Chapter 8 - Start Of Something New

16.2K 401 29
                                    

ayan kahit medyo busy na ako sa  

school ay nakapag UD na hehe:-)  

keep supporting my story 

salamat ng marami !!

================================================================

Lumipas pa ang ilang araw at simula na ng practice namin sa volleyball. Yung ginawa ni kuya gab sa akin ay hindi ko na sinabi kay mommy pero ilag ako kay kuya hindi narin naman iyon nakakapanghinala dahil eversince bago pa man mangyari yung ginawa niya ay hindi na kami nagpapansinan.

"Good morning mommy" bati ko

"Ace mag breakfast ka muna" alok sa akin ni mom

"Wag na po late na ako" pag tanggi ko sa kanya

"ahh teka lang"

"Bye mom" hindi ko na tinapos yung sinasabi ni mommy ay agad na akong lumabas ng bahay

Balak ko talaga na mag breakfast muna pero andoon si kuya gab at kumakain kaya tumanggi nalang ako maiilang lang ako sa sitwasyong iyon naaalala ko lang yung mga ginawa niya sakin.

Maaga pa naman, dahil nga sa tinanggihan ko yung pagkain kanina ay nag decide ako na kumain sa malapit na jollibee sa may kanto

"Good morning sir order po nila?" tanong nung crew

""isang 2pcs. Burger Steak at coffee pls."

"Dine in po ba?"

"Yup" sagot ko

kinain ko na yung inorder ko kanina, bigla nalang sumagi sa isip ko yung mga katanungang bumabalot sa aking isipan gaya ng hindi pag aapproach sa akin ni kuya gab kung naaalala niya yung nangyari, hindi niya paghingi ng tawad at kung anu ano pa na gumugulo lang sa aking isipan.

agad ko na ding tinapos ang pagkain at sumakay ng jeep para makapunta na ng school ng maaga at iwas traffic nadin, kahit na medyo nakakaluwag kami sa buhay ay mas pinili ni mommy na wag ng bumili ng kotse para iwas dagdag gastusin daw at tsaka wala namang magmamaneho para sa amin.

Enjoy din naman ang pag cocommute andiyan yung oras na magbabayad ka pero yung kasunod mong pasahero ay parang walang naririnig kahit laksan mo pa ang sigaw ng "BAYAD PO" at dahil nga open air ang jeep langhap mo lahat ng polusyon ang saya diba? andito na pala ako sa tapat ng school

"good morning po manong" bati ko sa security namin

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon