Addicted

By wwiittyyccuuttiiee

84.6K 3.4K 579

Historia# 7 Dike Vanessa Owens Atlanta Lorraine Angelov Date Started: August 11, 2020 Date Finished: October... More

Author's Note
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVI (II)
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter V

1.8K 80 14
By wwiittyyccuuttiiee


DIKE VANESSA OWENS





Napahilot ako sa sintido ko habang inaaral ang isang article patungkol sa mga sakit sa puso. At ang masasabi ko lang, nakakasakit sa ulo. Jusko. Mabuti na lang at hindi sumagi sa isip ko ang pagiging doctor, baka unang araw pa lang, sumuko na ko.

Feeling ko nga walang pumasok sa isip ko miski isang word. Hay buhay nga naman, parang life.

Napasandal na lang ako sa upuan bago napatingin sa labas ng bintana. Maaga akong umalisa kumpanya. Bigla kasi akong nag-crave sa kape kaya dito muna ako tumambay sa Starbucks malapit sa kumpanya ni Dad. Yes, kay Dad yun kasi hindi naman sa'kin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong magsearch tungkol sa mga sakit sa puso. Ayaw ko namang magtanong kay Athena dahil panigurado, aasarin lang ako ng babaeng iyon. Ayaw ko din naman magtanong kay Thalia, dahil nasa leave ang gaga.

Maaga siyang nagleave, dinugo kasi siya noong isang araw na labis naming ikinabahala. Wala na siyang nagawa pa ng pagkaisahan namin siyang magkakaibigan na magleave na lang. Natawa pa ko sa loob loob ko ng maalala ang itsura ni Brooklyn nun. Para siyang tinuklaw ng ahas sa sobrang pagkaputla niya. Ibang klase, edi sila na talaga ang tunay na nagmamahalan.

"Dike?"

Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Bahagya pa kong nagulat ng makita ang taong tumawag sa napaka ganda kong pangalan. Shet! "Andrew. Hey."

He just smile at me. "Pwede bang maki-upo?"

Natawa naman ako ng mahina. "Oo naman. Hindi naman sa'kin ang table na 'to para magpaalam ka pa."

Nahihiyang ngumiti naman siya sa'kin bago umupo sa harap ko. Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Ang laki na ng pinagbago niya, hindi na siya katulad ng dati na patpatin at mala-Jose Rizal ang style ng buhok.

"Kamusta kana?" pagsisimula ko.

Saglit naman siyang sumimsim sa kape niya bago humarap sa'kin. "Doing great. How about you?"

I just shrugged at him. "Doing good? I guess."

He laughed. Wow lang. Pati pagtawa niya nag-iba na. Ang manly na ng dating. "Kilalang-kilala ang pangalan mo sa Industriya."

Napatawa na lang ako. Kala mo naman siya hindi. "Ikaw din naman ah. Akalain mong magiging model ka pala."

Nagulat talaga ko ng isang beses na makita ko siya sa TV. Akalain mong ang patpatin at baduy na lalaki noon, aba'y model na ngayon. Ibang klase. Dang gwapo ee. "Well, ako paba."

I smirked. "Well, para sa'kin. Isa paring patpatin na estudyante ng Brandon."

Natawa naman ako ng bigla siyang umirap sa'kin. Akalain mong magagawa na niya kong irapan ngayon. Wow lang talaga. "Alam mo, napakasama talaga ng ugali mo."

I chuckled and shook my head. "Pero nagustuhan mo." napangisi naman ako ng makita ang biglang pamumula ng magkabilang pisngi niya. "Muntik na nga kitang sagutin noon dahil sa cake na binigay mo ee. Salamat ah."

"Shut up Owens!" 

Malakas na napatawa ako na naging dahilan para makuha ko ang atensiyon ng ibang customer na nandito. Hinayaan ko na lang sila. Hindi naman ako katulad ni Cassandra na iirapan ang mga chismosa. "Oh bakit? Kinahihiya mo na bang naging crush mo ko?" natatawang sagot ko

At ang gagong 'to, inirapan lang ako. Porket gwapo na ee. Nako nako. "Ewan ko sayo Dike. Bakit ba sayo pa ko nagkagusto?"

I chuckled. "Kasi kagusto-gusto naman talaga ako." medyo mayabang na sagot ko. Medyo lang syempre.

He just smile at me. "Sabagay. Tama ka nga naman."

Kung straight as a pole lang talaga ako, baka sinagot ko na noon ang ungas na 'to. Kahit kasi ang baduy niya, cute parin siya. Matalino nga siya ee kaya lang panget ng pormahan. Mukhang tatay. HAHA.

Pero iba na ngayon, sobrang laki na ng pinagbago niya. Pero ganun parin ee, hindi parin kami pwede kasi hindi ko siya gusto.

"Ano ng balita sayo?"

Napakunot noo naman ako. "Balita? Ano bang balita sa'kin?"

He cleared his throat. "Balita ko kasi, ikaw na lang single sa inyong magkakaibigan."

Inirapan ko siya. Napaka pasmado ng bibig niya. Ang sarap lang takpan ng tape. Nakakainis ee. "Hindi na ko nag-iisa 'no."

He raised his brow at me. Konti na lang talaga, iisipin kong bakla na siya. "Talaga ba?"

"Oo naman. May kaibigan akong hiniwalayan ng asawa. Kaya hindi ako nag-iisa." nakangising sagot ko

Gaga kasi ni Helena ee. Ayan tuloy, nganga siya. Hirap na hirap sa paghahanap sa asawa niya. Ee halata namang ayaw magpahanap ni Raven. Hay nako. Nasa huli nga naman talaga ang pagsisisi.

"So, single ka pala?"

I nodded at him. "Yup. And hindi parin kita type. Kaya wag kang dumamoves dyan." supalpal ko sa kanya.

Anong akala niya sa'kin? Manhid? Ibahin niya ko. Baka mas matinik pa ko sa babae kaysa sa kanya. Haha.

Napangiti na lang ako ng malakas siyang napatawa. Hindi pilit na tawa, kundi tawang nagpapahiwatig na masaya siya. "Hindi ka parin nagbabago Owens, hambog ka padin."

Napatawa din tuloy ako. Bakit ba lahat ng sinasabi niya tungkol sa'kin totoo? "Mayabang ka. Porket ang laki na ng nagbago sayo."

Tinawanan niya lang naman ako. Tss. "Gwapo ko na ano."

I smirked. "Di naman. Okay lang."

At ang gago, umirap ulit. Natawa na lang ako bago ubusin ang natitirang kape sa baso ko. Ang sarap talaga ng kape. Amoy pa lang, yummy na.

"Diba si Selene yun?"

My eyebrows met. "Ha?"

"Ayun kako. Si Selene yun diba?"

Napatingin naman ako sa tinuro niya. At tama nga siya, si Selene nga. Pero anong ginagawa ng babaeng yun dito? Sa tagal ng pagkakaibigan namin, alam na alam kong hindi siya nainom ng kape. Maarte din yan ee.

"Hoy Kendra." mahina lang naman ang pagtawag ko sa kanya pero narinig niya parin. Ang talas talaga ng pandinig ng gagang 'to.

Napailing na lang ako ng tila isa siyang modelo kung rumampa sa gitna ng daan. Jusko. Kala mo naman maganda. "What are you doing here Dike?"

I raised my right brow to her. "Can't you see? Nagkakape." napasulyap naman ako sa dala-dala niya. "Ee ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Can't you see? Buying a cup of coffee."

I smirked. "Really ah? Sa pagkakaalam ko, hindi ka mahilig sa kape." napasandal naman ako sa upuan ng bahagya pa siyang nagulat dahil sa sinabi ko. "So, anong hangin ang pumasok sa utak mo at bumili ka ng kape?"

"Bakit ba? Gusto ko lang tikman ee."

Napatawa naman ako. Hindi talaga siya sanay magsinungaling. "Wews? Titikman daw. Ee sa arte mong yan?"

Napailing na lang ako ng hampasin niya ko sa balikat. Mukhang may hindi sinasabi ang kaibigan kong ito sa'min. Nako talaga. "Ibibigay ko kay Sophia 'to. May problema ba dun?"

Mariin ko siyang tinitigan. Ibibigay daw kay Sophia the first ee katulad niya, maarte din ang bwisit na yun. "Wow. Sophia na lang ngayon. Ee dati naman 'baby' ang tawag mo sa kanya." napangiti ako. "Break na kayo? Buti naman kung ganun."

"Gago!"

Imbes na mainis ako dahil sa pagbatok niya sa'kin napatawa na lang ako. Hanggang ngayon parin talaga, pinipilit parin niya sa pinipilit parin niyang isuksok sa utak niya na mahal niya ang babaeng iyon.

Ano bang nakita niya sa taong yun?

"Ay shala Andrew, anong ginagawa mo dito?"

Napairap ako. "Bulag ka ata Kend. Di mo ba nakikita? Nainom siya ng kape diba."

At ang gaga kong kaibigan, inirapan lang ako. Ibuhos ko kaya yang kape niya sa mukha niya. Tss. "Nililigawan mo na ulit si Dike?"

Nasamid naman ako dahil dun. Tangiris na yan. Inis na kinurot ko sa braso niya ang babaeng ito. "Ang issue mong gaga ka. Hindi ba pwedeng nagkataon lang na nagkita kami dito?"

She smirked at me. "Bakit defensive ka?"

Aba't gago 'to. "Hoy para sab-.."

"Dike?"

Napalingon naman kaming tatlo sa tumawag sa pangalan ko. Grabe ah. Sikat na sikat talaga ang pangalan ko at ang daming nakakaalam.

Pero sa pagkakataong ito, hindi ko lubos akalain na makakaharap ko siya ulit, ngayon mismo. "Larisa?"

Anak ng tokwa. Bakit ba nagsisibalikan ang mga tao sa nakaraan ko? Jusko. Ano bang meron ngayon? "Kailangan ko ng umalis Dike. Panigurado naghihintay na sa'kin si Ac-.. Sophia."

Napakagat labi ako para pigilan ang pagngiti ko. Huli ka balbon. Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon bago siya nagdere-deretsong umalis dito sa coffee shop. Napailing na lang ako. Attitude siya mga sizt.

"Owens, mauuna na din ako."

I just smile at him. "Okay. See you soonest Andrew."

He smile and nodded at me. Katulad ni Selene, dere-deretso din siyang umalis at hindi man lang nagawang batiin ang babaeng kakarating lang.

Napatikhim na lang ako. "Maupo ka muna."

Ngumiti lang naman siya sa'kin bago tuluyang umupo sa harap ko, kung saan nakaupo kanina si Andrew.

Napaisip naman ako, ang init na siguro ng upuan na yan. Haha

"What's up?" she asked, smiling at me.

I smile at her too. "Ito, buhay pa naman kahit papaano. Ikaw ba? Nakauwi kana pala."

She take a sipped in her coffee before nodded. "Yup. Last week lang."

Nagulat naman ako dun. Nakauwi na pala siya, wala man lang ako kaalam-alam. "Really? Buti nagkita tayo dito. Alam mo na, bonding din."

I felt my heart skips a beat when I heard her laugh. Damn it! Hanggang ngayon, nagiging abnormal parin talaga ang puso ko dahil sa kanya.

Lagi parin akong napapangiti sa tuwing nakikita siyang nakangiti.

Kulang na lang umalis na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

Hanggang ngayon parin ba? Ganito parin?

"Dike?"

I gulped hard. "Hmm?"

"I've missed you." 

Natigilan ako. Kung mabilis ang tibok ng puso ko kanina, mas dumoble ang bilis ngayon.

Mariin akong nakatingin sa kanya at tinatanya kung nagbibiro ba siya o hindi.

Pero base sa nakikita ko ngayon, mukhang seryoso nga siya. Agad akong nag-iwas ng tingin at umayos ng upo. Hindi ko din mahanap ang nararapat na salitang itutugon sa kanya.

Nakakainis. Dapat pala hindi ko muna inubos ang kape ko.

Napatikhim akong muli. "Na-miss din kita."

Naiyukom ko ang kamay ko sa ilalim ng mesa ng makita ko na naman ang matatamis niyang ngiti.

Ang sarap lang dagukan ang sarili ko ngayon.

T-nginang rupok ko!

She inhaled deeply. "Araw-araw akong nandito."

Napakunot noo naman ako. "Araw-araw? Bakit naman?"

"Umaasang makikita ka."

Tila umurong ang dila ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na 'to.

Natapos na ang kung anomang meron sa aming dalawa. Matagal na niyang tinapos iyon. Naka-move on na ko at tuluyan ng humilom ang sugat sa puso ko.

"Dike"

Napalunok ako. Sa lahat ng ayaw ko, ay yung naririnig ko ang malambing niyang boses.

Hindi ako sumagot sa kanya at hinintay lang ang sunod niyang sasabihin. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang sunod-sunod na paglunok na ginawa niya. "I'm sorry, for what I've done to you."

Napangiti ako bago tumango sa kanya. "Tapos na yun Larisa. Matagal ng tapos yun, at matagal na din kitang pinatawad."

Her lips formed a sweet smile. "Can I ask you something?"

I nodded. "Sure, have your say."

I immediately avoided my gaze to her when she bit her lower lips. Damn it! Bakit kailangan kagatin pa ang labi? "You said, you'll wait for me no matter what happen." I heard her sigh. "Hinintay mo ba talaga ako?"

Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko.

Sinabi ko nga ang bagay na yun. At buong puso kong sinabi yun sa kanya.

Oo, hinintay ko siya.

Pero hindi ba pwedeng tumigil na ko kung pagod na ko?

Durog na durog ako nang iwan niya ko, hindi ba pwedeng buuin ko naman ang sarili ko?

Hindi ba pwedeng sarili ko naman ang mahalin ko?



-------

Continue Reading

You'll Also Like

93.3K 3.8K 39
Historia#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020
117K 3.4K 57
๐Ÿชกโ‹†.เณƒเฟ”*:๏ฝฅ โญโ•ฐโ€บ kโ˜†rma scared everyone in Kunugigaoka High โ–ธ until he met her โ–ธ the sun t...
8.5K 271 17
It's been around 2 years. The TAPOPS gang have risen the ranks and all often do separate missions, both on earth and in space. During an solo Earth m...
2.5M 147K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...