The Innocent Revenge

By mattymathics

24.5K 1.4K 54

Napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, pinagmukha siyang kriminal na hindi inalam ang totoong nangya... More

MM
The Innocent Revenge
Note
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Thank you

Chapter 25

450 25 0
By mattymathics


Suitor

Joyce POV

Niligpit narin namin ang aming gamit at pumunta na sa Canteen. Nadaanan pa namin sila Ken at kita kung napatingin sila saamin.

Pati narin si Ken nasaakin naka tingin pero di ko siya sinulyapan na para bang walang nangyaring sagutan kahapon.

Pero masyadong makapal ang mukha niya kaya tinawag ako. Napahinto naman kaming tatlo at nilingon ang gawi nila.

"O..okay ka na?" ramdam ko sa boses niya ang pagalala

Hindi. Hindi ako okay, dahil galit parin ako. Gusto kong sabihin yun pero di ko ginawa.

"Why do you care?" mataray kung tanong at di naman siya nakapagsalita kaya dumiretso na kami papuntang canteen.

"Sana hindi mo nalang ginawa yun, Joyce" biglang salita ni matt ng makapasok kami sa canteen.

"Ang alin?" taka kung tanong.

"Yung sagutan niyo ni miss"

"Akala ko ba napag-usapin na natin to?" tanong ko ng makaupo sa aming pwesto.

"Mali parin yung ginawa mo joyce" pangaral ni matt saakin.

"Gusto ko lang gumanti" sabi ko.

"Ako na mag order" presenta ni syrinne at tumayo na't pumila. Tumango lang kami bilang sang ayon dahil alam na niya kung anong gusto naming kainin.

"Hindi magandang ganti yun joyce. Estudyante ka, Teacher siya" pangaral niya pa. Napataas ang kilay ko.

"So?"

"Ang panget tingnan"

"So, magandang tingnan nung pinahiya niya ko last school year? ganun?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganun pero teacher parin natin siya dapat parin siyang respituhin" sabi niya pa.

"Sabi ko nga na ang respito ko ay para lang sa taong marung rumespeto. She doesn't deserve my respect"

"Joyce—"

"Akala ko na ako yung kaibigan mo? Bat ka kumampi dun?"

"Kumain muna tayo" singit naman ni syrinne ng makarating habang dala ang aming mga pagkain. Kinuha naman namin yun isa isa.

Tahimik lang kaming kumain ng biglang may pumunta sa table namin.

"Pwede dito kami?" tanong ni rhyz at napaangat ako ng tingin sa tatlo kumalabog bigla ang dibdib ko ng magtama ang paningin namin ni Ken. Agad akong umiwas.

Akmang sasagot na sana si matt pero agad ko siyang tinaasan ng kilay kaya natahimik siya.

"Bakit? Madami pa namang vacant table ah?" tanong ko.

"Ahh.. Gusto lang naming makasabay kayo" ngiting sagot niya na nasa likod ang dalawang kaibigan na nakatingin saakin.

"Pwes, kami hindi" diretsong sabi ko.

"Ha?"

"Sa ibang table nalang kayo" taboy ko.

"Joyce?" pigil ni matt.

"Sige ako nalang aalis" sabi ko sabay tayo. Nakadalawang hakbang palang ako ng may humawak sa braso ko dahilan upang manindig ang balihibo.

"Just stay, kami nalang ang aalis" sabi ni Ken sa likod ko kaya hinarap ko siya at tiningnan ang aking kamay na hinawakan niya.

Ng mapansin niya yun ay agad naman niya itong binitawan.

"Hindi na, nawalan nako ng ganang kumain" walang ganang sabi ko at tumalikod na.

Nadaanan ko pa ang table nila heven kasama ang dalawa niya alipores. Kita kong napataas ang kilay ni heven ng nakatingin sa akin kaya napahinto ako't hinarap siya.

"Yes?" taas kilay na tanong ko at hindi siya sumagot pero nakatingin parin saakin. "Huwag kang mag alala. Wala akong balak agawin siya sayo." sabi ko at lumabas na ng canteen.

Nang makarating sa classroom ay agad akong umupo. Maya maya ay dumating narin sila syrinne at matt.

Pero hindi ko sila pinansin pati narin sila hindi ako pinansin. Hanggang sa dumating ang prof namin sunod sunod ay hindi parin nila ako pinapansin.

Nang mag uwian na ay hindi pa ako nagligpit. Kita ko naman sa dalawa na nagmamadali sila. Hinayaan ko nalang.

Pagkatapos nilang magligpit ay umalis na na walang pasabi parang hindi nila ako kasama.

Tumayo narin ako at lumabas na. Sa field ako dumaan dahil malapit lang ito papuntang gate.

"Joyce" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Tan sa likod na kumaway pa.

"Hatid na kita?" magsasalita na sana ako ng unahan niya ko "Opss, sabi mo last time na next time magpapahatid ka?" sabi niya kaya napatango nalang ako.

Wala rin naman akong dalang sasakyan.

"Sorry pala kanina ng dahil kay Rhyz hindi mo masyadong nagalaw ang pagkain mo" sabi niya.

"Okay lang"

Nang makalabas kami ay dumiretso agad kami sa parking lot at nakita ko dun ang aming sasakyan kaya lumapit ako.

"Wait lang, Tan. Ha?" paalam ko at tumango naman siya "Kuya? Mauna napo kayong umuwi, sasabay nalang po sa kaklase ko" sabi ko kay manong.

"Sige maam" sabi niya at pumasok na para magmaneho pabalik. Bumalik naman ako sa sasakyan ni ken at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat.

Nang makapasok ako ay nagulat pa ko ng may tao sa likod kaya napatingin ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapagtantong si Ken ang taong iyon.

Nagkatinginan lang kami at gulat sa isa't isa pero di ko pinahalata yung akin.

"Ahh.. kasabay pala natin siya joyce" biglang sabi ni rhyz ng makapasok at dun ko lang nagawang umiwas sa aming titigan.

Hindi na ako sumagot at tumingin nalang sa unahan hanggang sa umandar na ang sasakyan.

"Sa mansyon ba kita ihahatid?" basag ni rhyz sa katahimikan sa kalagitnaan ng byahe.

"Hmm"

Balik tahimik na naman ang byahe hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"Thanks" sabi ko sabay baba ng sasakyan.

Papasok na sana ako ng bahay ng lumabas si Tan sa kanyang sasakyan.

"Pwede ba kitang makausap joyce?" pagkatanong ni Tan nun ay biglang bumaba ang Tinted glass ng sasakyan ni Tan at nakita ko ang mukha ni Ken doon.

"Sure" sabi ko.

"Ano kasi... natandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo nung hinatid kita sa bahay niyo?" tanong niya kaya napaisip ako.

"Hindi"

"Yung araw ng welcome party ni heven, nung hinatid kota sa bahay niyo" sabi niya at naalala ko na.

"Bakit?"

"Naalala mo yung sinabi ko na kapag umiyak ka ng dahil sa kanya ay aangkinin kita" nagulat ako sa diretsong sinabi niya at hindi nakapagsalita.

"Kaya balak ko sanang ligawan ka" dugtong niya na mas lalong ikinagulat ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na hindi mapakali si Ken sa loob ng sasakyan.

"Sure" biglang sabi ko na hindi ko inaasahan. Gusto ko sanang takpan ang bibig ko at bawiin ang sinabi ko ng humiyaw siya.

"YES, talaga joyce?" masaya niyang tanong kaya dahan dahan nalang akong napatango bilang sang ayon.

"Thank you" sabi niya pa at napayakap saakin kaya hinayaan ko nalang.

Nakita ko naman si Ken sa loob ng sasakyan na nakakatulala at kita ko sa mata niya ang kalungkutan.

Umiwas nalang ako dahil hindi ko kayang makita siyang ganun hanggang sa humiwalay na si Tan.

"Pwede ko ba makausap sina Tita't Toto?"

"Bakit" gulat na tanong ko.

"Gusto ko sanang humingi ng permiso sa kanila na ligawa kita" hindi sana ako sasang ayon ng marinig kong bumukas ang aming gate at nakita ko doon si mama.

"Pasok muna kayo sa loob" yaya ni mama kaya wala na akong magawa kundi pumasok.

"Ikaw ken?" biglang tanong ni mama kaya napalingon ako.

"Ahh, diti nalang po ako tita" sabi niya kay mama.

"Halika na, pumasok ka sa loob dahil naghanda ako ng meryenda" yaya ni mama kaya walang nagawa si ken kundi ang pumasok sa bahay.

Dumiretso sila sa sala at umupo sa sofa. Habang ako ay paakyat upang magbihis ng pambahay.

Bumaba ako agad at dumiretso sa sala. Naabutan ko sila doon na nagmeryenda. Nandun din sina mama at daddy. Umupo nalang ako sa single cough.

"Ah.. Tito?.. Tita?" panimula ni Tan kaya napatingin sina mama at daddy sa kanya "Gusto ko po sanang humingi ng permiso sa inyo, liligawan ko po sana ang anak niyo" sabi niya kaya napalunok akoz

Ang isang tahimik na Tan dati ay may lakas loob ng manligaw saakin.

Pero hindi ako tumingin sa kanila kundi kay Ken na kita sa mukha niya ang lungkot habang tulala.

"Alam mo namang nag iisang anak namin yan kaya ayoko sa lahat na umiiyak yan" biglang napayuko si ken sa sinabi ni daddy.

"Hindi po tito. Promise po na hindi ko siya sasaktan" hindi parin maalis ang tingin ko kay ken.

"Siguraduhin mo lang" sabi pa ni dadsy.

"Ahh.. hindi na po kami magtatagal tito, tita. Idadaan ko pa kasi si Ken" sabi ni Tan sabay tayo. Natauhan naman si ken at tumayon narin.

"Sige, mag ingat kayo" sabi ni mama.

"Salamat po tita, tito" nginitian lang sila ng aking magulang.

"Hatid ko lang sila sa labas" singit ko sa kanila at nauna ng maglakad papuntang labas.

"Aalis na kami, Joyce." nakangiting sabi ni Tan at nakangiti naman akong napabaling kay Ken ng magtama ang tingin ay siya ang unang umiwas.

"Sige. Ingat" sabi ko at umalis na sila. Kita ko pang kumaway sa akin si Tan bago pumasok sa driver seat.

Si Ken naman ay malungkot ang matang nakatingin sa akin habang papasok sa loob.

Kaya tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papasok, hindi na hinintay na makaalis ang kanilang sasakyan.

Hindi ko makayanang tignan siya na parang nasasaktan siya. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na magpaligaw kay Tan.

"Anak? Sigurado ka ba?" naguluhan akong tumingin kay mama.

"Ang alin ma?"

"Ang magpaligaw kay Tan?" sabi niya.

"Oo naman po" sabay tango kung sabi.

"Wala ka na bang nararamdaman sa isa?" hindi ako nakapagsalita sa tanong ni mama. Kahit wala siyang sinabi ay alam ko kung sinong tinutukoy niya

"Si ken?" dugtong ni mama.

"Hindi ko alam, ma" pag amin ko dahil naguguluhan din ako.

"Anong hindi mo alam?" tanong ni mama.

"Nung mga nagdaang araw na hindi ako nagpakita sa kanila. Hindi ko nagawang kalimutan siya" mahina kung sabi "Hindi ko alam kung may nararamdaman pa ako sa kanya dahil ang alam ko lang ay galit ako sa kanya" gigil kung sabi.

"Anak, huwag mong hayaang lamunin ka ng inyong galit na kahit alam mong may nagawa silang kasalanan ay dapat ay marunong ka parin magpatawad, yun ang tinuro ko sayo." natahimik ako "Magpahinga ka nalang muna" sabi ni mama at umalis na.

Napaupo naman ako sa sofa ng umikot ang paningin ko kaya napahaw ako saaking ulo ng unti unting sumakit ito.

Inihiga ko nalang muna dito sa sofa at umidlip hanggang sa nakatulog ako.

To be continued . . .

Continue Reading

You'll Also Like

41K 801 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
16.4K 758 19
Magnus Anticlair is a freaking hot model and a celebrity. He is famous when it comes to girls. Everyone was drown by his flirty seductive smile not u...
16.4K 447 51
I Am Lumina. A Reaper of Phoenix. And this is my story.
8.8K 252 12
Steffanni Jeahya Dee is belong in the high socialite students in their school. Bubbly, talkative and very straight forward girl, she met her childhoo...