The Innocent Revenge

By mattymathics

24.5K 1.4K 54

Napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, pinagmukha siyang kriminal na hindi inalam ang totoong nangya... More

MM
The Innocent Revenge
Note
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Thank you

Chapter 01

886 45 4
By mattymathics


Other girl

Joyce POV

"Wooooohhhh, party... party..." rinig kung sigaw ng babae sa kabilang linya.

"Bat ba ang ingay jan, babe? nasa bar ka ba?" tanong ko kay ken.

"Yeshhh, babes come herrreee pleashhh"

"San ka ba? lasing ka na ah?" alala kong tanong.

"Hinde pako lashenggghaha"

nababaliw na tung lalaking 'to

"San ka ba? ha?" inis na tanong ko.

"Galit ka babes? hwag kang magalit babes" malambing niyang sabi.

"Nasaan ka nga?" galit na talagang tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit naglalasing tong mokong na to. Wala namang sinabi na nasa bar siya at maglaklak ng alak.

"Nasha...shaa, shan nga tayo pre?" rinig kong tanong niya sa kabilang linya.

"Nasa Vistal Bar tayo pre, wala na lasing nato haha" tawang sabi ng kasama niya, kung hindi ako nagkakamali ay si Rhyz iyon kaibigan ni Ken.

"Ah babes, nasha—" hindi ko na tinapos ang sabihin niya dahil narinig ko naman iyon kay rhyz kaya pinatay ko na.

Agad akong nagbihis ng simpleng damit lang. Pinaresan ko ng flat shoes para hindi ako mahirapan sa pag akay sa lasing mamaya.

Pasado alas diez na ng gabi, kaya pala di tumawag o text ang kumag dahil naglasing na pala. malilintikan ka talaga sa akin mamaya.

"Manong, sa Vistal Bar po" sabi ko ng makapasok sa loob ng taxi.

Di naman nagsalita si manong at agad pinaandar ang sasakyan. Walang namang imik si manong driver ng makarating kami sa V-bar.

"Bayad po, manong. Salamat" pagkasabi ko nun ay agad kong inabot ang bayad at hindi na inintay ang sasabihin ni manong ay nagmadali na akong bumaba.

talagang nagtitimpi nako sa lalaking yon.

Hindi man lang akong nakapagpaalam sa nanay ko ng dahil sa lalaking iyon, buti nalang tulog na si inay.

Nang makapasok ako sa V-bar ay bumungad sa akin ang ingay ng party music at ilaw na iba't ibang kulay na nakakahilo.

Hindi ito yung unang punta ko dito pero di parin ako sanay sa baho ng mga alak sa loob.

Well, hindi naman kasi ako umiinom.

Agad akong dumiretso sa table nila kung saan palagi sila naroon. Ngunit wala si ken doon. Tatlo lang sila, si Rhyz namay katabing babae at si Tan na may tinitipa sa phone niya.

Napaka womanizer talaga nitong si rhyz, buti nalang matino yung boyfriend ko at si Tan.

Nakauwi na pala si Tan? Galing kasi itong Japan nagbabakasyon. Wala man lang pasalubong.

"Nasan si ken?" tanong ko sa dalawa na halatang nagulat sa presensya ko.

"A...ahh kasi joyce—"

"Nasaan?" sigaw ko na ikinagulat nilang dalawa lalo.

"Who's that girl?" tanong nung isang babae na nakapulupot sa braso ni Rhyz. Malandi.

"Someone we know babe" sagot naman ni rhyz.

Ano daw? someone they...know? bwiset

"Asan na ba?" sigaw ko ulit.

"Relax, joyce. Nagbanyo lang" sabi naman ni Tan.

No choice kaya umupo nalang ako para maghintay. Alangan namang pasukin ko siya sa loob ng Cr ng mga lalaki.

Pero lumipas ang tatlong minuto ay wala parin akong ken na nakita.

"Bat ang tagal?" tanong ko sa dalawa na busy sa pakikipaglandian.

"Obviously, they making out with his girl. Idiot" sabi naman nung babae ni rhyz na mukhang bruha.

Biglang nag init ang ulo ko nang sabihin niya akong idiot. Pero mas lalong nag init ang ulo ko sa sinabi niya.

"What?" sigaw ko at tumayo para pumunta sa bar tender "Saan yung banyo dito?" tanong ko sa kanya.

"Doon po, maam" turo niya sa may sulok na hallway.

"Thanks" sabi ko at nagmartsa patungo dun.

Pero di pa ako nakapasok ay bumukas na agad yung pinto ng banyo. At iniluwa doon ang pagmumukha ng boyfriend ko at ang... isang babae na ang kapal ng kolorete sa mukha.

"B...babes" utal niyang sabi. Bakas sa mukha niyang pagkagulat. Walang alinlangang sinampal ko agad.

"Babe, l..let me explain" sabi niya habang hawak sa pisngi.

"Explain? sige nga. Pakikinggan ko ang explanation mo kung bakit ang tagal mo sa banyo at kasama mo pa ang babaeng ito na nuknukan ng make up" sigaw ko sa kanya.

"Excuse me?" singit nung babae.

"Huwag kang magsalita kung ayaw mong umuwi na may bangas" sigaw ko naman sa babae kaya natameme.

"B..babe, lasing ako—"

"Lasing ka? pero nung nakita mo ko, nawala agad? Ano sa tingin mo sakin tanga?" putol ko sa kanya.

"Babe, sorry" sabi niya sabay hawak pa sa kamay ko.

"Huwag mo kong hawakan, nandidiri ako sayo" nandidiring sabi ko sabay tapon sa kamay ko na hinawakan niya.

"Wala kang pinagkaiba sa kaibigan mo, babaero"

"Babe, hindi ganun yun. Walang nangyari sa amin" sabi pa niya na nakataas ang kanang kamay.

"Anong wala? ayan oh, may lipstick ka pa sa labi" turo ko sa may bandang labi niya.

"Lasing ako babe, di ko alam ang pinaggagawa ko" giit niya pa.

"Ewan ko sayo" sabi ko sabay talikod pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako't humarap sa kanya para sampalin ng ikalawang beses.

"Wag na wag mo kong kakausapin" huling sabi ko at patuloy ng lumabas ng V-bar.

"Babeee" rinig ko pang sigaw niya pero dali dali akong naglakad patungo sa sakayan ng jeep.

Wala na akong perang pang taxi kaya magje-jeep nalang ako.

Ito yung unang nangyari sa amin na may kasama siyang ibang babae pero hindi man lang ako nakaramdam ng sakit kundi galit ang nararamdaman ko.

Alam kung mahal ko si Ken pero bakit hindi ako nakaramdam ng sakit? siguro dahil naniniwala ako sa kanya na walang nangyari.

Mabait si Ken, hindi siya katulad ng mga kaibigan niyang babaero. Kaya sobrang taka ko kung bakit may kasama siyang babae kanina.

Baka si rhyz na naman ang nagpupumilit kay ken na mambabae.

Sa ngayon magpapahinga muna ako at hintayin kung kailan hindi na uminit ang ulo ko at baka mabugbog ko pa siya.

Lasing pero naging tino nung kaharap ako.

Nasa bahay na ako ngayon at nakaupo sa kama sa aking kwarto ng may tumawag sa phone ko.

Pinatay ko agad ang call dahil alam ko naman kung sino yung tumawag. Hindi pa malamig yung ulo ko.

Hindi naman siya ulit tumawag dahil alam niyang naiintindihan niya yung nararamdamn ko ngayon. Ngunit tumunog yung phone ko, sensyales na may nag text.

From: Kenchee

I'm sorry, babe. Lasing lang ako kanina. Magpapaliwanag ako bukas, huwag ka ng magalit. I love you, goodnight babe.

Biglang lumambot ang puso ko na parang may humaplos ng mabasa ko ang text niya. Bigla akong napangiti. Hindi ko talaga matitiis tung kumag na 'to.

To be continued . . .

Continue Reading

You'll Also Like

376K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
358K 13.1K 44
Rival Series 1 -Completed-
77.1K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
394K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...