Chapter 26 - Just the two of us

7.3K 181 18
                                    

Hello sa mga gusto pong i-padedicate sa kanila ang next chapter
wag po kayong mahiya na i message ako feel free guys walang
bayad tsaka mabait ako hahaha ^_^

=======================================================

ACE POV

(Phone Ringing)
+63916******0
=Captain D.=

Si Dominic ano kayang kailangan niya sa ganitong oras??

Hello, dominic napatawag ka?

Nagising ba kita?

Hindi naman, hindi din kasi ako makatulog

Ganun ba! aayain sana kita

Saan naman??

Meron kasing aayusing investment deal si daddy sa palawan kasama kaming mag-anak, gusto sana kitang isama kung papayag ka? para makapag bakasyon narin

teka!! teka!! gaano katagal tayo dun

Dont worry monday babalik narin tayo para naman di makaabala sa klase natin! 2days din yun so ano ok na??

okay, magpapaalam lang ako kanila mama at dad tapos i-tetext nalang kita

sige asahan kita bye goodnight :3

"Mukhang magandang pagkakataon narin para sa akin itong inaalok ni dominic para narin makaiwas muna sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw, para makapag refreshen-up ng pag-iisip, at para iwas narin kay paolo" mga katagang umiikot sa isip ko

Agad naman akong bumaba mula sa aking kwarto sakto naman na nanood pa ng tv si daddy at nasa kusina si mommy

"ma, dad"

"oh ace bakit gising ka pa?" si mama at inabot ang isang tasa ng kape kay daddy

"ano ipapabugbog mo na ba yang paolo na yan" si daddy

"dad, ano ba hindi po!! magpapaalam lang po sana ako"

"anong ipagpapaalam mo" tanong ni mommy at tumabi sa kinauupuan ni dad

"gusto po akong isama ni dominic sa palawan" umupo ako sa gitna nilang dalawa

"huh? anong gagawin niyo dun" agad na reaksyon ni mommy

Matapos ang tanong na iyon ni mommy ay dali dali ko din namang sinabi ang dahilan

"so kailan alis?" si daddy

"bukas na po agad para monday ay makabalik din agad kami" paliwanag ko sa mga ito

"kung yan ang gusto mo ok sige, mukhang makakabuti din sa iyo yan have a break anak" sabi ni mommy

"have a kitkat" singit naman ni daddy

Napatingin naman kami ni mommy sa kanya at nagtawanan lang kaming tatlo

"I love you guys" sabi ko at niyakap nila ako ng mahigpit ngayon ko lang ulit naranasan na yakapin silang dalawa huling yakap ko pa sakanila siguro nung elementary pa ako since malaki na ako medyo nakakahiya narin kasi

"oh mag-impake kana ng gamit mo"

"ahh ok po thanks talaga ma and dad" matapos iyon ay bumalik ako ng aking kwarto para mag ayos ng aking mga gamit tinext ko narin si dominic na sasama na ako

=======================================================

Paolo's POV

Nagmamaneho na ako pauwi ng bahay!! iniisip ko parin kung saan pwedeng dalhin ni dominic si ace at sana malaman agad ni jaja kung saan eksaktong lugar sila pupunta

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon