RETURN OF THE KING (COMPLETED)

By mafioso_akio

32.5K 1.3K 414

Namatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio More

KING
PROLOGUE
CHAPTER 1: I'm Back
CHAPTER 2: Mission
CHAPTER 3: Angel without wings
CHAPTER 4: Soldato
CHAPTER 5: Being a student again
CHAPTER 6: Morpeheous Ladies
CHAPTER 7: Band Aid
CHAPTER 8: Blue Rose
CHAPTER 9: Warning
CHAPTER 10: Make out
CHAPTER 11: Secret Lover
CHAPTER 12: Untold Story
CHAPTER 13: Avi Gray
CHAPTER 14: Kalachuchi
CHAPTER 15: Something suspicious
CHAPTER 16: Tattoo
CHAPTER 17: Daughter
CHAPTER 18: Amy Green
CHAPTER 19: Trouble
CHAPTER 20: Acceptance
CHAPTER 21: Favorite Song
CHAPTER 22: Mistress
CHAPTER 23: Caught
CHAPTER 24: Black Page
CHAPTER 25: Death Battle
CHAPTER 26: Alliance
CHAPTER 27: Substitute
CHAPTER 28: The Evil Sisters
CHAPTER 29: Craig Revelations
CHAPTER 30: Red Queen
CHAPTER 31: Stuck with you
CHAPTER 32: Flirtatious
CHAPTER 34: Love Triangle?
CHAPTER 35: Birthday Party
CHAPTER 36: Drunk
CHAPTER 37: Confession
CHAPTER 38: Angry Bird
CHAPTER 39: Overnight Swimming
CHAPTER 40: End Game?
CHAPTER 41: Supremo
CHAPTER 42: Visitor
CHAPTER 43: Plan
CHAPTER 44: Saving the queen
CHAPTER 45: The End
EPILOGUE

CHAPTER 33: Combat Exercise

347 24 10
By mafioso_akio




Simula ng maipasa sa akin ang katungkulan bilang Capo sa Top Famiglias. Maraming babae na akong nakilala. Maganda, pangit, sexy, mataba, payat, masama ugali o mabait at mayaman. Dagdag mo pa dyan ang mga mahihirap. 

Basta halos lahat ng klase ng babae nakadaupang palad ko na. Pero iilan lang ang tumatatak sa sistema ko. Pinaka-huli nga dyan si Queen Ice na agad din namang nawala.

Ang pinaka-latest ay ito nga si Red Queen Morpeheous.

Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya at hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi kung saan nginitian ako ng matapobreng yun. Tapos yung halos sobrang lapit niya sa akin dahilan para tumibok ng mabilis ang puso ko. Alam kong hindi normal yun kaya naiinis ako. Paulit ulit yung tumatatak sa isipan ko para na akong ewan.

"Hindi tama ito."mahina kong bulong.

Kagabi nga ay hindi ako agad nakatulog sa pag iisip. Ilang beses ko pang binatukbatukan ang sarili ko para iwaksi ang tagpong yun kaso wala.

Shit na yan.

"Pahamak ang mga babaeng may pangalang Queen. Kaya hindi ako dapat maniwala sa pinapakita niya."sabi ko na akala mo may kausap.

Napapitlag ako sa gulat ng may kung sinong kumalabit sa akin. Pagharap ko ay tumambad sa akin ang nakukunot noo na mukha ni Blue.

"Bakit mo kinakausap sarili mo?"

Peke akong ngumiti at hinimas ang batok dala ng kahihiyan. Narinig niya pa yata ang mga pinagsasabi ko.

"Wala lang. Trip lang."palusot ko at luminga sa paligid.

"Tayo lang ba ang aalis?"tanong ko.

Ngayon ay araw ng sabado at pasado alas dyes na ng umaga. Dahil birthday ni Red bukas nag aya si Blue nag magpunta ng mall para mag grocery. Plano nilang magsagawa ng munting salo-salo para dito. At invited pa nga sila Craig.

Kagabi ay nakatanggap ako ng text kay Craig na iniimbitahan nga siya ng magkakapatid para sa birthday ni Red at sinabi niyang pupunta sila. Magandang pagkakataon daw yun para makapasok sila sa mansyon. Nasabi niya sa kaniyang text na may nais silang imbestigahan. Agad kong nakutuban kung ano yun.

"Sasama yata si Black. Pero si Gray, Green at Red hindi na. Si Gucchi may inutos si Red."sagot ni Blue.

Napatango tango ako. Buti nalang hindi kasama si Red.

"Sige tara na. Sa sasakyan nalang natin siya hintayin."pag aya ko.

Tumango siya kaya sabay kaming naglakad patungo sa garahe. Tapos ay magkasunuran kaming sumakay na sa Van. Syempre sa driver seat ako umupo habang si Blue ay tumabi sa akin. Napangiwi nalang ako ng mapansin ang ngiti niyang pinupukol niya sa akin.

"Kanina ka pa nakangiti dyan. Masaya ka yata?"tanong ko ng matapos ikabit ang seat belt ko.

Umiling siya.

"Wala lang. Masaya lang ako na kasama kita."

Bigla akong na ubo sa kaniyang sinagot. Nitong mga nakaraang linggo napansin kong may nagbago kay Blue. Bumait siya ng husto sa akin. Yung tipong kala mo may gusto siya sa akin. Actually, pati si Gray at Green ganun din. Sigurado dahil mas nakilala ko na sila at matapos ko silang damayan sa mga sarili nilang problema.

Hindi ko alam kung totoo ba ang mga pinakikita nila o pagpapanggap lang. Pero sabi ko nga hindi ko yan kakagatin o paniniwalaan. Basta go with the flow lang. Lalo na at kailangan ko ng mag-ingat ngayon.

Same sa pakikitungo ko kay Red at Black.

"Pero kung ako saiyo, aalis nalang ako dito."

Natigilan ako dahil dun.

"Huh? Bakit naman?"taka kong tanong.

Bumuga siya ng hangin at sumandal sa kinauupuan.

"Hindi ka kasi bagay na soldato namin. Hindi ka aasenso kung mananatili ka lang dito."

Hindi ko mapigilang mapataas ang isang kilay.

"Hindi naman ako mananatili ng matagal dito. Aalis din ako. Pero hindi pa naman yun mangyayari."sabi ko.

Tumango siya at bumaling ng tingin sa bintanang nasa kaniyang gilid.

"Sana maalala mo pa rin kami kahit wala ka na dito."

Napailing ako. Hindi ko alam kung nagdadrama siya o may ibig siyang ipahiwatig.

Nasa ganun kami pag uusap ng bunukas ang pinto sa backseat. Sabay kaming napalingon ni Blue. Alanganin akong napangiti ng makita si Black. Diretso siyang umupo at isinarado muli ang pinto. Napatingin siya sa amin ni Blue tapos ay tumaas ang isang kilay.

"Oh, anong problema ninyo?"tanong niya sa amin.

Umiling at bumaling na ang atensyon sa manibela. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at agad itong pinaandar palabas ng mansyon. Sa ilang minuto ay nakarating na kami sa highway papunta sa mall. Tahimik ang dalawa kaya nanatili na rin akong walang imik. Nang sumulyap ako sa rear-view mirror ay nakita kong natingin sa akin si Black dahilan para agad kong mapamura ng mahina.

Minabuti ko nalang na mag focus sa pagmamaneho.

"Acel, may regalo ka na ba kay Red?"rinig kong tanong ni Blue sa akin.

Ngumiwi ako sabay iling.

Ngayong nabanggit niya ang tungkol dun ay naalala kong wala nga pala akong ireregalo sa matapobreng yun.

"Wala eh."tipid kong sagot.

Pumalakpak si Blue sabay tawa kaya kunot noo ko siyang sinulyapan.

"Regalo mo nalang sarili mo para matuwa si Red."sabi ni Blue at humagikhik.

Sakto namang muli akong tumitig sa rear-view mirror at nakita kong hinila ni Black ang buhok ni Blue. Napaaray si Blue.

"Ouch naman."reklamo ni Blue.

"Puro ka kalokohan."sabi ni Black na halata sa tono ang iritasyon.

Napailing nalang ako at mahinang natawa. Saglit kong inisip kung anong dapat iregalo kay Red. Pero kung iisipin hindi naman kami close para regaluhan ko pa siya. Bukod dun, mayaman naman siya kaya huwag nalang.

"Joke lang naman, Black."

"Hindi tumatanggap ng regalo si Red. Okay lang sa kaniya kahit wala."

Nagkatinginan kami ni Blue sa sinabi ni Black. Ngumiti siya sa akin. Ako naman ay dedma lang.

Nang makarating sa mall ay ipinarada ko na ang sasakyan sa parking lot. Magkakasabay kaming lumabas ng sasakyan. Mabilis na nag aya si Blue na tumungo na sa loob ng mall para makapamili.

Una silang naglakad habang ako ay nakasunod lang sa kanila. Pagdating sa Supermarket ay si Blue at Black ang namimili ng bibilihing mga pagkain. Ako ang tumutulak sa cart.

"Bili tayo ng mga alcoholic drinks para mas masaya."sabi ni Blue na halata ang excitement sa mukha.

Tumango lang si Black at naglakad na kasabay si Blue. As usual, sunod lang ako ng sunod.

Ang sabi ni Blue habang nasa byahe kami kanina. Hindi daw nila gagalawin ang mga stock na pagkain sa mansyon. Kaya heto, bibili sila ng para sa birthday ni Red na siyang ikinapagtaka ko. Pero ayoko nalang mag usisa ng husto.

Sa loob ng halos kalahating oras ay natapos sila sa pamimili. Halos lahat ng pagkain at alak na nabili ay ako ang nagbitbit. Dahil sumapit na ang alas onse ng tanghali ay nag decide si Blue na kumain nalang daw muna kami sa restaurant. Hindi ako tumanggi dahil nagugutom na ako.

Maraming inorder ang magkapatid kaya nagsimula na akong kumain.

Nakaupo kaming tatlo sa isang pabilog na lamesa. Ang mga pinamili namin ay nilapag ko muna sa paanan ko. Habang kumakain ay panay ang usap ng dalawa. Ako naman ay kumakain lang.

Ngayon nalang ulit ako nakakain sa labas. Bigla kong namiss ang buhay kong pagala-gala sa kung saan-saan lugar dito sa pilipinas. 

"Teka, Comfort room muna ako."paalam ni Blue sabay tayo sa kaniyang upuan.

Diretso siyang naglakad paalis kaya naiwan kaming dalawa ni Black dito. Sakto namang katatapos ko lang kumain.

"Acel."tawag ni Black kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya.

Umayos akong napaupo at tumitig sa kaniya.

"Yes, Boss?"

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin.

"May sasabihin ka ba?"

Huminga siya ng malalami at tila nag isip ng mabuti sa sasabihin.

Aamin na kaya siya sa akin?

"Anong tingin mo kay Red?"

Napakurap kurap ako.

"Huh?"

"Tingin mo anong klaseng tao siya?"

Medyo weird dahil tinatanong niya ako ng mga ganitong bagay. At may kinalaman pa talaga kay Red. Pero madali lang naman sagutin yan.

"Matalino siya at matapang pero dakilang laitera, matapobre at mapanakit."diretsahan kong sabi.

Tumango siya.

"Yeah, ganun nga siya."pagsang ayon niya.

"Ikaw ba? Anong tingin mo naman sa akin?"balik kong tanong sa kaniya.

Bigla akong na curious sa isasagot niya.

Napansin kong bahagya siyang nagulat sa tanong ko. Yung tipong nangangapa siya sa kung anumang maisasagot.

"Ayos lang. Huwag mo na sagutin."sabi ko at ngumiti ng tipid.

"Tingin ko ikaw yung tipo ng tao na mapagmahal sa pamilya. Lalo na sa kapatid."

Natigilan ako. Lihim akong napangisi.

Oo nga pala. Alam niyang may kapatid ako dahil habang comatose ako noon ay pasimple niya akong minamatyagan.

"Matalino ka at matapang pero may pagkabobo ka kaya hindi ako magtataka kung ilang beses ka ng napahamak."dagdag niya.

Hindi ko napigilang matawa.

"Kung magsalita ka parang kilalang kilala muna ako."pahapyaw ko.

Umiwas siya ng tingin at umiling.

"Hula ko lang."

Napangisi ako. Halatado na siya. Pilit pang tumatanggi.

"Alam mo ba, na comatose ako noon dahil sa isang insidente."pagsisimula ko.

Muli siyang tumitig sa akin.

"Sabi nila halos mag iisang taon akong tulog. Akala nila hindi na ako gigising at mamatay nalang habang buhay. Pero hindi nangyari yun dahil isang araw ay bigla kong iminulat ang mga mata ko."

Sa muli kong pag aalala sa naranasan kong iyon ay labis akong nagpapasalamat sa ikalawang buhay ko. Masaya ako at nabigyan ulit ako ng pagkakataon ni Lord. Kaya hindi ko sasayangin ito.

"Nice. Mukhang mabait saiyo si Lord kasi nabuhay ka pa."komento niya.

Ngimiti ako at tumango.

"Oo nga eh. Pero hindi lang naman si Lord ang dapat kong pasalamatan. Syempre kasama na dun ang pamilya ko at mga kaibigan."

"Ah."tanging na sabi niya.

"Saka yung babaeng nag alaga sa akin nung time nga na comatose ako."

Kitang kita ng dalawang mata ko ang pag awang ng kaniyang bibig na tila nagulat. Pero mabilis na napalitan ng ekpresyon na nagtataka.

"Sino naman yan? Girlfriend mo?"

Mabilis akong umiling.

"Hindi. Sabi ng kapatid ko. Isang nurse na walang ginawa kung hindi bantayan at kantahan ako. Ewan ko pero boses niya yata yung naririnig ko nung time na comatose ako. Malinaw na malinaw sa isipan ko ang boses niya."patuloy kong kwento.

Sinadya kong sabihin sa kaniya ang tungkol dito dahil gusto kong makita ang magiging reaksyon niya. At nagawa ko naman. Satisfied naman ako sa napansin ko sa kaniya. Kahit magaling siyang magpanggap ay madali ko siyang nababasa.

"Gusto ko sana siyang makilala kaya lang hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita."

Ayaw mo pa kasing umamin sa akin.

Yun sana gusto kong sabihin kung pwede lang.

Napaubo siya at ngumiti sa akin.

"Goodluck nalang. Sana mahanap mo."

Tumango ako at tumanaw sa di kalayuan. Nakita kong palapit na si Blue sa amin. Kaya nanahimik na ako.

"Tapos na kayo?"tanong ni Blue ng makalapit.

Sabay kaming tumango ni Black.

"Tara na."pag aya ni Blue.

Mabilis na kaming lumabas ng restaurant para umalis magtungo sa parking lot. Pero bago pa kami makarating dun ay nagpaalam si Black na may nakalimutang bilhin. Sinamahan siya ni Blue kaya pinauna nila ako sa parking lot para maisakay ko sa sasakyan ang mga pinamili namin. Kaya heto at mag isa akong naglalakad. Napangiwi ako ng maramdaman ang bigat ng mga bitbit. Nagmadali na ako sa paglalakad.

Pagdating sa sasakyan ay agad kong pinasok sa backseat ang mga dala ko bago muling lumabas. Naisipan kong tumanbay muna dito para hintayin si Black at Blue.

Tahimik akong sumandal sa sasakyan habang nakatitig sa bukanang pinto ng mall. Ganun nalang ang gulat ko ng makita ang pamilyar na lalaking palapit sa akin.

"Fuck shit."mahina kong bulalas.

"Genovese!"sigaw nito na akala mo may sunog.

Huli na para umiwas ako. Nasa tapat ko na siya kaya napatuwid ako ng tayo.

"Bachetti."banggit ko sa kaniyang pangalan.

Napangiwi ako ng bigla niyang hampasin ang isang braso ko.

"Ungas ka. Tagal na kitang hindi nakikita. Hindi ka na nagagawi sa Apex Mansion."natatawang sabi nito.

Napalinga ako sa paligid. Laking pasalamat ko ng makitang walang ibang tao ngayon dito sa tabi kung hindi kami lang.

"Ungas ka rin. Hindi ka pa rin nagbabago. Maligalig ka pa rin."komento ko.

Natawa siya at kinamot ang kanang kilay.

"Ganun talaga atleast gwapo at mayaman. Hindi tulad ni Gualtiero. Pulubi na. Broken hearted pa."

Napakunot noo ako.

"Bakit anong nangyari?"

Muli siyang tumawa na akala mo nababaliw na.

"Si Langit kasi iniwan na siya."

Namilog ang mga mata ko.

"Patay na si Heaven?! Kailan pa? Paano nangyari? Bakit?"gulat kong mga tanong.

Napasimangot ako ng tumawa siya ng malakas na anytime ay mabibingi ako.

"Gago. Hindi pa siya patay. Ibig kong sabihin, umalis si Langit at walang nakakaalam kung nasaan siya."

Bigla akong naawa kay Gualtiero ng marinig ang sinabi ni Bachetti.

Malamang laman na naman ng mga bar ang magnanakaw na yun. Lulong sa alak at para ng mamatay kung kakausapin.

Hindi ko siya masisi. Saksi ako kung gaano siya nahulog sa babaeng yun. Pero hindi ko rin masisisi si Heaven kung basta nalang siya aalis. May kasalanan si Gualtiero na kailangan niyang pagbayaran.

Nakalimutan kong sabihan si Claud na tanungin si Kareshi kung ano ng mga balita sa mga Warlords ng Top Famiglias. Dahil busy ako ngayon ay wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila. Kaya hindi ko sila matutulungan ngayon tulad ng dati.

Pati komunikasyon sa tawag at text ay hindi ko magawa. Ayoko kasi ng distractions sa ginagawa ko ngayon.

"Kawawa si Gualtiero. Pero nakakabanas kasi nagawa pang manalo laban sa akin ng mag race kami kahapon. Iba nagagawa ng broken hearted nagiging competetive.  Nakuhaan ako ng milyones."

Natawa ako.

"Ganun talaga, Ungas. Umalis ka na nga sa harapan ko."pagtataboy ko sa kaniya dahil baka mamaya ay dumating na sila Black at Blue.

"Buti nalang hindi ko naranasang ma-broken hearted."sabi niya at walang paalam akong tinalikuran.

Napabuga ako ng hangin ng makitang naglakad na siya palayo. Pero bigla siyang huminto at lumingon sa akin.

"Mukhang busy ka na naman kaya hindi ka nakakapunta sa Apex Mansion. Minsan bumisita ka na dun. Nakakamiss din kayo makita ni Gagliardi."

Napangiti ako.

"Bago 'to ah. Ang isang Ayato Bachetti. Namiss ang presensya namin."pangangasar ko.

Tumawa na naman siya na ikinatawa ko nalang din. Kahit nababanas ako sa isang ito noon. Aaminin kong masaya ako dahil isa siya sa nagbibigay kulay sa Top Famiglias.

"Gusto ko lang ipakita sa inyo na mas magaling na akong usisero ngayon. Lahat kaya kong alamin."

Natahimik ako ng may maisip.

Bigla akong kinabahan na baka isang araw ay madiskubre ng isang ito ang ginagawa ko nitong mga nakalipas na buwan. Sama mo na dyan yung mga nangyari nung panahong na comatose ako.

"Sige na. Umalis ka nalang."

Tumango tango siya at nagmamadali ng naglakad paalis. Sinundan ko nalang siya ng tingin. Hindi ko namalayang dumating na si Black at Blue.

Nakita kong may paper bag ng hawak si Black na galing sa isang store dito sa mall. Tahimik silang pumasok sa loob ng sasakyan kaya sumunod ako.


_________________


Pag uwi sa mansyon ay si Blue at Black na ang umasikaso ng mga pinamili namin. Ako ay nagpunta sa kwarto ko para maligo dahil naiinitan na ako. Nagtagal lang ako ng ilang oras bago lumabas ulit. Tapos kumain ng tanghalian kasabay ba ulit ang iba pang soldato dito sa Morpeheous Famiglia. Pagtapos nun ay nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ako.

Pasado alas kwarto ng maisipan kong hanapin si Gucchi. Pinapatulong niya ako sa inuutos ni Red na hindi ko alam kung ano. Pinuntahan ko siya sa library na madalas niyang tinatambayan kaya lang wala siya. Pero nandito sa lamesa ang laptop at mga ilang notebook niya.

"Nasaan kaya yun?"tanong ko sa sarili.

Lumabas na ako ng library para hanapin sa ibang parte ng mansyon si Gucchi. Nakarating ako sa entertainment roon. Naabutan kong nandun si Blue at Green na may kung anong pinag uusapan. Hindi ko na sila inabala pa.

Nagpatuloy ako sa paglakad ng matigilan dahil nakasalubong ko si Gray. Malapad ang ngiti niya.

"Tamang tama nakita kita."sabi niya.

"Bakit?"

Imbes na sumagot siya ay ikinawit niya ang isang kamay sa braso ko dahian para maasiwa ako.

"May mga bago akong cookies na ginawa. Patitikim ko sayo. Balak ko kasing iregalo kay Red bukas."

Mukhang ume-effort si Gray sa ireregalo niya. Nagdadalawang isip tuloy akong kung dapat ko bang regaluhan din si Red.

"Ah, okay."pagpayag ko sa kaniya.

Wala na akong nagawa ng hatakin niya ako palakad. Pero bago pa kami lumayo ay sumulpot sa harapan namin si Red at Black.

Napansin kong parehas nakataas ang isang kilay niya ng mapatingin sa kamay ni Gray na nasa braso ko.

"Avi, hina-harass mo na naman yan."sabi ni Black.

Natawa si Gray sabay iling.

"Hindi ah. May ipapatikim lang ako sa kaniya sa kitchen."

Nagkatinginan si Red at Black ng marinig iyon. Napailing ako ng mabasa ang kung anong tumatakbo sa isipan nila.

"May mga bago siyang cookies na ginawa. Gusto niya ipatikim."sabi ko.

Napatango si Black. Habang si Red ay nakasimangot. Si Gray naman ay tawa ng tawa.

"Ang green minded ng dalawang ito. Syempre ano pa bang ipatitikim ko sa kaniya?"

Hindi umimik ang mga kapatid ni Gray sa kaniyang sinabi. Binalingan niya ako ng tingin.

"Tara na."

Tumango ako bilang tugon. Nanatili ang kaniyang kamay sa isang braso ko. Akmang lalakad na kami para lagpasan si Red at Black ng humarang sila sa daraanan namin.

"Mag isa ka nalang, Gray."sabi ni Red sabay tingin sa akin. "May ipagagawa ako sa soldatong yan." Itinuro niya pa ako.

Napakunot noo ako.

"Ano yun?"tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nagulat nalang ako ng hatakin niya ako palayo kay Gray dahilan para mapabitiw ito sa akin.

"Ang daya naman, eh. Nauna ako sa kaniya."maktol ni Gray.

Ngayon ko na realize na hawak ni Red ang kanang kamay ko. As in hawak niya.

Hindi na nagsalita pa si Red. Basta nalang siya naglakad paalis na hila-hila ko kaya tahimik akong nakasunod sa kaniya. Ganun din naman si Black. Mabilis kaming nakalayong tatlo kay Gray.

"Kailangan may hawak kamay na gaganap, Red?"rinig kong sabi ni Black sa likuran ko.

Parehas kaming natigilan ni Red. Humarap siya kay Black at agad binitiwan ang kamay ko.

"Siya ang humawak sa akin. Kadiri kaya."maarteng sabi nito at walang pasabi kaming tinalikuran ni Black.

Napangiwi ako.

"Adik talaga. Siya kaya humawak sa kamay ko."sabi ko habang nakatingin kay Black.

Natawa siya.

"Yeah, adik nga siya. Lalo na saiyo."

Pagkasabi niya nun ay dali-dali siyang naglakad paalis para sundan si Red. Iiling iling na sumunod din ako sa kanila dahil nga may iuutos daw si Red sa akin.

Sa pagsunod sa kanila ay nakarating kami sa underground room dito sa mansyon. Agad kong nahulaan ang gagawin ng magkapatid sa silid na ito. Base na rin sa mga suot nilang ready na magsanay ng labanan.

"Anong iuutos mo sa akin?"tanong ko kay Red.

"Kailangan naming magpapawis ni Black at ikaw ang gagawin naming ka-sparring."

Bahagya akong natigilan pero agad din natawa.

"Sure."sabi ko.

Sabay kaming napalingon kay Black ng sumulpot ito sa gilid ko.

"Ako muna lalaban dito kay Acel."sabi niya habang nakatitig kay Red.

"Okay."pagpayag ni Red at naglakad patungo sa di kalayuan.

Naupo siya sa mahabang sofa na naroroon. Siniko naman ako ni Black kaya napatitig ako sa kaniya.

"Simulan na natin." Itinuro niya ang gitnang bahagi ng silid kung saan may malaking bilog na nakaguhit sa sahig.

Ito ang magsisilbing arena na kung sinong lumampas sa bilog na guhit ay talo na.

Naglakad siya patungo doon kaya agad akong sumunod. Nang makarating kami parehas sa bilog na guhit ay napansin kong sumeryoso ang mukha niya.

"Start na!"narinig kong sigaw ni Red.

Hindi pa ako nakaisip ng gagawing atake kay Black ng bigla ako nitong sipain sa isang binti. Bahagya akong nagulat doon pero mabilis naman akong naka-ilag sa mga susunod niyang pagsugod. Iwas ako ng iwas hanggang sa makahanap ako ng tyempo.

Binigyan ko siya ng suntok sa tagiliran dahilan para mapangiwi siya.

"Pasensya na. Walang personalan."sabi ko at sinundan pa yun ng sipa sa paa kaya bahagya siyang napayuko.

Sinamantala ko iyon para higitin ang isa niyang braso at sipain naman siya ngayon sa binti. Pupuntiryahin ko na sana ang kaniyang sikmura ng bigla siyang makakawala sa pagkakahawak ko. Napatulala ako ng bigla niya akong dambahin ng yakap. Tapos ang ang kaniyang dalawang braso pumulupot sa leeg ko na tila sinasakal ako.

Natawa ako ng hindi inaasahan.

Kung titigan mong mabuti para kaming nagsasayaw with sakalan version. Dahil mabigat ang braso niya sa leeg ko. Napayuko nga ako kaya magka-level na ang mukha namin. Napanasin kong kumpara kay Red ay mas maliit ng kaunti itong si Black.

Natigil lamang ang tawa ko ng bigla kong ma-realize na sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Seryoso siyang nakatitig sa akin.

Sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Red sa akin kagabi.

Kapag ganito kalapit ang babae saiyo. Inig sabihin, nilalandi ka niya.

Balak ko na sanang alisin ang pagkakapit ng kanyang mga braso sa leeg ko ng may kung sinong sumipa sa likuran dahilan para mapangiwi ako. Mabilis na kumalas sa akin si Black.

Paglingon ako ay nakita ko si Red na masama ang titig sa amin ni Black.

"Tama na nga yan. Masyado ka ng nag eenjoy."sabi niya na ngayon ay nasa akin na ang titig.

Umiling iling ako.

"Hindi ah."pagtanggi ko at umiwas ng tingin.

Nakangiwi kong hinimas ang batok ko. Napamura ako sa aking isipan.

Bakit ba feeling ko para may kasalanan ako? Wala naman diba?






_______________________



Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
456K 17.4K 53
A story that starts in a miserable life. Getting killed by her own family because she's different. Does having a black hair and purple eyes is a curs...
2.8M 73.7K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...