Chapter 20 - First Monthsary

11.5K 228 43
                                    


hello chapter 20 na
nakakakilig itong chapter na ito
promise, ano kayang mga surpresa
ang nag aantay basa na!! dont forget to
COMMENT, VOTE and FOLLOW

============================================================



Isang linggo narin ang nakalipas ng madala ako sa hospital dahil nga sa over fatigued napatawad ko narin si paolo at si chloe sa mga nagawa nila sino ba naman ako para hindi sila patawarin diba!




"ace bilisan mo at kanina pa nag-aantay si paolo baka malate pa kayo" sigaw ni mommy




unang araw ng pasukan isa na akong ganap na 3rd year college one year nalang at makakagraduate na ako yun ay kung makakapasa ako sa kursong tinitake ko ngayon




"opo andyan na sandali nalang" sigaw ko naman pabalik dali dali akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay




"teka teka" pigil ni mommy sa akin




"bakit po" usisa ko naman




"may nakakalimutan ka" sabi nito




"ay sorry po" sabay beso ko kay mommy




"sige po bye mom!" paalam ko




"ingat kayo, paolo dahan dahan sa pagmamaneho ahh" paalala ni mommy kay paolo na nakatayo ngayon sa tabi ng kanyang kotse




"opo" sagot naman ni paolo




Agad naman akong pinagbuksan ni paolo ng pintuan ng kotse, kaagad naman akong sumakay at sumakay nadin ito




"hindi ba sasabay si jaja?" tanong nito




Unang araw din pala ni jaja sa college "mamayang hapon ang sched niya" sagot ko naman




"ganun ba!! so tara na" sabi ni paolo




"let's go" masigla kong sigaw




Medyo traffic at tahimik lang naman si paolo ganun din ako patanaw tanaw sa aking relo medyo maaga pa naman para mag panic na baka malate ako sa unang araw ng pasukan




"anong oras pa pasok niyo" pag basag ko sa katahimikan namin




"ano ka ba bukas pa ang pasok namin, vacant kami pag monday" sagot naman ni paolo sakin




"oo nga pala pasensya naman!" ani ko naman bumalik ulit sa katahimikan ang pumuno sa aming paligid




Actually 1st monthsary namin ni pao today pero hindi pa niya ako binabati so medyo naiinis ako dun inisip ko nalang na baka mamaya pagbaba ko sa kotse niya ako batiin




"ano bang araw ngayon?" tanong ko dito




"ahm 24 monday" sagot nito




"ahh 24 pala ngayon" sabi ko ng may diin sa 24




"ano naman kung 24 ngayon at parang manghang mangha yang tono mo" usisa naman ni pao




Napasimangot nalang ako bilang reaksyon pero hindi ko na pinahalata dito at nanahimik nalang, ilang minuto din ang binyahe namin at ngayon nakarating na kami ng school agad na akong bumaba ng tawagin ako ni pao




"ace anong oras uuwi mo?" tanong ni paolo sakin




"7:00 pm bakit aalis tayo" mabilis at excited kong tanong dito




"kasi baka hindi kita masundo mamaya may pupuntahan pa ako eh" ani nito




"aalis!! wala ka bang naaalala na mahalaga ngayong araw!" parinig ko dito




"teka!" sabi nito at nag-isip ng malalim, ako naman parang timang kakaantay ng isasagot niya at gustong isigaw na 1st monthsary namin ngayon




"wala naman eh! ano bang meron" sabi nito




"ewan ko sa iyo" disappointed ko namang sabi dito at naglakad nalang papasok sa loob ng campus




"ingat ka i love you" sigaw naman nito




Tinaas ko lang ang kanan kong kamay at winave ito habang nakatalikod sa kanya, patuloy lang akong naglalakad at tinignan ang registration card ko so first subject 9am-12nn is CALCULUS ang agang pahirap naman sabi ko sa isip ko




Hinanap ko na agad ang room na nakalagay sa registration card ko, pagkarating ko ng room ay halos yung iba kong classmates ay naroon na at wala pang prof. block section ang umiiral sa aming course kaya ayun hindi ka pwedeng makapili ng schedule mo at kaya naman yung mga classmates ko nung first year sila padin ang mga kaklase ko hanggang ngayon




"hey! bro kamusta?" bati nung isa kong classmate na si lucas




"ayos lang" sagot ko naman pagkatapos nun ay humanap ako ng bakanteng silya na komportable kong pag uupuan




Maya maya pa ay unti unti ng napuno ang iba pang bakanteng silya nagkaroon ng mga kamustahan at kwentuhan sa mga ginawa nitong nakaraang bakasyon, hindi na ako masyadong nakisali sa mga usapan dahil wala ako sa mood at napansin iyon ni jv




"hey! bhes why so malungkot?" tanong nito sa akin




"ahh wala wala!" depensa ko naman




"yan nanaman tayo eh! sa akin ka pa ba maglilihim" sita ni jv sa akin, kahit kailan nalang talaga wala akong maitatago sa taong ito kilalang kilala na niya talaga ako




"so bakit b anag-away ba kayo ni pao" dagdag pa ni jv




"ok, hindi naman sa nag-away noh pero monthsary namin kasi ngayon" sagot ko




"wow 1 month na kayo congrats ahh, so kung monthsary miyo diba dapat masaya ka"




"yun na nga bhes kaya lang hindi ako binati ni paolo kanina kung anu-ano na ngang pagpaparinig ang ginawa pero mukhang hindi niya talaga maalala kung anong mayroon ngayong araw na ito" mahaba kong litanya kay jv




"ano ka ba mahaba pa ang araw maalala din niya yan mamaya! malay mo i-text ka diba" ani ni jv




"well lets see nalang" sagot ko




Ilang sandali pa ay dumating na yung magiging professor namin sa calculus so as usual sa unang araw ng mga klase tanging pagpapakilala at konting kwento ng buhay ng mga prof. ang tinatalakay mukhang mabait naman itong si professor nacachi nasa kalagitnaan siya ng pagkekwento ng kanyang student life ng biglang may lalaking pumasok sa room




"sorry sir im late" sigaw nung lalaki at yumuko pa sa harapan ng prof. namin




"its okay hindi naman regular ang klase sige maupo ka na" sagot naman ni prof nacachi




Agad namang umikot ang mga mata nito para maghanap ng bakanteng upuan sakto sa tabi ko ay isang silyang walang nakaupo at dito sa tabi ko dumiretso ang lalaki




"hi" bati nito




"hello" bati ko naman pabalik




Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito at okay he's cute napakaganda ng kanyang mga mata at ang tamis tamis ng kanyang mga ngiti at masasabi kong sa pagtabi niya sa akin ngayon medyo nabawasan ang pagka badtrip ko :)




"sir, hindi pa namin siya kilala!" sigaw ni jv




"ou nga" dagdag naman ng mga malalandi kong classmates na babae at beki




"sa harap" sigaw pa ni gladys yung president namin sa klase napaka loud talaga nitong babaeng ito





"okay Mr.Bagong dating would you introduce yourself in the class" sabi ni prof nacachi




Nagpunta naman ito sa harap at sinimulang ipakilala ang kanyang sarili




"hello everyone, ako nga pala si Danielle Quijada galing akong Marketing Course 3rd year na sana pero i decided na mag shift ng accountancy at awa ni lord nakapasa naman ako sa exam yun nga lang magiging irregular classsmate niyo ako sa mga minor subjects at yung major ay i-tatake ko kasama ang mga first year ngayon, na-enjoy ko kasi yung accounting na subject na itinuro sa amin dati" sabi nito




"basta danielle pag kailangan mo ng tulong sa major subjects mo sabihin mo sa akin ahh tutulungan kita" sigaw ni jv at ngiti lamang ang sinagot nito kay jv




Nangiti naman ako sa sinabing iyon ni jv masyado ng desperada mag ka boyfriend itong BFF ko, habang iniinterview ng mga classmates ko si danielle tumunog ko phone ko




One message Received




Lalo naman lumapad ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko iyon agad ko naman itong binuksan at agad ding napawi ang mga ngiti sa aking labi




"SMART lang pala tsk" sabi ko sa isip ko




Agad namang napukaw ang aking atensyon kay danielle na ngayo'y pabalik na sa kanyang upuan




"anong name mo?" tanong nito sa akin




"Ace Marion Reyes, Ace nalang" sagot ko sabay abot ng aking mga kamay at inabot din naman niya ito




"so ilang major subjects na ang itatake niyo ngayon?" tanong ulit nito




"ahm," tanging nasabi ko habang nakatitig ako sa kanya




"may problema ba sa mukha ko" sabi nito at ipinunas ang hawak nitong panyo sa mukha niya




"naku wala wala, tat-tatlo major subjects namin ngayon" utal kong sagot dito




"wow siguro ang tatalino niyong lahat biruin niyo nakakaya niyo yung mga ganun" sambit nito




"hindi naman sakto lang" pahumble ko namang sagot dito




Isa't kalahating oras lang ang itinagal sa amin ni prof nacachi at dinismiss niya na kami, next week nalang daw kami magsisimula ng lessons




"kita nalang tayo sa ibang mga minor subjects ace" paalam sa akin ni danielle




"sige" sagot ko naman at umalis na ito




"mukhang close na close na kayo agad ah" sabi ni jv




"hindi naman" sabi ko




"tandaan mo may paolo ka na, ibalato mo na sa akin yan ahh" pagpapaalala naman nito sa akin




"opo" sagot ko ulit




"speaking of paolo ano nagtext na ba?" tanong ni jv sa akin




"wala pa nga ehh" ani ko




"hintayin mo lang baka maya maya" sabi ni jv sa akin at hinagod ang likuran ko




Naisipan namin na kumain nalang sa isang resto na katapat ng school pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami ni jv sa veranda kung saan paborito namin laging pagtambayan at doon muna kami nagpalipas ng oras




"piling ko nakalimutan na niya talaga" sabi ko kay jv




"hindi yan ano ka ba?" pagpapalakas ng loob na sabi nito




"eh! hindi nga niya ako masusundo ngayon, uunahin niya pa yung lakad niya" singhal ko naman




"what!! oh no bhes grabe" gulat na reaksyon ni jv




"oh andito pala kayo" si dominic




"hey! kamusta na?" bati ni jv dito




"ayos lang naman ako, kamusta first day" tanong ni dominic




"ako okay lang, ewan ko dito sa isa" sagot naman ni jv na agad ko namang tinignan




"bhes!" sita ko dito




"bakit anong problema" usisa pa ni donimic




"wa-wala" palusot ko naman




"wala daw, di kasi siya susunduin ni paolo mamaya kaya ayan tampururut ang lola mo" singit naman ni jv nakahinga naman ako ng maluwag na iyon lang yung sinabi niya




"ganun ba! ako nalang maghahatid sa iyo mamaya, anong oras ba uwi niyo?" tanong nito ulit




"7pm" sagot ni jv at himpas pa ako sa braso




"nice 7 din uwian namin, so paano hintayin nalang kita mamaya" alok nito




Tumango nalang ako bilang sagot, no choice narin andito na nakakahiya namang tanggihan ko pa ito




"okay see you mamaya bye" paalam ni dominic at umalis na ng veranda




"ayan na wag ka ng malungkot may maghahatid na sa iyo" sabi ni jv at tumawa




"ewan ko sayo tara na pumunta na tayo sa next class" aya ko naman at lumabas narin kami ng veranda at dumiretso sa susunod naming klase, a 6 hours major class


* * *


Paolo's POV




Pagkapasok ni ace ng university ay agad kong pinaandar ang kotse ko, medyo naguguilty nga ako at kailangan ko pang magpanggap kay ace na hindi ko alam na ngayon ang aming first monthsary kung anu-anong pagpaparinig na nga ang ginagawa nito. Gusto ko kasing maging successful yung pinaplano ko para sa kanya at dahil nga mahilig ako sa mga surprises yun ulit ang aking gagawin para mapasaya ko siya at masabi ko kung gaano ko siya ka mahal




Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko yung kapatid ko




"hello kirby ayos na ba ang lahat ng nandyan" tanong ko dito




"oo kuya naka set ng lahat" sagot nito




"good! maasahan talaga kita" ani ko naman




"syempre para sa inyo ni kuya ace, suportado ako" sambit nito




"sabihin mo kay kuya mo na ako na ang nagluto ng pagkain nila" boses ng isang babae




"si mama ba iyon" gulat kong tanong




"oo kuya sinabi ko kasi kay mommy yung balak mo at ayun sabi niya siya nalang daw ang magluluto" sabi ni kirby




"pakisabi mo salamat" ani ko naman, medyo maiyak-iyak pa ako at okay na talaga kami ni ace para kay mommy




"hello kuya pao goodluck sa surprise mo para kay kuya" sigaw naman ng boses ng babae sa linya




"teka si jaja ba yun" tanong ko




"oo kuya!" sagot naman sa akin ni kirby




"ibigay mo nga yung phone sa kanya, jaira bakit ka andyan huh! may klase ka pa ahh"




"mamaya pa namang hapon iyon kuya pao tsaka classmates kaya kami ulit ni kirby kaya sabay nalang kaming papasok dalawa" sagot nito




Nakalimutan ko, sa university din pala namin napiling mag-aral nitong si kirby at parehas pa sila ni jaja ng kursong kinuha may something siguro itong dalawa na ito okay lang atleast matagal na silang magkasama at mukha namang kilalang kilala na nila ang isa't-isa




"okay, basta pagkatapos niyo diyan ay pumasok na kayo at baka malate kayo" bilin ko sa mga ito




"opo" sabay nilang sigaw at ibinaba ko na yung phone




Nakakatuwa naman na ang buong pamilya ko ay suportado kami ni ace, hindi ko sila bibiguin at sa gabing ito masasabi kong ito ang magiging isa sa mga pinakamasayang araw namin ni ace


* * *


Ace POV




"Goodbye Mr.Fajiculay" sabay sabay na sigaw ng klase




"okay ingat kayo sa pag-uwi" dagdag pa ni sir




"grabe teh unang araw quiz agad nakakaloka" sabi ni jv




"ou nga nakakahiya naman kay dominic 7:30 na tara na" aya ko naman kay jv at dali dali kaming bumaba ng building napadaan kami sa may stage at nakita naming ayos na ayos ito




"may program ba bukas?" tanong ni jv




"ewan ko tara na baka nilalalangaw na si dominic dun kakaintay" sabi ko naman at hinatak si jv ng biglang




"ACE" tawag sa aking pangalan ng isang boses ng lalaki na ikinatingin naman ng ibang mga studyanteng nag uuwian na rin




Pagkalingon ko doon sa may stage ay si paolo na may bitbit na gitara




"kala mo ba nakalimutan ko ang araw na ito, kahit kailan di mangyayari iyon dahil mahal na mahal kita at itong kantang ito ay para sa iyo happy monthsary loves" sabi nito at bigla namang nagbulungan ang mga studyante at nagsimulang kiligin sa ginawa ni paolong iyon





Adik sa 'yo
Awit sa akin
Nilang sawa na sa
Aking mga kuwentong marathon

Tungkol sa 'yo
At sa ligayang
Iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw

Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawa't pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita

Sabik sa 'yo
Kahit maghapon
Na tayong magkasama parang telesine
Ang ating ending
Hatid sa bahay n'yo
Sabay goodnight, sabay may kiss

Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawa't pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita

Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawa't pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita




Nagpalakpakan naman ang mga kinikilig na studyante sa pagkantang iyon ni paolo infairness kinilig din ako dun at maganda din yung boses niya. Bumaba ito mula sa stage at unti unting lumalapit sa akin kinabahan naman ako sa ginawa niyang iyon baka maging bulong bulungan kami sa loob ng campus ayokong madungisan yung pagkatao ni paolo ng dahil lamang sa akin




"tara na" hila ko kay jv




"teka lang" sita nito pero nahila ko padin ito




"ace sandali lang" sigaw ni paolo




Mas binilisan ko pa ang paglalakad pero naabutan parin kami nito




"ace hindi mo ba nagustuhan yung ginawa ko para sa iyo yun" sabi ni paolo




"UYYYYYYY............." asar ng mga studyanteng nakapaligid sa amin




Naramdaman ko namang namula ako dahil dun




"maganda naman yung pagka kanta ko diba" sigaw ni paolo




"oo naman" tugon naman ng mga studyante sa tanong na iyon ni pao




"kita mo nagustuhan nila ikaw lang ang hindi" ani nito




"nagustuhan ko din naman!" naramdaman ko naman ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata




"ayan ka nanaman iyakin ka talaga" sita ni paolo




"ikaw kasi lagi mo nalang akong sinosorpresa ng ganito"




"syempre mahal kita" sabi ulit ni pao




"mahal din kita pao" niyakap ako ni paolo ng mahigpit nung mga oras na iyon




"KISS" sigaw ulit ng mga usiserong studyanteng nakapaligid sa amin




Napangiti naman si paolo at napakamot sa kanyang ulo




"kiss daw! pagbigayan na natin" paalam pa nito



"baliw ka talaga wag dito" sabi ko naman at niyakap lang ulit ako nito




Hinila nalang ako bigla ni paolo at tumakbo kami palabas ng campus, nakita ko namang nag wave sa akin si jv at nag wave nalang ako pabalik dito




"san tayo pupunta?" tanong ko kay paolo




"basta matutuwa ka"




Agad akong isinakay nito sa kotse niya at pinaharurot ito, bumaba kami sa isang building na napakapamilyar sa akin at hindi nga ako nagkakamali sa condo nga kami ni pao pupunta. Bago pa kami makapasok sa unit niya ay nilagyan niya muna ako ng blindfold at inalalayan habang papasok




"ano ba kasi ito?" tanong ko




"basta sumunod ka lang" maikling sagot nito




Iniupo ako ni paolo sa isang upuan at tinanggal ang pagkaka blindfold ko, nagulat at napaiyak naman ako sa aking nakita




"wow" tanging nasabi ko




"surprise loves happy monthsary"




Naitakip ko nalang at aking mga kamay sa aking bibig sa sobrang pagkabigla




"hindi lang ako ang gumawa niyan tumulong din sila mommy" sabi nito




"talaga, hindi na akong makapag-antay na mapasalamatan sila" sabi ko




"kain na tayo" aya ni paolo




Napakasarap ng mga pagkaing nakahain sa amin halos maubos narin namin ito at medyo gabi narin nung matapos kami madami din kasi kaming pinagkwentuhan ni paolo habang kumakain kami. Lumapit sa likuran ko si paolo at niyakap ako nito at may ibinulong




"mahal na mahal kita ace tandaan mo yan walang makakapaghiwalay sa atin"




Sa ginawa niyang iyon ay parang may isang libong boltahe ng kuryente ang pumaligid s aking katawan itinayo ako ni paolo mula sa aking kinauupuan at hinalikan ako masasabi kong iyon ang pinaka passionate at yun din ang pinakamatagal naming halikan




"teka paolo" pagpigil ko dito




Pero parang walang naririnig si paolo at patuloy lang akong hinalikan pababa sa aking leeg at nadala narin ako dito, binuhat ako ni paolo (bridal style) nagulat naman ako sa ginawa niyang iyon at dinala sa kanyang kwarto patuloy parin ang paghalik niya sa akin na tinutugon ko naman at nung gabi ding iyon ay ang kauna-unahang nangyari sa aming dalawa





============================================================




Ayan basa na comment po kayo!!
ito muna ang last update ko finals week na po kasi
aral aral din salamat sa patuloy na suporta :D

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon