Chapter 22 - Athlete's Night

8.9K 194 20
                                    

Yow.. Yow muli akong nagbabalik sa aking pagsusulat
pero paunti-unti lang muna kasi po nag o-OJT na ako
sana po ay wag kayong magsawa sa pagbasa nito dahil
alam ko na kayo man ay gusto ng malaman ang mga magaganap 
hehehe wag ng pahabain ito na talaga oh!!



============================================================

2 weeks later mula nung umuwi si daddy galing ibang bansa and . . . . .



This is the day that i've been all waiting for ^_^ ang athlete's night!! kung saan nag gagather ang mga different athlete of different sports ng aming school simula nung naging volleyball player ako lagi akong nag lolook forward sa araw na ito and this is it




"ace bumaba kana diyan andito na si paolo" sigaw ni mommy 




"opo pababa na ako" sagot ko naman




Pao and i decided na mag mall muna para bumili ng pwedeng magandang i suot para sa event mamaya, so pagbaba ko nakita ko si paolo nakaupo wearing a black polo shirt and a pants




"oh tara na" aya ko dito




"sige" maikling tugon naman nito




"mag-agahan muna kayo" sita naman samin ni daddy




"hindi na po dad sa labas nalang po kami kakain ni pao" pagtangi ko dito




"sige po una na kami tito and tita" paalam ni paolo




"bye guys enjoy your breakfast" pahabol ko naman




"paolo" boses ni daddy




"ba-bakit po" utal na tanong ni paolo na halatang kinakabahan




"ingatan mo yang anak ko!" bilin ni dad




"yes sir, ako pong bahala kay ace" sagot nito




Napangiti naman ako sa kanilang dalawa i didn't expect na sa maikling panahon ay ganoon nalang  kaagad matatanggap ni dad si paolo 


============================================================



FLASHBACK



"ahh dad si paolo po, paolo si daddy" pagpapakilala ko dito




"kaano-ano mo siya" tanong ulit sa akin ni daddy



"ahh"




"henry halika muna dito sa kusina at tikman mo yung niluto ko dali" aya ni mommy kay dad




agad namang sumama si daddy kay mommy




"bat di niyo pa inamin na mag jowa kayo" sigaw ni jaja




agad ko namang tinakpan ang bibig nito




"wag ka ngang maingay marinig ka ni daddy lagot ka talaga sa akin" sita ko rito




"hindi magagalit yan ako magsasabi" pangungulit parin ni jaja




"wag nga sabi" sagot ko naman




habang nagkukulitan kaming dalawa ay panay lang ang tawa sa aming dalawa ni paolo. matapos non ay lumapit ulit sa amin sina daddy at mommy so medyo kinakabahn pa talaga ako dahil di ko alam kung anu ang napag usapan nilang dalawa




"ace halika nga dito" pagtawag sa akin ni daddy na agad namang ikinanginig ng aking katawan




"opo" mabilis kong sagot at lapit sa kanya




"nasabi na sa akin ni mommy mo ang totoo" si daddy




"po a-ano pong totoo" pagmamaang maangan kong sagot




"anak hindi mo naman na kailangan ikaila ang relasyon niyo nung kasama mo sa akin, ang akin lang ay kung masaya ka bakit kita hihigpitan diba" sabi ni dad




"dad" tanging nasabi ko at unti unti kong naramdaman ang pangingilid ng aking mga luha sa aking mga mata




"dalaga ka naman na este binata pala so bahala kanang mag desisyon sa buhay mo siguraduhin mo lang na hindi ka sasaktan ng lalaking yan kung hindi hahabulin ko ng itak yan" 




"dad naman eh! opo alam ko pong mahal ako ni pao" tugon ko dito




Bumalik ulit kami ni dad sa kinatatayuan nila paolo




"ah sir mauna na po ako" paalam ni paolo




"teka kumain na muna tayo, wag kang mag alala alam ko na yung tungkol sa inyo basta bat hindi mo sasaktan itong anak ko"




"ta-talaga po sir o-okay na po kami sa inyo" si paolo na hindi makapaniwala




"oo naman kung saan maligaya si ace" 




"YES" sigaw ni paolo




"eh dad ako kailan pwede mag botfriend?" sabat naman ni jaja




"mag-aral ka muna bago ka mag boyfriend boyfriend" sita ni daddy sa kanya




"ako tong tunay na girl di pwedeng mag jowa tsk unfair" sabi ni jaja at nagtawanan nalang kaming lahat




END OF FLASHBACK



============================================================



"Hoy! ace lalim ata ng iniisip mo" sita sa akin ni paolo na ngayo'y nagmamaneho ng kanyang kotse




"ahh wala may naalala lang ako" sagot ko naman dito




"nga pala pinapauwi tayo ni mommy sa bahay tignan daw natin yung binili niyang damit para sa atin" ani ni paolo




"okay ikaw bahala" sagot ko ulit dito




ilang minuto ang aming biniyahe papuntang bahay nila paolo, pagkarating namin doon ay nakita namin yung mga box ng damit na binili ni tita para sa amin na gagamitin mamaya sa event




"oh kayong dalawa dali tignan niyo itong binili kong damit sa inyo" sabi ni tita




"o-opo" sabay naming sagot ni paolo




masyado naman akong masaya ngayong araw na ito bukod kasi okay na sa pamilya ko yung relasyon namin ni pao ay okay na din sa pamilya niya ang relasyon namin, at this point hindi padin ako makapaniwala na kaming dalawa ni paolo ay officially legal sa aming mga pamilya. masaya din ako na maayos na ulit ang samahan ni pao at ng mommy niya




agad naming sinukat yung damit na binili ni tita para sa amin, pero bago iyon ay pinaghiwalay niya kami ng pagbibihisan ewan ko ba kung anong trip nitong si tita claire pwede naman sabay nalang kaming dalawa magbihis sabagay kung sabay kami baka alam niyo na ^_^




"mommy takpan mo yung mata ni kuya" sigaw ni kirby 




"oo nakatakip na pababa na kami" sagot naman ni tita




Tinakpan din ni kirby ng panyo ang aking mga mata




"ano ba ito kirbs?" 




"wag kang mainip kuya ace hintay ka lang"




inalalayan ako ni kirby palabas nung kwartong pinagbihisan ko, ilang hakbang lamang mula sa kwarto at huminto din kami




"ok ready na ba kayo" si tita pam




"ok na mom in 5 seconds ahh tanggalin mo na yung blindfold ni kuya" si kirby naman na katabi ko lang




"okay 5.. 4.. 3.. 2.. 1.. CHEDEN" sabay na isinigaw ni tita at kirbs




"wow mom ang cool" sabi ni paolo





Ako may natuwa sa ibinigay sa amin ni tita na damit it's a polo shirt parehas na parehas with pao at may nakalagay pang my better half and then may arrow na nakaturo sa bawat isa.




"ito nalang gamitin natin" sabi ni paolo




"ahh su-sure ka?" alangan kong tanong sa kanya




"oo naman" mabilis na sagot nito




"baka pag tinginan lang tayo dun" mabilis ko ding tugon




"kahit pa pagtinginan nila tayo, wala akong pakialam eh di magsawa sila kakatingin sa atin" sagot ulit nito




"salamat pao" ang tanging nasambit ko sa mga sinabi niya




"mahal kasi kita" ani nito




"mahal din kita" balik ko sa kanya




Nagpalakpakan naman sina tita pam at kirby 




"oh bumiyahe na kayo at baka ma trapik pa kayo" sabi ni tita pam




"ahh sige po alis na kami" paalam ni paolo sa mommy niya sabay bumeso




"alis na po kami tita" paalam ko din




"sige mag-iingat kayo" bili ni tita




Sumakay na kami ng kotse ni pao at umalis, tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe wala naman masyadong traffic at kaagad din naman naming narating ang school




"ayos ka lang parang namumutla ka?" sita sa akin ni paolo




"a-ah ou ayos lang ako" sagot ko naman agad at bumaba na ito ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto




"kapit ka sa braso ko!" alok nito




"wa-wag nakakahiya baka mapagtsismisan tayo" sabi ko naman pero kinuha niya parin ang aking kamy at hinawak ito sa braso niya




"wala akong pakialam kung pagtsismisan nila tayo" 




Pumasok kaming dalawa na nasa ganung posisyon, agaw eksena kasi masyado yung parehas naming suot pati nadin yung pagkapit ko sa braso niya, pero kahit marami na ang tumitingin sa amin ay wala lang sa kanya yun, kaya naman napa ngiti ako at alam kong hindi niya kinahihiya ang relasyon namin




"OMG so you look so good both of you" salubong sa amin ni jv




"ikaw din" ang sabi ko naman sa kanya




"pao kanina pa kita inaantay pwede ba kita munang makausap" si gab




"oh sige, mahal wait lang kausapin ko lang si gab" paalam sa akin ni paolo




"ok mahal" sagot ko sa kanya at hinalikan naman ako nito sa noo




pagkahiwalay sa amin nina paolo at gab ay humanap kami ng pwest at umupo sa isang table kasama si jv, medyo marami rami naring tao 




"wala pa ba yung mga teammates natin?" tanong ko kay jv




"naku bhes andyan na yung mga yun, nang chicks lang alam mo naman!" 




"eh si dominic" tanong ko ulit




"yun na nga kanina ko padin siya hinahanap, pero maski anino wala"




"baka papunta na"




"baka nga" maikling sagot nito sa akin




Ladies and Gentlemen welcome sa ating 35th annual athlete's night, alam niyo naman na ang party na ito ay ino-organize kapag malapit na ang taunang intercollegiate sports event dito ay binibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makilala ang ibat-ibang athlete ng ating paaralan and im sure na sa taong ito ang paaralan natin ang magiging over all champion




Wooohh. . . . . .Yeahh. . . . . . 




"bakit parang ang tagal naman ata ni paolo" 




"anu ka ba bhes iilang minuto palang ang nakakalipas hayaan mo na muna si paolo, malay mo kausap lang niya yung mga teammates niya"




"siguro nga" sagot ko kay jv




nilibot libot ko ang aking mga mata pero hindi ko padin talaga makita si dominic, napaisip tuloy ako kung pupunta ba siya o hindi ng biglang




"pwede bang makijoin?" boses ng isang lalaki




"dominic" sabay naming sabi ni jv




"akala ko hindi ka pupunta" agad kong tanong sa kanya




"pwede ba naman yun, ayoko mamiss yung mga ganitong event no" sabi nito




"yung event ba ang ayaw mong mamiss oh itong katabi ko!" sabi ni jv at napa tawa naman si dominic dito, agad kong kinurot si jv sa tagiliran at napasigaw ito sa ginawa ko




"sorry naman ito nalang kamusta ka naman nitong mga nakaraang araw" paulit na tanong ni jv na nakahawak parin sa kanyang tagiliran




"ayos lang naman tinapos ko muna lahat ng mga gawain ko, kasi back to training na ulit next week di ba" mahabang explinasyon nito




"ou nga pala next week training ulit" sabi ni jv na may pagkagulat ang expression




"hindi mo ba kasama si paolo?" tanong ni dominic sa akin




"kasama ko si pao kinausap lang siya ni gab"




"ahh" tugon naman ni dominic




makalipas pa ang ilang minuto ng aming kwentuhan ay dumating na si paolo




"bat pawis na pawis ka ata" sita ko dito habang nakatitig kay dominic




"ahm jv, ace excuse lang may kakausapin lang ako saglit" paalam ni dominic na agad umalis sa kinauupuan nito




"okay balik ka" pahabol naman ni jv




"san ka ba galing huh" balik kong tanong kay paolo




"diyan lang nakipag usap usap medyo mainit kasi dun sa pwesto namin kanina" sagot nito




nilabas ko naman yung panyong dala ko at pinunas ito sa kanya




"mahal na mahal kita ace" sabi nito




"mahal din kita" sagot ko naman at niyakap niya ako




"tama na yan baka langgamin tayo dito" sita naman sa amin ni jv




Tumayo kami mula sa aming lamesa, nakipag kilala sa iba marami akong nakakwentuhan yung mga basketball badminton player at kung sino sino pa gaya ko karamihan ng nandito ay first time to attend sa event na ito. bumalik kami sa aming table para kumain at para nadin makapag pahinga then yung host announces na"its time to hit the dance floor" at ayun nagkagulo bigla sa pagparty




"tara guys makisayaw tayo" aya ni jv na nagsisimula ng umindak indak




"sige maya maya nalang kami pag senti songs na" sabi naman ni paolo




"palibhasa makakapagsayaw kayo ng sweet songs hmm diyan na nga muna kayo" pagtatampong sabi ni jv at dumiretso dun sa mga nagsasayawan




"nag eenjoy ka ba?" usisa ni paolo sa akin




"oo naman sobra" sagot ko dito na may kasamang ngiti




maya-maya pa ay nagpatugtog na sila ng mga senti songs, parang naging JS prom tuloy pero still masaya parin lalo nat may sasayaw sa akin




"will you dance with me" aya sa akin ni pao




"yes" sagot ko dito




agad kaming pumunta sa gitna ng dance floor alam kong maraming napatingin sa amin




omg si paolo yan diba ng volleyball... ou nga sino naman yung kasama niya... grabe nakakahiya naman... sinisira niya lang yung image niya... yan ata yung ace sa accounting yung nagchampion sa volleyball this year




rinig ko yung mga bulungan nung mga tao sa aming paligid sabi ni pao na isipin ko ay kaming dalawa lang at walang ibang tao sa paligid at ganun nga ang ginawa ko



When you smile, everything's in place

I've waited so long, can make no mistake}

All I am reaching out to you

I can't be scared, got to make a move

While we're young, come away with me

Keep me close and don't let go

Inch by inch, we're moving closer

Feels like a fairytale ending

Take my heart, this is the moment

I'm moving closer to you

I'm moving closer to you


"indeed that moment was like a fairy tale, ang sarap sa pakiramdam na hindi niya ako kinahihiya"




"i love you" sabi niya sakin




"i love you too pao"




Nasakalagitnaan na yung kanta ng bigla itong mag stop at may umakyat na isang lalaki mula sa stage




"sandali may sasabihin lang po ako" boses ng isang lalaki ng pagkabukas ng mga ilaw si gab pala yung lalaking iyon




"oh anong ginagawa ni gab dun?" tanong ko kay paolo pero wala itong imik at parang bakas ang kaba sa mukha nito




"nais ko lamang pong i congratulate yung bestfriend kong si paolo at si ace" sabi ni gab na parang may pagkalasing ang tono




Lumapit naman agad si paolo dito




"brad bumaba ka na diyan at lasing ka na" sita dito ni paolo




agad naman akong sumunod kay pao para kausapin din si gab




"tara na gab ihahatid ka na namin" aya ko naman dito




"wag nga kayong mangialam" sabi nito




"alam niyo ba mga kaibigan na itong bestfriend kong si paolo at yang si ace ay mag karelasyon" sambit ulit ni gab at sa mga sandaling iyon nagsimulang magbulungan ang mga tao sa aming paligid




"gab itigil mo na yan" sigaw naman ni jv 




"pre tama na" sabi ulit ni paolo at umakyat sa stage pero hindi parin natinag si gab




"pero ace sigurado ka bang mahal ka ni paolo?" tanong ni gab sa akin, hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang iyon




"sumagot ka" sigaw ni gab sa mikropono




"oo sigurado akong mahal ako ni paolo" ang sabi ko naman dito




"diyan ka nagkakamali ace" sabi ni gab agad akong kinabahan sa kanyang mga sinasabe




"tama na gab tama na" sigaw ni paolo at tinangka pa nitong agawin yung mic pero bigo ito




"hindi ka niya totoong mahal ace, pinapaasa ka lang ni paolo para makapaghigante siya sayo" sambit nito




"hi-hindi yan totoo mahal ako ni paolo, at kahit kailan hindi niya magagawang paasahin ako" maluha luha kong sigaw kay gab




"naghihiganti lang siya simula nung tinalo niyo kami sa volleyball, part nung ay yung ligawan ka niya at pasagutin tapos sa bandang huli ay iwanan ka at isa pa yung pagkakasali niya sa team niyo planado nadin yun nagvolunteer siya na sumali sa inyo para nga gantihan ka" 




"hindi hindi yan totoo" sigaw ko at napaupo ako sa sahig na umiiyak




"gusto mo ng proof eto pakinggan mo" 




"hello kamusta ayos naba? nakapasok ka na ba ng team" boses ni gab

 

 

"oo ayos na" boses naman ni paolo

 

 

"so tuloy na talaga ang plano mo?" si gab

 

 

"andito na, aatras paba ako" si paolo ulit

 

 

"good magtagumpay ka sana"

 

 

"Siyempre ako pa humanda sa akin yang ace na yan" totoo nga yung mga sinasabi ni gab




agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko




"oh diba pinaglaruan ka lang niya" pahabol ni gab




"bhes" si jv naman na lumapit sa akin




unti unti akong naglakad palabas ng school, nakayuko at patuloy na umiiyak hindi parin ako makapaniwala na nagawa sa akin yun ni paolo 




"ACE" pagtawag sa akin ni paolo




Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa aking paglakad, narinig ko ang mga yabag ng kanyang mga paa patakbo sa akin




"ace sandali lang, let me explain" ngayo'y hawak niya ako sa aking mga braso




"wala ka ng dapat i-explain paolo malinaw na sa akin ang lahat" pumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa akin at tumakbo ng tuluyan palabas sa school




Tumatakbo ako palabas ng umiiyak, umaasang panaginip lang ang lahat pero hindi lahat ng mga narinig ko lahat ng mga nalaman ko ay totoo at kailan man hindi ko mabubura sa aking isipan na niloko niya lang ako, pinaasa sinaktan ng taong mahal na mahal ko si na akala ko minahal din ako si paolo




============================================================

Hey guys i just want to remind you na wag kalimutan mag 
VOTE and COMMENT thanks

Nagustuhan niyo ba yung chapter na ito? just leave your feedback
mwapsss.. XoXo ~ rHovie (n_n)

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon