Chapter 21 - Balikbayan

9.4K 195 14
                                    

Hellow Guys sorry talaga kung sumobra
sa tagal ang di ko pag UD naging busy
lang ako this past few days kasi enrollment
at kung anu-ano pa anyways wag na natin
pag-usapan ang mga kaganapan sa aking
buhay yung kanila paolo at ace nalang ohh ito
na BASA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .


============================================================



ACE POV




Isang sinag na nanggagaling sa labas ng bintana ang gumising sa akin "umaga na pala" kinapa ko ang higaan pero wala na si paolo sa aking tabi sinubukan kung tumayo at sumakit bigla ang bandang ibaba ng likuran ko dun ko tuloy biglang naalala yung mga nangyari sa amin kagabi napangiti naman ako subalit nabawi din iyon nang bigla kong maalala sila mommy hindi nga pala ako nakapag paalam sa kanila tiyak na kagabi pa nag-aalala sa akin ang mga iyon




Agad naman akong bumangon sa higaan kahit may masakit ay akin itong tiniis at nagbihis, paika-ika akong lumakad palabas ng kwarto at nakita ko si paolo sa may kusina na nagluluto




"oh gising ka na, Good morning love!!" bati nito sa akin




"Good morning din" sagot ko naman dito




"tara kain na tayo tapos na itong niluluto ko" aya nito sakin habang hinahanda ang mga kubyertos sa lamesa




"naku hindi na baka hinahanap na ako nila mommy patay ako nito!" taranta ko namang ani dito




Lumapit sa akin si paolo at niyakap ako




"wag ka ng mag-alala sinabi ko na kay tita na dito ka natulog sa condo" sabi naman nito




"ano sinabi mong dito ako sa condo mo natulog" gulat kong tanong dito




"oo, bakit naman parang gulat na gulat ka" tanong naman nito sa akin




"eh! di nalaman nilang magkasama tayong dalawa, baka mamaya kung anong isipin ng mga iyon"




"haha wag kang mag-alala sinabi ko nag patulong ako sa assignment ko, tsaka dapat lang na may isipin sila sa atin lalo na't nagawa na natin" ani naman nito sabay kindat




"ewan ko sayo tara na nga kumain nalang tayo baka gutom lang yan! at pagkatapos ihatid mo na ako sa bahay" ani ko kay paolo




"opo" maikling sagot naman nito




Naglakad na kami papunta sa may lamesa ng bigla itong huminto




"oh bakit?" tanong ko dito




"ahh napansin ko lang, bat ganyan ka maglakad?" usisa naman nito




"kagagawan mo kasi ito" sagot ko naman sa kanya



"tsk! tsk! dapat pala lagi nating ginagawa yon para masanay ka na" sabi nito




"bastos tara na nga"




"haha joke lang" sabi nito sabay akbay sa akin




Pagkatapos naming kumain ay naligo at nagbihis na si paolo para pagkatapos niya akong ihatid sa bahay dederetso na siya sa school ako naman sa bahay lang wala kasi kaming klase ngayon sarap lang ng buhay kakaumpisa palang ng klase kahapon tapos wala agad klase, swertehan lang yan!




Bago lumabas ng unit ay tinanong ko muna si paolo kung may naiwan ba itong mga gamit kung kumpleto naba ang mga dadalhin nito para di na siya pabalik balik makakalimutin kasi ito, pagkatapos nun ay dumiretso na agad kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya





"pupunta ako sa bahay niyo mamaya ah!" sabi nito sa akin




"bakit naman?" tanong ko dito na agad namang kumunot ang noo nito sa akin




"bakit ka diyan! masama bang dalawin yung mahal ko" depensa nito




"wag na pagod ka galing school umuwi ka nalang" pagpupumilit ko




"ayaw mo na ba akong makita!"




"hindi naman ang akin lang ay" di pa ko tapos ng magsalita ulit siya




"basta pupunta ako period" sabi nito na mukhang medyo inis na




"o-okay" utal at mahina kong sagot




Pagkatapos ng usapan naming iyon ay pinaandar a niya ang kaniyang kotse




Hindi naman sa ayaw kong papuntahin siya sa bahay inaalala ko lang talaga na yun nga na pagod siya instead na pumunta pa siya sa bahay ay magpahinga nalang siya tutal kinabukasan ay magkikita naman ulit kami




Tahimik lang na nagmamaneho si paolo ako naman abala sa pag tingin ng mga unread messages ko sa phone




"puro quotes naman" pabulong kong sabi sa sarili ko




Habang iniiscroll ko pataas yung messages sa inbox ay may napansin akong unregisred number na nagtext sa akin




"Good Morning" sabi sa message nung unknown number




Agad ko naman itong nireplayan at tinanong kung sino siya, wala pa atang isang minuto at agad itong nakasagot sa tinext ko sa kanya





"ako ito si danielle yung bago niyong classmate" reply nito




Napangiti naman ako at para bang ginanahan akong magtext bigla




"oy kaw pala yn sn m nkuha # ko" tanong ko dito




"kay gladys ayaw ata kasing ibigay ni jv yung # mo sakin eh!" mabilis na reply ulit nito




"ganun ba hahaha.. maloko talaga yang si jv"  text ko then send




Hindi ko naman namalayan na kanina pa pala ako minamasdan ni paolo




"sino naman yan at parang kinikilig ka huh!" sita nito sa akin




"ah eh yung bago naming classmate to tsaka hindi ako kinikilig noh" depensa ko naman




"lalaki ba yan?" tanong ni pao




"oo" mabilis kong sagot dito




"patingin nga ako niyang cellphone mo" sabay hablot ng phone ko na agad ko naman ding nabawi




"ano ka ba nagmamaneho ka baka mabangga tayo, tsaka wala ka dapat na ikaselos" sabi ko sa kanya




Agad naman itong tumawa ng malakas




"ano ako magseselos di noh" sabi nito




"bakit kinukuha mo phone ko?" tanong ko sa kanya




"wa-wala lang"




"wala daw, hindi daw siya seloso kaya pala halos di nga makalapit sakin si dominic sa sobrang higpit niya kung magbantay" mahina kung bulong




"ano yun may sinasabi ka ba?"




"WALA" sagot ko sabay paling ng aking paningin sa may bintana ng kotse





Tinignan ko ulit yung phone ko pero wala paring reply si danielle naisip ko nalang na baka may klase siya ngayon at nandoon na yung professor nila. Nakarating narin kami sa bahay 45mins siguro yung binyahe namin medyo traffic na din kasi




"sige pumasok ka na at baka malate ka pa" sabi ko kay pao at bineso ko ito




"beso lang" tanong nito




"oo bakit!" mataray kong sagot




"gusto ko dito" sabi nito sabay turo sa labi niya




"para kang bata" nung pagkasabi kong iyon ay agad ko siyang hinalikan




"sige na baka malate ka pa" sabi ko ulit kay pao




"okay babye love, kita ulit tayo mamaya pupunta ako dito ah!" paalam naman nito




"oo sige, babye na i love you"




"i love you too"




Pagkaalis na pagkaalis palang ni paolo ay agad akong dumiretso papasok ng bahay, pinihit ko ang doorknob at hindi ito nakalock kaya pumasok na ako nagulat naman ako na nakaabang na pala dun si mommy pati nadin si jaja




"Bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ni mommy




"Bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong din ni jaja




"madami pa po kasing assignment na pinagawa nitong si pao ehh, sinabi naman niya po sa inyo diba" sagot ko




"Oo, nagtext siya pero sana naman maaga aga kang umuwi" sabi ni mommy




"Oo, nagtext siya pero sana naman maaga aga kang umuwi" sabi din ni jaja




"ano ba tigilan mo ang pang-gagaya sa akin" sita ni mommy kay jaja sabay batok




"aray naman mommy, sige na nga papasok na ako bye" paalam ni jaja




Pagkalabas ni jaja ng bahay ay sinagot ko din naman agad yung huling sinabi ni mommy




"kumain pa po kasi kami then traffic pa po!" depensa ko




"bakit hindi ka nalang dito kumain?" tanong ulit ni mommy




"naisip ko po kasi na para pagdating ko matutulog nalang ako" sagot ko




"oh! sige na nga at matulog ka na"




"sige po" sabay kiss kay mommy




Paakyat na ako sa may hagdan ng pigilan ulit ako ni mommy




"teka ace wala ka bang pasok?"




"wala po, sige na mom good night good morning o kung ano pa mang tawag dun matutulog na muna ako"




"okay sleep tight anak" sigaw ni mommy




Pagkaakyat ko sa aking kwarto nag surf muna ako ng facebook ko and i found out na yung athlete's night will be on saturday na so kung today is tuesday medyo mahaba haba pa naman ang araw ng aking paghahanda para sa event na iyon ng school.




After kong mag facebook ay naligo ako at natulog (-_-) Z..z..Z



============================================================



Paolo's POV




okay class you may go!! sabi ng prof namin




goodbye mrs. hernandez sabay sabay namang bigkas ng aking mga kaklase




Kanina pa talaga ako nabobore sa lecture at excited na akong makita ulit si ace buti naman at pinauwi kami ng maaga nitong teacher namin, agad ko namang inayos ang aking mga gamit at dumiretso sa paradahan ng kotse dito sa school




Habang binabagtas ko ang hallway ay nakasalubong ko si dominic, dumiretso lang ako at hindi ko siya pinansin pero bago pa man ako makalayo ay tinawag ako nito




"sandali lang paolo" sigaw ni dominic




"anong kailangan mo?" masungit kong tanong dito




"may sasabihin lang ako" ani nito




"bilisan mo lang at pupunta pa ako kanila ace" pagsusungit ko ulit




"ahh.. wala sige sige umalis kana" sagot naman nito




"sinasayang mo lang oras ko diyan ka na nga" sabi ko sa kanya at tumalikod




"teka lang" pagtawag ulit sa akin ni dominic





Hindi ko na siya hirap pa pero tumigil ako sa aking paglalakad




"alagaan mo si ace, wag mo siyang sasaktan kung hindi ako ang makakalaban mo" bilin nito




Itinaas ko nalang ang kamay ko at nag wave sa kanya at nagpatuloy sa aking paglalakad




Pagdating ko kung saan nakaparada ang aking kotse ay pinaandar ko na agad ito at pumunta na kanila ace, bago ako makapunta sa kanila ay bumili muna ako ng cake at ice cream pasalubong sa family ni ace.




============================================================


ACE POV



pagkadilat ko ng aking mata ay nagulat ako at katabi ko na si paolo agad naman akong napa bangon sa aking kinahihigaan




"papano kang nakapasok ahh?" tanong ko




"pinaakyat kasi ako dito ni mommy at gisingin daw kita pero nakita kong mukhang malalim yung tulog mo kaya di na kita ginising" paliwanang nito




"haha"




"bakit ka naman tumatawa diyan?" tanong naman nito sa akin




"talagang mommy at tawag mo sa mommy ko ah!" sabi ko sa kanya




"oo naman dun din mauuwi yun!" sagot niya




TOK... TOK... TOK




"kuya pao, kuya ace kakain na daw sabi ni mommy! mamaya niyo na gawin yang ginagawa niyo" sigaw ni jaja mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto




"utut mo, sige na baba na kami" sagot ko




Napansin ko naman napangiti si paolo sa sinabi ni jaja




"alam mo halika na at kumain na tayo" aya ko dito




Sabay na kaming bumaba ng kwarto ni pao at nakahain na nga ang mga pagkain sa lamesa




"oyy halika na kayo at kumain na" aya ni mommy




Umupo na kaming dalawa sa lamesa at nagsimula ng kumain ng dinner




"kuya pao anong ginawa niyo ni kuya kagabi" tanong ni jaja na kaagad namang ikinapula ng mukha ko




Napatingin sa akin si paolo bago niya sagutin yung tanong ni jaja, napansin ko din naman na natigil sa pag subo ng pagkain si mama na halatang inaantay ang isasagot ni paolo, that time parang gusto kong sabunutan si jaja at sobrang di ko talaga alam kung anung magiging reaksyon ko




"ah-eh nagpatulong ako kay ace sa assignments ko" sagot ni paolo




"oo nga yun na yung sinabi ko sa inyo diba" pagsabat ko naman




"diba magkaiba kayo ng course" tanong ulit ni jaja




"ah kasi" utal naman na sabi ni paolo




"kasi nga yung subject na yun ay natake na namin kaya nagpapatulong siya" sabat ko ulit dito




"ahh okay" sabi ni jaja




Pagkatapos ng tanungang iyon ay nakahinga na ako ng maluwag ayaw ko namang sabihin na nag celebrate kami ng monthsary namin ni pao at baka mamaya kung anung isipin nila kung bakit hindi ako umuwi




Matapos kumain ay niligpit ko na ang aming pinagkainan si paolo ang naghugas ng mga pinggan, nagulat naman ako at kahit paano ay marunong din pala siya sa mga gawaing bahay




Medyo maaga pa naman kaya nag stay muna si paolo sa bahay umakyat kami sa bubungan ng bahay at doon kami naglatag ng kumot at humiga, nag stargazing kami buti nga at maganda ang panahon ngayon




"ang ganda ng mga bituin no" bulong ko kay pao




"oo nga eh! parang ikaw" sabi naman nito




"ayan ka nanaman pinapaasa mo ako" ani ko




"ano ka ba totoo yun!" pagpupumilit nito




Nabalot naman ng katahimikan ang aming paligid at tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng aming mga puso ng biglang




"oy paolo may bulalakaw mag wish ka dali" sabi ko at umupo mula sa kinahihigaan namin




Ipinikit ko naman ang aking mga mata at nag wish na . . .




Sana palagi kaming masaya ni paolo pati narin yung mga family namin




Pagkatapos nun ay idinilat ko ang aking mga mata




"anong winish mo?" tanong ko kay paolo




Umupo naman ito sa tabi ko




"natupad na nga agad yung wish ko eh!" sabi nito




"huh!" pagtatakha kong reaksyon sa sinabi niya




"ano nga" pagpupumilit ko




"ikaw" sagot nito




Agad naman akong natahimik sa sinabi niya at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko after nun inilapit niya ang mukha niya sakin and he kiss me under the stars and the moon we kiss passionately




"ACE...... JAIRA....... dalian niyo at bumaba kayo dito" natigil naman ang aming halikan sa sigaw na iyon




"sigaw ni mommy yun" sabi ko kay paolo ay agad kaming bumaba para tignan kung anong nangyari sa kanya




"ja ano yun?" tanong ko kay jaja ng makasalubong namin ito pababa ng hagdan




"ewan ko!" sagot nito




Dahan dahan kaming bumaba mula sa mga kwarto namin at sinilip ang sala pero wala namang kakaiba, wala ring tao kaya naman dumiretso kami sa kusina at laking gulat nalang namin ni jaja kung sino ang dumating sa aming bahay ng gabi ding iyon




"da-da daddy" sigaw namin parehas ni jaja at sabay kaming tumakbo papalapit sa kanya




"mga anak, abay ke lalaki niyo na parang kelan lang ay kinakarga ko pa kayo" salubong sa amin n i daddy




"daddy bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka pala sana man lang nasundo ka namin" sabi ko




"gusto ko talaga kayong i-surprise" sagot ni daddy




"nasurprise talaga kami dad" sambit naman ni jaja




Kumalas naman kami ni jaja sa pagkakayap kay daddy




"sino siya?" tanong sa amin ni daddy habang nakatitig ito kay paolo




"uhm! hello gud evening po sir" bati ni paolo




"ahh dad si paolo po, paolo si daddy" pagpapakilala ko dito




"kaano-ano mo siya" tanong ulit sa akin ni daddy



"ahh"




OO nga pala hindi ko pa nga pala nasasabi kay daddy yung tungkol sa amin ni paolo, patay ako nito ano kayang magiging reaksyon niya kapag sinabe ko na ang taong kaharap niya ngayon ay BOYFRIEND ko (*-*)



============================================================



oyt hanggang diyan muna,, ano kaya magiging reaksyon ni daddy noh?
magagalit kaya ito, matutuwa basta abangan sa susunod nating kabanata.
dont forget guys to VOTE and COMMENT ahhh i really need it thanks


Rhovie
11/11/13

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon