The Innocent Revenge

By mattymathics

26K 1.4K 54

Napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, pinagmukha siyang kriminal na hindi inalam ang totoong nangya... More

MM
The Innocent Revenge
Note
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Thank you

Chapter 35

386 23 1
By mattymathics


Kidnap

Syrinne POV

Nasa sala ako ng aming bahay nanonood ng TV ng tumonog ang phone ko.

Nakita ko agad ang pangalan ni matt sa screen kaya agad kung sinagot ito.

"Bakit?"

"Punta tayo kanila joyce"

"Ano gagawin natin dun?"

"Bonding"

"Asan ka ba?" tumayo ako at pinatay ang TV.

"Nasa bahay pa"

"Sige punta tayo. Di ako magdadala ng sasakyan sayo ako sasabay"

"Sige" pinatay ko ng ang tawag at umakyat agad papunta sa kwarto.

Naligo agad ako pagkatapos nagbihis ng plain white shirt at sexy short. Sa bahay lang naman kami nila joyce tatambay kaya nakapambahay lang ako.

Hindi ko alam kung alam na ba ni joyce napupunta kami sa bahay nila o kung nagpaalam na ba si matt sa kanya.

Kaya kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya. Hindi nagtagal ay sinagot naman iyon.

"Hello?"

"Joyce?"

"Baket?"

"Papunta kami sa inyo ngayon—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may marinig akong tunog "Hello? joyce?" tawag ko pero walang sumagot. "Joyce? Andiyan ka ba?" tawag ko pa pero biglang pinatay ang tawag.

Kumalabog ang dibdib ko.

Ano bang ginagawa nun? Kinakabahan tuloy ako.

Bumaba na ako ng marinig ko ang tunog ng sasakyan ni matt.

"Let's go" sabi niya ng makalapit ako sa sasakyan niya. Pumasok na din ako sa frontseat at nagseat belt.

"Nagpaalam ka kay joyce?" tanong ko ng matapos ako sa aking seat belt.

"Nakalimutan ko nga eh, tinawagan ko ngayon lang pero di sumagot. Ikaw nga tumawag" sinunod ko ang utos niya at tinawagan si joyce.

Ngunit naka off ang phone niya.

"Naka off ang phone niya" sabi ko.

"Hayaan mo, isu-surprise nalang natin siya" kaya hindi nako umimik at nagsimula ng magmaneho si matt.

Smooth lang siyang nagmaneho, alam niya kasing takot ako pagmabilis lalo na kapag siya ang nagmaneho.

Parang pure na lalaki kung magpabilis ng sasakyan, walang takot kay kamatayan.

Hindi nagtagal ay nakarating din ako at huminto sa tapat ng bahay nila joyce. Lumabas ako para mag doorbell.

Naka tatlong doorbell ako ng may bumakas sa door gate na katulong nila.

"Yes maam?" tanong niya.

"Si joyce?"

"Ahh wala po siya dito maam pati po ang mama at papa niya" napatango ako sa sinabi niya.

"Ahh saan po daw sila pumunta?" tanong ko.

"May pinuntahan si Maam at Sir. Si Maam joyce may kasamang lalaki kanina, boyfriend niya ata" si ken agad ang pumasok sa isip ko.

"Ahh sige po salamat" bumalik na ako sa sasakyan ni Matt at pumasok. "Wala daw si joyce umalis kasama ata si ken"

"Tawagan mo nga si ken" utos niya.

"Wala akong number niya"

"May number ka ba sa dalawang kaibigan niya?" tumango ako.

Kay rhyz lang ako may number kaya soya agad tinawagan ko.

"Totoo ba to?" tanong niya ng masagot ang tawag.

"Ha?"

"Tumawag ka talaga?"

"Oo"

"Himala. Oh napatawag ka? miss mo ko?" napairap ako.

"Miss mo mukha mo, may number ka ba ni ken?"

"Ouch. Siya ba gusto mo?" parang nasasaktan niyang sabi.

"Bigyan mo ko ng number niya, gusto kung malaman kung saan sila ni joyce"

"Kiss muna"

"Bwesit! Bilisan mo?" sigaw ko kaya napatingin si matt.

"Ito naman galit agad, ite-text ko sayo kamahalan" pinatay ko na agad ang tawag.

Maya maya ay tinext niya ang number sa akin. Tinawagan ko agad ngunit walang sumagot.

"Ulitin mo" utoa ni matt ng sabihin kong walang sumagot. Inulit ko naman pero nakapatay na ito.

"Naka off" kinabahan ako bigla.

"Baka nagtanan na ang dalawa" sinapak ko sa braso niya.

"Gaga" natawa nalang siya.

Napag desisyonan naming umuwi nalang at bumalik nalng bukas. Nakauwi na ako sa bahay.

Sinubukan kong tawagin si Joyce pati si Ken ng makarating ako sa aking kwarto ngunit pareho paring patay ang phone nila.

Ano kayang ginagawa ng dalawang yun?

Humiga nalang ako saaking kama at natulog.

Nagising ako sa boses ni mama galing sa labas. Madilim na sa labas ng imulat ko ang mata ko.

Pasa alas syete na. Baba na sana ako ng umilaw ang phone ko. Kinuha ko agad iyon sa table, nagulat nalang ako sa dami ng miscall galing kay matt.

Pero yung text niya ang nakapukaw sa inaantok kung katawan.

From: Matty

Na ospital si joyce, pumunta ka dito.

Agad akong napatayo at dali daling bumaba.

Joyce POV

"Saan na ba sila boss?"

"Papunta na dito"

Nanghihina akong naimulat ang aking mata ng marinig ko ang boses ng dalawang babae.

Naramdaman ko nalang na malamig yung hinihigaan ko. Napaupo ako, napatingin sa aking kamay ng maramdamang masakit iyon.

Nakatali pala ito ganun din ang paa ko, napatingin ako sa dalawang lalaking nag uusap kanina at eksakto ring napatingin sila saakin.

"Gising ka na pala?" tanong nung isang lalaking naka bonnet na itim.

"Nasaan ako?" tanong ko sabay linga linga, walang bintana. Malalaking pader na gawa sa semento ang nakapaligid.

"Bakit namin sasabihin?" insultong sabi nung isang lalaki na matangkad.

"Bakit ako nandito?"

"Ano sa tingin mo?" napaisip ako sa tanong niya at inalala ang nangyari bago ako napunta rito.

Kausap ko si syrinne kanina sa telepono at nakatingin ako kay ken. Si ken? Asan siya?

"Ako lang ba ang ki..nuha niyo?" tanong ko at napatawa sila.

"Sino ba ang akala mong may iba pa?" tabong ni kuyang bonnet.

Siguro hindi nila hinuli si ken baka tumakas na yun at tumawag ng pulis.

"Nasaan ba kasi ako?" sigaw ko.

"Kidnap to, miss. Kaya huwag kang umasang sasabihin namin sayo kung nasaan ka" sabi pa ni kuyang matangkad

"Sabihin mo na, hindi na rin naman siya makakalabas ng buhay dito eh" nanindig ang balahibo ko ng sabihin yung nung lalaking naka bonnet.

"Nasa bodega ka, malayo kung saan ka nanggaling" bumilis ang tibok ng puso ko.

"Please... pakawalan niyo ko, magkano ba ang kailangan niyo?" nagkatinginan silang dalawa, nagbabasakalin pumayag sila.

"Hindi namin kailangan ang pera mo"

"Anong gusto niyo?"

"Ang pagbayaran ang ginawa ng tatay mo saamin" nagulat ako sa sinabi niya.

"Ha?"

"Ang tatay mo ang dahilan kung bakit hindi na ako nakapag-aral. Ipinatanggal ako ng tatay mo sa Eastwood at dahil dun pinalayas ako ng pamilya ko sa bahay" napayuko ako ng makita ko sa mata niya ang kalungkutan.

"Ako naman ay hindi binigyang makapasok sa Eastwood" napatingin ako sa lalaking matangkad "May pera kami na makayanan ang tuition ng Eastwood. Ang kasi galing akong public kaya bawal akong makapasok sa Private ng Eastwood. Dahil dun nawalan ako ng ganang mag aral, dahil ang Eastwood ang pangarap kung paaralan pagdating ng college" hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Kung ganun, pwede ko kayong ibalik" pero ngumiti lang silang dalawa kaya nakaramdam ako ng takot.

"Sa tingin mo ganun lang kadali yun?" nakangiting dahandahan lumapit sa akin ang matangkad kaya napatayo lahat ng balahibo sa katawan ko.

"Sasaktan ka muna namin" napahalakhak siyang sabihin iyon. Kinakabahan ako sa lalo sa tawang iyon.

"A..nong kai...langan niyo sa..kin?" nauutal kong tanong.

"Kami? wala" kibit balikat niyang sabi at umatras ng kunti "Pero siya meron" turo niya sa bandang pinto at napatingin ako roon.

Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito biglang ng makita ko ang babaeng nakatayo sa may pintuan.

Tiniis ko ang sakit, nakahawak parin sa ulo. Nakita ko ang babaeng papalapit sa akin ng nakangiting nakakatakot. Iba yung ngiti niya parang... demonyo.

"Nakalabas ka na pala" nagulahan ako sa sinabi niya "Oh, I remember wala ka palang naalala" sabi niya. Kilala ko ba to? "I'm heven" mas lalong sumakit ang ulo ko ng marinig ang pangalang iyon.

"Ahh" sigaw ko ng mas sumakit pa iyon.

"Hindi pa nga kita inaano, nasasaktan ka na?" napaiwas ako ng tingin sa kanya at nawala wala ang sakit ng ulo ko.

"Sino ka ba? Anong kailangan mo sakin?" matapang kong tanong.

"Ang kailangan ko? Ikaw" rinig ko ang ingay ng sapatos niya na papunta sa akin. Namalayan ko nalang na hinawakan niya ang panga ko at sapilitang hinarap sa kanya.

Napapikit ako ng higpitan niya ang hawak dun.

"Kailangan kung patayin ka" sigaw niya sa mukha ko. Nagulat ako hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya.

"Anong bang nagawa ko? Walang akong maalala. Kung may nagawa man ako, I'm sorr—" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng sinampal niya ako ng napakalakas dahilan para matumba ako.

Napahawak ako sa aking pisngi ng maramdaman ang sakit.

"Walang magagawa ang sorry mo sa lahat ng ginawa ng pamilya mo" sabay sabunot niya sa buhok ko kaya napaaray ako "Sinira niyo ang buhay ko, ang buhay ng nanay ko"

"Heven?" napabitaw siya sa buhok ko ng may tumawag sa kanya na boses lalaking pamilyar sa pandinig ko.

"Oh. nandito ka na pala, Ken" nagulat akong napalingon sa lalaking tumawag ng heven "So ano? sisimulan na ba nating pahirapan siya?" mas lalo akong nagulat sa tanong ni heven.

Tumingin ako siya saakin. Hindi ako makapaniwalang kasabwat siya.

"Ikaw?... Ka..kasabwat ka?" nanginginig kung tanong at nginisihan niya lang ako na mas lalong ikinatakot ko.

To be continued . . .

Continue Reading

You'll Also Like

47K 1.2K 30
Dahil sa isang misyon na kailangan mong gawin ay doon mo rin pala makikilala ang taong magpapatibok ng iyong puso. Aria Bailey at Creed Nicholson ay...
140K 5.3K 54
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
2M 75.5K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
18K 452 51
I Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.