Chapter 19 - Pagsubok lang

9.8K 221 21
                                    

pasensya now lang ulit nakapag UD
watcha! hello sa lahat don't forget to

VOTE

COMMENT

and FOLLOW me :D

salamat ng marami sa patuloy na pagbabasa
hang on tight coz there is still more to come :P

============================================================




Paolo's POV




Pauwi na sana ako ng bahay ng tawagan ako ni jaja dinala daw nila si ace sa ospital dahil walang malay daw itong natagpuan sa kanyang kwarto. Pinaandar ko agad ang aking kotse makarating lang ng mabilis sa ospital na pinagdalhan kay ace. Pagkarating ko doon ay agad akong nagpunta sa room na tinext sa akin ni jaja, sa harap ng pintuan ay sa diko alam na dahilan ay parang tambol na pinupokpok ang aking puso sa kaba kaya naman nagdesisyon na akong kumatok




Agad akong kumatoktok at agad din  namang bumukas ang pintuan at sumalubong sa akin si jaja




"kuya pao pasok" aya sa akin ni jaja at akoy pumasok na, pagpasok ko ay nakita ko ang mahimbing na pagtulog ni ace




"gabi na ijo bakit nagpunta ka pa" sabi naman sa akin ng mommy ni ace




"ano pong nangyari kay ace" tanong ko kay tita at umupo ako sa tabi ng kinahihigaan ni ace




"ok na siya over fatigue lang daw kaya ayon hinimatay, buti nalang ay napadaan si jaira sa kwarto ng kuya niya at ayon nakita niyang nakahandusay doon sa lapag si ace" mahabang paliwanag ni tita sa akin at nakita ko naman sa kanyang mukha ang pagiging kalmado nito




"buti naman po at ganoon" ang sabi ko naman at tumingin ulit ako sa mukha ni ace




"first time kong kabahan ng ganun nung nakita ko kanina si kuya" singit naman ni jaja na nakaupo ngayon sa sofa ng kwarto




"siguro dahil yun sa enveloped" dagdag pa nito




"anong envelop yun ja?" tanong ko naman dito




"nakita ko yung envelop sa tabi ni kuya kanina pero wala ng laman ito, kagabi pa namin dapat bubuksan kaya lang naudlot" paliwanag nito




"baka kung ano lang!" sabi ko naman




"mayron kasing naka note sa likod" pahabol pa ni jaja sabay tayo sa kinauupuan nito




"ano naman?" tanong ko dito at hinihintay ang isasagot ni jaja




"tibayan mo ang loob mo, ganun ang sabi dun" ang sabi naman nito




"ano naman kaya iyon?" tanong ko naman sa sarili ko




"ah! ijo favor naman pakibantayan mo muna si ace kukuha lang kami ng mga gamit niya" sabi ni tita




"ok po ako na bahala kay ace!" sagot ko naman at lumabas na si tita kasama si jaja




Pinagmasdan ko lang ang mukha ni ace ng mga oras na iyon para akong naka tingin sa mukha ng isang anghel napaka payapa, napaka cute pala niya pag tulog para tulo'y akong nakokonsensiya sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya na kahit minsa'y hindi pa niya nagagawa sa akin



Tinext ko na ang mga ka team namin at kay coach ang nangyari kay ace at baka daw bukas nalang sila dumalaw at hindi nadin tuloy ang praktis




Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok at pinili ko nalang na matulog sa tabi ni ace habang ako'y nakaupo sa may upuan




============================================================




ACE POV




unti-unti kong idinilat ang aking mga mata medyo nasisilaw silaw pa ako kulay puti ang paligid at malamig ang mararamdamang hangin sa paligid, unti-unti ko ding ginalaw ang aking kamay at sa pagkakatong iyon ay may tao pala sa tabi ng aking kama na nakayuko at mukhang natutulog




kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha alam kong si paolo ito amoy ko ang pabangong gamit niya, gumalaw naman si ito dahilan upang masilayan ko ang kalahati ng kanyang mukha, napaka gwapo talaga niya hinimas ko ang kanyang mukha bigla namang bumalik sa aking alala ang mga nangyari sa mga sandali pang iyon ay nagising si paolo




"oh! ace gising kana pala, kamusta pakiramdam mo?" bungad agad nito sa akin at bakas sa mukha nito ang pag-aalala




Hindi ko sinagot yung tanong niya sa akin masakit parin kasi sa akin na ginawa niya akong tanga at sa puntong iyon sakto naman ang pagtulo ng aking mga luha




"ba-bakit ka umiiyak may masakit pa ba huh?" alalang tanong nito sa akin




"oy! ace sumagot ka naman anong problema?" dagdag pa nito




"gusto mo bang malaman ang problema?" sagot ko naman sa kanya at sabay titig dito




"a-ano ba?" utal nitong balik na tanong sa akin




"hindi ano paolo kung hindi sino" ani ko dito at patuloy lang ang pagtulo ng aking mga luha




"hindi kita maintindihan ace ano bang pinagsasabi mo?" tanong ulit ni paolo




"ikaw ang problema paolo!" sagot ko dito ng pasigaw




"ako paanong naging ako" sabi nito at bakas ang pagkagulat sa mukha nito saby naman bukas ng pintuan ng kwarto




"ace!" boses ni mommy




"mom!" sigaw ko dito na parang batang inagawan ng candy habang umiiyak




"ohh bakit anong nangyari may masakit ba?" alalang tanong ni mommy at bakas naman sa mukha ni paolo ang pagkatakot




"ka-kanina pa nga po yan umiiyak tinatanong ko pero ayaw naman po akong sagutin kung may masakit ba sa kanya" paliwanag ni paolo




"wala po kinabahan lang po ako na baka hindi na ako magising" singit ko naman sa usapan nila




"ano ka ba sabi ng doctor na over fatigue lang daw! kaya magigising ka pa" at nginitian ako ni mommy dahilan upang mapangiti at mapatigil ako sa aking pag-iyak




"kuya! buti naman at gising kana" boses naman iyon ni jaira




"yun ohh ok na siya" boses naman ni kuya gab




"kuya, ja" this time ngiti naman ang isinalubong ko sa kanila




"ijo umuwi ka muna at magpahinga alam kong kagabi ka pa nagbabantay, alam kong pagod ka na" sabi ni mommy kay paolo na ikinabigla ko




Kagabi! buong magdamag pala siyang nagbantay sa akin pero wala parin yung effort na yun sa panloloko niya sa akin




"sige po tita babalik nalang po ako mamaya" sagot naman ni paolo




"bye loves" paalam sa akin ni paolo at humalik sa aking noo, tumango nalang ako bilang tugon para narin hindi maghinala si mommy na may galit ako kay pao at lumabas na ito ng kwarto




"mom bili lang ako ng makakain ahh" si kuya gab




"sige" tugon naman ni mommy




"sama ako kuya" pahabol pa ni jaja at lumabas na sila ng kwarto




"kamusta naman pakiramdam mo" tanong ni mommy




Sasabihin ko ba yung tungkol sa mga litrato kay mommy! or wag nalang muna




"ok naman na po yung pakiramdam ko" sagot ko naman na may ngiti sa aking mga labi




"anak may itatanong ako sa iyo gusto ko maging hinest ka sa akin" sabi ni mommy at lumapit sa kamang kinahihigaan ko




"ano po iyon" aaminin ko medyo nanlamig ako sa sinabing iyon ni mommy




"ayos lang ba ang relasyon niyo ni paolo?" tanong ni mommy na ikinabigla ko




"o-opo naman bakit niyo naman po naitanong" pagsisinungaling ko maaring para kay paolo ay maayos pero sa akin may lamat na ito




"wala naman, ayoko sanang makialam pero" ani ni mommy at may kinuha sa kanyang bag




"pero ano po"




"dahil ba dito kaya ka hinimatay" at ipinakita sa akin yung mga litrato kung saan magkasama si paolo at si chloe




"papaano pong" halos hindi ako makapagsalita nung mga oras na iyon




"nakita ko ito sa kwarto mo ng kuhaan kita ng mga gamit, alam na ba ito ni paolo?" tanong naman sa akin ni mommy




umiling lang ako bilang sagot at tumulo ulit ang aking mga luha




"karapatan din niyang malaman ito kaya naman sabihin mo sa kanya, malay mo naman na magkaibigan lang silang dalawa"




"sana nga magkaibigan sila, pero nung pinakilala ko sila sa isa't-isa mom ay hindi sila magkakilala so noon palang niloloko na nila ako" sagot ko naman




"baka naman may malalim na dahilan kung bakit nila nagawa yun, give them a chance na ipaliwanag ang side nila"




tumango nalang ako at niyakap si mommy may point naman si mommy sa mga inadvice niya sa akin at siguro pinangunahan lang ako ng selos kaya ganun nalang ang sakit na naramdaman ko. kung ganito lang sana ako ka-open minded gaya ni mommy hindi na sana aabot pa sa puntong ganito at madali sa akin para makapag move-on




"anong ka-dramahan nanaman ang nagaganap dito" si jaja pala




Nagkatinginan lang kami ni mommy at tumawa, matapos nun ay kinain namin yung biniling pagkain nila kuya sa jollibee nagmamadaling kumain si kuya at may pasok pa daw siya baka ma-late pa daw




Kinahapunan ay bumalik ulit yung doctor ko at sinabing pwede na akong makalabas bukas at konting pahinga pa daw muna bago makabalik sa game pagkalabas ng doctor ay may kumatok muli sa may pintuan




"ako na" si jaja at binuksan ang pinto




Rinig ko naman ang sigaw ni jaja at natarantang lumapit si mommy doon laking gulat ko naman kung sino yung taong kumatok kanina sa may pintuan si chloe




"oh my god! ikaw na ba yan ate chloe?" sabi ni jaja




"oo ako na ito the one and only" sagot naman nito




"hi tita" sabay beso nito kay mommy




"oy ace anyare friend musta ka?" bati naman nito sa akin




"ay ke laki mo nang bata ka, kamusta naman sila mommy at daddy mo?" tanong ni mommy dito




"ayun po as usual busy sa pinakamamahal nilang negosyo" sagot nito




"ikaw talaga, o paano sa labas muna kami alam kong madami pa kayong gustong pag-usapan" paalam naman ni mommy sabay kindat sa akin na alam ko kung ano ang nais niyang iparating sa akin




"teka lang mommy madami pa akong tanong kay ate chloe" pagpupumigil ni jaja




"jaira tara na mamaya kana magtanong" sita naman dito ni mommy at sabay na silang lumabas ng kwarto




"haha makulit parin talaga si jaja nu musta?" bati naman ni chloe




"oo nga eh, eto okay na" sagot ko naman sa kanya




"di ka man lang agad nagtext buti nalang at nasabi sa akin ni paolo"




"ni paolo kailan" tanong ko dito




"oo, kagabi lang" sagot naman nito sa akin




"ah, chloe may itatanong sana ako"




"ano yun" tugon nito




Nilabas ko ang mga litrato kung saan magkasama sila ni paolo na papasok sa condo unit nito




"sa-san mo ito nakuha" gulat na tanong nito sa akin




"maari mo bang ipaliwanag kung anong ibig sabihin niyan" ani ko dito




"ahhmm"




"sa totoo lang galit na galit talaga ako nung makita ko yan, so please chloe sabihin mo kung paano kayo nagkakilala ni pao kailan pa at nung nagkita kayo sinadya niyo bang kunwari'y hindi kayo magkakilala" sunod sunod kong sabi dito




"okay gusto mo bang malaman ang totoo?" sabi naman ni chloe sakin




"oo" mabilis kong sagot sa kanya




"pag-uwi ko galing states na boring ako sa house kaya naman i decided na mag club muna, then suddenly may dalawang guy na lumapit sa akin and inalok nila akong samahan ako since wala nga akong kasama nung oras na yun pumayag na din ako"




"so si paolo yung isa dun" mataray na pagputol ko sa litanya ni chloe




"no, infact mga kaibigan niya yun and pinakilala lang ako kay paolo and kay gabrielle" sagot naman niya




"magkakilala narin pala kayo ni gabrielle so sino yung mga kaibigan na yun ni paolo?" tanong ko ulit




"kung hindi ako nagkakamali si ano, si ge... greg ba yun at saka akihiro"




"oo kaibigan nga sila ni pao" singit ko ulit




"so ayon eh di nagkainuman yung mga kaibigan ni paolo sobrang lalakas uminom tapos ako hindi masyado nakikita ko lang sina gab at paolo na nag-uusap mukhang may problem nga si paolo nun ehh"




"Yun ata yung umalis si paolo nung makita niya yung tatay niya" sabi ko sa sarili ko




"then nung pauwi na kami sobrang lasing si paolo nun at ihahatid na siya ni gab pero biglang may tumawag sa kanya importante daw kaya ayon humingi ng favor sa akin si gab na ihatid ko na si paolo sa condo niya" paliwanag nito




Wala akong imik nung mga sandaling iyon




"maniwala ka ace yun lang talaga yun at yung sa resto actually nagulat din ako nun hindi ko kasi iniexpect na magkikita ulit kami ni paolo" ani ni chloe




"promise ace hindi kita niloloko" dagdag pa ulit nito




Naramdaman ko naman na mukhang sincere si chloe sa mga sinasabi niya and kilala ko si hindi niya magagawang magsinungaling sa akin




"naniniwala ako sayo bhes!" sabi ko




"alam ko naman yun" sabi ni chloe at nagyakapan kaming dalawa




"saan nga pala galing yang mga litratong yan" tanong niya




"hindi ko nga alam ehh" sagot ko naman ng biglang may pumasok sa may pintuan




"hey bhessy! ay may tao pala" sigaw ni JV




"oh! bhessy tara" aya ko dito




"JV meet my kababata my bestfriend chloe" pakilala ko dito




"hi" sambit naman ni chloe sabay abot ng kamay nito kay JV




"so siya na pala ang bago mong BFF" pagtatampo ni JV




"ano ka ba dalawa kayo siyempre" sabi ko




"chos lang haha!" tawa naman nito na ikinahawa narin namin ni chloe




"ano yan teh!" si jv sabay kuha doon sa mga litrato




"OMG! ano itey!" reaksyon naman niya dito




"wala yan akin na nga" kinuha ko sa kanya at pinunit ang mga litrato




"pakitapon naman" utos ko dito at sinunod naman ni jv




Naging mahaba ang kwentuhan naming tatlo at naging magka vibes na din si chloe at jv dahil may mga common denominator din pala itong dalawang ito kagaya nalang ng pagkahilig sa grupong 1D at kung ano ano pa


* * *


Kinabukasan naman ay inayos na ni mommy yung mga gamit ko sabi kasi ng doctor sa bahay nalang daw ako magpahinga para mas komportable daw ako




"wala na bang naiwan?" tanong ni mommy kay jaja




"wala na po" sagot naman nito




"mom andyan yung taxi bilisan niyo na" sigaw naman ni kuya sa labas




"ok andyan na" sigaw din ni mommy




Lumabas na si mommy at si jaja sa kwarto sumunod narin ako isasarado ko na sana yung pintuan nung mapukaw ang aking atensyon sa isang piraso ng papel kaya naman nilapitan ko ito at pinulot




"may natira pa pala" sabi ko yung litrato ni chloe at ni paolo na magkasama pupunitin ko na sana ng biglang dumating si jaja




"kuya ano bilisan mo nakakapagod kaya pabalik-balik" sita nito sa akin




"ayan na" sagot ko




Hindi ko na naituloy ang balak kong pagpunit sa litrato, sumakay na kami ng elevator at lumabas na ng ospital, sa labas naman ay nakita ko sila mommy na nakasakay na sa may taxi




"ja bilis" sabi ni mommy kaya naman tumakbo si jaira papunta dito




Pagkasilip ko sa may taxi ay puno na ang loob nito andoon din nakasakay si kuya




"saan ako sasakay?" tanong ko




"DOON OH!" sabay sabay nilang sabi at turo doon sa may kotseng kaharap ng taxi na sinasakyan nila




"mom! ano ba" sabi ko kay mommy kotse kasi yun ni paolo




Lumabas si paolo ng kanyang kotse at binuksan yung pintuan ng passengers seat




"Loves tara na" aya nito sa akin




"mom diyan ako dali na" pagpupumilit ko




"bye anak enjoy" sabi ni mommy at sabay harurot ng taxing sinasakyan nila




Tumingin ako kay paolo at nginitian ako nito, sumimangot naman ako bilang tugon dito at tumalikod at nagsimulang maglakad




"hoy! hoy! teka" sigaw ni paolo




nung maabutan niya ako ay hinawakan niya ako sa kamay at iniharap sa kanya




"ano bang problema mo nung isang araw ka pang ganyan sa akin" ani nito




"gusto mo ba talagang malaman" sagot ko dito




"oo" tugon naman niya




"ito tignan mo" sabay dukdok sa kanya nung litrato nila ni chloe na hawak ko




"ano to" pilosopong tanong niya sa akin




"bulag ka ba, tanga, manhid para hindi malaman kung ano yan" sagot ko




Tumawa lang siya nung mga sandaling iyon, unti-unti ko namang naramdaman ang pagbasa ng aking mga mata




"ewan ko sayo!" sabi ko ulit sa kanya, tumalikod ako at patuloy na naglakad




Nakita ko namang sinusundan niya ako kaya naman binilisan ko pa lalo ang paglalakad at natapilok ako buti nalang nahawakan ako ni paolo kung hindi susubsob ako sa may daanan, kapwa kami ngayon nakaupo sa may kalsada




"bitawan mo nga ako" pagtataray ko dito




"teka lang let me explain" sabi nito




"yung nasa larawan wala yun hinatid lang ako ni chloe sa condo kasi nga lasing na lasing ako nun nakilala lang namin siya sa may club dapat si pareng gabrielle ang maghahatid sa akin kaya lang may tumawag sa kanya kaya nakisuyo nalang kay chloe" paliwanag nito sa akin




"ehh bakit hindi kayo magkakilala nung nagkita kayo sa may restaurant" tanong ko ulit dito




"actually hindi ko na ini-expect na magkikita pa kami kaya naman hindi ko siya masyadong matandaan pa" paliwanag ulit nito




Hindi na ako makapagsalita sa mga sinabi niyang iyon halos pareho sila ni chloe ng dahilan at sa tingin ko ay ganun nga talaga ang nangyari




"mahal na mahal na mahal kita ace di ba nga sabi ko sa iyo hinding hindi na kita sasaktan kaya maniwala ka naman" sabi nito sa akin at itinayo niya ako mula sa pagkakaupo ko




Niyakap ako ni paolo at niyakap ko din siya




"hindi ka na ba galit?" tanong nito sa akin




Tumango akong parang bata bilang tugon kay pao nakita ko naman ang kasiyahan sa kanyang mukha




"ayan ahh wag ka ng magagalit sa akin, mga naninira lang yan sa relasyon natin tandaan mo ace
no matter what challenges might carry us apart, we will always find our way back to each other" ani ni paolo




"i love you pao" sabi ko




"i love you too ace" sabi naman niya




Naramdaman namin ang patak ng tubig mula sa langit at unti-unti na nga itong lumakas dali dali naman kaming bumalik kung saan nakaparada yung kotse ni paolo, tumakbo kaming parang mga bata na ninanamnam ang bawat minuto, siguro nga tama si paolo gusto nilang sirain ang aming relasyon pero sa bawat pagsubok na iyon ay lalong tumitibay ang aming pagsasamahan.





============================================================


ayos lang po ba yung gawa ko??
COMMENT naman :D

Dedicated to @Introvert26
salamat at isa ka sa mga patuloy na nagbabasa ng kwentong ito

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon