Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 27

174K 3.9K 490
By asherinakenza


SDTR: Kabanata 27

Halos hindi pa rin humihinto sa pagwawala ang puso ko ngayong naglalakad na ako papalapit sa sasakyan ni Dad. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin sa labi ko ang paghaplos ng labi niya, maging ang mainit na palad niya pakiramdam ko nakahaplos pa rin sa balat ko.

"Ready?" Tanong ni Dad nang makasakay na ako sa kotse, tumango ako bilang sagot. Pareho kami ni Mama na nakaupo sa back seat, naramdaman ko ang pagtitig saakin ni Mama pero hindi ko na lang pinansin iyon.

"Sa Antipolo kami mag di-dinner ni Claire, naghanda ang Dad para sakanya." Basag ni Mama sa katahimikan, magmula kasi nang umalis kami kanina sa venue ng hotel ay tahimik lang kami. Napapaisip tuloy ako kung nag uusap ba si Mama at Dad kanina sa sasakyan nung wala pa ako.

Tumingin si Dad sa rear mirror at nakita ko ang nakakahabag na emosyon sa kanyang mga mata.

"Galit saakin ang Dad." Ani Dad at huminga ng malalim. Si Lolo ang tinutukoy ni Daddy, ang Dad ni Mama. Masasabi kong may galit nga sakanya ang Lolo dahil sa mga desisyon na ginawa niya noong nakaraan. Pero sa tingin ko naman ay magagawa siyang patawarin ni Lolo alang alang saakin.

"He wants to talk to you, alam mo kung paano magalit ang Dad." Bulong ni Mama na hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana. "I will." Sagot ni Dad.

Nang makarating na kami sa Antipolo kaagad akong sinalubong ni Jenica at Kuya Justine ng yakap. "Congratulations, Teacher Claire!" Hiyaw ni Kuya at hinalikan ang ulo ko. Niyakap din ako nila Tito Jess, kapatid ni Mama na Dad nila Jenica.

Panay ang halakhak namin pero natigilan sila nang makita ang pagbaba ni Dad mula sa sasakyan.

"Paul John." Ma-awtoridad na tawag ni Tito Jess sakanya.

"Hon, katatapos lang ng Graduation ni Claire." Suway ni Tita Kristine sa kanyang asawa.

"I know, Tine. Gusto ko lang siya makausap. Paul John, nasa office si Dad." Seryosong sabi ni Tito, marahan na tumango si Dad at sumunod kay Tito Jess.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba para kay Dad, sigurado akong panay pagkamuhi ang matatanggap niya kay Lolo at Tito Jess, pero magagawa ko naman silang makausap. Gusto kong mabuo ang pamilya namin kahit na alam kong may bahid na ito ng kalungkutan.

"Let's go, nag luto ang Dad para sa paborito niyang apo." Pagwawala ni Tita Kristine ng usapan, pumasok na kami sa loob at tinulungan namin sila Mama na maghain.

"Nagkita kayo?" Biglang untag ni Jenica saakin na nagpatigil saakin. "What?"

Umiling siya at itinikom ang bibig. Nagkibit balikat nalang din ako saka kumuha ng mga plato at tumungo sa dining area kung saan naririnig kong nag uusap si Tita Kristine at Mama.

"Sigurado ka ba jan, Tanya? Baka masaktan ka nanaman, lalo na si Claire." Mahina ang boses ni Tita Kristine pero rinig na rinig namin iyon ni Jenica, tinapik ni Jenica ang balikat ko para siguro pagaanin ang loob ko.

"Kung ako lang Tine, buo na ang loob ko na iwanan si Paul John, kahit pa may pagmamahal pa rin ako para sakanya, kaya ko na siyang bitawan ngayon. What's holding me back is Claire. Gusto ko siyang bigyan ng buong pamilya." Malungkot ang boses ni Mama na nagpapiga sa puso ko.

"Maiintindihan ka naman siguro ni Claire, at saka isa pa, 21 years ka na nagtitiis kay Paul John. 21 years ka na nagpapanggap sa harap ni Claire na masaya at buo ang pamilya niyo kahit hindi. 21 years of pain is not good, Tanya, papatayin mo ba ang sarili mo sa sama ng loob?" Napasinghap ako at hindi ko na nagawa pang pigilan ang pagpatak ng luha ko! Niyakap ako ni Jenica mula sa likuran ko at nabitawan ko ang platong hawak ko na naging dahilan ng pagkagulat nila Mama!

Nanlaki ang mata nila ni Tita Kristine at mabilis silang lumapit saakin upang daluhan ako.

"Claire!" Hiyaw ni Mama, dahil saakin tinitiis lahat ni Mama ang sakit. Akala ko totoong masaya ang pamilya namin, pero sa likod pala ng mga ngiti ni Mama ay ang kasinungalingang bumabalot sa puso niya.

"Justine!!" Sigaw ni Tita Kristine at kaagad namang dumating si Kuya.

"Sht!" Sigaw ni Kuya, napatingin ako sa paa ko at nakita kong doon ko naibagsak ang platong hawak hawak ko kanina. Hindi ko maramdaman ang sakit non kahit pa tumutulo ang dugo doon, para bang namamanhid nalang ang buong katawan ko.

"Mama, I'm sorry." Humahagulhol na sambit ko kay Mama, "I'm sorry kung nabuhay pa ako sa mundong 'to. Si...siguro kung hindi ako nabuhay, siguro hindi mo na kailangan pang masaktan ng ganito. Hindi mo na kailangang magpanggap na masaya ka sa piling ni Dad, hin--" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang yakapin ako ni Mama at umiyak siya ng umiyak sa balikat ko.

"Maling mali na ipinanganak ako sa mundong 'to!" Sigaw ko, mali naman talaga ang lahat. Mali dahil sinasaktan ko ang babaeng nagdala saakin sa loob ng siyam na buwan, mali dahil nangyari ako sa isang pagkakamaling relasyon. Mali dahil hindi naman ako ginawa ng dahil sa isang pagmamahalan.

"No! Claire! Ikaw ang pinakatama na nangyari sa buhay ko, anak, hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang malaman kong magkakaroon ako ng isang kagaya mo. Hindi ka mali, walang mali! Mahal na mahal ka ng Mama." Umiiyak na bulong niya saakin, dinig na dinig ko ang paghagulhol ko, parang ngayon ko nalang narinig na umiyak ako ng ganito. Maging si Jenica na nasa tabi ko ay umiiyak na rin at panay ang tawag sa pangalan ko.

"H'wag na h'wag mong sasabihin na pagkakamali ka, dahil anak kita. Kahit kailan hindi ka naging pagkakamali sa mga mata ko." Mas lalong humigpit ang yakap niya saakin at pakiramdam ko nauubusan na ako ng lakas, pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam kung paano ko pa nakakayang kumilos gayong sumusuko na yung puso't isipan ko sa lahat ng bagay. Pagod na pagod na akong masaktan, pagod na pagod na akong intindihin kung bakit nangyayari saakin ang lahat ng ito.

Pagod na rin akong umasa.

"CLAIRE!!" Iyon nalang ang huling narinig kong sigaw nilang lahat.

___

Pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko kahit pa naririnig kong nag uusap sila Lolo sa gilid ng kama. Nawalan ako ng malay kanina. Sumuko na nga ang katawan at isip ko.

"I'm so disappointed with you, Paul John." Galit na sabi ni Lolo, "I..I know, I'm sorry." Sagot ni Dad at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"Anong gagawin mo ngayon? Paano mo maipapakita sa anak mo na mali ang lahat ng narinig niya kanina saamin ni Tanya?" Maging si Tita Kristine ay may galit na ang pananalita sa boses.

Hindi umimik si Dad sa halip ay marahan niyang pinisil ang kamay ko, nanatili akong nakapikit at halos kurutin ang puso ko nang halikan ni Dad ang noo ko at bumulong doon. "I'm so sorry for hurting you my Princess."

"Mahal ko ang anak at asawa ko." Paninindigan ni Dad, "Really? Sa 21 years, ngayon mo lang naisipan sabihin yan?" Sarkastikong sambit ni Tita Kristine.

"Kristine." Suway ni Tito Jess.

"No, Jess. Totoo ang lahat ng sinasabi ko, sinaktan niya ang kapatid mo, higit sa lahat ang pamangkin mo." Bulyaw ni Tita Kristine.

Nakakapagod makinig sa mga bangayan nila. Binitawan ni Dad ang kamay ko at naramdaman kong tumayo siya mula sa kama, "Babawi ako." Paulit ulit na bulong ni Dad.

Walang umimik sakanila, marahan kong iminulat ang mata ko at nakumpirma kong nasa guest room ako ngayon. "Claire!" Hiyaw ni Mama at lumapit saakin. Umupo ako at naramdaman ko ang kirot sa kanang paa ko, nakabenda iyon ngayon, dahil siguro sa pagkabagsak ng plato kanina doon.

Lumapit din saakin si Lolo at Dad, "Are you okay, hija?" Tanong ni Lolo, tumango ako bilang sagot.

Tumulala ako sa harapan nilang lahat, at alam kong lahat sila ay hinihintay ang pagsasalita ko.

"Can you leave us alone?" Bulong ko at tinignan ko sila Tita. Tumango sila at sandaling yumakap saakin, umupo si Dad at si Mama sa tabi ko at magkasabay nilang hinawakan ang kamay ko.

Rinig na rinig ko ang napakahinang paghikbi ni Mama habang marahan na pinipisil ang kamay ko.

"Ma, isang hiling nalang. Bigyan mo ng chance si Dad." Nanginginig ang boses ko sa pagsasalita at pinipigilan ko ang nagbabadiyang pagtulo ng luha ko.

"I'm sorry kung nasasaktan ka dahil saakin." Patuloy ko, umiling iling si Mama. "No, kahit anong sakit pa yan titiisin ko. Anak kita, at alam mong lahat kakayanin ko para sayo." Umiiyak na sagot saakin ni Mama, totoo nga ang sinasabi ng lahat na ang magulang hinding hindi ka matitiis. Kahit gaano pa kasakit ang maramdaman nila, mas mangingibabaw pa rin ang pagmamahal nila para sa anak nila.

"Pero Ma, sobra na kasi."

"I'm sorry anak." Biglang sambit ni Dad at hinalikan ang ibabaw ng kamay ko, pinagmasdan ko ang lumalandas na luha sa pisngi ni Dad. "Kasalanan ko ang lahat, masyado akong naging bulag sa lahat ng bagay. I promise, babawi ako. Tanya, please?" Pakiusap ni Dad, bumaling ako kay Mama na ngayon ay nakatungo na lamang.

"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, pero handa akong maghintay Tanya. Hindi ako hihinto hangga't hindi mo ako napapatawad." Pagtatapos ni Dad sa usapan namin.

Buong magdamag ay tahimik lang kaming nahiga sa guest room, nasa gitna nila ako at nakayakap saakin. May kung anong tumatakas na saya sa puso ko dahil matagal ko nang hindi naranasan ang makayakap sa iisang kama ang mga magulang ko. Kinakailangan pang may samaan ng loob na magaganap bago mangyari ang bagay na ganito?

"Sukat na sukat sa iyo ah." Masayang sabi ni Mama pagsapit ng madaling araw, maaga akong gumising dahil alas otso ng umaga gaganapin ang kasal sa Zambales, katatapos ko lang mag ayos para sa kasal ni Ara. Suot suot ko na ngayon ang dress na ipinadala ni Marcus dito noong isang araw pa.

Sukat na sukat nga ito para saakin.

"May susundo ba sayo?" Usisa ni Mama, namula ang pisngi ko nang maalala kong si Ethan ang magsusundo saakin. Tumingin ako kay Mama doon sa repleksyon niya sa salamin.

"Si...Ethan po." Bulong ko, isang marahan na ngiti ang ibinigay saakin ni Mama. Lumapit siya saakin at sinuklay niya ang medyo mahaba ko ng buhok.

"Naiintindihan ko, hindi birong magmahal ng isang taong alam mong hindi mo naman pag aari ang puso." Bulong ni Mama, siguro ang sinasabi ni Mama ay ang pagmamahal niya kay Dad, na buong akala niya si Tita Rose pa rin ang mahal nito. Ang kaibahan nga lang saaming dalawa, nakakasiguro ako na pag aari ko ang puso ni Ethan, ngunit hindi ang buong pagkatao niya dahil alam kong kasal na siya sa iba.

"Susunduin ka nalang namin ng Mama mo sa Zambales." Sabi ni Dad ngayong nasa sala kami, hindi na ako magpapahatid sakanya sa labas dahil ayokong makita niya si Ethan.

"Yes, Dad." Sagot ko, ibinigay ko kasi sakanila ang address ng venue kung saan ikakasal si Ara, bukas ng umaga na din nila ako susunduin doon para magkakasabay kaming pumunta sa Benguet.

"Mag iingat ka." Ani Dad at hinalikan ang noo ko, yumakap naman saakin si Mama.

Lumabas na ako ng bahay at halos mapaawang ang bibig ko nang makita ko kaagad siyang nakahalukipkip sa gilid ng sasakyan niya at nakapikit na naghihintay saakin. Sandali akong huminto upang pagmasdan ang mapayapang mukha ni Ethan, kahit madilim pa ay kitang kita ko ang angking kakisigan niya na natatamaan ng ilaw mula sa poste. Nakasuot siya ng half sleeve na kulay dark blue na polo at black jeans na tinernuhan niya ng itim na sapatos.

Kumunot ang kanyang noo at kasunod non ang marahan na pagbukas ng dalawang mata niya na kaagad tumama sa mga mata ko. Nagkagulo ang kung ano mang nasa tiyan ko at nagtayuan ang balahibo ko dahil sa lalim ng titig niya saakin.

"Good morning." Mahinang bati niya saakin gamit ang namamaos na boses, hindi ko siya magawang sagutin dahil hindi ko mapakalma ang panginginig ng binti ko dahil sa mga titig niya saakin.

Marahan niyang binuksan ang pinto sa front seat at hinintay niya akong lumapit. Nagalakad ako palapit sakanya at halos mapasinghap ako nang humaplos ang mainit niyang palad sa siko upang alalayan ako papasok sa sasakyan, kaagad kong naamoy ang pabango ni Ethan na kumapit sa sasakyan niya. Alam kong namumula na ngayon ang pisngi ko dahil kasama ko nanaman siya, umikot siya sa harap at sumakay sa driver seat.

"Seat belt, baby." Aniya at napapikit ako nang siya na mismo ang lumapit saakin para kabitan ako ng seat belt. "Uhm, you're killing me, baby." Bulong niya na nagpamulat sa dalawang mata ko at kaagad kong nakita na sobrang lapit ng kanyang mukha sa mukha ko. Nakatitig siya sa labi ko at doon ko lang napansin na nakakagat pala ako sa ibaba noon. Nag init ang pisngi ko, kaagad siyang lumayo saakin at pinaandar na ang engine.

"I don't think na makakarating tayo ng 7 o'clock sa Zambales." Bulong niya.

Hindi ko magawang magsalita, parang nagkukumbulsiyon ang tiyan ko dahil sa epekto niya saakin. Sumisimple ako sa pag silip sa gwapo niyang mukha na seryosong nakatingin sa kalsada, yung makapal at makurba niyang pilik mata na mas lalong nagpapaalon sa tuwing tititigan niya ako, yung matangos niya ilong at ang medyo mapula niyang labi sa kabila ng paninigarilyo ay napakasarap halikan. Napansin ko ang pag galaw ng adams apple niya bilang tanda na lumulunok siya. "Stop staring." Napaawang ang bibig ko dahil halos mahirapan siya sa pagbuo ng salitang iyon, naikuyom ko ang kamao ko at mariin kong ipinikit ang dalawang mata ko.

Bakit ganito ko siya kamahal? Yung simpleng pagtitig ko lang sakanya paniguradong magwawala na ang puso ko at hindi ko na mapipigilan pa iyon. Namimilipit ang tiyan ko dahil sa katotohanang sobrang lapit ko nanaman sakanya.

Alas siyete na kami nakarating sa Zambales at ni hindi ko manlang namalayan na nakatulog na pala ako kanina. Sandali kong tinignan ang mukha ko sa compact na dala ko dahil baka may muta ako o kung ano. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero huli na ako dahil naunahan na niya ako at inalalayan niya akong makababa. Kaagad kong naramdaman ang malakas na paghampas ng hangin sa katawan ko. Maging ang malakas na alon mula sa beach ay tumutungo sa tainga ko.

"Kuya! Ikaw nalang ang hinihintay!" Sigaw iyon ni Monique ang kaisa isang kapatid nilang babae na kakambal ni Troy. Nakasuot din siya ng katulad ng dress na ipinadala saakin ni Marcus, kulay puti din ito.

"Low your voice, Monique. Hindi ako bingi." Pagsusungit ni Ethan na nagpanguso sa kapatid niya.

"Sungit. Nasa loob yung tux mo Kuya. Hi!" Biglang baling saakin ni Monique, kinawayan ko siya at bago pa kami magtagal doon ay hinapit na ako ni Ethan sa baywang ko at pumihit kami papasok sa loob.

"Claire?" Nakangiting bati saakin ni Tito Kyle at inilahad niya ang kamay niya upang yakapin ako at halikan. "It's been a long time, hija. Akala ko nga ay pinakawalan ka na nitong si Luke, dahil hindi ka na ulit niya naisama." Ani Tito na nagpapula sa pisngi ko.

"Mommy, siya yung ikinukwento ko sayo." Masayang tawag ni Tito Kyle sa isang babae na may pagkakahawig ng kaunti kay Monique, napaka amo ng mukha niya at kahit medyo may edad na ay napaka ganda parin ng kurba ng katawan niya at napaka kinis ng kanyang balat.

Napapitlag ako nang lumapit siya saakin at hinalikan ang pisngi ko. "Ikaw pala si Claire." Nakangiting sambit niya saakin at hinaplos ang medyo mahaba kong buhok.

"G..good morning po." Nahihiyang bulong ko, ngumiti siya at tumingin kay Ethan na ngayon ay nakahapit pa rin ang kamay sa baywang ko.

"Luke? Mag bihis ka na anak, hindi naman mawawala ang girlfriend mo dito." Panunuya ng Mama niya sakanya, narinig ko ang pag kuyom ng panga ni Ethan dahil sa pagkapahiya. Panay naman ang pag init ng pisngi ko dahil sa mga sinasabi ng Mama niya.

Parang may kung anong nawala saakin nang bitiwan ni Ethan ang baywang ko at nagpaalam na magbibihis na muna siya. Muling bumaling saakin ang Mama niya.

"Tama nga ang sinabi ni Dad, magandang bata ka." Puri niya saakin at halatang sinusuri ang bawat parte ng mukha at katawan ko. Nakakaramdam ako ng hiya dahil napaka ganda talaga niya at baka may mapansin siyang mali saakin.

"Hindi na ako makapag hintay kapag si Luke naman ang ikakasal, panigurado ako gwapo o maganda ang magiging apo ko sa inyong dalawa." Magiliw na aniya na nagpalunok saakin, nagwala ang kung ano mang mayroon sa tiyan ko sa isiping iyon. Pero kasabay non ang kabang gumuhit sa puso ko dahil sa katotohanang may apo na siya kay Ethan.

"Diba Dad?" Baling niya sa asawa at kaagad namang pumulupot sa baywang niya ang braso ni Tito Kyle, nginitian ako ni Tito.

"Oo naman, basta Cando, paniguradong gwapo. Lahi ko yan eh." Halos mapatawa ako sa sinambit ni Tito.

"Dad! Mahiya ka naman kay Claire, ang hangin mo." Nakakatuwa silang pagmasdan dahil para pa rin silang teen ager. Humiwalay si Tita sakanya at inayos niya ang salamin ni Tito Kyle at neck tie nito.

"Mom? Hindi kaya maging masungit din ang anak ni Kuya?" Bungisngis ni Monique. Nagtawanan naman ang lahat, napansin ko naman si Troy na ngayon ay nakaayos na at kahit nasa edad na dise nuwebe palang ay halata na ang kakisigan at kagandahan ng features ng katawan niya sa suot niyang tux. Panay ang pagtitext niya at napapailing siya sa tuwing may magrereply sakanya.

Nag-re-touch nalang muna ako at ilang sandali pa ay luminya na kami sa harap ng beach. May red carpet na naghihintay kay Ara ngayon. Ang plano daw nila ay susunduin ni Eris at Angelo ang Ate nila upang alalayan maglakad patungo kay Tito Ariel at Tita Leslie na Tatay at Nanay ni Ara.

Panay ang sulyap ko kay Ethan na ngayon ay medyo naiirita sa neck tie niya dahil hinahangin iyon. Ang gwapo niya at napapaisip ako paano kaya kapag siya na ang ikakasal? Ikakasal...sa pangalawang pagkakataon. Napapailing nalang ako dahil napaka desperada ko nanaman, nag iisip nanaman ako ng imposibleng mangyari saaming dalawa. Ako at siya ikakasal?

Nagsimula na ang pagtugtog ni Marcus sa saxophone niya bilang tanda na naglalakad na si Ara patungo sakanya. Umiiyak siya ngayon habang hinahatid siya ng mga magulang niya. Ngumiti ako at kasabay non ang paglandas ng luha ko, masayang masaya ako para sakanya.

Buong kasal ni Ara ay panay ang pahid ko sa luha ko gamit ang kamay ko, pero natigilan ako nang may maglahad ng panyo sa harap ko. Tumingala ako at nakita kong si Ethan iyon na seryosong pinapanood ngayon ang kasal ng kapatid. Tinanggap ko iyon at marahang pinunasan ang luha ko.

Nang matapos ang kasal mabilis kong sinalubong si Ara upang batiin siya, hindi ko maipaliwanag yung saya sa mga mata niya. Panay ang himas niya sa namimilog niyang tiyan.

"Ikaw? Kailan ka magpapakasal?" Panunuya niya saakin, ngumiti lang ako at umiling.

Doon din sa beach ang reception, may mga catering at masasabi kong napakaraming handa. May mga alak din doon na pinagkakaguluhan ng ilang basket ball players sa school namin, sa tantiya ko sila yung mga players na malapit lang sa kambal. Simple lang ang kasal at iilan lang ang imbitado at mga malalapit lang sakanilang dalawa iyon.

Mula sa malayo napansin kong papalapit saakin si Ethan kaya naman yung puso ko hindi nanaman malaman kung saan magtatago. Pero nakahinga rin ako ng maluwag nang lumapit sakanya ang pinsan niyang nagpakilala saakin kanina, si Drake Tyler. Anak siya ng kakambal ni Tita Kei, sa side pala ng Mama niya nakuha ang pagiging kambal nilang magkakapatid.

Kumunot ang noo ni Ethan sa ibinulong ni Tyler sakanya kaya pabiro niya itong sinapak. Ngumisi naman si Tyler na naging dahilan ng paglabas ng dimples niya. Lumapit sila saakin.

"Claire, sinasabi ko na nga ba. May tama sayo 'tong si Luke, sinabi ko lang naman na hihingin ko ang number mo, pero ano? Sinapak ako." Halakhak na kwento ni Tyler na nagpapula sa mukha ko, kumuyom naman ang panga ni Ethan at tinignan ng masama si Tyler.

"Chill bro, nga pala, hindi ba kakanta ka?" Biglang sabi ni Tyler sakanya at bago pa sumagot si Ethan ay tinawag na ang pangalan niya doon sa may pampang ng beach kung saan may piano, nakaupo doon si Marcus at Ara na malambing na malambing sa isa't isa.

Sandali munang tinignan ni Ethan si Tyler, "Relax, I'm not going to touch her." Ngumingisi na sambit ni Tyler, natatawa ako sa reaksyon ni Ethan dahil hindi niya ako matitigan sa mata.

Naglakad na siya patungo doon sa newly weds at umupo siya sa piano.

Panay ang sigaw ni Tita Kei para sa anak kaya naman napapangiti ako.

"Right love at a wrong time huh?" Napabaling ako kay Tyler na ngayon ay matamang pinagmamasdan si Ethan na nagsisimula na sa pag-pi-piano. Magsasalita na sana ako pero natigilan ako nang marinig ko na ang boses ni Ethan mula sa mic na nagpatili sa ilang kababaihan.

~~Let me be your hero

Would you dance
If I asked you to dance?
Would you run
And never look back?
Would you cry
If you saw me crying?
And would you save my soul, tonight?~~

Halos habulin ko na ang paghinga ko dahil sa mga mata ko nakatuon ang mata ni Ethan, malalim na pagtitig na nagpapanginig sa buong katauhan ko.

Sa kabilang banda ay tumayo si Marcus at kinuha ang gitara saka sinimulang magtipa upang sabayan sa pagkanta ang kapatid niya, kay Ara naman nakatuon ang buong atensyon niya, habang si Ethan ay hindi pa rin inaalis ang malalim na pagtitig saakin.

"Wooa, this man is really crazy." Narinig kong halakhak ni Tyler sa tabi ko, nagsimulang magpunta sa gitna ang ilang bisita upang sumayaw sa likod ng mga kanta nilang magkapatid, sinayaw ni Tito Kyle ang kanyang asawa, habang si Monique ay isinasayaw naman ng kanyang Kuya Troy, sumunod naman doon ang kakambal ni Tita Kei at ang asawa nito.


~~ I can be your hero, baby.
I can kiss away the pain.
I will stand by you forever.
You can take my breath away.~~

Napapitlag ako nang haplosin ni Tyler ang kamay ko at hinila ako patungo sa dance floor! Nanlaki ang mata ko nang ipulupot niya ang kamay ko sa leeg niya at ang kanyang kamay naman ay sa baywang ko. Panay ang halakhak niya at pagmumura niya.

"Papatayin ako ni Luke nito." May halo ng panunuya ang boses niya.

Naningkit ang mata ko dahil alam kong gusto niyang asarin ang pinsan niya. Sinuri ko ang itsura ni Tyler, kagaya ng kay Ethan may makapal at makurbang pilik mata siya, matangkad din siya, manipis at pinkish ang kanyang labi, matangos ang ilong at kaunting ngiti lang niya ay lumalabas kaagad ang napakalalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. Pantay na pantay ang maputi niyang ngipin at may malalim din siyang pagtitig mula sa kanyang mga mata.

"I'm nobody. Pero kailangan kong sabihin sayo 'to. Mahal na mahal ka ng pinsan ko." Simula ni Tyler na nagpaawang sa labi ko habang pareho pa rin kaming sumasayaw sa gitna.

"Pero alam mong mali?" Kunot noong tanong ko, ngumisi siya at tumango. "Yes of course, buong pagkatao ni Luke alam na alam ko. Luke is my drinking buddy, kung hindi ako nagkakamali ikaw yung isinisigaw niyang pangalan sa tuwing nalalasing siya." Halakhak niya, namula ang pisngi ko dahil sa mga sinasabi niya saakin.

"Closer!" Tumatawang sigaw niya sa tainga ko at mas lalo niya akong inilapit sa matipunong katawan niya na naging dahilan upang maamoy ko ang bango niya, mas lalong nagiging pilyo ang ngisi niya. "He's watching us. Fck, I'm really dead." Lalaking lalaki ang boses niya at para bang tuwang tuwa siya sa pang aasar niya sa pinsan niya.

~~ Would you swear
That you'll always be mine?
Or would you lie?
Would you run and hide?
Am I in too deep?
Have I lost my mind?~~

Nagmura si Tyler malapit sa tainga ko na may kasamang pag ngisi, "Iniwanan na niya si Marcus mag isa doon!" Halakhak niya at medyo lumuwag na ang pagkapit niya saakin. "The tiger is coming to get his lovely meat." Bulalas niya gamit ang namamaos na boses, buong akala ko ay pakakawalan na ako ni Tyler kaya bumitaw na ako sakanya, pero may ibinulong pa siya sa tainga ko na nagpaangat sa labi ko at nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"Gamitin mo itong oras na 'to ng para sa inyong dalawa lang. Iwanan mo lahat ng sakit na nararamdaman niyo, hayaan mong maging masaya at maligaya yung puso niyong dalawa kahit sandali man lang. You and my asshole cousin deserve to be happy. This beach is my paradise Sweetheart, malayang malaya kayo dito sa teritoryo ko."

***

A/N: Waa, I'm sorry sa matagal na update! Ganun pa rin ang reason ko, busy sa trabaho! Hindi uso ang holiday samin kaya sa bus lang ako nagtatype tuwing papasok, inabot ako ng 3 sakay ng bus bago ko natapos 'tong Chapter na 'to. Haha. Salamat sa mga naghihintay ng update ko kahit matagal. Belated Merry Christmas and Happy New year sa lahat! God bless!

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 69K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
5.4K 222 10
[Ongoing] My Porker-Faced Guy Book 2 Matapos ang apat na taon, 2 years with no communication, ay nagkitang muli sina Mica at Xander. This time, hindi...
1.6M 51.5K 44
Good side and bad side.