Chapter 30 - Who's The Bitch

6.4K 179 27
                                    

Umagang umaga ay tila ba may nag-aaway sa sala, kaya agad akong tumayo para silipin kung anong nangyayari


"ayoko na ulit mauulit ang lahat ng ito, kung hindi malalagot ka na talaga sa akin"


"opo sir, pasensiya na kung naging padalos dalos yung ginawa ko"


Si daddy lang pala sinisermunan si paolo, well tama lang sa kanya yan sa kalokohang ginawa niya


"dapat ay ipinagpaalam mo sa amin ng personnal ang gagawin mo, hindi yung kinukuntyaba mo pa pati si jaira"


"pasensiya na po talaga, hindi niyo din naman po ako masisisi ginawa ko lang po iyon para kay ace" paulit ni paolo




"dapat lang na humingi ka ng tawad sa anak ko dahil sinaktan mo siya pero hindi sa ganoong paraan" 


Nang medyo kumalma na sila ay lumapit na man ako sa kanilang dalawa


"okay guys tama na yan umagang umaga" pag-awat ko sa mga ito


"breakfast is ready" sigaw ni mommy na nasa kusina


Nagmadali na akong kumain at nag-ayos ng aking sarili


"sige po mommy daddy alis na po kami" paalam ko


"sige ingat"


Sumakay na kami ni pao ng kanyang kotse at dumiretso papuntang school


"bakit mo pa ako sinundo?" tanong ko rito


"di ba nga sabi ko naman sa iyo na ibabalik natin yung dating tayo" sagot ngiti at ngumiti sa akin


Matipid na ngiti naman ang isinagot ko sa kanya


"ahh ace baka hindi nga pala ako makapag praktis mamaya"


"bakit??"


"uuwi na kasi sila dad sa japan sasama ako sa kanila" sagot nito na aking ikinabigla


"a-ano" sita ko, dagling katahimikan naman ang bumalot sa amin


"sasama ka?" tanong ko kay pao


"oo" sagot nito


Parang tumigil nanaman ang mundo ko sa sinabing iyon ni paolo, akala ko pa naman ibabalik niya yung dating relationship namin pero ano nanaman ito bigla niya na lang akong iiwan


"ace" si paolo, pero tahimik lang ako at hindi siya pinansin


"hoy!! bakit umiiyak ka" sabi nito na may pagkataranta na tono


"iiwan mo kasi ako sino bang matutuwa? akala ko ba gusto mong ayusin natin yung relasyon natin pero bakit ganun iiwan mo din pala ako. sana pala hindi mo nalang sinabi yung mga salitang iyon kung ganito din pala ang gagawin mo" mahabang sermon ko sa kanya


Malakas na tawa ang sinagot nito sa akin


"anong nakakatawa??" sita ko rito


"sasama lang ako paghatid sa airport, ikaw naman" sabi nito at patuloy parin ang pag-tawa nito


Hinampas ko ito sa balikat sabay irap ng marinig ko iyon halos gusto kong sampalin si paolo ng mga oras na iyon, pero deep inside masaya ako at hindi naman pala talaga niya ako iiwan


"ikaw naman kasi hindi pa tapos yung sasabihin ko" paliwanag nito pero hindi ko nalang siya pinansin


Nang makarating na kami ng school ay dali dali akong bumaba at hinabol naman ako nitong si paolo


Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon