War in Katipunan

By elladianneee

127K 3.6K 938

WAR #1: WAR IN KATIPUNAN -- "It felt like, I lost a war... with myself." -- [completed] More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
WIK: playlist + moodboards

Kabanata 26

2.3K 81 9
By elladianneee


KABANATA 26.

Just... friends.

“NAK, SABIHIN mo nga, kaibigan mo lang ba talaga ‘yong si Luthor?” Halos mailuwa ko ang kapeng iniinom ko dahil sa sinabi ni mama. I looked at her with wide eyes.

“Ma!” I probably looked like a tomato right now. Hindi ko man makita ang sarili ko ay alam kong pulang pula na ang mukha ko. Bakit naman kasi ganyan ang tinatanong ni mama?!

“Bakit? I’m just asking.” Kibit balikat na sabi ni mama. Nalukot ang mukha ko dahil doon. Andito kami ngayon ni mama sa Restaurant na pag-aari niya. Isang linggo na akong nandito at hindi ko maitatanggi na ito ang pinaka-masayang summer ko sa loob ng ilang taon.

Marami kaming pinasyalan ni mama. We got our mother-daughter bonding. Nag-swimming kami, nag-food trip, nag-hiking at kung ano ano pang activities. I even sleep on her room! If I have known that this is how cool mother-daughter bonding is, I should’ve returned home a long time ago. But well… it’s all in the past now.

Pinagusapan na naming ni mama ang dapat pag-usapan. Nagkalinawan na kami at nagkapatawaran. I even mentioned about Luthor’s help. She was very delight when she knew about Luthor’s involvement in my character development. Dapat daw siyang magpasalamat kay Luthor.

At sa isang linggo rin na lagi kaming magkasama, I found out that she own a restaurant. Bata palang ako ay pangarap na ni mama na magtayo ng restaurant kasama si papa. They’re both chefs after all. Mama’s dream came true even without papa. She told me that this restaurant is her life when me and papa are away. Nalungkot ako sa isiping nagtayo siya ng restaurant para maging destruction dahil pareho kaming wala ni papa. But I looked at the brighter side of things. At least her dream came true, even without me and papa.

“Ma, kaibigan ko lang po talaga si Luthor.” Mama looked at me suspiciously. Kahit ako ay hindi kumbinsido sa sarili ko. Alam na alam ko sa sarili ko na higit pa sa kaibigan ang tingin k okay Luthor. At parang napansin din iyon ni mama.

“Uh-huh, kaya pala gabi gabi kayong magka-tawagan habang nasa ibang bansa siya.” Lalo akong namula. So she knew about that too?

Napaaga kasi ang alis ng pamilya ni Luthor papuntang US. But Luthor and I keep in touch. He calls me every night. I’m pretty sure na magkaiba ang oras dito sa Pilipinas at sa Amerika pero nagagawa paring tumawag ni Luthor gabi gabi. It’s nopthing much, really. Mangungumusta lang siya at kaunting kwentuhan. ‘Yon lang.

“Nangangamusta lang naman, Ma.” Still, mama eyed me suspiciously. Hindi naman na siya nagtanong pa dahil may pumasok na isang grupo ng mga turista kaya naging abala si mama sa kusina. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa isang two-sitter table sa bandang gilid ng restaurant.

The restaurant was named, Spice and Dice. Hindi ko alam kung bakit but I’m pretty sure the Spice came from my supposed to be name. Maganda ang loob at labas ng restaurant. Dinadayo rin ito lalo na kapag summer dahil marami ang mga turista. Napaka-friendly din ng mga employee ni mama. Ultimong janitor ay palaging nakangiti.

I love this place.  

MY WHOLE summer vacation were spent in Batangas. Masaya akong marami kaming nagawa ni mama buong summer. She taught me many dishes that I can cook when I came back to Manila. Halos malibot rin namin ang buong Batangas dahil every weekend ay namamasyal kami. Hindi kasi pwede kapag weekdays dahil punuan ang restaurant kaya every weekend lang kami namamasyal.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na umuwi ako. Parang dati, ayaw na ayaw kong umuwi. Pero ngayon, parang ayaw ko nang umalis. When they said that there’s nothing beats home, it was true. Walang makakatalo sa baying sinilangan. Pero kahit gaano ko kagustong manatili, school is waiting for me in Manila.

Ngayong nagkaayos kami ni mama, parang mas gusto kong pagsikapang makatapos. Parang mas naging inspired ata ako.

Kinuha ko ang maleta ko at lumabas na ng kuwarto. Ngayon ako uuwi papuntang Manila. Sa ilang buwan na bakasyon ay naipahinga ko na ang katawan at utak ko. Kailangan ko nang umuwi ngayon dahil next week ay magsisimula na ang enrollment. Ihahatid daw ako ni mama papuntang Manila dahil delikado raw kung mag-isa akong magc-commute. Umayaw pa ako noong una kasi mag-isa siyang uuwi pero wala rin akong nagawa dahil nagpumilit siya.

“Nak, kompleto na ba ‘yang gamit mo?” Tumango kay mama. Inilagay ko na ang mga gamit ko sa backseat ng kotse ni mama at saka ako pumasok sa passengers seat.

Habang nasa biyahe kami ay panay ang bilin ni mama na kumain daw ako sa tamang oras at magpahinga raw ako kung kailangan. I just laughed at her pero ay inismiran niya ako.

“Ikaw Spica ah. Baka marinig ko nanaman galing kay Luthor na hindi ka kumakain sa tamang oras. Naku, sinasabi ko sa’yo.” Bahagya akong natigilan nang banggitin ni mama ang pangalan ni Luthor.

I remembered when Luthor called last week, saying that they already arrived in Manila. Nag-presinta pa ga siyang sunduin ako pero tumanggi na ako. andami niya nang naitulong sa’kin at nakakahiya na kung magpapasundo pa ako. Dapat ay nilulubos na niya ang bakasyon niya dahil ilang araw nalang ay sasabak na siya sa residency.

“Opo, Ma. Kakain ako sa tamang oras. Hindi niyo na kailangang tanungin si Luthor.” My mother gave me a teasing look pero hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Mabilis kong naiba ang pinag-uusapan namin. Sa buong biyahe ay hindi na naming ulit napag-usapan si Luthor.

Which is good because if we talk about him, I will just miss him more. I must admit, sa ilang buwan na hindi kami nagkita ay hindi komaipagkakaila na name-miss ko nga siya. But of course, I didn’t told him. Alangan namang sabihin ko nalang bigla na miss ko siya. That would be weird.

“Mag i-ingat ka, ah? Call me if anything happens.” I smiled at my mom. Inilapag ko ang maleta ko sa sofa ng condo. Hanggang sa loob ng condo ay inihatid ako ni mama. I told her that I’m living together with Fita and she was happy about it. Mapapanatag daw ang loob niya sa kaalamang may kasama ako sa bahay.   

“Opo, Ma.”

“I better get going, baka gabihin ako.” Tumayo na si mama sa sofa at akmang aalis na nang tumayo rin ako at niyakap siya. My mom immediately hugged me back.

“Ingat ka, Ma. Love you.”

“I love you too, nak. Gosh, I can’t believe you’re a big girl already. Parang kailan lang ay nakakarga ka pa naming ng papa mo!” I chuckled. Kumalas ako sa yakap at tinignan ko siya.

“Ma, kung tatawag ulit sainyo si papa, pwede po bang sabihin mo sakaniya na tawagan rin ako?” Mama smiled at me and nodded.

“Oo naman, Nak.”

After that, my mom left. Napahinga ako ng malalim. I will surely miss my mom. But I can visit her on Christmas vacation or even on Undas break, right?

Inayos ko na ang mga gamit ko sa kuwarto ko at nahiga sa kama. Fita is not here yet kaya’t ako lang mag-isa sa condo. Ayoko rin namang lumabas dahil tinatamad ako. Kinuha ko nalang ang phone ko at nag-scroll nalang sa instagram. Unconsciously, napunta nanaman ako sa wall ni Luthor. I feel like a complete stalker.

I remembered when I stalked him months ago. I accidentally liked his post from years ago. I considered that as one of the most embarrassing moment of my life! But come to think of it, naging dahilan din iyon kung bakit kami naging close ni Luthor. Napangiti ko habang inaalala ang nangyari noon. I just realized now that we met in a bar. I can’t believe that a doctor like him goes to a bar.

I smiled when I saw a new post from Luthor. It was a family picture and random pictures when they were on the US. Black and white parin ang filter ng bago niyang post. Kung titignan mo ang wall niya, talagang ‘yong picture lang namin na pinost niya noong Pasko ang colored.

Kumunot ang noo ko. Come to think of it, kakaiba rin ang caption niya noon. Gusto kong isipin na ipinost niya iyon dahil sa picture namin kasama ang Ben&Ben, pero hindi eh. At isa pang pinagtaka ko, he usually post black and white photos. Pero bakit colored ‘yong pictures namin? Ayaw ko namang mag-isip ng kung ano nang dahil lang sa post niya pero kahit anong tanggi ko, iba talaga ang dating saakin ng post na ‘yon eh.

Umalis ako agad sa wall ni Luthor pati na rin sa instagram. Luthor is so damn confusing me. One day he’s being sweet tapos bigla nalang hindi mamamansin. Tapos kapag hindi ko naman siya pinansin, bigla nalang siyang susulpot kung saan. Gusto kong mag-isip behind the line. Gusto kong isipin na may nararamdaman din si Luthor saakin na higit pa sa pagkakaibigan.

But every time I saw him treat his other friends, it’s just the same as how he treats me. Nakakasira ng bait si Luthor. Napaka-friendly niya masyado! Baka hindi lang ako ang kaibigan niyang babae na ginawan niya ng mga ginawa niya saakin. Baka isipin nila na may feelings si Luthor para sakanila. My gosh, Luthor de Leon! You are so freaking friendly!

Nabitawan ko ang phone ko sa sobrang pagkabigla dahil bigla iyong nag-vibrate! Jusko naman. Nang tignan ko kung sino ay caller ay halos mapamura ako nang makita kong pangalan ni Luthor ang nakalagay doon. Huminga muna ako ng malalim bago iyon sinagot.

“Hello?”

“Spica, nakauwi ka na sa Manila?” bungad niya  na ikinakunot ng noo ko.

“Yup, why?”

“Labas tayo!” Sabi na eh. Nasapo ko ang noo ko. As expected from this guy.

“Ayaw. Pagod ako.”

“Ay… punta nalang ako sa condo niyo. G?”

“May magagawa ba ‘ko?” I asked him boredly. Narinig ko naman na napa-yes siya sa kabilang linya. Umiling-iling ako pagkatapos kong ibaba ang tawag. I want to see him but I didn’t expect to see him today. Oh Luthor. You’re making this easier for me.

AS EXPECTED, after an hour, Luthor came on our condo. May mga dala pang mga pagkain ang loko. Kinuha ko ang mga dala niya at inihain iyon. He brought two boxes of pepperoni pizza (our fav) and chicken wings. Siya naman ay kumportableng umupo sa sala at binuksan ang TV.

Naks naman talaga, bahay mo teh?

Dinala ko ang pagkain sa sala at inilapag iyon sa center table. Si Luthor naman ay naghahanap na ng movie sa Netflix. Feel at home na feel at home ang lalaking ‘to. Pero kapag andito si Fita, ni hindi niya mahawakan ang remote. May pagka-plastic rin talaga ang doctor na ‘to.

“How’s your summer?” He asked while we’re watching a Netflix series which by the way, napanood na namin. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking ‘to at iyon ang piniling panoorin.

“It’s great! Andami naming ginawa at pinuntahan ni mama. Wait, I’ll show you some pictures!” I excitedly grabbed my phone at agad na ipinakita sakaniya ang ilang mga pictures. Nagk-kwento ako sakaniya kung ano ang story behind those photos. He was so attentive to my stories. He’s even laughing and smiling while I’m telling him stories.

“Kayo, kumusta ang bakasyon sa US?” I asked him when I finished telling him about how I spend my summer in Batangas. Nagkibit balikat lamang siya.

“It’s okay.” Maikling saad niya. Napakunot ang noo ko sa sagot niya.

“Okay lang? I saw your post on IG, dami niyong pinuntahan.” I tried to hype him up but he just shrug.

“It’s fine.”

“Bakit parang hindi ka nag-enjoy?” Takang tanong ko.

“Nag-enjoy naman.” Maikling sagot niya. Lalong napakunot ang noo ko. Akala ko nag-enjoy siya sa bakasyon niya dahil tuwing tumatawag siya saakin ay masaya naman ang tono ng boses niya. But I think I was wrong.

“Hmm? Tell me about it.” I said softly. Medyo lumapit rin ako sakaniya para maabot ang buhok niya. Bahagya siyang nanigas sa puwesto niya pero agad ring kumalma. When I felt him relaxed, I atarted caressing his hair. Napabuntong hininga siya.

“The vacation was good. We visited many places but,” he stopped.

“But?”

“My mind was left in Batangas, I can’t focus.” I was stunned. Natigil ako sa paghaplos na buhok niya pero nanatili akong nakatitig sakaniya. Ano nanaman ba ‘to? My breathing hitched when he looked at me. But his gaze immediately left mine. “I was thinking if you’re enjoying there. If you’re meeting people or if you’re just hanging out with your mom.”

“Luthor…” I am speechless.

“The only time that my mood is lift up is when I call you at night,” agad na bumilis ang tibok ng puso ko. “Hindi pareho ang oras sa Pilipinas at US but I still manage to call you para mapanatag ako. Ate Lilac noticed it and I received non-stop teasing from my whole family the day after.” He chuckled.

Gosh, even his chuckle sound so sexy. Umuling iling pa siya na parang hindi makapaniwala. Nanatili ang titig ko sakaniya kahit na nananakit na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nanatiling nakaduko ang ulo niya pero napansin kong namumula ang tainga niya at leeg. Pa-simple kong iginalaw ang kamay ko. I caressed his hair again.

“Hmm, you missed me that much?” I asked teasingly. May mapanuksong ngiti rin sa aking labi. He chuckled at what I said. Inangat niya ang ulo niya para matignan ako.

“It’s your fault, you kissed me.” Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sakaniya. He chuckled sexily at my reaction.

For months, pilit kong kinalimutan ang ginawa ko. Dahil well, medyo nakakahiya ‘yon at hindi ko matanggap na ako ang unang humalik. Sa pisnge lang naman ‘yon, but still! I still kissed him and now, he’s teasing me!

“Shut up.” Tuluyan na siyang humalhak dahil sa sinabi ko. Wala naman akong nagawa kundi bigyan siya ng nakakamatay na tingin. Pero hindi man lang siya natinag; mas lalo pa ngang lumakas ang tawa niya! When his laugh died down, he looked at me again. Ako naman ay nakasimangot na dahil ang haba ng itinawa niya!

“What if,” kinabahan ako bigla. His voice is serious now. How can he freaking do that? He’s just laughing his ass out and now, he’s serious as hell!

“What if I don’t want to be friends with you anymore?”



---》

let me read your thoughts
about this story. tag me on
twitter @_elladianne 
love you all! keep safe!

-Ella Dianne






Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
479K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...