Unforgettable Mistake

By Elginpearl02

539 96 21

This is a story about a happy-go-lucky guy and a girl who doesn't know how to smile. That's because of the pa... More

PROLOGUE
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue
Author's Noteđź’•

Chapter 34

5 2 0
By Elginpearl02


Timothy Wyndelle's POV

"Just stay here son. I'll be back asap. Wag na wag kang lalabas hangga't di ako bumabalik." Nagmamadaling wika ni Papa habang inaayos ang seatbelt ko sa loob ng sasakyan ni Uncle Robert, kaibigan niya. Agad kami nitong pinuntahan nang malaman ang nangyari.

Kasama si Uncle Robert ay dali-dali itong sumama sa mga pulis kaya't naiwan akong tulala sa loob ng sasakyan.

"Mama." Wika ko sa kawalan. Kahit trese anyos na ako, bigla ay parang gusto kong tumakbo papunta kay mama at humingi ng yakap niya.

Marahan kong tinanggal ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Tahimik ang paligid at malayo sa mga taong nagkukumpulan tulad kanina, ilang metro ang layo sa kung nasaan ako ngayon.

Ngunit agad na nasira ang katahimikang iyon dahil sa iyak ng isang bata o halos kasing edad ko lang yata. Sinilip ko ang likod ng sasakyan at nakita roon ang isang batang babae na nakaputing dress. Napalunok ako nang makakita ng maraming dugo rito. Kasama niya ang babaeng medyo kahawig niya. Ewan, siguro ay Mama niya.

Saglit siya nitong inalo at kinausap pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang babae. Tulad ko ay iniwan siya nito at dali-daling pumunta kung saan dumaan rin sila Papa at Uncle Robert.

Sinundan niya ng tingin ang kakaalis lang na babae dahilan para makita niya ako. Saglit siyang natigil sa pag-iyak at tinitigan din ako. Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa loob ko. Parang may nagtutulak rin sa akin na ilabas ang lungkot na nararamdaman ko. Tulad niya ay gusto ko ring umiyak pero pinilit kong labanan ito. Tulad nang kung paano ko ito labanan kanina pa.

Gamit ang likod ng palad ay pinapahid nito ang luha niya. Marahan itong naglakad papunta sa akin kaya't tuluyan na akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nang makalapit ay malaya kong napagmasdan ang mukha nito. Mula sa mga mata, ilong, pisngi at labi. Maganda siya.

Saglit akong napapikit at kahit sa isipan ko'y dumikit na ang imahe niya.

Ayokong umiyak. Kapag umiyak ako ay iiyak din siya. Ayokong umiyak siya.

I gave her a smile. Ngumiti ako, kahit na gusto ko nang umuwi kay Mama at umiyak sa bisig niya. Nginitian ko ang babaeng kaharap ko.

"Birthday ko." Wika nito na parang nagsusumbong. Kusang tumulo ang mga luha niya. Nagtataka ko siyang tinignan. Kung ganun, bakit siya umiiyak?

"Tapos nawala sila Mama at Papa." Dagdag pa nito. Ngumuso siya't muling umiyak. Hindi ako lost and found. Hindi ko alam kung bakit parang nagsusumbong siya sa akin. Pero hinayaan ko na lang siya dahil tingin ko, iyon ang kailangan niya.

"Wala kang sasabihin?" Tanong nito habang pinapahid ang mga luha niya gamit ang likod ng palad. Bigla naman akong nangapa ng sasabihin.

"Mukha kang batang white lady." Sagot ko dahil wala na akong ibang masabi. Ngunit mas lalo lang itong naiyak. Hala!

Mabilis kong tinanggal ang hoodie na suot at inabot sa kanya. Kinuha niya naman iyon at nilagay sa mukha. Doon siya umiyak.

"Wag mo lalagyan ng sipon. Mahihirapan maglaba si Mama." Bigla kong sabi.

Naupo kami sa gilid ng daan habang mahina pa rin siya umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin para lang mapatahan siya. Habang tumatagal ang iyak niya ay para siyang konsensya ko na nagsasabing umiyak na rin ako.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang babae kanina at tinawag niya itong Tita. Binalik niya sa akin ang hoodie ko na parang nilabhan dahil sa sobrang basa. Nang paalis na sila ay sakto ring dumating sila Papa at Uncle Robert na may seryosong mga mukha. Bigla ay naalala ko ang nangyari kani-kanina lang.

Nang makarating ng bahay ay agad akong dumiretso kay Mama at biglang umiyak. Nagtaka ito lalo pa't ang tagal namin bago nakabalik. Saglit akong pinapasok ni Papa sa kwarto pero hindi pa man tuluyang nakakapunta roon ay narinig ko nang kinuwento nito ang nangyari sa amin. Maya-maya pa'y mabilis akong bumalik sa kanila nang marinig ko ang sigaw ni Papa.

Napatigil ako sa nakita. Ang tuhod ko'y biglang nanlambot kaya't napahawak ako sa pintuan. Malakas ang sigaw at iyak ni Papa habang marahang niyuyugyog ang mga balikat ni Mama. Tumayo ito't mabilis na hinalughog ang kwarto, hinahanap ang gamot.

Hawak ni Mama ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Inaatake na naman ito! Mabilis na dumausdos ang mga luha ko dahil sa naisip na inatake ito dahil sa nagawa ko.

"Mama!" Tawag ko sa kanya nang makalapit. Sa isip ko'y hinihiling na sana huwag mangyari ang kinakatakutan ko.

Ngunit natapos ang araw na iyon na tanging kami na lang ni Papa ang naiwan.

Naging tahimik si Papa at laging umiinom. Maging ako ay naging ilag din sa kanya. Naroon lamang ako sa kwarto at pinapadalhan ni Manang ng makakain. Wala pa man isang linggo nang mawala si Mama ay sinama ako ni Papa sa isang Ice Cream Parlor ngunit ako lang ang inorderan niya. Iniwan niya ako roon at sinabing may dadaanan lang daw siya.

Tulala akong nakatitig sa ice cream na natutunaw na sa malaking bowl. Kung naroon pa rin kami sa sitwasyon noon, malamang ay kanina pa namin ito naubos ni Papa. I sighed and closed my eyes.

I unconsciously smiled because I saw her image again. Sa tuwing pipikit ako ay kusa ko na lang nakikita ang mukha ng batang white lady na iyon. Binuksan ko ang mga mata at gulat na napatayo dahilan para tingnan ako ng ibang customers. Paano ay nasa harapan ko na ang babaeng iyon na inosenteng tinitingnan ako.

Kanina lang ay nasa isip ko siya. Paano siya nakarating dito?

Kinakain niya ang ice cream na dapat ay para sa akin. Muli akong bumalik sa pagkakaupo at pinanood siya.

"Wala akong gana kumain sa bahay kaya akin na lang 'to." Saad nito habang ang paningin ay naroon pa rin sa ice cream. Mabilis niya iyong kinain at ayun na naman ang mga luha niyang kusang nagsituluan.

"Saan ka galing? Sinong kasama mo? Bakit ka andito?" Sunod-sunod kong tanong. Pinahid nito ang mga luha at suminghot-singhot.

"Sa labas." Nginuso nito ang labas ng Ice Cream Parlor. "Si Tita, may dadaanan lang daw. Para kainin ang ice cream mo." Sunod-sunod din nitong dagdag na iniisa-isa pa ang sagot sa mga tanong ko.

Wala akong panyo kaya inabot ko na lang sa kanya ang libreng tissue paper na pamunas dapat sa bibig. Tinulak ko rin papalapit sa kanya ang bottled water ko. Parehas niya iyong tinanggap at muling nagpatuloy sa pagkain.

Tulad noong una. Pinanood ko siya. Muling pinagmasdan ang kanyang mukha na kusa ring minimoryado ng aking isipan. Mula sa mga mata, ilong, pisngi, labi at maging ang suot nitong hoodie na may disenyong panda.

"Aray!" Saad ko sa inaantok pa ring boses. Pinagkukurot kasi ako ng mga nasa likuran ko. Inis ko silang binigyan ng tingin pero may sinisenyas ang mga ito na tanging pagnguso lang sa harapan ang aking naintindihan.

Napalingon ako sa harapan at doon ko nakita si Maam Sharlene. Naku po!

Matamis ko siyang nginitian at ginamitan ng kung anu-anong tricks. Easy lang 'to. Si Sir Dennis nga nauuto ko, siya pa kaya.

Akma akong may kukunin sa bag na nasa likuran ko ngunit agad napahinto. Napadako ang tingin ko sa babaeng nasisiguro kong hindi dito nag-aaral noon. Hmm, probably a transferee.

Pero bakit napakafamiliar ng mukha niya?

"Tulog pa ba ako?" Tanong ko. Tumawa sila ngunit ang paningin ko ay naroon pa rin sa babae.

"Ayan kasi first day na first day ng klase tutulog-tulog."

Imposible. Hindi naman ako natutulog para sabihing nananaginip lang ako.

Ang bata sa panaginip ko... kamukha niya.

Nang bumalik ang lahat sa ginagawa ay hindi ko mapigilang hindi sumulyap sa kanya. Hanggang ang sulyap na iyon ay nauwi sa titig. Titig na napakahirap nang alisin.

Sa tingin ko'y nakaramdam siya kaya't nilibot nito ang paningin at natigil ito sa akin. I didn't know I was already smiling the whole na time na pagtitig ko sa kanya. I waved my hand ngunit agad nitong iniwas ang paningin. Natawa ako roon.

"Ehem, may nangangamoy ah." Saad ni Kirby ngunit ang paningin ay nasa phone.

Sa pagdaan ng araw ay napapansin kong ilag siya sa amin. Laging umiiwas, nagtataray at ang daming excuses para lang hindi kami makasabay. I became more curious about her.

Who is she? Bakit siya lumipat ng school? Why is she like that? Bakit siya ilag sa mga taong ang tanging gusto lang ay makipagkaibigan sa kanya?

Nilapitan ko siya. Kinausap. Sinubukang makipagkilala. Pinilit makisama sa amin. Kinulit. Inasar.

Hinila ako ng curiosity ko hanggang sa di ko na namalayang pati address niya ay alam ko na. Maging ang dati niyang school, dati niyang mga naging kaibigan. Kahit pati cellphone ko ay napuno na ng mga pictures niya na para bang pati iyon ay makakapagbawas ng kuryusidad ko.

"Nahulog na?" Tanong isang araw ni Kirby habang nakatitig ako sa mga litrato sa phone ko. Agad ko iyong pinatay at nagkunwaring busy sa pagsusulat.

"Anong sinusulat mo? Diba pinicturan mo na lahat nang lessons natin?" Sabat ni Redge. "Pati nga siya pinipicturan mo eh." Dagdag nito na ikinatigil ko.

"Shoot! Nahulog na nga!" Natatawang wika ni Kirby. Nakipag-apir pa ito kay Redge.

"Shut up. Curious lang ako dun." Sagot ko ngunit kahit ako'y nalilito na rin sa mga pinaggagawa ko. Napailing ako nang muli na namang lumabas ang imahe niya sa isipan ko. Nababaliw na ata ako.

"I like you." Biglaang sabi ko dahilan para maubo siya.

"A-ano ba pinagsasabi mo?" Tanong nito habang iniiwasan ang paningin ko.

"Isn't it obvious Lhou?" Gusto kong sapakin ang sarili sa tanong kong iyon. Kahit nga ako'y hindi alam ang ginagawa.

"Langhiya! Isa kang legend bro!" Si Redge at bumulalas ng tawa.

"Seryoso ka?! Akala ko sa ating tatlo ikaw ang pinakamalakas sa babae!" Bumulalas rin ng tawa si Kirby.

"Bakit? May mali ba sa pag-amin ko?" Kunot-noo akong nagkamot ng ulo.

Gusto ko tuloy siyang kausapin tungkol doon. Gusto kong kalimutan niya iyon. Na kunwari wala akong sinabing ganoon kaso hindi ako makakuha ng tiyempo. At napagtanto ko ring bakit pa? Nasabi ko na ang matagal ko nang gustong sabihin kaya bakit ko pa iyon babawiin?

Hindi ko nga alam kung tama ba ang sinabi kong gusto ko lang siya. Dahil habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo ko lamang hindi maintindihan ang sarili. Naroon yung bigla bigla na lang nangingiti kapag nakikita ko siyang tumatawa. Nakakaramdam ng matinding lungkot at inis kapag nakikita siyang malungkot. At selos kapag napapalapit siya sa ibang lalaki, lalo na sa dati niyang kaibigan, o kaibigan nga ba talaga?

Si Matthew.

I already knew him even before I'd met Lhou. Minsan na namin siyang nakalaban nila Kirby sa basketball. Wala naman akong pakialam sa kanya noon. Not until nalaman kong siya lang ang kaisa-isahang lalaking napalapit sa kanya.

Lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano nito titigan ang lalaking iyon. Nito ko lang nakilala si Lhou, at walang wala ang sandaling panahon na iyon kumpara sa mahabang panahong pinagsamahan ng dalawa.

Mas kilala niya ang lalaking iyon. Kaya malamang kumpara sa akin, mas komportable siya roon. Hindi ko alam kung anong nangyari noon at kung bakit parang hindi na sila magkakakilala ngayon.

Gabi-gabi sa pagtulog ay lagi akong binabagabag tungkol sa nararamdaman ko. Gusto kong maging masaya siya pero tingin ko, hindi niya sa akin makukuha iyon.

Lalo na kapag nalaman niya kung anong klaseng tao ako.

I've seen her in pain and it also hurts me big time. Lalo na noong nawala si Ivory.

And that day, I realized...

This girl is very fragile. She may looked tough outside but inside, she's soft. So soft and fragile to the point that I badly wanted to take care of her. Para siyang isang babasaging vase na kailangang ingatan para hindi mabasag. At gusto kong maging may-ari ng vase na iyon.

May kung ano sa akin na gusto siyang ingatan, alagaan at mahalin. Kasi tingin ko iyon ang kailangan niya.

Kaya naglakas loob ako kahit alam kong walang kasiguraduhan. Ayoko nang makita siyang nasasaktan. Hindi ko kakayanin kung tuluyan na siyang mawala sa akin at maunahan pa ako ng iba. Kahit isang beses lang gusto kong maging makasarili. Kahit sa kanya lang.

Niligawan ko siya. Kahit hindi ko alam kung paano, sinubukan ko. Kahit sa kanya ko pa lang iyon nagagawa, ginawa ko.

"Sigurado ka na ba? Inimbitahan mo talaga 'yong Matyu na 'yon? Akala ko ba hindi natin 'yon bati?" Singhal ni Kirby.

"Oo nga. Parang dati natatakot kang mapalapit ulit 'yon kay Lhouiza tapos ngayon ikaw na mismo naglalapit doon sa dalawa!" Dagdag ni Redge.

"Nakausap ko na siya. Girlfriend niya na 'yong Yuna kaya..." I shrugged.

"Kaya okay nang lumapit siya kay Lhouiza?" Tanong ni Kirby.

"Birthday niya. Gusto ko lang magbati-bati na sila kahit hindi ko alam kung anong pinag-awayan nila." Sagot ko kahit may kung ano rin sa aking nagpipigil sa desisyong ginawa.

"Teka, may something ba talaga sa dalawang 'yon noon?" Curious na tanong ni Redge.

"Magkaibigan lang." Kunyari ay sigurado kong sagot kahit na mayroong parte sa akin na nagsasabing sobra pa sa magkaibigan ang mayroon sa dalawang iyon.

"Guys! Sa makalawa darating na sila Joyce!" Excited na balita ni Christine na kakarating lang din kahapon galing sa probinsya nila.

"Nakausap na rin namin si Dr. Stella, siya lang 'yong naabutan namin sa labas ng ospital eh. Siya na rin daw bahalang magsabi sa Tita ni Lhouiza." Dagdag ni Terry na tumingin pa sa akin nang binanggit ang mga huling salita. Para nitong pinaparating na makikilala ko na ang pinakamalapit na kamag-anak ni Lhou.

Sa tulong ng parents ni Sarah ay nakahanap kami ng magandang beach para sa kaarawan ni Lhou. Pabalik-balik ang ilan sa amin roon sa loob ng isang linggo para sa paghahanda. Masaya rin kaming tinutulungan kami ng mga Ninong at Ninang nito.

"Tim! Andyan na yung Tita ni Lhouiza! Maghanda ka na hahahaha!" Wika ni Ciyoh na imbis palakasin ang loob ko'y mas lalo lang akong pinakaba. Bukas ay kaarawan na ni Lhou.

Hindi pa naman kami pero bakit pakiramdam ko ay para na akong mamamanhikan.

"Ang OA mo Ciyoh! There's nothing to worry about. Mabait kaya siya." Dagdag ni Khaye na sinang-ayunan ng iba. Papaano ba naman kasi, ako na lang ang hindi pa nakikilala ng Tita niya dahil paroo't parito ako dito sa resort at kompanya namin.

Bitbit ang tray ng mga juice ay papalapit na sa cottage na nirentahan namin ang Tita ni Lhou. Saglit akong natigilan nang makita ito. Magkahawig nga sila ni Lhou pero bakit pakiramdam ko ay bukod pa doon, napakapamilyar ng mukha niya?

"Anong meron?" Napalingon kami sa likod at nakita roon si Ate Rachel na mukhang kakarating lang. "Para kayong nanood ng palabas dahil sa iisang direksyon lang kayo nakalingon." Natatawang dagdag nito at naglakad papalapit sa amin.

"Hi Ate!" Sigaw ni Jaiza at naglambitin sa leeg nito na para bang napakaclose nila at normal na gawain lang iyon. Maging ang iba ay lumapit din sa kanila. Tsk. Kahit kailan talaga.

"Juice guys!" Saad ng isa pang tinig na kararating lang. Malaki ang ngiti nitong nakatingin sa amin.

Ngunit agad ring nawala ang ngiting iyon nang dumapo ang mga tingin niya sa iisang tao. Nabitawan niya ang bitbit na tray dahilan para mahulog at matapon ang lahat ng juice. Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa taong iyon na para bang hindi niya inaasahang makikita niya iyon ulit dito, ngayon.

"Rachel?" Aniya na nakatitig kay Ate Rachel na katulad niya ay nagulat ring makita siya.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ito nailing at nagmamadaling pulutin ang mga nahulog niya.

"Kami na po." Saad ni Arjay bago nanghila ng kasamahan para pulutin ang mga nahulog na baso. Sa buhangin iyon nalaglag pero kahit papaano'y mayroon pa ring mga nabasag dahil siguro'y tumama rin ang iba sa kapwa ring mga baso.

Sinenyasan kami ni Christine na iwan muna sila at ganoon nga ang ginawa namin. Ang huli naming nakita ay seryoso na silang nag-uusap ngunit halata pa rin ang awkwardness nila sa isa't-isa.

"Parehas silang nurse, baka naman magkakilala na sila noong mga nag-aaral palang sila." Wika ni Rose na sinang-ayunan din ng iba.

"Sus! Mas dapat nating ikabahala itong si Tim. Kung sakali ay baka bukas ka na makikilala ng Tita ni Lhouiza. Sa mismong birthday pa niya." Sambit ni Redge.

Dumating ang araw na aming hinihintay. Ngunit mayroong hindi nasunod sa plano dahil sa hindi namin inaasahang nangyari. Halos kalahating oras pa bago sila makarating ay tinawagan kami ni Jaiza tungkol sa nangyari kay Lhou. Sinusubukan itong gisingin sa byahe pa lang ngunit ayaw daw nitong magising. Patuloy itong umiiyak habang may binabanggit na kung anu-ano.

Hindi pa man sila nakakarating ay dumiretso na kami sa parking lot ng resort. Halos kalahati sa amin ang pumunta habang ang iba'y pilit ginagawan ng paraan ang ilang minutong pagkakawala namin. Gusto naming tawagin at ipaalam sa Tita niya ang nangyari ngunit ayaw naming pag-alalahanin ito.

Umiiyak na sila lahat sa labas ng sasakyan nang magising si Lhou. Agad namang lumabas si Jaiza para sabihing maayos na ang lahat. At kahit nag-aalangan man ay tinuloy namin ang aming hinanda para sa kanya.

Kakatwang wala man lang siyang ideya sa mga nangyayari. Kahit ang araw ng birthday niya ay parang nakalimutan na nga niya.

"Gusto mong bigyan kita ng karapatan?" Tanong nito na ikinatigil ko sa gitna ng pagsasayaw namin.

"A-ano?" May kung ano nang saya na nabubuhay sa sistema ko ngunit ayaw ko agad mag assume.

"Ang sabi ko, gusto mong bigyan kita ng karapatan?" Tanong nito ulit at siya na mismo ang nagpatuloy ng pagsasayaw namin.

"Anong ibig mong sabihin? Karapatan para saan?" Kunot-noong tanong ko ngunit di na mapigil ang pag-asang nabubuhay.

"Karapatan para magselos." Diretsahan niyang sagot dahilan para maubo ako."Sinasagot na kita." Mahina niyang dagdag dahilan para saglit akong matulala, kasunod nito'y nangiti ako.

"Tayo na?" I asked with widened eyes. Naniniguro. Baka naman nangtitrip lang 'to.

"Mmm." She answered and nodded in response. Malaki ang ngiting tinapos ko ang sayaw namin at kung minsan ay natatawa pa. Hindi makapaniwalang kami na. Girlfriend ko na siya. Gusto kong sumigaw pero pinilit kong pigilan.

Hindi ko inaasahang matatapos ang gabing ito na magiging ganito ako kasaya.

Saktong hindi nakatingin ang parents ni Sarah na silang nagbabantay sa amin ngayon kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para masolo si Lhou. Dinala ko siya mas malapit sa dalampasigan kung saan wala nang katao-tao, tahimik at mas nakikita ang bilog na buwan.

Parehas kaming naupo sa buhangin at pinagmasdan ang magkadugtong na langit at dagat na bagama't madilim ay nakikita pa rin ang ganda. Sapat na ang buwan at mga bituin para roon.

Hinubad ko ang suot na polo at ipinatong iyon sa mga balikat niya. Natawa ako nang makitang ngumuso siya at umirap.

"Nagtataray ka na naman." Saad ko pero hindi niya iyon sinagot. "Happy birthday." Dagdag ko bago magbuntong hininga. Napakabanayad ng hangin at napakatahimik ng paligid kaya medyo nakakaramdam na ako ng antok.

"Thank you." Sagot nito na nagpawala ng antok ko. Hindi ko inexpect na sasagot siya. Ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata.

"Hindi ka na galit?" Tanong ko.

"Hindi naman ako nagalit. Nainis lang ng konti." Ngumuso ulit siya. "Pagkatapos ng ilang taon, ikaw pa lang ang nagsabi sa akin ng mga salitang 'yan. Ngayon feel ko nang birthday ko talaga." She heaved a sigh.

"Happy birthday." Wika ko habang nakatitig sa kanya. Lumingon siya sa akin.

"Thank you nga." Muli siyang ngumiti.

"Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday."

"Narinig ko."

"Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday."

"Nangtitrip ka na naman ba?" Kunot-noo nitong tanong. Naiinis na naman.

I gave her a genuine smile. "Para 'yon sa mga birthdays na wala ako sa tabi mo."

Unti-unting nawala ang inis sa mukha nito at seryosong napatitig sa akin.

"Bakit ako Winwin? Mas marami namang iba dyan. Iyong mas kilala mo, iyong hindi mataray, iyong kayang makisakay sa lahat ng trip mo." She sighed. "Bakit ako?"

I held her hand ang intertwined it with mine. "Bakit hindi ikaw?"

Iniwasan niya ang titig ko. "Hindi mo pa ako ganoon kakilala." Sagot nito.

"Kikilalanin kita at ganoon ka rin sa akin."

"Bakit?"

"Dahil mahal kita." Diretsa kong sagot. Ramdam kong bahagya siyang nagulat.

"Mahal mo'ko? Gaano kalalim?" Muling tanong nito habang nakayuko.

"Nakakalunod." Umangat ang tingin niya sa akin at sabay kaming napatawa.

"Ikaw? Mahal mo ba ako?" Matapang kong tanong.

"Hindi ko alam kung ganoon na nga ang tawag sa nararamdaman ko. Pero alam kong mahalaga ka sa akin." Nakangiti niyang sagot kaya napangiti rin ako.

"Kapag sigurado ka nang mahal mo ako... Pwede bang malaman kung gaano kalalim 'yon?" I asked her.

"Mmm, sige." She nodded and chuckled. "Basta ba, wag niyo akong iwan ha, lalo ka na. Sa lahat pinakaayaw kong iniiwan ako--"

Before she could even finish what she's saying, my hands were already at her cheeks, gently caressing it with our faces just an inch apart. Without further ado, I crashed my lips into hers. It was just actually a soft peck.

Saglit kaming nagkatitigan at binigyan ko siya ng ngiti.

"I would never ever leave you Lhouiza Fhaye." And in just a blink, under the thousand bright stars and in the middle of the cold wind, we both found warmth when our lips met again, gently following one rhythm.


"Good night." Paalam ko nang maihatid si Lhou sa kwarto nila. Nang madaanan namin ang iba naming kasamahan ay nakita naming nagliligpit na sila ng mga gamit kaya tingin ko'y magpapahinga na rin ang mga iyon.

"Good night." Sagot nito na may ngiti sa mga labi. Saglit pa kaming nagkatitigan at parang mga hibang na basta na lang natawa.

Hinintay ko siyang makapasok sa kwarto bago tumalikod at naglakad papalayo. Nakatingin ako sa paa habang naroon pa rin ang ngiti at maya-maya'y natawa na naman. Baliw na yata ako.

Napahinto ako nang may tumigil na mga paa sa harapan ko. Inangat ko ang tingin at saglit na natulala. Ang ngiti ko'y tuluyan nang nawala. Bigla bigla ay parang hindi ko na alam ang sasabihin o gagawin.

"Mag-usap tayo." Anang tinig na napakaseryoso tulad kung paano ang mga mata nito'y tumitig sa akin.

Kung paano bumilis ang pintig ng puso ko kanina kasama si Lhou ay mas mabilis na ito ngayon, hindi dahil sa saya, excitement o kilig. Kundi dahil sa hindi maipaliwanag na kaba habang kaharap ko ngayon ang kanyang Tita.



Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
451K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.