Chapter 10 - Now he's Jealous

16.3K 380 24
                                    

kamusta naman chappie 10 na
yahoo.. kahit medyo busy UD UD
din ;) dont forget to vote and
the same time comment po wag puro UD na
haha.. 

=============================================================

SOMEONE'S POV:




"good job boys" said by someone




"walang kahirap hirap naman yung pinagawa mo boss" sabi nung lalaki




"okay yung bayad ay itatransfer ko nalang sa account niyo at siguraduhin niyong magpakalayo layo muna para iwas aberya"




"sige po bossing"




"sayang naman hitting two birds with one stone sana ang nangyari pero okay lang para mas exiting"




"kailan po ba ang susunod na plano?"




"i'll just call you kung ibibigay ko na ang next plan"




"okay po mauna na po kami"




"haha.. nag uumpisa palang ako im sure mas maeenjoy niyo pa ang mga susunod kong gagawin"




ACE POV:





Pinuntahan ko agad yung hospital na tinext sa akin ni jv, nagtaxi na ako papunta doon pero sa kamalas malasan ay traffic at naipit na kami sa biyahe




"kuya wala na po bang shortcut papuntang manila medical?" tanong ko dun sa driver




"wala na ijo ito na lang yung mabilis na daan" sagot nung driver




Wala na akong nagawa kundi ang mag intay na umusad ang mga sasakyan at makarating sa aking pupuntahan , kung malapit lang na talaga ako dun kanina ko pa tinakbo sa sobrang pag aalala ko kaya naman nakibalita muna ako kay jv




"hello" sa kabilang linya




"hello jv ano nang balita diyan?" tanong ko




"on the way palang ako ace!" sabi nito




"ganun ba on the way palang din ako traffic"




"ingat ka kita nalang tayo dun" bilin niya bago ibaba ang linya




Habang usad pagong parin ang mga sasakyan ay di ako mapakali, kinakabahan ako sa mga nangyari ngayong araw na ito iniisip ko yung dahilan ng pagkaka aksidente niya




Halos isang oras na paghihintay sa matinding traffic sa biyahe ay nakarating na ako sa manila medical center




Pagbaba ko ng taxi ay may napansin akong pamilyar na mukha sa may gilid ng hospital at may kausap na mga lalaki at dahil na din medyo may kadiliman ang pwesto nila ay hindi ako makasigyrado kung sino ba siya tatawagin ko sana para malaman ko ng bigla akong tapikin ni jv




"ace halika na" si jv




"ah!"




"tara magtatanong pa tayo" aya ni jv




"te-teka lang" pagpigil ko naman





Pagkabaling ng paningin ko kung asan sila kanina ay nawala na ito pati narin yung mga lalaking kausap nito




Hindi ako sigurado kung si ano ba yung nakita ko kung siya man yun sino naman kaya yung mga lalaking kasama nito




"tara na ace" sabay hila sa akin ni jv




"okay tara na"




Nagtanong na kami sa may information desk kung asan na yung dinala ditong naaksidente at sinabi nito na inilipat na daw yung pasyente sa room 302




Sumakay na kami ng elevator para mapabilis kami




"ano daw bang nangyari?" tanong ko kay jv




"lasing daw kaya ayun nabangga!" sagot naman nito




"lasing? paano naman" naguguluhan kong tanong kay jv na hindi na niya nasagot sa pagbukas ng pinto ng elevator sa 3rd floor




Pagkalabas sa elevator ay hinanap namin agad yung room 302 sa labas nito ay nakita namin ang iba naming teammates at si coach na nag-hihintay




"ace, jv bakit naman ngayon lang kayo?" si coach




"sobrang traffic po" si jv




Pabaling baling ako ng tingin at parang may mga kulang pa sa amin




"wala pa po si gabrielle?" tanong ko




"andito na siya may kinausap lang sa phone kaya wala dito" sagot naman ni elijah




Pagkatapos ng tanong kung iyon ay sakto naman ang pagdating ni gabrielle




"san ka ba galing ba't ang tagal mo" tanong ni coach




"may kinausap lang po tsaka dumaan nadin ako dyan sa may canteen bumili ng makakain" sagot nito




"may kinausap?" sabi ko kay gabrielle




""oo bakit?" usisa naman nito




Tatanungin ko sana siya kung yung mga kausap niya kanina ay pawang mga kalalakihan at kung siya ba yung nakita ko kanina ng biglang




Lumabas ng kwarto si tita jeane mommy ni dominic at isang doctor




"thank you doc" si tita jeane




"it's okay basta yung mga gamot na binilin ko ipainom mo sa kanya para mabilis ang kanyang paggaling" bilin nung doctor




"ok po"




Umalis na yung doctor at naiwan naman sa harapan namin si tita jeane na bakas pa sa mga mata ang pag iyak na bunga ng pagkaka aksidente ni dominic




Walang imik si tita, the silent is killing me gusto ko ng malaman kung ano na ang lagay ni dominic



"tita jeane kamusta naman po si dominic?" tanong ko




"ok na siya buti nga at hindi seryoso masyado ang naging lagay ng anak ko pero..." bitin na sagot ni tita na halos tumagal ng ilang segundo




"pero ano po" tanong naman ni coach na siyang bumasag sa tahimik na paligid sa amin




"yung right leg niya kasi ay medyo seryoso ang tama kaya baka mahirapan itong makalakad and im afraid na baka hindi muna siya makakapaglaro" sagot ni tita jeane




"mga ilang buwan daw po kaya bago maayos ulit yung kondisyon niya?" tanong ulit ni coach




"hndi pa alam eh basta daw kailangan ay ang therapy para mas mapabilis yung paggaling" sagot ni tita




Alam namin na nag aalala si coach kay dominic pero ang mas ikinababahala niya ay yung nalalapit na game and without dominic malamang matatalo lang kami lalo kung di ito gagaling agad




"oh andito nadin si pao" sabi ni gabrielle




"kamusta na daw si dominic" hingal na sabi nito




"ayos naman na siya kaya lang yung right leg niya kasi may bali kaya ayon di pa ito makakalakad at lalong di pa makakapaglaro" paliwanag ko




"ano bang nangyari?" tanong nito




Bigla namang tumahimik ang lahat na wariy di alam ang kasagutan at hinihintay na magsalita ang mommy ni dominic maski ako man gusto kong malaman kung ano ba talaga ang naging dahilan nung pagkaka-aksidente ni dominic




Habang tahimik ang lahat ay may mga pulis na lumabas sa kwarto ni dominic 




"officer ano daw po ang nangyari sabi ng anak ko" si tita jeane




"misis inamin po sa amin ng anak ninyo na nakainom siya ng konti pero hindi naman daw ito lasing nung nagmaneho siya" sabi nung pulis




"naniniwala naman po kami sa anak ninyo na talagang hindi siya lasing ng mga oras na iyon" sabi nung isa pang pulis




"a-ano pong ibig sabihin ninyo" tanong ko




"ayon kasi sa imbestigasyon dun sa motor ay nakita na putol yung wire na kumokontrol dun sa break so ibig sabihin ay sinadya ang pangyayari" paliwanag ulit nung pulis




Nagulat naman ang lahat sa sinabing iyon ng mga pulis




"si-sino naman po ang sisira wala namang kaaway ang anak ko" dagdag ni tita jeane




"yun na nga po ang aalamin natin kaya naman sa mga susunod na araw ay iimbestigahan natin yung mga taong nakasama ng anak niyo ngayong araw" sabi nung pulis




"ano? iimbestigahan?" sigaw ni gabrielle at ang lahat ay nabaling ang atensyon sa kanya




"may problema ba?" tanong ni coach




"wa-wala naman po" saby talikod sa amin at umalis




"teka gab san ka pupunta?" si paolo na sinundan si gabrielle




Nakakapagtaka bakit kaya ganun ang naging reaksyon ni gabrielle - sabi ko sa isip ko




"ano kayang problema nun?" usisa naman ni jv




"sige po mauna na kami babalitaan nalang namin kayo pag may lead na po kami" paalam nung mga pulis




"sige po officer" sabi naman ni tita




"tita pwede na po ba naming makita si dominic" tanong ko




"sige pwede na pumasok na kayo uuwi muna ako ng bahay para ikuha ng gamit itong si dominic" sabi ni tita




"sige po, tara na pasok na tayo" aya ko sa mga kasamahan namin




"mauna ka na ace mamaya nalang kami" si jv




"okay" ang tanging tugon ko




Nauna na akong pumasok sa kwarto at nakita ko si dominic na nakahiga at pansin na pansin ko yung malaking pasa nito sa kaliwang pisngi




"ace" si dominic na tatayo mula sa kinahihigaan niya




"wag ka nang tumayo mahiga ka nalang" saway ko sa kanya




"buti naman at nandito ka" sabi nito na nag pacute pa




"nakaka-inis ka pinagalala mo ako"




"nag alala kaba? sorry naman"




"natural mag aalala talaga ako paano kung may masamang nangyari sayo eh di talo na kami sa tournament" biro ko sa kanya




"talagang yung tournament ang inisip mo" sabi nito na may pagtatampo ang tono




"joke lang syempre kaibigan kita"




"ano ka ba ako kaya si superman im the man of steel"




"kaya pala sugatan ka"




"hindi naman ako nasaktan sa mga sugat na natamo ko"




"huh talaga lang ahh" sabay pisil ko dun sa pasa niya




"arayyy.." sigaw nito




"akala ko ba hindi ka nasasaktan"




"hindi talaga, nilapit mo kasi yung kamay mo sa mukha ko"




"so kung nilapit ko yung kamay ko" mataray kong sabi




"di ba nga ako si superman and you're my kryptonite kaya naman nasaktan ako" sabi ni dominic na medyo nagbigay kilig sa akin




"wah ang corny mo" sabi ko sa kanya pero ang totoo kinilig talaga ako sa sinabi niyang iyon




"sa totoo lang alam mo nagselos talaga ako kanina" seryosong sabi nito




"kanino naman?" tanong ko




"kay paolo kasi mas pinili mong sumama sa kanya"




"ano ka ba akala ko lang talaga na tinext siya ni mommy"




"hayaan mo na okay lang yun atleast di ka nadamay sa disgrasyang inabot ko"




"naku kahit naman sumama ako sayo alam kong hindi tayo maaksidente"




"bakit mo naman nasabi"




"kasi alam kong iingatan mo ako" 




"haha.. talaga" si dominic





Sa gitna nung cheesy moment namin ni dominic ay bigla naman nagbukas ang pinto




"hindi ka ba marunong kumatok mr.garcia" sabi ko




"marunong" sabi ni paolo




"yun naman pala bakit di ka kumatok" mataray kong sabi




"nah tama na andito na ako"




hayy kahit kailan nalang talaga tong si paolo nasa timing lagi ng sweetest moment namin ni dominic - sa isip ko




pumasok si paolo at isinarado ang pintuan




"dre kamusta?" tanong nito kay dominic




"okay lang naman" sagot ni dominic




"sige paupo ako ahh"




"uupo ka lang pala bakit hindi nalang doon sa labas" sabi ko




"ayoko dun noh mainit tsaka di ako komportable, sige usap lang kayo wag niyo akong intindihin dito"




if i know kaya lang andito ay gusto mong bantayan ang mga kilos ko tsk.tsk - sa isip ko




umupo si paolo at nilabas ang kanyang cellphone




"ayos talaga yang mokong na yan" bulong ni dominic




"hayaan mo na"




Nagpatuloy lang kami ni dominic sa aming kwentuhan,samantalang si paolo ayon busy padin nakaupo at nag cecellphone




Sinusubuan ko din ng prutas si dominic at nakikita kong sumasama ang tingin sa amin ni paolo




"a-aray" si dominic




"anong masakit" tanong ko habang malakas ang kabog sa aking dibdib




Sa sigaw na iyon ni dominic ay napatigil si palo sa ginagawa niya at napatayo sa papunta sa kinahihigaan ni dominic




"anong nangyari" tanong ni paolo




"sumakit kasi to" si dominic sabay turo sa pisngi niyang may pasa




"akala ko kung ano" masungit na wika ni paolo




"kiss mo ace para mawala" si dominic




"sige na nga" ako



"te-teka anong gagawin mo!!" sita sa akin ni paolo




"i-kikiss ko yung cheek ni dominic" sagot ko




"nag iinarte lang yan maniniwala ka diyan" sabay hila sa akin palayo kay dominic



"oo naman, bitiwan mo nga ako" sabi ko




Binitiwan ako ni paolo at natawa naman si dominic sa naging reaksyon ni paolo




"ewan ko sa inyo" inis na sabi ni paolo




Habang patuloy sa pagtawa itong si dominic ay tumingin naman sa relo niya si paolo




"gabi na pala tara na ace umuwi na tayo" aya s akin ni paolo




"bakit kailan pa naging isa ang bahay natin?" pilosopo kong sagot sa kanya




"ihahatid na kita sa inyo, ayan masaya ka na" si paolo




"mauna ka na hihintayin ko pa si tita jeane walang kasama si dominic" paliwanag ko




"bala ka nga" sabay labas ng kwarto




Pagkalabas ng kwarto ay halata ang pagkadismaya sa mukha nito




"dapat sumabay kana gabi na oh" si dominic




"okay lang ayoko namang iwanan ulit kita"




"haha.. salamat"




"your welcome"






PAOLO'S POV





Pagkalabas ko ng kwarto ay bwiset na bwiset talaga ako wala pang tumatangi sa akin hay maliban dito kay ace




"wala ng tao asan na kaya sila coach" sa isip ko




Pagkababa ko ng lobby ay wala na rin ang mga teammates ko malamang ay umuwi na sila




"time check 11:45 maka pag bar nga muna"




Sa sobrang inis ko ay naisipan ko munang uminom kahit konti lang para naman mawala yung bad vibes ko ngayong gabi pumunta ako sa RJ Bar dun sa makati at dahil walang traffic ay nakarating na din ako agad dun




Pagkarating sa RJ Bar ay ramdam ko ang good vibes party party lang, agad din naman ako lumapit doon sa barista at humingi ng maiinom




"dre bigyan mo nga ako ng isa diyanyung matapang" sabi ko




"ito po sir ohh"




Pagkaabot sa akin nung barista yung inumin ay kinapa ko yung wallet ko para bayaran na ito agad dahil wala na akong balak na dagdagan pa yung iinumin ko at baka malasing pa ako




"teka brad ah naiwan ko ata yung wallet ko sa kotse" 




"sige po itatabi ko muna" sabi nung barista




Lumabas muna ako ng bar at dumiretso sa kotse ko para kuhain yung wallet ko nang mapansin ko yung mga tambay na may pinagtritripan na babae tutulungan ko sana buti nalang ay may mga tanod na dumating para tulungan yung babae at nahuli din yung mga tambay




Naisip ko naman bigla si ace na baka mapahamak iyon sa pag uwi nito kaya dali dali akong sumakay ng kotse at dumiretso dun sa hospital




ACE POV:



"sige po tita uuwi na po ako" paalam ko




"hintayin mo na yung kuya ni dominic parating na iyon papahatid na kita" alok ni tita





"naku hindi na po mag tataxi nalang ako" pag tanggi ko




"sigurado ka ba?" tanong ni tita




"opo kaya ko na po sarili ko" sagot ko




"sige po aalis na po ako pakisabi nalang kay dominic na magpagaling siya" bilin ko kay tita tulog na kasi si dominic




"sige makakarating ingat ka" 




"opo"




Paglabas ko ng kwarto ay napansin kong wala na sila coach at pati nadin yung iba naming teammates chineck ko naman yung cellphone ko at isang message mula kay jv




"teh mauna na kami sa iyo di na kami nakapag paalam ingat ka" text ni jv




Medyo nagsi-sisi ako sa pagtanggi ko kanina kay paolo sa pag di sabay sa kanya pero wala na akong magagawa andito na eh




Nag abang naman ako sa baba ng masasakyan at buti naman ay may mga taxi pang dumaraan kayat hindi ako nahirapang makasakay




Sa kalagitnaan ng biyahe malapit na sa subdivision namin ay nasiraan yung taxi na sinasakyan ko




"naku ijo na flat pa yung gulong teka aayusin ko muna" sabi nung driver




"hindi na po ako mag aantay malapit naman na po lalakarin ko nalang ito po bayad pasensya na kayo"




"naku sige pasensya ka na din ingat ka"



"kayo din po"




Medyo may kaba ako habang naglalakad pauwi wala na kasing mga naglalakad sa kanto at bawat kalyeng madaanan ko ay medyo may kadiliman na at nakakatakot talaga




Sa hindi sinasadya ay may mga nadaanan akong mga nag iinuman hindi ko naman na iyon maiiwasan kasi wala naring ibang daan




"pst hoy!" tawag sa akin nung tambay




Hindi ko na pinansin at dumire-diretso ako sa paglalakad pero ang hindi ko alam ay hinabol pala nila ako




"hoy! bakla pag tinatawag ka lilingon ka huh!" sabi nung isang tambay




"ah uuwi na po ako padaanin niyo po ako" sabi ko




"haha.. bago ka umuwi may ipapagawa muna kami sa iyo" 




"ho gabi na po hinahanap na po ako sa amin"




Pag kasabi ko nun ay agad akong tumakbo ng mabilis pero naabutan parin nila ako




"matigas ka talagang bakla ka huh"




"TULONG TULUNGAN NIYO PO AKO" sigaw ko




sinuntok naman ako nung isang tambay sa tiyan na nagpahina sa akin




"wag kang maingay mag eenjoy ka naman sa gagawin namin "




"maawa po kayo wag po" pagmamakaawa ko




Bigla namang may kotse na huminto sa aming harapan at isang lalaki ang sinugod yung mga tambay, buti nalang dalawa lang yung tambay at nakaya sila nung lalaki




"wag na kayong magpapakita bubugbugin ko kayo" sigaw nung lalaki




Pamilyar yung boses na iyon boses ni paolo




"ace ace ayos ka lang ba" si paolo




"paolo ikaw pala" ako




"sabi ko naman sa iyo eh ihahatid na kita"




"paolo" umiyak lang ako ng umiyak sa nangyaring iyon sa akin




"niligtas mo nanaman ako" sabi ko




"bakit ba pag ganito ang mga sitwasyon laging ikaw ang bida" biro ni paolo




"baliw ka, salamat talaga" sigaw ko kay paolo habang nakayakap parin ako sa kanya




"sabi ko naman sa iyo di ba na ako ang magiging night in shining armor mo" si paolo




Hinawakan ni paolo ang magkabila kong pisngi habang sinasabi niya iyon




"mahalaga ka sa akin ace ayokong may mangyayaring masama sa iyo"




"ano bang sinasabi mo"




Sa pagtapos ng tanong ko iyon ay bigla nalang akong hinalikan ni paolo




Bumilis ang tibok ng puso ko




Bakit ganito?




Aaminin ko nagulat ako sa ginawang iyon ni paolo, imbis ng kumalas ako mula sa pagkakahalik niya sa akin ay parang naestatwa ako at hindi na makagalaw pa mula sa posisyon naming iyon.




=============================================================

okay VOTE and COMMENT po kayo huh
ano pong masasabi niyo sa chapter na ito?
wag naman po sana puro "UD na" ang nasa comment
hahaha salamat ;)

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon