Chapter 34 - The Game of "LOVE"?

12.3K 255 138
                                    

~ACE~




Reyes with another combination play in the middle. Garcia Hits it strong,catches the line and end the match Xavier will advanced to the championship after defeating St. John Institute 25-12 25-15 25-22





"Yeahhhh" sabay sabay na sigaw ng buong team




2 araw na ang nakalipas mula noong nangyari ang insidente ng pagkidnap sakin ni jv na sa kasalukuyan ay nakakulong parin kasama si gab, sila mommy at daddy na ang nag-aasikaso ng kaso nila sa totoo lang gusto ko talagang wag ng mag sampa ng reklamo at hayaan nalang ang mga ito tutal kahit paano naman ay may pinagsamahan kami basta ba'y mangangako silang hindi na uulit sa ginawa nila! pero tutol sila sa gusto kong mangyari




"ayos ka lang" sita sa akin ni paolo




"oo a-ayos lang ako" maiksing tugon ko rito




"bakit parang hindi ka ata masaya sa pagkapanalo natin" tanong ulit nito umiling ako rito at ngumiti ng pagkalaki laki sa harap niya at nginitian lang din ako nito




Isa-isa kaming pumila at kinamayan ang mga players ng nakalaban naming school, nagbigay pugay sa kabilang coach at kinanta ang aming school hym matapos iyon ay dumiretso ang team sa dug-out




"okay team una sa lahat palakpakan ninyo ang inyong mga sarili" bungad ni coach nung makapasok na kami sa dug-out




"dinner dinner" sigaw ng team




"oo mamaya ako ng bahala jan" sagot nito, palakpakan at malalakas na hiyawan ang isinagot nang grupo




"ace, ace" sita sa akin ni paolo lumapit ito  mula sa aking kinauupuan




"oh bakit?" tanong ko sabay paling ng aking atensyon sa kanya




"kanina ko pa napapansin na medyo wala ka sa sarili mo may sakit ka ba" ani ni paolo akmang hahawakan na nito ang noo ko, nang mahawakan ko ang kamay niya para pigilan




"wala, naiisip ko lang si jv at si gab" gulat na reaksyon ang isinukli sa akin ni paolo sa sinabi kong iyon




"ba't mo naman iniisip ang mga iyon" pagtatakha ni pao




"mas masaya siguro kung kumpleto tayo" natahimik naman ito sa mga sinabi ko




"pero ace sila naman pumili ng magiging kapalaran nila kung hindi lang sana nila nagawa iyon sa iyo eh di sana..." 




"paano kaya kung wag na nating ituloy ang demanda sa kanila" pagsingit ko




"ano!!" ani ni paolo "nahihibang ka na ba ace dapat silang makulong kung hindi natin itutuloy ang demanda maaring ulitin nila ang ginawa nila sa iyo" mahabang litanya nito




"naiintindihan ko naman yung point mo pero.."




"hey! what's with the serious face huh!" si dominic at lumapit ito sa kinauupuan namin




"bakit ganyan naman ang mga itsura niyo daig niyo pa yung mga natalo" dagdag pa nito




"wala tara na nga makigulo na tayo dun" ani ni paolo




Hinila ako nito mula sa aking kinauupuan at dinala duon kasama ang buong team tawanan at kasiyahan ang pumapaligid sa mga ito kaya naman panandalian ko ding nawaglit sa aking isipan ang mga bagay na gumugulo sa akin. Ilang saglit lang bago makapag-ayos ng aming mga sarili ay pumunta kami sa isang resto malapit sa school kung saan ginaganap ngayon ang collegiate tournament




"yun ohh libre ni coach" sigaw ni dominic at sunod sunod narin ang naging kantiyaw ng iba kay coach




Nauna na ang mga ito sa loob at nahuli kami ni pao na ngayo'y nakaakbay sa akin




"mahal mo ba ako" napataas naman ang kilay ko sa tanong na iyon ni paolo




"oo naman" sagot ko




"talaga" pasigaw at may halong pagkasabik na sita nito




Napakunot ako ng noo kung bakit ganon nalang ang naging reaksyon nito ng ma-realize ko na... dali dali kong tinakpan ng aking mga kamay ang aking bibig, nahulog ako sa patibong nito




"ace hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya sa sinabi mong iyon"




"a-a-ano bang sinabi ko" pagmamaang-maangan ko




"wag ka ng magkunwari pang wala kang sinabi"




"nababaliw ka na ata" sabi ko rito at mabilis akong tumakbo patungo dun sa resto




"hoy! ace teka lang" sita sa akin ni paolo at hindi ko naman ito pinansin




Mabilis akong naabutan ni paolo sa aking pagtakbo nang maabutan ako nito niyakap ako nito mula sa aking likuran, binuhat at inikot-ikot ng maibaba ako nito ay tawa lang kami ng tawa ng mapansin naming nakatingin na pala sa amin ang mga taong nasa paligid namin. sobra talagang nakakahiya kaya naman ay mabilis kaming naglakad papasok at tila ba'y parang walang nangyari nung makapasok na kami ay duon namin naibuhos ang naudlot na tawanan namin




"kayo na ulet" tanong ni elijah napahinto kami sa aming tawanan at nakita na ang buong team ay nakatingin sa amin




"hindi ah" sagot ko "oo" sagot ni paolo




"ano ba talaga" naguguluhang tanong ni mikael sa amin, tinakpan ni paolo ang bibig ko at...




"oo kami na ulit ni ace kanina lang" sabi nito aaminin kong kinilig ako ng konti sa ginawang iyon ni paolo




"i want to hear it from ace, so what's the real score na ba between you and paolo" si elijah




Unti-unting inalis ni paolo ang kamay nito sa aking bibig bakas sa mukha nito ang kaba sa aking isasagot, napakaseryoso at ang mga mata nito ay tila ba nangungusap na sabihin kong kami na ulit




"ang totoo kasi niyan ay" tumingin muli ako kay paolo at nakayuko na ito




Huminga ako ng malalim bago ko sabihin ang sagot ko




============================================================


~ Paolo ~



Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon, hindi ko malaman kung ano bang pwede kong gawin habang hinihintay ang isasagot ni ace sa totoo lang hindi parin talaga kami nagkakabalikan ni ace ayos lang naman sa akin ang mag-hintay kung kailan ready na ulit ito na ibalik ang dating relasyon namin





"ang totoo kasi niyan ay" tumingin si ace sa akin at napayuko nalang ako sa sobrang kaba ko




"Ang tagal namang sabihin ni ace ang sagot niya nakakabingi na ang tunog na ginagawa ng tibok ng dibdib ko" ... sa isip ko




"oo kami na ulit" ang sabi ni ace




OO KAMI NA ULIT ...
OO KAMI NA ULIT ...
OO KAMI NA ULIT ...





Yan ang paulit-ulit na salita na umaandar sa aking isipan, dahan dahan kong iniangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko at tumingin kay ace




"ta-talaga" utal at di makapaniwalang tugon ko rito




"oo ayaw mo ba" tanong nito at ngumiti ng pagkatamis tamis




"hi-hindi, gu-gu-gusto ko" kabado na masaya na nagulat na sagot ko rito




"yun naman pala eh" ani nito matapos iyon ay niyakap ko ito ng mahigpit at binuhat




Isang malakas na palakpakan at hiyawan ang ibinigay ng mga taong naroroon pati narin ang team




"yun ohh!!"




"woot... woot..."




"mabuhay ang PaoAce" kantiyaw sa amin ng team




"parang ang lagkit naman nung PaoAce" sita ni dominic at nagtawanan na ang lahat




Sa sandaling ito masasabi kong worth it lahat ng paghihintay at pagod ng pagsuyo ko kay ace ako na yata ang pinakamasayang lalaki ngayong oras na ito




"promise ace i wont let you down this time" 




"wag mo lang basta sabihin gawin mo" sabi nito




"i will i love you ace"




"i love you too pao"




At hinalikan ko ito sa labi




"Tama na yan nakakaumay na" sigaw ng isa naming teammate at muli nagtawanan ang lahat


============================================================


~ACE~



For today's main event the 2015 volleyball collegiate championship round between xaviers and San Agustin will start in a few minutes sigaw nung announcer




Are you guys excited? dagdag pa nito at nagsimula nang magsigawan ang mga taong naririto ngayon




"okay team sa puntong ito naituro ko na sa inyo ang lahat ng nalalaman ko sa larangang ito it's up to you kung i-aapply niyo ba iyon o hindi" paalala ni coach




"tandaan natin guys we play for our school kaya galingan natin give your best shots" dagdag ng aming team captain na si dominic




"sabay sabay" si elijah ipinagpatong patong namin ang aming mga kamay at sumigaw




ONE BIG FIGHT XAVIER




Isa isa na kaming umupo sa bench at inaantay nalang ang announcement para simulan na ang laban




"pare" sila greg at akihiro 




"oy kayo pala" pansin ni paolo sa mga ito




"good luck sa game niyo" 




"salamat cheer niyo kami" si paolo




"oo naman alam mo namang i-cheer namin yung kabila" pilosopong sagot ni greg at natawa ako sa sinabi niyang iyon, oo nga naman alangan namang i-cheer nila yung kabilang team




"oy ace galingan mo" paling naman sa akin ni akihiro




"oo para sa school" sagot ko




"sige na balik na kami sa upuan namin galingan niyong mag jowa ahh!" bilin ni aki bago ito tuluyang umalis kasama si greg




Naramdaman ko namang parang uminit ang aking mukha sa sinabing iyon ni aki, mabilis kong napansin na nakatingin si paolo sa akin





"bakit" tanong ko rito




"namumula ka ehh"




"uh-huh hindi ahh" pagksabi ko nun ay tinakpan ko ng aking mga kamay ang aking mukha




"hahaha kinikilig ka nanaman sa akin" sabi nito




"ang kapal ng mukha mo" sagot ko rito at isang malakas na hampas ang iginanti ko rito sa kanyang braso




"oh! oh! nana-nantying ka pa" ani nito




"ewan ko sayo" maikling tugon ko




Welcome to our 10th Volleyball Collegiate Tournament let's meet our officials for this championship game 1st referee Mr.Buenaventura 2nd referee Mr. Agacci isang anunsyo na hudyat na magsisimula na ang game




Starters for San Agustin isa isa nang pinapakilala ang mga maglalaro for san agustin




"focus guys" bilin ni dom




and now the starters for xavier at isang malakas na sigawan ang umugong sa crowd




#2 Mikael Nunag
#5 Kevin Vargas
#7 Ace Reyes
#13 Elijah Santos
#9 team captain Dominic Valdez
#10 Paolo Garcia
#4 Libero Makmak Ortiz




Nung tinawag yung pangalan ni paolo grabe halos lahat ata ng mga babae at beki na narito ngayon ay halos magwala sa mga kinauupuan nila pati mga lalaki nga ata ay nakisigaw narin




"grabe artista ka ba" sita ko rito na medyo may pang-iinis na tono




"sikat lang talaga ang love mo at sayong sayo lang ako" sabay kindat nito sa akin na sinuklian ko naman ng isang matamis na ngiti




Good Luck to both teams yung announcer at nagsimula ng pumito ang referee unang serve ay mula sa kabilang school sumensyas si mikael ng play namin since siya yung setter




"akin na receive" si makmak




Ibinato ni mikael yung bola mula sa backline at lumipad si paolo at umatake




Backrow attack by GARCIA scores yung announcer at hayan nanaman ang mga sigawan ng mga tao. score 1-0




"nice play pao" si dom




Nagpatuloy pa ang laro at naging dikdikan ang labanan namin




SanAgustin Attack, SanAgustin DropBall, SanAgustin Attacks again, Valdez hits through the block and stop the bleeding for xavier, santos service error. TIMEOUT XAVIER





"sige relax lang maganda yung paly natin, dalawa lang yan serve nila attake tayo paolo" si coach

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon