The Innocent Revenge

Von mattymathics

24.6K 1.4K 54

Napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, pinagmukha siyang kriminal na hindi inalam ang totoong nangya... Mehr

MM
The Innocent Revenge
Note
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Thank you

Epilogue

662 36 7
Von mattymathics




Today is the best day ever. Dahil ngayon araw ako ikakasal sa babaeng pinakamamahal ko.

Anim na taon na ang nakalipas simula nung nagpropose ako sa kanya. Tinapos muna namin ang aming pag–aaral at naghanap ng trabaho bago nagpakasal.

Kasalukuyan kaming nasa simbahan ngayon at hinihintay ang aking mapapangasawa.

"Kinakabahan ka ba?" napatingin ako kay rhyz na nasa aking tabi. Nakangiti pa ang loko.

"Kabahan ka talaga baka hindi ka siputin nun" kinabahan tuloy ako sa sinabi niya.

"Tumahimik ka nga, kinakabahan ako sayo eh"

"Naalala mo pa yung mga araw na nasaktan mo siya?" natigilan ako "Alalahanin mo baka sakaling maisip mo na hindi ka niya siputin dahil dun"

Sinuntok ko siya ng mahina sa braso niya "Baliw" pero tumawa lang ang loko.

"Congrats pre, Ikakasal ka na talaga" kinakabahan parin ako.

"Magpakasal ka na rin" sabi ko.

"Soon, kapag nanganak na siya, ayaw niya raw lumakad sa altar na malaki ang tiyan" napatawa nalang ako

"Grabi ka naman kasi, hindi pa kayo kasal pero nakakadalawa ka na"

"Hindi mapigilan eh" lokong sabi niya.

May anak na sina rhyz at syrine. Nasundan na nga eh. Nakadalawa na sila.

Basta babaero talaga maraming anak. Hindi pa kasal pero nakadalawa na. Isa pa nga lang anak namin eh. Ang aming nag-iisang prinsesa na si Yrah, 5 years old na.

"Ayan na" natigil ako sa pag-iisip ng sikuhin ako ni rhyz kaya napatingin ako sa malaking pinto ng simbahan.

Dahan dahang bumukas iyon dahilan para magsimula akong manginig. Nakita kong na unang pumasok ang ibang kababaihan at kalalakihan na nakasuot ng pormal na kasuotan.

Napahawak ako sa aking kamay at naramdamang pinagpawisan iyon ng malamig.

"Relax bro" sabi pa ni rhyz sa tabi ko sabay hawak sa balikat ko.

Simula pa kasi kahapon ay hindi ko siya nakita kasi nasa pamahiin daw iyon. Kung gusto naming matuloy ang aming kasal, dapat hindi muna magkita ang bride at groom.

Napangiti ako ng anak ko na ang sunod na naglakad sa red carpet. Napatingin ako sa aming prinsesa.

Nakuha niya ang gandang mukha ng kanyang mommy samantalang ilong lang ang nakuha niya sa akin at ang katangkaran.

Nginitian ako ng aking anak ng makitang nakatingin ako sa kanya ngunit nawala agad iyon at napalitan ng 'mataray look' ng makarating sa pwesto nila kung saan naroon ang makulit na panganay nilang anak ni Syrinne at Rhyz na si Ralex.

Napailing nalang ako. Hindi masyadong magkasundo ang dalawa. Masyadong makulit ang anak ni rhyz keysa sa anak kung libro ang inaatupag.

Mas marami pa siyang oras magbasa ng libro keysa maglaro kahit na hindi pa siya nagsisimulang mag aral. Nakuha niya iyon sa kanyang mommy.

"Ang ganda bro" napatingin ako sa harapan ng banggitin iyon ni rhyz.

Nagsimula na naman akong kabahan pero ngumiti ako at hindi pinahalata iyon.

Nakita ko sa entrance si ang babaeng pinakamamahal ko na nakasuot ng napakahabang puting gown at nakahawak sa braso ng kanyang ama't ina. Papalapit sila sa aking pwesto.

"Goodluck bro" hindi ko na pinansin ang sinabi pa ni rhyz dahil nasa pinakamamahal kung babae ang tingin ko.

Nakita ko sa mukha niyang napaiyak siya kaya nagsimulang nangingilid ang luha ko hanggang makalapit sila saakin.

"Ipapaubaya ko na sayo ang anak namin, hijo. Sana ingatan mo siya at huwag mo ng saktan ulit"

"I will po, tito" sabi ko kay Tito lester sabay bigay sa kamay ni joyce saakin. Kinuha ko iyon at nilagay sa braso ko.

Umalis na din sila tita at pumunta sa kanilang pwesto.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya habang palakad kami papunta sa harap ni father.

"Masaya lang ako" nakangiti ngunit umiiyak paring ani niya.

"Masaya rin ako"

Nang makarating sa harap ay nagsimula ng magsalita si father. Hindi ako masyadong nakinig dahil nasa harap ko ang aking pinakamamahal na magiging asawa ko.

Excited na akong gumising na siya agad ang unang makita ko sa umaga. Excited na akong bumuo ng pamilya kasama siya.

Naalala ko pa yung mga panahong bago kami nagkakilala hanggang sa maalala ko lahat nung mga pagsubok na nangyari saamin.


"Pumunta ka nalang dito kung gusto mong bisitahin ang anak natin, dahil gusto ko ring makilala niya ang kanyang ama" tumalikod na siya ng sabihin iyon.

Hindi ko magawang kumilos, sobra akong nanghina. Narinig ko nalang na may papalapit saakin.

"Hijo? Anong nangyari?" dinig kong tanong ni tita lou.

"Wala na tita, hiniwalayan na niya ako" iyak kung sabi.

"Shhh, magiging okay din kayo" tumayo na ako at nakita ko ang singsing na hinubad niya kanina na nasa mesa.

Kinuha ko agad iyon at inilagay sa bulsa ko.

"Aalis nalang po ako tita"

"Kakausapin ko muna si joyce"

"Okay lang po, tita. Babalik nalang po ako sa susunod" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni tita dahil umalis na ako. Nasa lubong ko pa si tito pero ngitian ko lang siya.

Deserve ko to, kasalanan ko to kaya dapat lang na mangyari sa akin ito. Parang ayaw ko na atang mabuhay.

Nakatulala lang akong naglakad palabas kahit umuulan. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagtulo rin ng luha ko. Hinayaan ko lang tumulo ito habang iniisip ang mga magagandang alaala na nakasama ko si joyce.

Ngunit napahinto nalang ako sa pag-iisip ng may tumawag mula sa likuran ko. Bumalik ako ang lakas ko ng marinig ko iyon.

Napatingin ako sa aking likuran at nakita ko roon ang babaeng mahal ko na nakatayo habang may hawak na payong.

Dahan dahan siyang tumakbo kaya tumakbo narin ako papalapit sa kanya. Sabay naming niyakap ang isa't isa sa ilalim ng ulan.

"Hindi ko kaya, ken. Hindi ko kayang mawala ka" humihikbing sabi niya.

"I'm sorry, hindi ko rin kayang iwan ka" naiiyak naring sabi ko.

"I love you" agad kong hinalikan siya ng marinig ko ang salitang iyon.

"I love you too"



Nakakahiya mang isipin lahat ng katangahan ko dati ngunit napalitan naman iyon ng kasiyahan simula nung dumating saamin si Yrah.

"I do, father" sagot ko sa tanong ni father.

"You may now kiss the bride" dahan dahang sinimulan ko ng tanggalin ang see through na telang nakatakip sa mukha ni joyce.

Napangiti ako ng makita ko na kabuuan ang kanyang mukha. I really love this girl.

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanyang at napapikit ng maglapat ang aming mga labi.

Gumanti siya sa halik ko at siya agad ang unang bumitaw dahil alam niyang hindi ko mapipigilan at baka magtagal pa iyon. Rinig kung nagpalakpakan lahat ng umattend sa kasal namin.

"I love you, my wife"

"I love you too, my husband" nang sabihin niya iyon ay hinalikan ko siya ulit ng mas matagal.

Napangiti siya sa gitna ng aming halikan, ganun din ako.
Hindi ako makapaniwala na kasal na ako sa babaeng mahal ko.

The End

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

365K 7.3K 27
#she-wolf #mate #romance #love #Alvin #Dreame
377K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
77.8K 2.1K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
16.4K 447 51
I Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.