Chapter 17 - FACE off

9.2K 235 25
                                    

Medyooooo Busyyyyy XD
enjoy chapter 17 <3




============================================================




ACE POV



Papunta na kami ngayon ni paolo sa lugar kung saan namin tatagpuin yung friend ko, medyo kinakabahan na excited yung nararamdaman ko ngayon baka mamaya kasi astang foreigner na yung lokaret na yun




Dumating na kami sa restaurant na tinext sa akin ni chloe at wala pa siya dun, as usual ganyan talaga ang mga balik-bayan palaging late. kaya naman ay umupo na kaming dalawa ni paolo doon sa table na pinareserve nito para sa amin




Ayon habang hinihintay naming dumating yung kaibigan ko, konting kwentuhan muna kami ni pao sinabi ko din kung panu kami nagkakilala, yung mga kalokohan namin at kung anu-ano pa. sasabihin ko narin sana yung pangalan nung kaibigan ko ng mag ring yung phone ni pao




"teka ace sasagutin ko lang excuse me" paalam nito sa akin




"okay" tugon ko naman agad sa kanya




Dumiretso ng restroom si pao para kausapin kung sino man yung tumatawag sa kanya, i check my phone almost 7:30pm narin pala ang tagal naman nung babaeng yun so nag decide muna ako mag laro ng apps sa phone ko. habang naglalaro ako ay




"excuse me" isang boses ng babae




Nilingon ko naman agad ito at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa




"ch-chloe ikaw ba yan?" tanong ko dun sa babae




"yes its me the beautiful chloe" sabi ni chloe




Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at niyakap ko siya




"ikaw na ba talaga yan?" tanong ko ulit dito




"grabe oo naman, ganoon ba kalaki ang pinagbago ng itsura ko huh, sis ace?" sagot at balik na tanong nito sa akin




"mas gumanda ka pa lalo sis" pagbati ko sa kanya




"ikaw din gumanda ka din" sagot naman nito sa akin




"maupo na muna tayo at umorder" aya nito sa akin at tumango lang ako dito bilang tugon




"may kasama ka ba?"tanong ni chloe sa akin na agad ko namang sinagot




"oo yung boyfriend ko"




Sa pagkakasabi kong iyon ay bajkas sa mukha nito ang pag kagulat




"oh my ace, di ka man lang nagsasabi kumire ka na pala" sabi nito sa akin sabay sabunot sa may bangs ko




"aray! alam mo kahit nag stay ka ng matagal sa states hindi ka parin talaga nagbabago" ani ko sa kanya




"naman, filipino to teh" sabi niya sabay tawa naming dalawa




"so asan na si boyfie mo?" si chloe




"nasa CR may tumawag kasi sa kanya" tugon ko dito




"so how about umorder muna tayo, while waiting sa boyfie mo" sabi ulit nito




Malaki na nga ang pinagbago ng itsura ni chloe pero yung ugali niya ganun pa din, sakto naman habang tumitingin kami sa menu ay nakita ko ng padating si paolo




"oh buti naman at nandito kana kanina ka pa namin hinihintay, bhes i want you to meet my boyfriend paolo" pakilala ko dito




"and paolo my loves my kababata, my bestfriend CHLOE MIRANDA" pakilala ko naman kay chloe




Nung pinakilala ko sila sa isa't -isa nagkatitigan lang sila at para bang pareho silang nagulat ang mga naging reaksyon nilang dalawa ewan ko ba




"ni-nice to meet you" bungad ni paolo




"a-ako din nice to meet you" sagot naman ni chloe




"ayos ka lang ba?" tanong ko kay paolo




"oo ayos lang ako" maikling sagot naman sa akin ni paolo




"so order na tayo ng makakain na" pagsingit naman ni chloe




Pagkadating nung inorder namin ay kumain agad kami, habang may konting kwentuhan narin




"so kamusta na nga pala parents mo?" tanong ko kay chloe




"ayon busy sa business, yun lang naman mahalaga sa kanila ehh" sagot nito at tumamlay ang mukha




"ano ka ba! mahal ka nung mga yun ginagawa lang nila yun para sa iyo"




"wag na nga natin silang pag usapan, about sa inyo nalang ang pag-usapan natin ilang buwan na ba kayo?" tanong ni chloe




"ahh.." magsasalita palang ako ng sumingit si chloe




"gusto ko si paolo ang sasagot" sa sinabing iyon ni chloe ay saktong kumakain si paolo at nasamid ito




"ayos ka lang ba pao?" pagaalala kong tanong dito




"ayos lang ako" sagot nito




"ano bang nangyayari sa iyo, tungkol ba yan sa kausap mo kanina?" usisa ko dito




"hindi si mommy lang yun!" sagot nito sa akin "ahh mag tu-two weeks na kami ni ace" sagot naman nito kay chloe




"ahh kaya pala" mahinang sabi ni chloe




"kaya pala ano" tanong ko naman




"ahh nothing" sagot naman nito




"so ako naman magtatanong may boyfie ka na ba?" tanong ko kay chloe




"ay sis zero ang lovelife ko ngayon" sabi nito na malungkot ang tono




"sa ganda mong yan"




"madami kasing lalaking manloloko ngayon, kaya ikaw ingat ingat ka" sabi nito




Napatingin naman si paolo kay chloe at nginitian siya ni chloe




"hindi ganyan si paolo" pagmamayabang ko sabay akap sa braso nito




"oo naman mahal na mahal ko itong kaibigan mo" dagdag pa ni paolo




"oh so sweet" sabi ni chloe na halatang kinikilig




Pagkatapos naming kumain ay tumingin si chloe sa phone niya




"oh sis kelangan ko na palang mauna may gagawin pa ako" paalam nito sa amin




"hatid ka na namin" alok ko dito




"wag na may car akong dala" pagtanggi nito




"o sige ingat ka text text nalang tayo" habol ko pa dito




"sige bye paolo, bye ace" paalam ulit nito




Tumakbo pabalik si chloe sa amin at bineso ako at bumulong




"wag kang papaloko dyan sa boyfreind mo ah"




"hahaha, baliw hindi yan sige na" sagot ko dito




Pagkalabas ni chloe ay lumabas narin kami ni paolo at umuwi na



* * * *




"bakit kanina ka pa tahimik?" tanong ko kay paolo nandito na kami ngayon sa harap ng bahay




"wala pagod lang siguro ako" sabi niya na may kasamang matamis na  ngiti




"kinukulit ka nanaman ba ng mommy mo?"




"hindi, actually babe hindi na daw niya kukulitin" sagot nito sa akin




"talaga wow good news yan" balik ko namang sagot dito




"sige na pumasok ka na sa bahay niyo, good night I LOVE YOU" paalam nito sa akin




"ingat ka, I LOVE YOU too" balik ko namang tugon dito




Bago ako pumasok ay ki-niss muna ako ni paolo pero smack lang




"sige pasok ka na" pahabol pa nito




Pagkapasok ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si jaja at si mommy




"oh anong ginagawa niyo diyan" tanong ko sa mga ito




"magsabi ka nga ng totoo anak" sabi ni mommy na nakakunot ang noo




"oo kuya" dagdag pa ni jaja




"a-anong totoo" utal kong sagot pero parang alam ko na kung ano ang gusto nilang itanong sa akin




"anong meron sa inyo ni paolo" tanong ulit ni mommy




"magkaibigan po kami mom ano ba" sabi ko sabay hagis ng katawan ko sa sofa




"magkaibigan o mag KA-IBIGAN" sita naman ni jaja at umupo din sa sofa na kinauupuan ko ngayon




"magkaibigan?? may magkaibigan bang ganoon ka sweet kanina sa labas" takhang tanong ni mommy




"correction mommy girl si kuya at saka kuya nahuli ka namin ni mommy na kiniss ka ni kuya pao" hirit ulit nung kapatid kong abnormal




"tumigil ka nga titirisin kita diyan ehh" banta ko dito




"ok sasabihin ko na ang totoo" dagdag ko pa




"ano nga" sabay na sabi ni mommy at jaja




"kami na po ni paolo mom, ja" sabi ko wala nang choice ehh nahuli na




"WHAT naunahan mo pa ako" nakakatawang reaksyon ni jaja




"kailan pa naging kayo?" tanong ni maommy




"sorry po mom kung di ko nasabi agad, mag tu-two weeks palang po kami" sabi ko kay mommy




"ayos lang sa akin anak, hindi ako galit" sagot ni mommy




"talaga po" masaya kong tugon kay mommy at niyakap ko siya




kumalas si mommy sa pag yakap ko sa kanya




"oo, ang totoo ay masayang masaya ako para sa iyo at may nagmamahal sa iyo bukod sa amin na pamilya mo at sabihin mo lang sa akin pag niloko ka niyang lalaking yan bubugbugin natin" mahabang litanya ni mommy at niyakap niya akong muli




"sayang sperm ni kuya pao di kakalat ang lahi, donate nalang niya" sabi ni jaja na ikinagulat namin ni mommy




"JAIRA" sabay namin sita ni mommy




"just kidding" pahabol nito




Sa puntong iyon ay nagtawanan lang kaming tatlo ng biglang




DINGDONG . . . . . . . . .




"may inaasahan ba tayong bisita" tanong ko kay mommy




"wala naman at ang kuya mo naman mag o-overtime daw sa work niya" sagot naman ni mommy




"baka si kuya pao" kinikilig na sabi ni jaja




"baliw, tignan mo na nga kung sino" utos ko dito kay jaja




"ok just wait"




Lumabas si jaira para tignan kung sino ang nasa labas




"mommy remember chloe yung kababata ko?" tanong ko kay mommy




"oo bakit" maiksing sagot nito




"andito siya sa bansa ngayon mag babakasyon"




"talaga imbitahin mo siya dito sa bahay sa susunod"




"opo yun nga ang balak ko"




Habang nag-uusap kami ay bumalik na si jaja




"oh sino yung nag doorbell" tanong ko dito




"wala naman eh! pero nakita ko tong envelop sa labas" sabi ni jaja at binigay sa akin yung brown envelop na hawak niya




"ano naman kaya ito" sabi ko at tinignan ang nakasulat sa likod




TO: Ace




FROM: Your Guardian Angel




Buksan mo itong envelop na ito at matutuwa ka sa laman nito




P.S: Tibayan mo lang ang loob mo bago mo ito buksan




Nagkatinginan lang kami nila mommy at jaja habang binabasa ko iyon at parang may kung anong kilabot ang naramdaman ko sa aking katawan nung mga sandaling iyon.




============================================================



Dont forget to vote and comment

FOLLOW niyo din ako :P

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon