Chapter 11 - It's not real

14.4K 297 31
                                    

A/N: Hello guys sorry kung natagalan akong mag UD
busy sa school oh eto na basa na enjoy!!

=============================================================

All my ladies do the pretty girl rock,

rockDo the pretty girl rock, rock, rock

Do the pretty girl rock, rock

Do the pretty girl rock, rock




*Cellphone alarm*



Time check - - - 6:30am



"Good morning world " bati ko sa sarili ko




Panibagong araw nanaman ang aking kakaharapin and i think na magiging maganda ang day na ito for me. ang lakas naman maka good vibes parang walang nangyaring masama kagabi sa akin okay lang dumating naman yung knight in shining armor ko para ipagtanggol ako, how sweet!




Pagkabangon ng higaan ay bumaba muna ako ng kwarto upang mag-agahan




"Good morning mommy, Good morning kuya" bati ko sa kanila with full smile talaga




"aba! mukhang maganda ang gising mo ngayon" sita sa akin ni kuya




"lagi namang maganda ang gising ko noh!" sagot ko sa kanya




"ang aga mo ata?" tanong ni mommy




"dadaan pa po kasi ako kay dominic sa hospital" paliwanag ko




"oh sige kumain ka na muna" aya ni mommy sa akin




"sige po" maikli kong tugon




"teka kamusta na nga pala si dominic?" si mommy




"ok naman na po siya kaya lang po yung right leg niya may bali po kaya hindi pa po ito makakapaglaro" sagot ko




"tsk tsk ayan na nga ba ang sinasabi ko laging may mga nadidisgrasya sa mga motor na yan, kaya ikaw gabby mag commute ka nalang" si mommy




"ano ka ba ma! bawas pogi points yun" si kuya




"POGI points meron ba parang wala naman" asar ko 




"teka pinagtutulungan niyo na ako ha!" si kuya




Tawanan lang kami habang nag aagahan, namiss ko talaga ang ganitong bonding moments namin sayang nga lang di kami kumpleto wala kasi si daddy




"ang ingay niyo naman ang aga-aga" si jaja na nagkukusot pa ng kanyang mata




"yan ang iingay niyo nagising tuloy ang dalaga ko" si mommy




"ako din naman dalaga mommy" sabi ko




"dalaga sa panaginip hahaha" asar ni kuya




"epal ka talaga" sabay hampas sa braso ni kuya




Patuloy parin kami sa pagkukulitan at sa aming pagtawa. pagtapos namang kumain ay umakyat na ako sa kwarto para mag ayos ng mga gamit ko sa practice, nag suot muna ako ng pag galang damit since pupuntahan ko nga muna si dominic sa hospital




"mom asan na yung mga prutas dito para po kay dominic iyon" ako




"nasa lamesa dun ko nilagay" sigaw ni mommy na nasa kusina




"nakita ko na po, alis na ako" paalam ko




"sige mag-ingat ka" bilin ni mommy




"ace, ace wait lang sabay ka na sa akin" si kuya




"ayoko nga ang bilis bilis mo magpatakbo ng motor duh!" mataray kong sabi kay kuya




"wag ka ng maarte di bagay" sabay batok sa akin




"aray! naman sige na dalian mo naman" ako




"antayin mo na ako sa labas" si kuya




Lumabas na ako ng bahay at doon hinintay si kuya




"tara alis na tayo" si kuya




"tara na tagal mo" ako




"mag-ingat kayo dahan-dahan sa pagmamaneho" bilin ni mommy




"opo" sabay naming sagot ni kuya




Buti nalang yung way ni kuya papasok sa work niya ay madadaanan yung manila medical hospital, iwas traffic narin kasi madali kaming nakakasingit, bawas pamasahe pa sana dito din yung way ko papasok ng school kainis ang layo kasi




Nakakatakot magmaneho ng motor si kuya harurot kung harurot buti nalang walang masamang nangyari sa amin 




"dito nalang ibaba mo na ako" ako




"enjoy ba ang ride?" tanong ni kuya habang nakangisi ng nakakainis




"enjoy? halos masuka na nga ako" sagot ko




"haha di ka lang sanay"




"sige alis kana baka malate ka"




"sige, ingat ka"




"ikaw din kuya"




Pumasok na ako sa loob ng hospital at dumiretso sa kwarto ni dominic




TOK....
           TOK...
                     TOK...




"oh ace kaw pala pasok ka" si kuya james pinsan ni dominic




"gising po ba si dom?" tanong ko




"oo gising sige diretso ka na dun" sagot niya




"salamat po"




"ace!" bungad sa akin ni dominic with matching super ngiti




"good morning captain" bati ko naman




Sa sinabi kong iyon ay nawala ang mga ngiti ni dominic sa mukha niya




"sa labas muna ako" paalam ni kuya james




"ok po" sabi ko




Pagkalabas ng kwarto ng kwarto ni kuya james ay umupo na ako sa tabi niya




"oh ba't sumimangot ka may prob. ka ba?" tanong ko




"pano tinawag mo akong captain"




"so, ikaw naman ang captain namin di ba?"




"yun na nga ako ang captain pero nasan ako nandito sa ospital nakahilata"




"ayos lang yan dominic ang mahalaga pag nag simula na ang tournament andoon ka dapat"




"oo naman hindi ako mawawala dun"




"kaya magpagaling ka para makapag laro ka din"




"ako pa, start na nga ng therapy ko mamaya"




"wow that's good goodluck!"




"salamat ace lagi mo talaga akong napapasaya"




Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni dominic




"no problem, basta ikaw" sabi ko




Inabot ko naman kay doms yung basket ng prutas na dala ko




"oh nag-abala ka pa" sabi niya




"wala yan, kailangan mo yan para lumakas ka agad"




"salamat ulit, teka bakit nga pala di ka na nag paalam sa akin kagabi?"




"tulog ka na kasi nakakahiya naman kay tita jeane kung gigisingin pa kita"




"ayos ka naman bang naka uwi? wala bang mga nangtrip sa iyo? reresbakan ko"




Natahimik ako sa itinanong ni dominic, lahat ng mga nangyari sa akin kagabi ay muli kong na-alala pati narin yung pangyayaring di ko inasahan




FLASHBACK:





Nung hinalikan ako ni paolo gusto kong kumawala pero para akong naparalisa sa ginawa niyang iyon pero makalipas pa ang ilang segundo ay nakakawala din ako sa pagkakayakap at pagkakahalik niya sa akin




"ba-bakit? may problema ba?" tanong ni paolo




"a-ano bang ginagawa mo?" sabi ko




"ace!" si paolo na nakahawak sa pisngi ko




"tigilan mo ako sa kalaokohan mo paolo" sigaw ko sa kanya




"hindi kita niloloko, alam ko sa sarili kong especial ka sa akin" 




"especial? haha.. JOKER ka din pala noh!!" 




"ace ano ba hindi ako nagbibiro mahal kita" seryosong sabi niya




Sa totoo lang ngayon ko lang nakita na naging seryoso tong mokong na ito




"mahal? are you nuts? kailan pa na may lalaking nag mahal sa katulad ko?" sa pagkakasabi ko nun ay sumabay ang pagtulo ng aking mga luha




"ako! at handa akong patunayan iyon"




"bakit bakla ka din ba? para mahalin ang kagaya ko?"




"hindi ako bakla ace, pero sigurado ako sa nararamdaman ko nagsimula lang ito nung mga panahong naging mas malapit tayo sa isat-isa. ewan ko ba, para kang drugs na nakakaadik at hidi ko na kayang tigilan pa" paliwanag ni paolo




"hindi ito tama pao!! madaming tututol sa relasyong ganito"




Bigla akong niyakap ni paolo (o_o)




"wala akong pakialam sa sasabihin nila, masaya ako sa iyo at alam ko naman na ipaglalaban mo rin ang relasyon na ito" mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin




"sigurado ka bang ipaglalaban ko to?" tanong ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap niya




"oo, naman inamin na sa akin ni jv" sabi niya habang nakangiti




"a-anong inamin ni jv?" kabado kong tanong sa kanya




"na may gusto ka sa akin"




"ako may gusto sa iyo, wala!!"




Yung iyakan moment namin kanina ay bigla naman napalitan ng kulitan at kakiligan




"eto ebidensiya" sabi ni paolo sabay labas ng cellphone niya




"a-ano yun"




Pinindot niya ang play button sa cellphone niya at may mga pamilyar na boses ang aking narinig na nag-uusap




JV: so bhes sagutin mo to ng walang halong biro may gusto ka ba kay paolo?

ACE: ano ba yang tanong mo!! change topic

JV: dali na bhes tayong dalawa lang naman di ko ikakalat promise

ACE: ok, pero sa atin lang ahh

JV: oo naman

ACE: oo gusto ko siya dati pa, simula noong nakalaban natin siya sa volleyball! oh my god bhes nung time na yun i think im inlove




Pagtapos nung usapang iyon ay pinindot na ni paolo ang stop button




"San mo nakuha iyan" pagkatanong ko kay paolo ay agad naman na akong nagtakip ng mukha sa sobrang hiya ko




"kay jv kanino pa ba" sagot niya




"bwiset talaga yung baklang yon"




"haha wag kang magalit kay jv ako ang kumulit sa kanya na sabihin kung may gusto ka sa akin" sabay yakap ulit sa akin




"nakakahiya" tanging nasabi ko sa mahinang boses




"i want to court you ace" pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ako sa pisngi at tinitigan sa aking mga mata




TSUP!! (he gave me a kiss pero smack lang)




"tara hatid na kita sa inyo"




Masaya ako sa nalaman ko na mahal ako ni paolo, pero andoon pa din yung feeling na kinakabahan at natatakot akong masaktan since kung sakali siya ang kauna unahang boyfriend ko




END OF FLASHBACK:




"hoy!" si dominic




"ohh.." sagot ko




"ano na?"




"anong ano na?" naguguluhan kong balik tanong sa kanya




"naka-uwi ka ba ng maayos kagabi?"




"o-oo naman ayos walang naging problema" sabi ko




Sa kalagitnaan ng aming pag uusap ay bumukas ang pinto




"good morning po tita jeane" bati ko sa mommy ni dominic




"good morning din" tugon nito




"sige dominic mauna na ako may practice pa" paalam ko




"sige goodluck sa practice" bilin nito




"okay pagaling ka, bye po tita alis na ako"



"sige mag-ingat ka" si tita jeane




Pagkaalis ng hospital ay diretso agad ako ng school, hindi ko napansin ang oras habang nag-uusap kami ni dominic kaya almost 30 minutes na akong late sa call time namin




pag hinto ng jeep sa harap ng school ay tumakbo na ako papasok




"good morning manong" madaliang bati ko kay manong guard




"good morning din" sagot nito




Hindi ko na naitanong kung may mga nauna na ba sa akin for sure kumpleto na sila doon at ako nalang ang wala, paniguradong may parusa nanaman ako kay coach nito




Pagdating ng gym ay nakakapagtaka ang katahimikan ng lugar




"teka bakit parang wala pang tao?" sa isip ko




Pumasok ako ng gym pero maski ang mga equipments ay hindi pa nakaayos




"may practice naman ngayon bakit kaya wala pa sila" nagtatakang tanong sa aking isipan




ilang hakbang pa ay nakita ko si paolo na nakaupo sa bench




"good morning pao" sigaw ko




pero parang wala itong narinig kaya lumapit pa ako sa kanya



Papalapit na ako ng tumingin siya sa akin at nginitian ako




"good morning babe" sigaw ni paolo




"what did i heard it right, tinawag niya akong babe ang bilis naman" sa isip ko




Unti unti siyang lumalapit sa akin




Pero ang nakakagulat ay nilagpasan niya ako na parang hanging di niya nakita




Pagkalingon ko sa may pintuan ng gym ay may nakita akong babaeng nilapitan ni paolo at yun yung babaeng tinawag niyang babe na inakala ko ako




Bigla namang tumulo ang mga luha sa aking mga mata sa di inaasahang pangyayaring iyon




"kagabi lang sabi niya mahal niya ako pero bakit ngayon? umasa kasi ako kaya ganito sobrang sakit kahit hindi pa kami talagang napakasakit" sa isip ko




Tumakbo ako ng mabilis palabas ng gym, naghihintay ako kung tatawagin niya ako at pipigilan ako pero wala, WALA! Bakit nga ba ako mag eexpect na pipigilan niya ako lalo na't kasama niya dun yung babe niya




Wala na akong pakialam kung saan ako mapunta, kung saan ako dadalhin ng aking mga paa ang mahalaga ay makalayo ako at hindi ko sila makitang mag kasama




ang sakit pala lalo na kung harapan pa. pinaasa niya lang ako, ako naman si tanga nag expect oo nga naman wala naman talagang maglalakas ng loob na manligaw o maging karelasyon ang tulad ko. wala akong panama doon babae yun eh!




Patuloy lang ako sa pagtakbo kasabay ng pagtulo ng mga luha ko




Tumigil ako sandali at tumingin sa aking likuran 




Malayo na ako sa kinaroroonan nila




Napa-upo ako sa sahig at doon humagulgol ng iyak




SANA naman panindigan mo yung mga sinabi mo . . . . .




SANA naman joke lang ang lahat ng ito . . . . .




PLEASE! sabihin mong mahal mo ako




sabihin mong MAHAL mo ako PAOLO!!

=============================================================


ayan nakapag UD na din
sorry at medyo natagalan
busy kasi ako sa school
Dont forget to VOTE and
Comment ah! FOLLOW mo
na din ako hehe :P tnx!

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon