Ang kaaway kong sweet lover (...

By rhoviejacob

451K 10K 1.1K

totoo kayang "The more you hate the more you love?" Paano kung one day maramdaman mong Mahal mo na yung taon... More

Prologue
Chapter 1 - Championship
Chapter 2 - Courtesy Call
Chapter 3 - Getting to know more of paolo
Chapter 4 - Napakalaking BUWISET!
Chapter 5 - New Teammate
Chapter 6 - Text Message
Chapter 7 - Unexpected
Chapter 8 - Start Of Something New
Chapter 9 - Forgiveness
Chapter 10 - Now he's Jealous
Chapter 11 - It's not real
Chapter 12 - The Real Plan
Chapter 13 - The Real Plan: Mission 2
Chapter 14 - Surprise
Chapter 15 - The Reason
Chapter 16 - Ace Childhood friend
Chapter 17 - FACE off
Chapter 18 - Ang Nilalaman
Chapter 19 - Pagsubok lang
Chapter 20 - First Monthsary
Author's Note
Chapter 21 - Balikbayan
Chapter 22 - Athlete's Night
Chapter 23 - His Side
Chapter 24 - He and I
Chapter 25 - Is it over?
Chapter 26 - Just the two of us
Chapter 27 - Not so perfect moment
Chapter 28 - Worth the wait
Chapter 29 - Love Protects
Chapter 30 - Who's The Bitch
Chapter 31 - Nasan ka Ace??
Isang Pagbati
Chapter 33 - Winning Him back
Chapter 34 - The Game of "LOVE"?

Chapter 32 - Bitchfriend

6.5K 168 41
By rhoviejacob

~Paolo~

alas siyete na ng umaga pero hindi parin namin natatagpuan si ace lalo tuloy tumibay ang aming hinala na baka nga may dumukot dito, nandito ako ngayon sa president's office ng school kasama ang buong team para ipaalam sa kanila na nawawala si ace

"hindi kaya pakana ito ng ibang schools, lalo pa't 2 araw nalang simula na ng league" hinala ni coach

"pero mr. aguilla annual namang nangyayari ang ligang ito at ngayon lang ito nangyari kaya hindi natin pwedeng i consider na ang may kagaganawan ng pagdukot kay mr.reyes ay ang ibang schools" sagot naman ng president at ganun din ang tingin ng ibang staffs at commissioners ng school

"si danielle!!" sigaw ni elijah

"sinong danielle" tanong ko dito sabay tayo sa aking kinauupuan

"yung bagong transfer dito sa atin, kasama ni ace kahapon si danielle nung dumating sila sa gym" paliwanag ni elijah

"pero naunang umuwi kahapon si danielle kaysa kay ace" depensa naman ni mikael

"well may point ka nga diyan pero wala namang mawawala kung susubukan nating tanungin si danielle diba" dagdag pa ni elijah

Agad kong kinuha ang aking cellphone kinuha ang number nito at tinawagan yung sinasabi nilang danielle, halata sa boses nito ang pagkabigla nung sinabi kong nawawala si ace at papunta na ito ngayon para alamin ang nangyari. 

KRING.....
KRING.....
KRING.....

"hello po tita" 

"paolo wala pa bang balita kay ace diyan" tanong nito

"wala pa po tita, diyan po ano pong sabi ng mga pulis"

"wala padin" maiyak iyak na pahayag nito

"tahan na po tita mahahanap din po natin si ace" pag-comfort ko rito

"salamat paolo sige balitaan mo nalang kami dito"

"opo magpahinga po muna kayo" 

Naawa na ako sa mommy ni ace, kagabi pa siya iyak ng iyak at pag nagpatuloy pa yan baka magkasakit na ito kaya naman kailan ko ding tatagan ang sarili ko para mahanap si ace. tinawagan ko narin sila mommy para sabihin ang mga nangyayari dito pauwi narin sila para daw makatulong sa paghahanap

"asan na nga ba sila jv at dominic" tanong ni coach sa team 

"kasama po ng mga magulang ni ace si dominic sa police station" sagot ko

"si jv kahapon pa po sa practice nung huli naming makita" napalingon naman ako sa tinurang iyon ni kevin 

"nandito si jv kahapon?" sita ko dito

"oo pero nung lumabas sila ni dom bandang hapon di na mga bumalik" sagot naman nito sa akin 

"tinawagan ko siya kagabi pero hindi daw siya pumasok sa school at masama ang pakiramdam niya" pagtatakha ko namang sagot sa mga ito kibit balikat nalang ang sinagot nila sa akin, isang katok naman mula sa labas ng pinto ng principal's office ang aming narinig

"hello, ako po si danielle" napalingon naman kami dito, unti-unting lumapit  ito sa amin

"nasan si ace?" bungad agad ni coach romnick dito na akma pang kekwelyuhan buti na lamang ay napigilan namin ito

"mr. aguilla relax" pag saway nung president at agad din namang naging kalmado ang lahat

"hindi ko po alam, maski man ako ay nagulat nung nalaman kong nawawala po si ace" paliwanag nito 

"pero magkasama kayo kahapon" tanong ko rito

"oo magkasama kami mula pa ng first class namin wala si jv kaya ako muna ang kasa-kasama niya actually nanood pa nga ako ng practice game nila kagabi pero nauna na akong umuwi sa kanya gabi na kasi at sabi nito aantayin ka pa daw niya" sagot nito

"akala ko ba andito si jv tapos ngayon wala" pag baling ko naman kay elijah

"wait, baka hindi pumasok si jv sa klase nila at nag practice lang" sagot ni elijah

"kung nag practice si jv kahapon at nag practice din naman si ace kahapon bakit di kami nagkita-kita" sabat ni danielle

"baka yun yung time na lumabas na sila ni dominic kaya hindi na kayo mga nagkatagpo" sabi naman ni mikael

Naguguluhan ako sa iba't-ibang kwento na naririnig ko hindi ako masyadong makapag-isip dala narin siguro ng kawalan ng pahinga buhat ng kagabi pa kami naghahanap kay ace 

"asan na nga ba kasi si jv diba dapat siya ang unang nag-aalala sa BFF niya" dagdag pa ni mikael
napatingin nalang ako kay mikael sa sinabi nito at may point nga siya

Sinubukan kong tawagan si jv pero out of coverage area lagi, ilang minuto pa ang tinagal ng aming diskusyon kung saan nga ba pwedeng magpunta si ace o kung dinukot man ito sino ang gagawa lalo pa't wala naman kaming kilalang nakaaway si ace. pare-parehong clueless ang lahat nang biglang may isang boses ng lalaki ang sa amiy umagaw ng atensyon

"ALAM KO KUNG NASAAN SI ACE"

* * * * *

~Ace~

Hindi ko parin lubos maisip na magagawa ito ng aking matalik na kaibigan, na siyang kasama ko araw araw sa kalokohan, karamay ko sa aking mga problema at higit sa lahat tinuturing ko bilang aking kapatid dahil alam kong isa siya sa mga pinaka masaya para sa mga nangyayari sa buhay ko, oo aaminin ko na minsan selfish ako dahil palaging ako nalang ang iniintindi niya at hindi ko na namamalayan na mayroon din siyang mga problemang kailangan niya ng makakaramay, hindi ko napapansin na nasasaktan ko na pala siya

"tigilan mo na yang pag dadrama mo diyan at kumain kana" sigaw ng isang lalaking nagbabantay sa akin, pero hindi ko ito pinansin at hindi ko rin ginalaw ang pagkaing inihain nila sa akin sa halip ay iniisip ko parin yung mga sinabi ni jv sa akin kung bakit niya nagawa ang bagay na ito at yung mga bagay na ginawa niya sa akin

* * * * *

"ano bang ginawa ko sa iyo?" pasigaw ko rito

"bakit hindi sa sarili mo itanong yan, anong ginawa mo sa akin?" sigaw nito at isang malakas na sampal ang lumapat sa aking pisngi. unti unti na akong napaiyak sa mga nangyayari naguguluhan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin

"hindi ko alam ang pinagsasabi mo at kailanman wala akong nagawang masama sa iyo"

"hahahaha wala sige ipapaalala ko lahat sa iyo"

""tama na jv mag  bestfriend tayo di ba bakit mo ginagawa ito sa akin"

"no ace, im not your bestfriend anymore dahil ang tinatawag mong BESTFRIEND is now your BITCHFRIEND"

"no, wag mong sabihin yan jv, baka naman may misunderstanding lang ba-baka pwede naman nating mapag-usapan diba" pagkukumbinsi ko dito pero mistulang bingi ito sa aking mga tinuran

"huli na ang lahat ace punong puno na ako!, dont worry matatapos narin lahat ng paghihirap mo pagkatapos ng darating na league" 

"a-anong ibig mong sabihin pagkatapos ng liga" kabadong tanong ko rito

"you'll be gone forever!!" sabay tawa ng malakas

"wag mong gawin yan jv!! ano ba kasing kasalanan ko"

"ano!! ano!! hindi mo alam" kasabay nito ang paghawak niya ng mahigpit sa aking pisngi

"sawang sawa na ako sa pagbibida bidahan mo sa team" dagdag pa nito

"a-----" hindi pa man ako nakakapagsalita ay isang malakas na sampal nanaman ang tumama sa aking pisngi

"shut up!!" gigil na pagkakasambit nito 

"palagi nalang ikaw ang magaling sa team, palaging ikaw nalang ang matalino sa klase, palaging ako nalang ang umiintindi sa iyo!! ayoko na sawang sawa na akong magtago sa anino mo" galit na galit na pahayag ni jv at halatang ibinuhos niya ang lahat ng hinanakit niya sa akin

Tanging patak ng luha mula sa aking mga mata ang sumasagot sa mga binibitiwang salita sa akin ni jv, hindi ako makasagot sa mga sinasabi nito nag mistulang pipe ako ng mga oras na ito

"alam mo ace bale wala naman talaga sa akin yung mga ganoong bagay pero yung agawin mo ang atensyon ng lalaking pinaka gusto ko, yun yung time na sinabi ko sa sarili ko na ayoko na. ayoko ng maging sunud sunuran sa iyo"

Nanlaki ang aking mga mata sa mga sinambit nito

"hindi naman siguro kaila sa iyo na may gusto ako kay paolo"

Lalo akong nagulat ng sabihin niya ang pangalan ni paolo - ou nga't alam kong may crush siya kay paolo pero hindi ko naman lubos akalain na higit pa pala sa paghanga ang tingin niya rito

"may gu-gusto ka kay paolo pero bakit mo siya tinulungang manligaw sa akin" utal kong sagot sa kanya

"oo may gusto ako sa kanya nuon!! pero ang talagang may gusto sa kanya ay si" sabi nito sabay turo sa pinto

"ikaw" gulat na aking sambit nakayuko itong lumapit sa amin

"oo ace si gab ang bestfriend ni pao" sa mga sandaling iyon ay hindi ko maaninag sa reaksyon ni gab kung natutuwa ba siya sa mga pangyayari

"magksabwat kayo" sabi ko rito

"sa una palang sinabi na sa akin ni gab na may balak talagang paghigantihan ka ni paolo eventually hindi tinuloy ni paolo ang nais niya and nakita ni gab na unti-unting nadedevelop si pao sa iyo at hindi siya natutuwa sa nangyayari sa inyo, duon na siya humingi ng tulong sa akin sakto naman nung mga panahong din inyo ay nagsisimula nang ma build ang galit at hinanakit ko sa iyo so naisip kong perfect timing ang paghingi sa akin ng tulong ni gab" mahabang pahayag nito

"tama ba ako gab" dagdag pa ni jv sa nakayukong si gab at tumango lang ito bilang pag sang-ayon pero nananatiling nakayuko

"ganun na katagal jv!! walang hiya ka mga walang hiya kayo ang sama sama niyo" sigaw ko sa kanya at nagsimula na akong magpumiglas sa kinauupuan ko

"oo ace ganun na katagal ang panloloko ko sa iyo!!"

"nga pala lahat ng mga mapapait na nangyayari sa inyo syempre ay kagagawan din namin" dagdag pa nito napatigil ako sa pagwawala sa sinabi nito

"yung na aksidente si dominic, yung panliligaw sa iyo ni paolo kasama si claire kung akala mo isang palabas lang ang lahat sinadya ko talaga iyon para naman mas maganda na nakikita ka naming umiiyak pero yun nga lang siguro sa sobrang desperado ka na kay paolo sinagot mo parin siya sunod naman yung picture nina chloe ako lang naman yung nagpadala nun sa iyo at yung huli yung video recording nina gab at paolo gawa gawa ko lang iyon sa pamamagitan ng isang voice modulator" mahabng kwentong sinambit ni jv

Natahimik ako sa mga sinabing iyon ni jv walang ibang laman ang aking isipan ngayon kung hindi si paolo, all this time biktima lang din pala siya ng kasamaan ni jv pero anong ginawa ko palagi ko siyang sinusungitan at hindi kinikibo sa maling ginawa niya hindi ko man lamang naisip na pakinggan ang mga paliwanag nito ngayon ko lang napantanto na ang tanga tanga ko!! na masyado akong naging unfair sa kanya

"pero mukhang lahat ng iyon ay talagang hindi umepekto para mapaghiwalay kayo, kaya naman ito nalang ang naisip ko para matapos na lahat" dagdag pa ni jv

"ang sama mo" mahinang turan ko

"syempre hindi naman pwedeng dahil kay gab na pinaglalaban si paolo ang may dahilan para gawin sa iyo ang mga ganoong bagay syempre ako rin" sambit ulit nito

Napatingin ako rito na may pagkalitong expresyon sa aking mukha

"si dominic, oo ace si dominic ang lalaking tinutukoy ko" muli akong nagulat sa sinabing iyon ni jv halos hindi ko kinakaya ang sunod sunod na rebelasyong binibitiwan ni jv

"si-si dominic" utal kong sagot rito

"dahil sayo hindi ako pinapansin ni dominic, alam mo bang pag mag kasama kaming dalawa palaging ikaw ang topic sobrang nakakainis na puro ikaw nalang. hindi ka pa ba nakontento kay paolo huh ace pati ba naman si dominic" sigaw ni jv sa akin halata ko narin ang medyo paluhang mata ni jv na ikinadurog ng aking puso

"pero jv wala namang namamagitan sa amin ni dom" sagot ko

"wala nga!! ang masakit lang ay yung ayaw niyang ibaling ang pagtingin niya sa iba dahil sa iyo"

"a-anong ibig mong sabihin"

"mahal ka ni dominic ace nuon pa at hanggang ngayon mahal ka niya kahit alam niyang kayo ni paolo" i was stunned sa mga sinabing iyon ni jv

Si-si dominic may gusto sakin

"hi-hindi ko alam jv maniwala ka" pangungumbinsi ko dito pero isang malakas na tawa lang ang isinagot nito matapos niyon ay umalis na silang lahat matapos akong kalagan at isara ang pintuan ng kwarto

* * * * *

Isang malakas na tunog ng sirena ng pulis na nanggagaling sa labas ang nagpabalik sa akin sa realidad

"SUMUKO NA KAYO AT NAPAPALIGIRAN NA NAMIN KAYO" boses ng isang lalaki

"ace ililigtas ka namin" boses ni paolo

"paolo paolo" sigaw ko 

At nagsimula ang palitan ng mga putok ng baril sa labas

===================================================

A/N: Hey Guys!! actually medyo hindi ako satisfied sa update ko
kayo nalang po ang bahalang umintindi huh alam niyo namang love 
na love ko kayo kaya update parin bago magpalit ng taon

speaking of 2014 naging maganda ang feedback ng mga readers
sa work ko sana ay patuloy lang sa pag suporta <3

ngayon ko kailangan ng mga comments niyo plittthhhh ^_^
wag niyo pong kalimutan na pindutin ang VOTE and COMMENT
buttons thankie!! patuloy parin po sana ang inyong suporta sa
AKKSL - Happy New Year :3

Continue Reading

You'll Also Like

27.6K 1.8K 6
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
796K 40.9K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...