Chapter 28 - Worth the wait

5.8K 184 15
                                    

ituloy na natin ang nabitin na kaganapan nung nakaraang chapter
dont forget guys na bumoto at mag comment salamat

^_^ - - - - - - mas maganda kung samahan niyo nung pakikinig
sa ating multimedia i-click niyo lang libre yan hahaha .....

GODBLESS <3

===================================================

  *Ace POV*

Sabi nga nila You cant forget a person you love so much no matter how you do it, sabi ko naman it is possible unless you learn to love somebody else. possible nga pero paano yun siya parin ang mahal ko siya parin ang tinitibok nitong puso ko ang laman ng isipan ko gusto ko na ding ipaalam sa kanya na miss na miss ko na siya na hindi ako galit dahil sa ginawa niyang ito at sa mga oras na ito handa na akong patawarin siya at tanggapin muli sa buhay ko ngunit di ko na ata magagawa pang sabihin sa kanya ang lahat ng ito.




Ito ako ngayon nakasandal sa isang malaking puno paano ba naman sa katangahan ko ayan natapilok ako at hindi ko maigalaw ang right foot ko hindi ako makalalakad ng maayos at kung bumalik man ako hindi ko narin alam kung saan yung daan pabalik dahil napaka sukal talaga nitong gubat "ang tanga tanga mo kasi ace, bakit ba hindi ka nalang nakinig kay paolo" sabi ng isip ko. wala narin akong magagawa andito na! dahil sa pagka stubborn ko eto napala ko




Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan na sabayan pa ng malamig na ihip ng hangin, unti-unti naring nilalamon ng dilim ang kapaligiran, nanginginig na ako sa sobrang ginaw at hindi ko parin magalaw itong paa ko. medyo nawawalan narin ako ng pag-asa pa na makikita niya ako marahil sa mga oras na ito natutulog parin siya hanggang ngayon. ang tanging magagawa ko nalang sa ngayon ay ang magdasal at maghintay kung mayroong darating man na pwedeng mahingian ng tulong sa abot ng aking makakaya




I tried to close my eyes, inisip ko sila mommy si daddy si jaja, jv, dominic yung mga friends ko, teammates at syempre si paolo yung mga happy moments ko with them hinding hindi ko makakalimutan lahat ng iyon kung ano man mangyari sa akin ngayon dito i will treasure those moments kasama sila sayang nga lang at mukhang hindi na madadagdagan pa ang mga moments na iyon. kasabay ng pag-alala ko sa kanila ay siyang kasabay naman ng pagtulo ng mga luha sa aking mga mata




The rain started to pour even heavier this time . . . . .




asan ka na paolo???




Dadating ka di ba??



di ba?? -_-



===================================================

 *Paolo's POV*


Hanggang sa ngayon wala parin akong makitang bakas ni ace mag gagabi na at lalong lumakas ang ulan at kahit pa may dala pa akong payong ay tila wala parin itong panama sa nag ngangalit na buhos ng ulan.




Mas magiging delikado nito sa gubat, sana lang nakalabas siya rito ng maayos


Ace . . . . .

       Ace . . . . .


Paulit ulit kong sigaw pero wala paring sagot marahil nakalabas na nga siya ng gubat mabuti pang bumalik muna ako sa bahay at kunin yung kotse para mapuntahan siya sa resort kung dun man siya didiretso




Habang pabalik ay may napansin akong tila naka-upo sa may isang malaking puno hindi ko na maaninag ang mukha nito dala narin marahil ng kadiliman sa pailigid, wala man lamang itong dala na panangga sa ulan kaya napag desisyunan kong lapitan ito.




Dahan dahan akong lumapit sa kanya at ikinagulat ko kung sino ang taong iyon




dali daling tumakbo papalapit sa kanya


===================================================

 *Ace POV*




Habang nakapikit ako pinakikinggan ko lang ang malakas na buhos ng malakas na ulan, damang dama ko din ang pag agos nito mula sa aking katawan ng biglang





Bakit parang may mali??




Naririnig ko yung patak ng ulan pero hindi ko na ito nararamdaman pa sa katawan ko




Ito na ba??




Hanggang dito na lang ba ako??




May lakas pa naman akong mag-hintay




"ace" isang mala anghel na tinig na pagkakatawag sa aking pangalan




Mukhang oras ko na nga talaga




"ace, ayos ka lang ba?" isang tanong na nanggagaling dun sa mala anghel na tinig




Sinubukan kong idilat ang aking mga mata at . . . . . . . . . . . . .




"pa-paolo" 




"ace, kanina pa kita hinahanap" at bigla niya akong nyakap ng mahigpit




"ano ba naman kasi yang pumasok sa isip mo at tinakasan mo ako" dagdag nito




Hindi ako makapag-salita ng mga sandaling iyon!! unexpected na mahahanap niya ako




Sinubukan niya akong itayo mula sa pagkaka-upo ko




"diba i told you not to get away from me, paano kung hindi kita nakita baka kung ano nalang nangyari sa iyo" sabi nito na medyo may pagka irritable




Para namang bumalik lahat ng aking lakas sa kanyang mga sinabi




"this is all your fault kung hindi naman talaga sa pag kidnap mo sakin hindi ako tatakas" sigaw ko rito and i tried na lumakad papalayo sa kanya ng biglang sumakit yung right foot ko napaupo akong muli at naalala kong bigla na natapilok nga pala ako kaya ako nandito sa malaking puno




"ohh anong nangyari" ani nito




"dont touch me" sagot ko rito pero nagpumilit parin itong lumapit sa akin




"namamaga yung paa mo ace" turan nito




"as if you care" sagot ko rito at pinilit kong tumayo pero na out of balance ako





"halika na at bubuhatin na kita" alok nito sa akin




"wag na kaya ko ang sarili ko" pagtanggi ko dito pero sa totoo lang gustong gusto ko na magpabuhat at bumalik dun sa bahay




"wag ng matigas ang ulo" binuhat ako ni paolo ala bridal style "arte arte pa gusto din naman pala" bulong nito na akin namang narinig




"anong sabi mo?" sita ko sa kanya na kunwari'y hindi ko narinig ang mga tinuran nito




"sabi ko uuwi na tayo bukas sa manila pag gumanda na ang panahon"




"totoo ba yan??" tanong ko dito na sinamahan ko ng isang matamis na ngiti




"oo naman PAG!! gumanda na ang panahon" ulit nito




"promise yan ahh"




"oo promise" sagot nito




Nang makabalik na kami ng bahay ay agad itong kumuha ng mga damit na aming pamalit




"magbihis ka na at baka magkasakit ka" sabi ni paolo na ng mga sandaling ding iyon ay nagpapalit na ng damit




"teka teka a-anong ginagawa mo" sita ko sa kanya




"nagpapalit obvious ba?" pilosopong sagot nito sa akin




"a-alam ko pero bakit dito dun ka sa labas" 




Lumapit sa akin ang ngayo'y naka topless na si paolo




"nakita mo naman na ito diba, pati nga itong" hindi pa man din siya natatapos ay nagkaroon ako ng chance na itulak si paolo malapit sa pintuan at agad kong ni-lock yung pinto




"ace!! buksan mo to, wag mo naman akong bitinin" 




"hahahaha mukha mo" sagot ko sa kanya at hindi narin naman ako nito kinulit pa




Matapos kong magbihis ay paika-ika akong naglakad pababa papuntang kusina nadatnan kong abala sa pagluluto si paolo ng aming dinner, amoy na amoy ko yung niluluto niyang ulam at iyon ay adobo




"masakit pa ba yung paa mo" tanong nito




"medyo" mikli kong tugon sa kanya lumapit ito sa may ref at kumuha ng yelo




"ilagay mo muna itong ice sa paa mo for 5 minutes tapos ipahinga mo after an hour pag medyo masakit pa lagyan mo ulit ng ice" bilin nito sa akin at bumalik sa pagluluto




Napaka swerte ko talaga kay paolo he's still doing his best para maayos itong relationship namin at naapprecite ko naman lahat ng efforts niyang ito




"kain na" sigaw nito at iniayos na ang mga pinggan sa table




Matapos naming kumain ay nag presinta na ako na ang maghuhugas ng pinggan hindi ito pumayag at magpahinga nalang daw ako dahil mahaba haba pa ang biyahe namin bukas sa totoo lang medyo gusto ko pang magtagal kasama si paolo pero hindi talaga ito yung right time since hindi pa naman talaga masyadong naayos itong relationship namin siguro paunti-unti muna hanggang sa maging okay narin ang lahat




"i'm done na maghugas" at ngumiti ito sa akin




Sabay na kaming umakyat papunta sa kwarto




"sige pasok kana?" sabi ni pao sakin at sumagot naman ako ng patango dito




Bago pa man ako makapasok ng kwarto ay tinawag pa ako nito




"goodnight" 




"goodnight din" balik ko naman sa kanya dumiretso na ako ng kama at sa dala narin siguro ng matinding pagod ay mabilis din akong nakatulog




Nagising ako ng maramdaman ko na parang may mainit na tumatama sa mukha ko medyo nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na maayos na ang panahon at ano mang oras ay pwede narin kaming makauwi. well im just hoping na tutuparin ni pao yung pangako niya




Medyo okay na yung paa ko at maayos narin akong nakakalakad kaya naman mula sa kwarto ay bumaba ako pero wala akong nadatnan kaya naman bumalik ulit ako sa taas para katukin si pao




"hey! wake up sleepy head, babiyahe pa tayo" sigaw ko mula sa labas ng kwartong pinagtulugan ni pao




"leave me alone ace" sigaw naman nito nagulat ako sa sinabi niyang iyon 




"what? you promise me uuwi na tayong pa manila" irritable kong sagot dito at ng mapansin kong hindi naka lock ang pinto ay dali dali akong pumasok dito




Nakita ko si paolo lying on his bed at nakakumot, lumapit ako sa kanya at sinubukang tanggalin ang kumot na nakatalukbong rito




"i said leave me alone" ulit nito sakin




"no" pagmamatigas ko at hinawakan ko siya sa braso trying na maitatayo ko siya but what i felt is mainit si paolo at pinagpapawisan ng todo. tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya





"nilalagnat ka" pag-aalala ko rito




"ayos lang ako" sagot nito he tried to stand pero pinigilan ko siya




Kumuha agad ako ng damit mula sa gamit niya at tinulungan siyang magpalit ng damit




"ako na" he said




"ako na" pagmamatigas ko naman




"gusto mo lang makita itong katawan ko no" pilosopong turan nito sakin




"may sakit ka na nga kung ano-ano pang kalokohan yang pinagsasabi mo" sagot ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin




After ko siyang mapalitan ng damit ay kumuha ako ng bimpo at binasa ito at inilagay sa kanyang noo and then i decided na ipagluto ito ng pwede niyang makain




Bumaba muli ako sa may kitchen and pinagluto ko siya ng corn soup buti nalang at may mga pagkaing nakahanda sa bahay na ito matapos iyon ay bumalik ulit ako sa taas para pakainin siya




"akala ko pa naman hindi ka tinatablan ng sakit" sabi ko sa kanya




"kung hindi dahil sa iyo hindi ako magkakasakit" 




"ako pa talaga hoy paolo!! ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito" sigaw ko sa kanya at pareho kaming natahimik





Then he suddenly broke the silence "kung gusto mo mamaya bumyahe na tayo" 





umiling ako bilang tugon "magpahinga ka nalang muna"




Matapos kumain ni paolo ay bumalik ako ng kusina para makapag-hugas ng mga pinag gamitan ko kanina. chineck ko ulit si paolo at mahimbing na itong natutulog i had the opportunity to look at him napangiti ako and admit to myself na talagang na-miss ko siya




Since may natira pa namang ulam kagabi ininit ko nalang yun at iyon ang kinain nagbasa din ako ng mga kung ano-anong books na nandoon, lumabas din ako para kumuha ng mga litrato para may souvenir narin pagbalik sa manila




"ace" rinig kong sigaw ni paolo dali dali naman akong bumalik sa loob ng bahay at nakita ko ang bakas ng pag-aalala sa mukha nito




"bakit ka tumayo?" sita ko sa kanya hindi niya sko sinagot sa halip ay niyakap ako nito ng mahigpit




"kanina pa kasi tinatawag pero walang sumasagot akala ko umalis ka nanaman" turan nito habang nakayakap parin ng mahigpit sa akin




"hindi ko na gagawin yon, baka mawala na naman ako dito" sagot ko sa kanya hinatid ko ulit ito pabalik sa kanyang kwarto after nun ay muli itong nakatulog ng payapa




I decided to sleep when i notice na it was already past 9 in the evening na




When i closed my eyes i'am hoping na sana maayos na ang pakiramdam niya kasabay ng pagiging maayos muli ng relationship naming dalawa


===================================================


So how's the chapter??
VOTE po and COMMENTS
thanks guys

dinidedicate ko nga pala itong chapter na ito
para kay @JAMES3014  salamat sa patuloy na pagbabasa

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon