Chapter 33 - Winning Him back

7.4K 198 51
                                    

~Ace~

"Ugh" Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata, pinakiramdaman ang paligid - puting ilaw, puting pader, tunog na patak ng tubig,  nararamdaman ko din ang lambot sa likuran ng aking kinahihigaan

"ahhhh" sinubukan kong tumayo pero hindi ko kinaya, ramdam ko parin ang kahinaan ng aking katawan

"ace" dalawang boses ang tumawag sa aking pangalan na sa aki'y kumuha ng pansin

"ace, wag ka munang gumalaw di mo pa kaya" si paolo

"oo nga magpahinga ka muna diyan" si dominic

Agad kong inilibot ang aking paningin at napansin kong wala na ako sa kwartong aking pinagkakulungan kanina lang

"a-anong nangyari" tanong ko sa mga ito, nagkatinginan lang silang dalawa at kapwa nag-aantayan kung sino ang magsisimula

"s-si jv? asan siya?" sunod kong tanong sa mga ito 

========================================

*FLASHBACK*

"SUMUKO NA KAYO AT NAPAPALIGIRAN NA NAMIN KAYO" sigaw ni chief habang hawak hawak ang megaphone

"ace ililigtas ka namin" sigaw ko 

"paolo paolo" isang malakas na sigaw naman ang agad tumugon at alam kong si ace iyon

Mabilis namang sumenyas yung hepe ng pulis at madaling nagsi-kilos ang mga kasama namin, agad nilang pinalibutan ang abandunadong gusali

"anong ginagawa mo" susunod sana ako sa mga ito ng pigilan ako

"ililigtas ko po si ace" sagot ko rito

"mapanganib, armado ang mga sindikato! mabuti pa ay dito ka nalang at maghintay"

"hindi ko kayang maghintay at tumunganga nalang dito"

"STAY! thats my order" sita nito, tumango nalang ako bilang tugon sa kanya

"chief iligtas niyo po si ace" bilin ko rito

"wag kang mag-alala bata ililigtas namin ang kaibigan mo"

"hindi ko po siya kaibigan" sabi ko rito napakunot naman ang noo nito "boyfriend niya po ako" dagdag ko at ngumiti lang ito sa akin

Patuloy ang putukan ng mga baril na nangagaling sa panig nila jv masyadong agresibo, at lalo akong kinakabahan sa kung anong pwede nilang gawin kay ace sa mga oras na ito

"paolo" si dominic

"ohhh asan na sila tita" tanong ko 

"nandun sila sa school, nagpupumilit ngang sumama buti nalang at napigilan sila dun sa school" 

"wala pa si ace" tanong nito at umiling ako sa kanya

Sa mga sandaling iyon ay tumigil ang putukan ng mga baril, tanaw namin ang mabilis na pagkilos ng mga pulis papasok sa lumang gusali, patakbo narin sana ako para makapasok ng pigilan ako ni dominic

"ano sa tingin mo ang gagawin mo"

"susunod ako sa kanila para iligtas si ace"

"hibang ka ba!! delikado dun"

"wala akong pakialam sa kung anong mangyayari ang mahalaga masigurado kong ligtas si ace"

"hindi ka talaga nag-iisip paolo eh paano kung mabaril ka dun, paano mo pa masisiguradong maililigtas nga nila si ace huh" sita nito sa akin, napakuyom nalang ang aking kamao at sinuntok ang lupang kinauupuan namin

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi parin nila nailalabas si ace may mga konting putok ng baril nalang kaming naririnig hindi katulad kanina na sunod-sunod

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon