Chapter 24 - He and I

6.7K 167 26
                                    

hello pasensya na natagalan sa pag update
busy sa at the same time malapit na ang exam week
ko kaya ayun pero kita niyo naman
naisabay ko pa ito!! kaya bilang kabayaran please
VOTE and COMMENT
lang po guys hahaha enjoy

Give me Love - Ed Sheeran On Track ^_^

============================================================


Para akong naglalakad sa kawalan at patuloy parin ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata, bakit kaya ganoon hindi na ako nasanay ilang beses niya na akong sinaktan pero bakit parang pare-pareho lang ang sakit na nararamdaman ko? hindi paba manhid ang puso ko? pagod na pagod na ako palagi nalang ganito ang sitwasyon.




Naisip kong pumunta nalang muna sa katabing park ng school at maghintay hanggang sa maging okay na ang pakiramdam ko kahit paano, ayokong makita pa nila mommy at daddy ang sitwasyon ko ayoko na mag-alala pa sila sa akin, at isa pa im too old enough naman na to handle this




Umupo muna ako sa may swing, pumikit at dinama ang bawat pag simoy ng hanging umiihip sa aking mukha. Ilang saglit pa ay may naramdaman akong mga yapak ng mga paa dahilan upang tumunog ang mga dahon na nalaglag sa lupa




"Paolo, please leave me alone" sambit ko




Wala naman itong imik, hindi ako lumingon dahil hindi pa ako handang makita siya, patayo na sana ako ng swing ng magsalita ito




"wait lang ace"




Boses iyon ni dominic kaya naman nilingon ko ito at tama nga ako na si dominic nga yung taong iyon




"dominic pa-pano mong nalaman na nandito ako" utal kong tanong dito na may bakas ng pag-kagulat sa aking mukha




"sinundan kita nag-alala kasi ako sayo" sagot nito




at doon unti-unti nanaman tumulo ang aking luha, sa mga sandaling iyon lumapit siya sa akin at niyakap niya ako, tuluyan ko ng nilabas ang lahat ng bigat na aking nararamdaman.




"tama na ayokong nakikitang umiiyak ka" sabi nito habang pinupusan ang aking mga luha




"bakit ganoon sobrang sakit kahit, kahit na pang ilang beses na akong umiyak dahil sa kanya ang sakit sakit padin" hagulgol ko dito




"dahil siguro sobra ang pagmamahal mo sa kaniya, dumating sa point na hindi ka na nagtira para sa sarili mo kaya ka nagkakaganyan" paliwanag nito sa akin




Siguro nga tama si dominic na minahal ko si paolo ng sobra kaya napakasakit nang malaman kong ginamit niya lang ako para makapag higanti, hindi ko inakala na ganoon ako nagpakatanga sa pagmamahal ko kay paolo




"ace i know you deserve someone na mas better pa kay paolo, kaya tumahan kana" pag comfort ni dominic sa akin




"salamat talaga dominic at palagi kang nandyan para sa akin"




"alam mo namang bukod kay JV ako yung isa pang bestfriend mo diba?"




"oo naman" sagot ko at umupo ulit kaming dalawa sa may swing




Tahimik lang ang paligid sa aming dalawa para kasing naiilang ako pag ganito ang sitwasyon at si dominic ang kasama ko, lumipas pa ang ilang mga minuto at ganoon parin ang aming sitwasyon ng biglang basagin na ni dominic ang katahimikan sa pagitan namin




"ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito at lumapit sa akin




"ah-ah oo medyo ok na ako" ilang kong sagot dito kaya naman napatayo ako mula sa kinauupuan ko




"tara hatid na kita sa inyo anong oras narin kasi delikado na" alok nito sa akin




"ahh sige" agad ko namang tugon dito at agad din naming nilisan ang park




medyo mahaba ang naging biyahe namin sumabay pa ang mabigat na daloy ng traffic. nakatingin lang ako sa may bintana ng kotse ni dominic iniisip ko parin ang mga nangyari kanina!! totoo ba to? baka panaginip lang? tanong ko sa aking sarili




"ayos ka lang" biglang tanong sa akin ni dominic kaya naman parang bumalik ang aking ulirat na totoo nga ang lahat ng nangyari hindi ito panaginip




"ayos lang ako" mabilis kong sagot dito at binalik ulit ang aking attensyon sa may labas ng kotse at ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng antok at tuluyang nakatulog


============================================================


Dominic POV




"ace nagugutom kaba?" tanong ko kay ace habang nagmamaneho




"anong gusto mong pagkain bumili muna tayo?" ulit ko pero wala itong sagot




Pagkabaling ko ng aking paningin mula sa kinauupuan ni ace nakita ko ang isang tulog na anghel, nagagalit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para kay ace hindi ko man lang siya naiganti ng suntok man lang mula sa gagong paolo na yun sana lang sapat na yung pagcocomfort ko sa kanya




Habang naka red lights hinubad ko yung suot kong tuxedo at itinakip ko ito kay ace para hindi siya lamigin, pinagmasdan ko ng husto ang mukha ni ace napakapayapa kala mo walang problema. hindi niya talaga deserve si paolo kung may lakas lang talaga ako ng loob nun na sabihin na may gusto ako sa kanya hindi na siguro aabot sa sitwasyong kailangan niyang masaktan ng ilang beses. siguro masaya kami ngayon at walang pinoproblema




Sa oras na maging okay na si ace sasabihin ko na talaga na mahal na mahal ko siya at pinapangako ko na hinding hindi ko siya sasaktan kagaya ng ginawa nung paolo na yun




============================================================


ACE POV




unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, naririnig ko ang mga patak ng ulan at ng mga oras na iyon nakita ko si dominic na nakatitig sa akin kaya naman napaayos ako ng upo at napansin kong nasa harap na pala ng bahay ko




"so-sorry nakatulog pala ako" sabi ko habang nag-aayos ng sarili




"ayos lang napakacute mong pagmasdan habang natutulog" sagot nito




"salamat" utal na sagot ko dito




"hindi na muna kita ginising halatang pagod na pagod kasi kanina yung mga mata mo kakaiyak" paliwanag nito




"ganun ba sige, una na ako" sambit ko at binuksan ko ang pinto ng kotse niya sobrang lakas ng ulan at wala akong payong kaya naman pinigilan ako nito




lumabas si dominic ng kotse niya at pinagbuksan pa talaga ako, iniabot din niya sa akin ang isang payong buti nalang at may dala siya kung hindi paniguradong basa ako bago pa makapasok sa bahay




"salamat ulit dominic"




"wala yun sige na pumasok kana at baka magkasakit kapa"




unti-unti na akong naglakad papunta sa aming pintuan at nag babye kay dominic, inantay ko munang makaalis ito bago tuluyang pumasok ng bahay




"ace!" salubong sa akin ni mommy habang si daddy naman nanood sa may sala at nakatingin din sa akin




"sorry po at nalate ako" sabi ko




"kanina pa may nag-aantay sa iyo" sabi ni mommy na ikinataka ko




"sa ganitong oras? sino naman po mom?" tanong ko




Nang mga sandaling iyon laking gulat ko ng lumabas si paolo ng kusina namin, hindi ko alam kung anong gagawin ko maraming tanong ang ngayo'y gumugulo sa isip ko alam na ba nila mommy ang nangyari sa amin? anong gagawin ko? pano ko sasabihin sa kanila? naguguluhan ako ayokong pati ang pamilya ko madamay sa gulo naming dalawa




============================================================

Nagmamagandang note:

Bitinin ko muna kayo Quicky updates muna for you
ayan nako nako ano na nga bang mangyayari sa
dalawang ito noh!! basta abang abang nalang kayo
at marami pang twist and turns kayong malalaman
keep supporting my story ahh dont forget to cast your votes and your side comments
para sa chapter na ituuuu ^_^

07/24/2014

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon