Chapter 16 - Ace Childhood friend

9.6K 226 25
                                    

Hindi ko kayo matiis ehh
ohh ayan na haha...
chapter 16 ENJOY!!

this chapter is dedicated kay ate kai
galing galing niya kasi hehehe :D




============================================================




PAOLO'S POV




Nandito kami ngayon sa kotse ko, ang tahimik ni ace na para bang may malalim na iniisip, iniisip niya ba yung mga sinabi ni mommy? paano kung yun nga malamang nasasaktan siya ngayon at hindi ko alam kung paano pagaga-angin ang loob niya lalo pa't nangako akong hinding hindi ko na siya sasaktan ulit




FLASBACK:




"ano? sa japan" ang  tanging nasabi ko




"oo anak, sa tingin ko mas magiging maganda ang buhay mo pag doon ka nakapag-aral" mahabang pangungumbinsi ni mommy sa akin




"ayoko mom! ayoko ko kayong iwan dito"




"ayos lang naman sa akin anak at para din naman sa ikakabuti mo iyon"




"ikakabuti? hindi pa nga natin kilala ng lubos ang taong yun at pumayag ka naman sa alok nito" pag-alma ko sa sinabi ni mommy




"paolo ano ka ba" si mommy habang nagsasalita pa ay nag salita na din ako




"mom ayoko ng pag-usapan pa natin ito at huwag niyo na akong pilitin" sabi ko sabay talikod papuntang pinto




Palabas na ulit kami ng bahay ng may sabihin pa ulit si mommy




"pag-isipan mong maigi ito paolo, matagal pa naman mag s-stay ang daddy mo dito" pahabol ni mommy at sinarado ko na ang pinto




END OF FLASHBACK




============================================================





"bakit ang tahimik mo" sita ko kay ace




"kasi, kasi" utal nitong sagot




"kasi ano nga?" tanong ko ulit sa kanya




"sundin mo na lang kaya ang mommy mo" sagot nito at napatingin akong bigla sa kanya na mukha naman siyang seryoso




"pati ba naman ikaw" tugon ko dito




"naisip ko lang kung" hindi pa man din siya natatapos ay sumingit na ako sa kanya




"tama na wag na natin itong pag usapan pa" seryoso kong sagot kay ace




Bigla naman parang nalungkot si ace sa mga nasabi ko sa kanya kaya naisipan ko nalang na tanungin siya kung saan niya gustong pumunta para malibang kami at wag munang isipin ang mga problema




"gala nalang tayo! saan mo gusto pumunta" tanong ko sa kanya




"sige, dalawin nalang natin si dominic" ang sagot niya




"ano namang gagawin natin dun" inis kong tanong kay ace




"kakamustahin natin siya! sige na" pagpupumilit pa sa akin nito




"sige na nga sabi moeh, sabihin nadin natin na tayo na" kahit ayaw ko ay pumayag nalang ako para mabawasan yung lungkot ni ace




"wa-wag muna nating sabihin" pigil naman nito




"bakit ayaw mo? maha mo ba siya" tanong ko sa kanya at medyo nag pacute nadin ako ng konti




"joke lang haha.. sige sasabihin natin" ang sagot naman niya




Nababawasan talaga ang bigat ng problema ko sa tuwing nakikita ko siyang masaya at nakangiti ganito lagi ang epekto sa akin ni ace




Pinaandar ko na ang kotse at agad tinungo ang daan papuntang manila medical hospital




Huminto muna kami sa may bilihan ng mga prutas at bumili para ipangpasalubong daw kay dominic, sa dami dami ba naman kasing pwedeng puntahan si dominick pa talaga ang naisip niya




Pagkadating doon ay agad kaming dumiretso sa kwarto kung asan na ka confine si dominic, pero nung pagkabukas namin ng pinto ay malinis na ito at wala ng tao




"asan na po yung pasyente dito" tanong ni ace doon sa nurse na dumaan




"umuwi na po sir kahapon lang" sagot nung nurse




"umuwi na? magaling na po ba yung pasyente" tanong ulit ni ace




"opo magaling na po yun, babalik nalang po yun sa mga session niya for therapy" sagot ulit nung nurse




"okay, salamat" tugon naman dito ni ace na halata ang pagkadismaya sa mukha




"mag mall nalang tayo" aya ko dito pero parang wala siyang narinig sa halip ay nagbigay siya ulit ng bagong ideya




"puntahan nalang natin siya sa bahay nila" sabi ni ace




"ehhh.." di pa man din tapos ang sasabihin ko ay nagring bigla ang phone niya




"teka sagutin ko lang to" sabi nito at lumayo muna sa akin




"tsk! may nalalaman pang palayo-layo baka si dominic lang yan" sa isip ko




Umupo muna ako sa mahabang bangko sa may labas ng kwarto ni dominick, minamasdan ko lang si ace at todo ngiti ang loko at kinikilig pa sa mga oras na iyon ay nagpasya akong lapitan siya




"sino yang kausap mo" tanong ko dito




"ok, sige kita tayo! bye" sabi ni ace sa kausap niya sa phone




"si dominic ba yan huh, kinikilig ka pa talaga!" kunwaring galit kong sita dito




"hindi si dominic yun!" sabi nito




"sino?" usisa ko ulit kay ace




"yung kababata ko, andito na siya sa pilipinas at magkikita kami ngayon"




"talaga!" tangi kong nasabi




"oo, " maiksing litanya nito




"sasama ako sayo" pagpupumilit ko




"wag na baka ma OP ka lang"




"lalaki siguro yang kababata mo kaya ayaw mo akong pasamahin at gusto niyong makapagsolo" tanong ko kay ace pero tinawanan lang niya ako




"loko, hindi no at kung lalaki man yun di kita ipagpapalit kasi mahal na mahal kita" pang uuto ni ace sa akin




"alam ko naman na mahal na mahal mo ako pero sa gwapo ko ba namang ito, sige na isama mo na ako para naman ma meet ko din yang friend mo" pagpupumilit ko ulit dito




"hahaha sige na nga, ang cute mo talaga" pambobola pa nito




Agad naman kaming pumunta doon sa restaurant na tinext nung kababata niya sa kanya at pagdating namin doon ay wala pang tao sa table na pinareserve nito




"oh! my ang tagal naming hindi nagkita non, parang magkapatid nadin ang turingan namin sa isa't-isa" sabi ni ace at bakas ang pagkagalak sa kanya




"talaga kailan pa ba kayo huling nagkita nun" tanong ko dito




"high school days pa yun nung magpasya ang mga magulang niya na sa america na sila tumira" paliwanag ni ace




"wala ba kayong means of communication?" tanong ko ulit dito




"meron, nagsusulatan kami pero kinalaunan natigil din baka kasi naging busy na siya"




"ano bang pangalan niya?" tanong ko ulit




"ang pangalan niya ay" di pa tapos si ace ng biglang mag ring ang phone ko




MOMMY CALLING . . . . .




"teka ace sasagutin ko lang excuse me" paalam ko kay ace




"okay" tugon naman agad nito




Pumunta ako ng CR at doon sinagot ang phone




"hello, anak"




"mom, wag muna ngayon pls"




"im sorry anak kung pinapangunahan ko ang desisyon mo" si mommy at rinig ko ang kanyang paghikbi mula sa kabilang linya




"ok lang mom naiintindihan ko po kayo" sabi ko dito




"gusto ko lang na mapabuti ka"




" i know mom pero alam niyo naman masaya na ako dito kasama kayo, kayo na tunay kong pamilya"




"alam ko yun anak kaya sorry talaga"




"wag na po kayong mag sorry wala naman po kayong kasalanan"




"salamat anak mahal na mahal kita"




"mahal na mahal ko din po kayo mom, sige na po uuwi po ako diyan mamaya at diyan na natin ituloy ang kwentuhan natin" paalam ko kay mommy




"sige anak" si mommy




Masaya ako ngayon at hindi na ako pinipilit ni mommy na sumama kay daddy dapat ipaalam ko na ito kay ace, para naman matuwa din siya. kaya naman agad akong bumalik sa pwesto kung saan kami kanina




Sa aking pagbabalik doon ay nakita kong may kausap na si ace na babae, nakatalikod ito kaya hindi ko pa maaninag ang mukha, masayang masaya si ace habang ka-kwentuhan niya yung kausap niya kaya naman lumapit na ako




Sa paglapit ko ay




O_O




laking gulat ko kung sino ang kausap ni ace, at alam kong nagulat din ito nung makita ako




"oh buti naman at nandito kana kanina ka pa namin hinihintay, bhes i want you to meet my boyfriend paolo" ani ni ace




Totoo ba ito siya yung kababata ni ace




"and paolo my loves my kababata, my bestfriend CHLOE MIRANDA" pakilala ni ace dito




Si chloe yung babaeng na-meet namin sa bar, yung babaeng muntikan kong makatalik.
PATAY ako nito




============================================================

Hello support niyo din po sana yung
isang story ko gaya ng pagsupport niyo dito.
anong masasabi niyo comment and vote :P

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon