Chapter 18 - Ang Nilalaman

9.6K 208 19
                                    

UD UD din


ayan na ohhhh...


Vote, Comment, Follow :D




============================================================




Ang aga aga ay rinig ko na agad ang boses ni mommy napakaingay para bang may kaaway na kung sino kaya naman agad na akong bumangon sa aking higaan at tinignan kung ano ang nangyayari doon




Pagkalabas ko ng kwarto ay dahan dahan akong humakbang pababa ng hagdan para silipin yung kausap ni mommy laking gulat ko na si paolo pala ang kausap nito, hindi ko pa nga pala nasasabi kay paolo na alam na ni mommy ang tungkol sa amin




"kayong mga bata talga kayo bakit hindi niyo sinasabi agad ang relasyon niyo" bulyaw ni mommy kay paolo




"ahm, mommy kasi po" sagot ni paolo pero di siya umubra sa lakas ng bunga-nga ni mommy




"anong mommy mommy ka dyan huh!" sigaw ulit dito ni mommy




Natatawa nalang ako habang pinapanood ko silang dalawa at si paolo naman pawisan na siguro sa sobrang kaba kaya naman bumaba na ako ng tuluyan at lumapit sa kanila




"ano ba yan ma ang aga aga ang ingay mo" sita ko kay mommy




"good morning" sabi ni paolo at tumayo sa kinauupuan niya




Lalapit sana sa akin si paolo pero hinatak siya ni mommy dahilan para mapaupo ulit ito




"at ano sa tingin mo ang gagawin mo?" si mommy




"hahalik po ako kay ace mommy" sagot ni paolo




"aba't loko ka ah" tugon ni mommy at akmang papaluin si paolo ng hawak nitong sandok




"tigilan niyo na nga yan, para kayong mga ewan" saway ko sa mga ito




"anak sabihin mo lang sa akin pag niloko ka nitong lalaking to lulumpuhin natin huh!" pagbababanta ni mommy kay paolo




"opo mom" pag-sangayon ko dito pagkatapos nun ay bumalik na ulit si mommy sa kusina




"papabugbog mo talaga ako" tanong ni paolo




"oo kaya magtino ka" hirit ko pa dito




"syempre naman, halika nga dito" si paolo at sinimulan akong kilitiin




"IWWWWWW YUCK" sigaw ni jaja




"good morning ja" sabay pa kami ni paolo




"ang aga namang landian yan, go get a room guys" sabi ni jaja at dumiretso sa kusina




Nagtinginan lang kami n i paolo at nagtawanan




Pagkatapos naming kumain ng agahan at nung makapag ayos na ako ng aking sarili ay umalis na kami ni paolo papuntang gym, ilang araw nalang kasi pasukan na kaya baka mahirapan na kaming makumpleto sa training sa panahong iyon




Pagkadating doon ay halos kumpleto na ang grupo at andoon nadin si coach




"Pare!" salubong ni gab kay paolo at nagyakapan ang mga ito




"hi ace" bati naman sa akin ni gab




"hello" balik kong pag bati dito at iniwan ko na silang dalawa ni paolo at hinanap ko si jv




Nakita kong lumabas ng shower room si jv




"hey bhessy" reaksyon ni jv nung makita ako at tumingin siya kanila paolo




"mukhang gulat na gulat ka" sita ko sa kanya




"kasi naman bakla nakakagulat ka bigla bigla kang lumilitaw, sabay kayo ni paolo dumating? di kayo magkagalit?" sagot naman nito sa akin at sunod sunod nitong tanong




"oo sabay kami at saka bakit naman kami magkakagalit!" sabi ko kay jv




"uhh! nevermind ang ganda mo ngayon!" sagot nito sa akin at nagtawanan lang kami




Sakto naman ay nakita ko si paolo at si gab palabas ng gym




* * *




Paolo's POV




Inaya ko muna si gab sa labas ng gym at para narin sabihin yung tungkol kay chloe




"oh anong sasabihin mo" tanong ni gab




"gab naaalala mo pa ba yung babaeng na-meet natin sa bar?" balik na tanong ko dito at agad naman niyang sinagot




"oo naman si chloe, sa ganda ba naman nun pao, sino ang makakalimot agad sa mga ganoong babae. Bakit type mo ba? may nangyari ba sa inyo nung inihinatid ka niya?" sunod sunod na tanong nitong si gab sa akin




"gago hindi ko siya type, ang totoo niyan ay magkakilala sila ni ace" ani ko dito




"ano! sigurado ka ba?" tanong nito sa akin na nanlaki pa ang mga mata




"siguradong sigurado gab, magkikita silang dalawa ni ace at sumama ako at doon ko nalaman na yung i-memeet pala ni ace na kaibigan ay si chloe at take note pare hindi lang sila magkaibigan ni ace magkababata pa" paliwanag ko sa kanya




"teka teka wala namang kaso kung nagkakilala kayo ni chloe sa club?" takhang tanong ulit nito sa akin




"yun na nga walang kaso kung nagkakilala man kami doon, kaso may muntik ng mangyari sa amin" ani ko dito




"what pao! so anong naging reaksyon ni chloe nung nagkita kayo" tanong nito sa akin




"i pretend that i did'nt know her, nakipagkamay ako at mukhang na gets naman niya ang gusto kong ipahiwatig" paliwanag ko ulit




"yun naman pala ehh" maikling tugon ni gab




"so kung sakali man na makita natin si chloe at kasama natin si ace pretend na hindi natin siya kilala" bilin ko




"as you wish" sagot naman nito




Pabalik na kami ni gab ng gym ng pagkalingon namin ay nasa likod na pala namin si ace




* * *




ACE POV




So nung makalabas na sila, susundan ko sana kaya lang naisip ko na baka may importante silang pag-uusapan, napaka pakielamera ko naman kung susundan ko sila kaya i decided to stay nalang




"so kamusta naman ang buhay pag-ibig with paolo" tanong ni jv




"ok naman masaya, inspired lagi" sagot ko dito




"haha! easy lang ateng wag masyadong ma fa-fall ah! baka ikaw din ang masaktan sa huli" payo nito sa akin




"alam ko naman yun jv, magtitira parin ako ng para sa akin" sagot ko dito




PRITTTTTTTTTTT.......................




Ayan na naman yung tunog ng pito ni coach hudyat na para simulan na yung praktis namin, pero wala pa sila gab at paolo baka pagalitan nanaman sila kaya naman lumabas ako at hinanap yung dalawa




Di naman kalayuan sa gym nung makita ko silang dalawang nag-uusap mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan pero nilapitan ko parin ang mga ito para tawagin na




"as you wish" narinig kong sabi ni gab




"a-anong as you wish" tanong ko sa mga ito




"oh loves! kanina ka pa ba diyan?" balik na tanong sa akin ni paolo




"hindi naman ngayon ngayon lang" sagot ko dito




"anong ginagawa mo dito ace?" tanong naman ni gab




"si coach kasi pumito na bumalik na tayo baka pagalitan nanaman tayo nun" sagot ko naman sa tanong ni gab




"ta-tara na" aya naman ni paolo




Sabay sabay na kaming bumalik sa gym, nagsimula na ulit ang aming pagsasanay mula sa tamang techniques of spiking gaya ng mga cut shots, running spikes, down the line hit proper blocking din mula sa timing ng pagtalon at sa pag seserve ng bola, habang busy naman kami kakasanay ay may pamilyar na boses kaming narinig sa di kalayuan




"kasali pa ba ako sa team"




Si dominic pala iyon




"captain" sigaw nung mga teammates namin at sabay takbo papunta sa kanya




"teka dahan dahan" sabi nito




mukhang okay na siya wala nang balot yung hita niya eh!




"kamusta ka na?" tanong ni coach




"okay naman na ako coach bawal lang matagtag, pwede na akong magsimula bukas dumalaw lang ako" sagot nito




"im glad okay ka na domz" sabi ko dito




"oo naman yun yung bilin mo di ba?" sagot nito sa akin at niyakap niya ako




"tama na yan" pigil ni paolo at hinatak akong palayo kay dominic




"ano ba pao" saway ko dito




"bakit? dapat hindi ka na yumayakap kung kani kanino dahil may boyfriend ka na" sabi naman nito at idiniin pa yung salitang boyfriend




"bo-boyfriend" tanong naman ni dominic na mukhang walang alam sa mga nangyayari sa kanyang paligid




"ok team balik na sa training" sigaw ni coach




"ah wait lang coach may sasabihin lang ako kay dominic" ani ko kasabay naman nun ang pagbalik ng mga kateam ko sa may court pwera lang kay paolo




"pao balik na daw sabi ni coach" sita ko dito




"gusto ko kasama kita" pagpupumilit nito




"may pag-uusapan lang kami" sabi ko ulit kay pao




"ewan ko sayo bahala ka" sagot nito sa akin sabay talikod at naglakad pabalik sa court




"so kamusta?" unang bungad ko kay dominic




"ok lang! ahm! totoo ba na may boyfriend ka na?" balik na tanong naman nito sa akin




"oo at si paolo yung boyfriend ko" sabi ko at kita ko naman ang biglang pagkalungkot ng mukha nito




"kailan pa?" tanong nito sa akin na nakangiti pero alam kong pilit lang ang mga ito




"two weeks na kami" sabi ko dito




"garcia tama na muna yang daldal magpraktis ka muna" sigaw ni coach




"naku! dominic balik na muna ako ahh upo ka nalang muna doon sa bench maya na tayo mag-usap" aya ko dito




"sige" tugon nito




Patakbo akong bumalik sa loob ng court at baka bumingo na ako kay coach. tumingin ako sa aking likuran upang sipatin si dominic pero wala na ito sa kanina lang niyang kinatatayuan habang kami'y nag-uusap kanina, inikot ko pa ang aking mga mata pero wala na talaga ito



Natapos ang aming training halos mag-gagabi nadin nauna na kaming lumabas ni paolo sa gym at dumiretso ng umuwi




"kanina mo pa ako hindi kinikibo ahh" sabi ko kay paolo




Pero hindi parin ako nito sinagot . . .




"hoy!" sabi ko sabay kiliti sa tagiliran nito




"ano ba! can't you see im driving wag mo akong guluhin" pagsusungit ni paolo




"bakit ang sungit mo" sita ko dito




"pagod lang ako" sagot nito




"dahil ba kay dominic?" tanong ko dito




"nagseselos ka nuh!?" dagdag ko pa




"hindi noh! at ba't naman ako magseselos sa kanya" depensang sagot nito




"ewan ko sa iyo, wag kanang magselos ahh!" ani ko kay paolo




"hindi nga ako nagseselos" pagpilit nito




"ok sabi mo yan" maiksi kong tugon dito




Mga 8pm na nung makarating kami sa bahay namin




"hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?" tanong ko kay paolo na hanggang ngayon ay wala paring imik




"ok sige ganyanan pala ahh" dagdag ko pa




Binuksan ko ang pinto ng kotse at palabas na sana ako ng hinatak ako pabalik ni paolo at hinalikan ako




"alam mo namang hindi kita matitiis diba" sabi nito




"hindi kaya pala buong biyahe hindi mo ako kinausap"




"tini-test ko lang kung kaya mo akong lambingin" ani ni paolo




"sige na dumiretso ka na ng uwi ahh good night" sabi ko dito at binigyan ko ulit siya ng isang kiss




"good night love! i love you" sabi ni paolo




"i love you too" pagkasabi ko ay sinarado ko na ang pintuan ng kotse




Umaandar na palayo sa bahay ang kotse ni paolo, papasok na ako ng bahay ng biglang magring ang phone ko




"number ang sino kaya ito?" sabi ko sa sarili ko




Hello sino ito? sabi ko




Nabuksan mo na ba yung enveloped na pinadala ko sa iyo boses ng isang lalaki




Hindi pa teka sino ka ba tanong ko dito




Buksan mo iyon at matutuwa ka sagot naman nito





Teka sino ka nga ba hello! hello at binaba na yung phone




Dali-dali naman akong pumasok ng bahay at hinanap yung enveloped




* * *




FLASHBACK




"buksan mo na kuya" sabi ni jaja




"teka" sagot ko naman dito




KRINGGGGGGGG......... ng mag ring yung telepono




"ako na" sabi ni mommy




"hello" si mommy




"dali na kuya gusto ko ng makita kung ano yan" pagmamadali ni jaja




"mas excited ka lang sa akin huh! sa akin nga nakapangalan diba?" sagot ko naman dito




"Ahhhhh........." sigaw ni mommy




Agad namang pinuntahan ni jaja si mommy at ako naman nilagay ko muna yung enveloped sa ilalaim ng lamesa




"uuwi na si daddy niyo" tuwang tuwa na sabi ni mommy




"talaga mom" sabay namin na sabi ni jaja




END OF FLASHBACK




* * *



Andito ako ngayon sa kwarto ko hawak hawak yung enveloped




"ano bang meron dito? dapat pala kagabi ko pa binuksan ito" sabi ko sa sarili ko




Binasa ko ulit yung nakasulat sa likod




TO: Ace




FROM: Your Guardian Angel




Buksan mo itong envelop na ito at matutuwa ka sa laman nito




P.S: Tibayan mo lang ang loob mo bago mo ito buksan




"matutuwa bakit naman at kailangan pang tibayan ang loob" suno sunod kong tanong sa aking sarili




Para matapos narin lahat ng agam agam ay wala na akong inaksaya pang oras at binuksan ko na ang enveloped, pagkabukas ko ay may laman itong




Mga litrato




Tinignan ko ito isa-isa . . .




TOTOO BA ITO??




KAILAN??




PANO??




Agad ko namang nabitawan ang hawak kong mga litrato pati narin yung envelop




Hindi . . . Hindi ito totoo




Bakit??




Kakarating lang niya ah! at hindi sila magkakilala




Si paolo at si chloe magkasama, magkayakap at sweet sa isat-isa




Nanghina ako at napa-upo sa may sahig katabi ng kama ko, parang dinurog ang puso ko sa aking mga nakita totoo ba ang lahat ng iyon? anong meron silang dalawa?




Haah! Haah!




Naramdaman ko naman ang pagtulo ng aking mga luha kasabay nun ay ang pagkirot ng aking dibdib at unti-unti akong nahihirapang makahinga




Sa mga sandaling iyon ay bumagsak ako sa aking kina-uupuan at unti-unting dumilim ang aking paligid




============================================================

Oh! Oh!

Bumalik na si dominic at nalaman na ni ace ang totoo

abangan ang mga susunod na kaganapan

dedicated kay kuya @john_riel

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon