Chapter 1 - Championship

25.7K 453 36
                                    

Pabag! Pabag! tunog ng mga bolang inihahagis sa ere at pinapalo ng mga manlalaro habang hinihintay simulan ang final match ng volleyball dito sa aming gym, sabayan pa ng mga estudyanteng mula sa iba't-ibang kurso na malalakas ang hiyawan at kanya kanyang mga pambato.

"kinakabahan na talaga ako first time kasi ata ng organization namin na makapasok sa finals ng volleyball at syempre naman kahit papano thankful ako" - - - sabi ko sa isip ko

"Magsisimula na ang laro sa loob ng 5 minuto" - - - announcer

"wooohh.. " - - - sigaw ng mga estudyante

sa totoo lang hindi ako athletic person at masasabi kong wala akong hilig sa mga sports kahit anong sports pa yan, nagsimula lang yung hilig ko especially sa volleyball nung mapanood ko si ALYSSA VALDEZ isa mga player sa volleyball ng Ateneo na napakagaling pag dating sa larangang ito. Simula non nag sanay akong mag laro nito upang mag baka sakaling maging kasing galing ko din si alyssa at sa tingin ko naman ay hindi ko nabigo ag pangakong iyon sa aking sarili.

"hey sis! tawag tayo ni coach may mga ilang paalala daw siya sa atin" wika ni JV

Si JV Marquez ay isa sa aking ka team mate, classmate at ang aking BFF Beki din tong lokaret na ito kaya nga mag kasundong mag kasundo kami ehhh... Ou nga pala dalawa lang kaming tagilid sa team (alam niyo na) gusto daw kasi ni coach yung lalaking lalaki para pag pumalo daw ng bola ay WAGAS pero nung nakita nya kaming dalawa ni JV na may potensyal ay kinuha nya kami at sinanay.

"Team! finals na galingan niyo wag kayong kakabahan, mahalaga ang komunikasyon tsaka ang inyong depensa wag papabayaan" - - - paalala ni coach

"opo coach!!" - - - sigaw ng buong team

"Guys let's bring home the bacon" - - - dagdag ng aming team captain na crush kong si dominic (haha..shhh wag kayong maingay)

"Let's now start the volleyball showdown, tawagin na natin ang starting line-up para sa college of accountancy wearing jersey number:




#2 Mikael Nunag

#5 Kevin Vargas

#7 Ace Reyes

#13 Elijah Santos

#9 team captain Dominic Valdez

#11 JV Marquez

#4 Libero Makmak Ortiz




ang kanilang head coach MR. Romnick Aguilla" - - - announcer

kaya ko toh hindi ako kakabahan pag nakaharap ko ulit siya (sabi ko sa isip ko)

"And para naman sa defending Champion natin ang College of Engineering narito ang line-up nila wearing jersey number:




#6 Fred Limbangon

#14 Chris Jacinto

#2Akihiro Ikeda

#8 James Hallao

#1 Greg Magtanggol

#10 team captain Paolo Garcia

#11 Libero Gabriel Alcantara (BFF ni Paolo)

Head Coach Mr. Dave Malabanan

WE LOVE YOU PAOLO sigaw ng mga kababaihan at kabaklaan na nag papatayan masulyapan lang ang player ng college of enginnering na si Paolo. Well masasabing gwapo talaga tong si Paolo, Papa P. for short si JV ang nag pangalan niyan sa kanya haha... May singkit na mga mata, matangos na ilong, 6'1 in height, medium built body at tindig na makalaglag ng "P" as in PANGA. Yun nga lang mayabang at tinuturing kong isa sa aking kaaway pano ba naman lagi akong pinapahiya nito pag dumadaan ako sa building nila, pasalamat siya hindi sya nagagawi sa building namin paktay talaga siya sakin.

"Goodluck sa inyong lahat" - - - announcer

ito na talaga toh bakit ba nasa frontline din tong bwiset na toh baka hindi ako makapag concentrate nito ehh (sabi ko sa isip ko)

"Goodluck Ace" sabi ni paolo sabay kindat at ngising pang asar sa akin

"Sayo din" maikling tugon ko sa kanya

PRITTTTTTT............... Pito ng referee hudyat na ng simula ng laro! (Service ng Engineering)

pabag! "okay ayan na Ace Quick set agad" - - - tiwalng pag kakasabi ni dominic sakin

"Sige" - - - ako

Papaluin ko na sana yung bola biglang nakita ko i-boblock ni paolo yung bola ay para bang nawala ako sa aking ulirat nung makita ko yung muscles nya haha.. ewan ko ba

PRITTTTTTT............... tunog ulit ng pito ng referee at itinuro ang team nila paolo na ibig sa sabihin sa kanila napunta ang unang puntos, hindi ko namalayang bumagsak na pala ang bola na wala man lang kalaban laban "tsk! tanga ko kainis" - - - sabi ko sa aking sarili

"ui sis kita ko iyong tingin mo kay papa p. natulala ka nanaman sa kanya" - - - pang aasar ni JV sakin

"hindi ahh baliw ka" - - - sagot ko habang kinikilig sa loob ko 

sa Isip ko (pano naman ako mag kakagusto sa mokong na to eh inside EVEN outside the court enemy kami!)

Lumipas pa ang ilang mga oras at naging mahigpit pa ang labanan ng dalawang grupo hanggang sa dumating at extended ang match hanggang 5th set. Bago mag Simula ay merong konting sinabi si coach sa amin.

"Team proud na proud ako sa inyo biruin niyo nakaabot tayong finals at na extend niyo pa ang laban hanggang 5th set dito pa lang masaya na ako sa na achieve niyo" - - - makabagbag damdaming mensahe ni coach

"salamat po coach" Sabay sabay na wika ng team

Piiit..... tunog na hudyat ng pag sisimula ng 5th set

"Ace concentrate! sayo ulit ibibigay yung bola" - - - Dominic

"sige kaya ko yan!" - - - ako

PRITTTTTTT............... (Service ng Engineering)

Pabag!

Sa akin ulit pinag katiwala ni Dominic ang bola upang pumuntos! habang nasa ere ang bola ay kita ko si Paolo na i-boblock ulit ang bola pumikit na lang ako upang mapalo ko ang bola ng maayos at para na rin hindi ulit ako mawala sa making ulirat Sabay talikod.

PRITTTTTTT............... "Accountancy score" - - - announcer

tuwang tuwa ako ng marinig ko iyon syempre na over come ko iyong landi ko (haha). Pero isang malakas na tunog ang narinig ko parang may bumagsak na kung ano! sigurado akong hindi iyon ang tunog ng bola nakita kong may mga nagulat at tahimik ang lahat na parang gulat na gulat sa nangyaring iyon.

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon