Chapter 23 - His Side

6.9K 176 33
                                    

as i promise quick update for my loyal readers 
thank you everyone <3 keep reading enjoy :))
it's time naman para pakinggan yung side ni paolo
para fair naman wag naman natin siyang husgahan agad diba?? 



============================================================

Paolo's POV




Masayang masaya ako sa mga nangyari sa amin ni ace nitong mga nakaraang linggo nasabi na kasi namin sa papa niya yung relasyon namin at ok naman ito sa kanya, ganun din sa family ko hindi sila tutol sa pagmamahalan namin ni ace! tungkol naman sa amin nila mommy ayun maganda na ulit yung relasyon namin pati dun sa daddy kong japanesse masaya daw siya para sa amin ni ace medyo napatawad ko na din siya sa nagawa niya sa amin. speaking of my dad andito padin siya sa pilipinas para ayusin yung mga business ventures niya, paminsan minsan pumupunta siya sa bahay at nagkakabonding kami pinipilit niya padin akong sumama sa kanya sa japan para doon mag-aral pero hindi padin ako payag sa proposal niyang iyon at naiintindihan naman daw niya ako kung magbago man daw ang isip ko tawagan ko lang siya agad. at ang lahat ng iyon ay dahil kay ace sinabihan niya ako na bigyan ng second chance si dad at matuto din daw sana akong magpatawad.




Maaga aga pa ng konti ng kamiy makarating ng school para sa event namin, para bang pa treat ito ng school sa aming mga athlete since malapit na nga ang intercollegiate competition




"ayos ka lang parang namumutla ka?" sita ko kay ace, kanina ko pa kasi napapansin na para ba siyang kinakabahan at ang tahimik lang niya kanina sa biyahe




"a-ah oo ayos lang ako" utal na sagot nito sa akin




Bumaba na ako ng aking kotse at pinagbuksan ko siya ng pintuan




"kapit ka sa braso ko!" alok ko dito




"wa-wag nakakahiya baka mapagtsismisan tayo" tugon naman niya




"wala akong pakialam kung pagtsismisan nila tayo" sabi ko, para maparamdam ko sa kanya na kung gaano ako ka proud sa kanya at ipaalam sa mga tao ang kung anong merong namamagitan sa amin




Pumasok kaming dalawa na nasa ganung posisyon, agaw eksena din kasi yung parehas naming suot na iniregalo sa amin ni mommy at ni kirby, pati nadin yung pagkapit niya sa braso ko, pero kahit na alam kong marami na ang tumitingin sa amin ay wala akong pakialam dun, kaya naman napa ngiti ako nung mapansin kong ngumiti siya



"OMG so you look so good both of you" salubong na bati sa amin ni jv




"ikaw din" ang pabalik na puri naman ni ace dito




"pao kanina pa kita inaantay pwede ba kita munang makausap" sigaw ni gab na nakipag apir pa sa akin




"oh sige, mahal wait lang kausapin ko lang si gab" sagot ko kay gab at paalam kay ace




"ok mahal" sagot naman nito




agad naman akong sumunod kay gab, huminto naman kami at pumwesto sa hindi masyadong mataong lugar




"oh, anong sasabihin mo sakin?" bungad ko dito habang nakatalikod pa ito sa akin




"kamusta naman kayo ni ace?" tanong nito sa akin




"eto going strong ang relationship namin lalo na't parehas legal na sa aming pamilya ang pagmamahalan namin" agad kong sagot sa kanya at humarap na ito sa akin




"eh di ok, so kailan mo balak isagawa ang plano natin?" tanong ulit sa akin ni gab na agad ko namang ipinagtakha




"a-anong plano?" takha kong tanong sa kanya




"ambilis mo namang makalimot pao!!" diba nga ang plano natin ay papasok ka sa team nila para sa intercollegiate sports competition at pagkatapos gaganti ka kay ace sa pamamagitan ng pag papa fall sa kanya!" mahabang eksplenasyon nito




bigla kong naalala lahat ng mga sinabi ni gab, tungkol sa plano sa paghihiganti namin dahil nga tinalo lang kami ng mga baguhang katulad nila ace nuong intramurals, na pa-iibigin ko si ace and eventually iiwan ito para mawala ang konsentrasyon sa game at tuluyang alisin sa kanilang volleyball team




"pe-pero" utal kong bigkas




"ano ngayon na ba pao magandang pagkakataon ito lalo pa't ilang araw nalang mag uumpisa na yung game " singit ni gab




Pinagpawisan talaga ako ng matindi ng mga sandaling iyon, naguguluhan ako mahal ko si ace at hindi ako papayag na saktan siya nakapagdesisyon na ako




"hindi na natin itutuloy ang plano" sabi ko na ikinagulat naman ni gab




"a-ano hibang ka na ba? bakit?" galit na sigaw nito sakin




"mahal ko na si ace gab at ayoko siyang saktan" turan ko dito




"tangina anong mahal pre bakla ka ba?"




"bakla na kung bakla o anumang isipin nila mahal ko si ace at mahal din niya ako hindi ko na itutuloy yang pesteng planong dati nating binalak" sagot ko at tumalikod




"nga pala gab hindi na ako yung dating paolo na nakilala mo, at kung hindi mo tanggap yung pagmamahalan namin ni ace sorry bestfriend pero handa kong isakripisyo ang pagkakaibigan natin para kay ace" pahabol ko dito at naglakad palayo sa kinatatayuan namin




"paolo........ paolo................." sigaw ni gab pero hindi ko siya binalikan o nilingon man lang bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad




Masakit para sa akin na bitawan ang mga ganoong salita sa aking bestfriend, simula palang nung mga bata pa kami ay si gab na ang kasa-kasama ko, kalaro, kaklase at para narin kaming tunay na magkapatid pero kung hindi niya matatanggap si ace para sa akin handa kong kalimutan ang pagkakaibigan namin




Hinanap ko naman kung saan nakapwesto sila ace sakto nasa may bungad lang sila kaya madali ko silang nakita pero ang hindi ko inaasahan ay may isa pang lalaki silang kasama bukod sakanila ni jv, si dominic




"bat pawis na pawis ka ata" tanong sa akin ni ace, pero ako tinitigan ko ng masama si dominic




"ahm jv, ace excuse lang may kakausapin lang ako saglit" excuse ni dominic na agad umalis sa kinauupuan nito




"okay balik ka" pahabol dito ni jv




"san ka ba galing huh" tanong ulit sa akin ni ace



"diyan lang nakipag usap usap medyo mainit kasi dun sa pwesto namin kanina" sagot ko




nilabas naman ni ace yung panyong dala niya at pinunas ito sa akin




"mahal na mahal kita ace" bulong ko sa kanya nung pagkaupo ko




"mahal din kita" sagot naman nito at niyakap ko siya ng mahigpit




"tama na yan baka langgamin tayo dito" sita naman sa amin ni jv




tumayo kami sa aming pwesto at nakipag kwentuhan sa ilan naming mga kakilala, si ace lang ang halos nag eentertain sa kanila iniisip ko padin kasi yung mga sinabi ni gab at hindi ako mapalagay nung mga sandaling iyon. matapos ang konting kwentuhan ay bumalik kami sa aming lamesa para kumain, matapos naman kumain ay sumigaw yung host nung event




"its time to hit the dance floor" at ayun nagkagulo bigla sa gitna at nagsimula ng magsayawan ang mga nanduon




"tara guys makisayaw tayo" aya ni jv na nagsisimula ng umindak indak




"sige maya maya nalang kami pag senti songs na" sabi ko naman




nung sandaling tumugtog na ang senti song inaya ko kaagad si ace na makipagsayaw sa akin at agad naman din itong pumayag nung makapunta na kami sa gitna ay nagsimula nanaman ang mga bulong bulungan sa paligid pero hindi namin ito pinansin at nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw




Nasakalagitnaan na yung kanta ng bigla itong mag stop at may umakyat na isang lalaki mula sa stage




"sandali may sasabihin lang po ako" boses ng isang lalaki ng pagkabukas ng mga ilaw si gab pala yung lalaking iyon




si gab yung umakyat lasing at ng mga oras na yun kinutuban ako na may hindi mangyayaring maganda




tinanong ako ni ace kung anung ginagawa ni gab doon pero hindi ko ito sinagot, sinubukan kong pigilan si gab sa mga pinagsasabi nito pero bigo ako




Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon