ang parents...