The Innocent Revenge

By mattymathics

24.5K 1.4K 54

Napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, pinagmukha siyang kriminal na hindi inalam ang totoong nangya... More

MM
The Innocent Revenge
Note
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Thank you

Chapter 31

398 25 0
By mattymathics


Talk

Kenchee POV

Parang nabingi ako sa tanong niya. Pareho kaming nagtitigan. Gulat parin ako samantalang nakakunot ang noo.

"Sino ka?" taka parin niyang tanong at  inilibot ang tingin sa paligid "Nasaan ako?" tumulo ang luha ko ang luha ko sa tanong niya.

"Anak? Gising ka na?" napayakap si tita kay joyce ng makapasok. Hindi parin mawala ang kunot sa kanyang noo.

Kung anong reaksyon niya sakin kanina ganun din ang reaksyon niya ng makita si tita.

"P..po?" takang tanong niya kaya napabitaw si tita.

"Anak?" halong gulat na tanong ni tita.

"A..anak mo ko?" napatakip si tita sa kanyang bibig sa tanong ni joyce at nagsimulang lumandas ang mga luha.

"Oh my god, lester. Anong nangyari sa anak natin?" baling niya kay tito.

"Tatawag lang ako ng doctor" sabi agad ni tito at lumabas na.

"Anak? Hindi mo ba ako naaalala?" pigil luhang tanong ni tita at umiling lang siya.

"Nakalimutan niya ko" iyak ni tita.

"Tita shhh..." pagtahan ko.

"Sino... sino ako?" napabaling kami kay joyce ng tanong na iyon.

"Ikaw si joyce, ikaw ang anak ko, ako ang nanay mo"

"Hindi... hindi ko po kayo kilala" iling na sabi ni joyce at napahagulgol na sa iyak si tita. Sinubukan ko namang patahanin siya.

Bumukas ang pinto at pumasok na si Tito kasunod ang doctor.

"Hindi niya ako kilala doc" naiiyak paring sabi ni tita lumapit naman si doc kay joyce.

"Hello, Joyce. I'm Dr. Fortunato" bati niya. "Hindi mo ba sila kilala?" tanong ni doc at umiling lang si joyce "Siya yung mama mo" turo niya kay tita "Siya naman ang papa mo" turo niya kay tito.

"Mama? Papa?" takang tanong niya.

"Oo anak, naalala muna?" nagbabasakaling tanong ni tita pero umiling ito.

"Hindi ko kayo kilala" sabi niya na ikinalumi ni tita "Nasaan ako?" baling niya kay doc.

"Nasa ospital ka ngayon, joyce. Dahil naaksidente ka sa school niyo" mahinhing sabi ni doc.

"Bakit ako naaksidente?"

"Dahil may tumulak sayo at nauntog yung noo mo" nagulat namn si joyce dun.

"Si..sino po?"

"Si heven" ako ang sumagot ng lingunin ako ni doc.

"Ahh" impit niya sabay hawak sa kanyang ulo. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Hindi parin siya tumigil at patuloy ang pag impit pati paghawak sa kanyang ulo.

"Doc anong nangyari?" gulong tanong ni tita.

"Sa labas nalang po muna kayo" kaya sinunod namin siya.

"Les? Ang anak natin" lungkot na sabi ni tita.

"Shhh magiging okay din siya, baka nabigla lang siya" tahan ni tito.

"Hindi niya tayo naaalala"

"Maaalala rin tayo nun" hindi ako umimik hanggang sa lumabas ang doctor.

Napatayo si tita at ganun din ako.

"Doc?"

"Pinatulog ko muna siya, kailanga muna niyang magpahinga. Para paggising niya ay ite-test na namin siya para malaman kung anong klaseng amnesia ang dinaras niya"

"What? Amnesia?" di makapaniwalang tanong ni tita.

"Yes, kita naman natin kanina na hindi niya kayo naaalala kaya automatic na may amnesia siya, yun nga lang kailangan namin siyang ipa-test agad para masuri kung anong klaseng amnesia meron siya" muntikan ng matumba si tita buti nalang ay nasalo siya ni tito.

"Bakit nangyayare to sa anak ko?"

"Kailangan niyo pong maging malakas misis dahil hindi po kayo naaalala ng anak niyo, maiwan ko muna kayo" sabay talikod ni Dr. Fortunato.

"Lou, kumalka ka" umiling lang si tita sa pagkalma ni tito sa kanya.

Pasado alas dose na pero nandito parin ako, gising parin si tita at tito. Nasa loob nga lang sila kasama si joyce.

Kanina pa gumising si joyce pero hindi ko magawang pumasok. Medyo naging maganda ang tungo niya sa kanyang magulang.

Tinetext na ako ni mama kung saan na ako pero hindi ko inintindi. Humiga nalang ako sa upuan at umidlip.

Napaupo ako ng marinig kung bumukas ang pinto ng kwarto ni joyce. Nakita kung lumabas si tito kasunod si tita.

"Pumasok ka, gusto ka niyang makilala" nagulat ako sa sinabi ni tita.

"Po?"

"Gusto kang makausap ni joyce" dahan dahan akong tumayo. Hindi makapaniwala.

Pumasok ako sa loob ay naabutan ko siyang nakasandal sa headboard ng kama.

Nanlamig ako ng tumingin siya sakin.

"Anong pangalan mo" biglang tanong niya.

"K..ken" utal kung sagot.

Umupo ako sa sofa malayo layo sa kanya, nakatingin parin siya saakin kaya napaiwas ako.

"Gusto kitang makausap" panimula niya.

"Sige"

"Paano kita makakausap kung ang layo mo sakin?" tumibok ng mabilis ang puso ko ng sabihin niya yun.

"H..ha?"

"Lumapit ka dito" dahan daha akong lumapit sa kanya at umupo sa upuang katabi ng kama.

"Ex kita?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Sabi ng mama ko daw, ex daw kita" sabi niya kaya dahan dahan akong tumango.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Ha?"

"Ex kita bakit nandito ka?"

"Nag-aalala ako" yun ang sabi dahil totoo naman.

"Mahal mo pa ako" mas lalo akong nagulat at hindi nakasagot sa tanong niya. "Kasi nandito ka at nag aalala saakin, si means mahal mo pa ako?" diretso niyang sabi hindi parin ako makapaniwala? "Hey? mahal mo pa kako ako?" tanong niya kaya dahan dahan akong tumango dahil yun ang totoo

"Kung ganun alagaan mo ako" biglang nanlambot ang puso ko sa sinabi niya at dahan dahang napangiti.

"Sige"

"Saan tayo nagkakilala?" biglang tanong niya.

"Sa school" sabi ko at nakatingin lng siya saakin na naghihintay sa kasunod kung sasabihin "Nakilala kita nung enrollment kaso di mo pa ako kilala nun. Bigla akong nakaramdam ng tuwa nun nung pumila ka sa Enrollment ng ABM." nakangiti kung kwento at nakatingin lang siya sakin "Lagi kung hinihiling na sana makaklase kita kaya nung pasukan, sobrang saya ko ng maging kaklase natupad yung hiling." napangiti siya sa kwento ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko "Ilang araw ang lumipas ay nagpakilala ako sayo, naging close tayo hanggang sa nahulog ako sayo" nakangiti pang kwento ko habang inaalala ang mga masasayang alaala namin "Kaya hindi ako nagdalawang isip na ligawan ka, sobrang saya ko ng pumayag ka pero mas naging masaya ako nung sinagot mo ako nung September 24" kita ko sa mukha niya na masaya siya sa kwento ko "Kaya ayun, pinapasyal kita, dinedate, pinagmamalaki—"

"Bakit tayo naghiwalay?" nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkagulat.

Ayokong magsingungaling sa kanya pero ayoko ring sabihin ang totoo baka magalit siya.

"Huwag na yun, baka magalit ka" sabi ko.

"Hindi ako magagalit wala naman akong naalala" sabi niya.

"Ahh kase... sa party tayo nagkahiwalay"

"Party?" tumango ako.

"Oo"

"Sinong nakipaghiwalay?" napalunok ako sa tanong niya.

"A..ako"

"Wow, ang gwapo mo ha? Hindi ka nagsisinungaling?" natatawang sabi niya.

"Hindi ah"

"Sus, anong dahilan bakit ka nakipaghiwalay?" tanong niya

"May nagawa ka kasi"

"Anong nagawa ko?" kunot noong tanong niya.

"Akala ko nun kasi may ginawa ka pero nagkakamali pala ako. Hindi ako nakinig sa explanation mo at sinabi ko nalang na tapos na tayo" malungkot kong sabi pero nagulat nalang akong tumulo yung luha niya.

"Joyce?" naguluhang tawag ko, pinahid niya naman ang luha niya.

"Hindi ko alam kung bakit naiyak ako siguro dahil nasaktan ako nung panahong yun" buntong hininga niyang sabi.

"I'm sorry" sabi ko.

"Okay lang. Ituloy mo na"

"Huwag na"

"Sige na" pilit niya pa "Promise, hindi nako iiyak" nakataas pa siya ng kamay at ngumiti.

"Yun nga, sobrang sisi ko nung hindi man lang kita pinakinggan. Sobrang tanga ko"

"Tanga nga" singit niya

"Tapos iniwan kita nun" patuloy ko "Nalaman ko nalang na naalsidente ka, sumabog ang sasakyang sinakyan mo" pagkasabi ko nun ay bigla siyang napahawak sa ulo niya.

"Okay ka lang?" alala kung tanong at tumango naman siya

"Sumakit lang ang ulo ko"

"Magpahinga ka nalang muna"

"Hindi na ituloy muna"

"Huwag na baka sumakit lang lalo yung ulo mo" napilit ko naman siya at humiga na. "Goodnight" sabi ko at pinanood lang, nang makatulog ay hinalikan ko ang noo niya. "I miss you" sabi ko.

Namalayan ko nalang na nakatulog ako habang nakaupo sa tabi niya.

To be continued . . .

Continue Reading

You'll Also Like

499K 774 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
59.1K 1.7K 29
I was walking in this old big mansyon. Lahat ng mga litrato ay napakaluma, nilibot ko ang paningin ko sa boong bahay, subrang luma at ang daming anti...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...