RETURN OF THE KING (COMPLETED)

By mafioso_akio

32.5K 1.3K 414

Namatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio More

KING
PROLOGUE
CHAPTER 1: I'm Back
CHAPTER 2: Mission
CHAPTER 3: Angel without wings
CHAPTER 4: Soldato
CHAPTER 5: Being a student again
CHAPTER 6: Morpeheous Ladies
CHAPTER 7: Band Aid
CHAPTER 8: Blue Rose
CHAPTER 9: Warning
CHAPTER 10: Make out
CHAPTER 11: Secret Lover
CHAPTER 12: Untold Story
CHAPTER 13: Avi Gray
CHAPTER 14: Kalachuchi
CHAPTER 15: Something suspicious
CHAPTER 17: Daughter
CHAPTER 18: Amy Green
CHAPTER 19: Trouble
CHAPTER 20: Acceptance
CHAPTER 21: Favorite Song
CHAPTER 22: Mistress
CHAPTER 23: Caught
CHAPTER 24: Black Page
CHAPTER 25: Death Battle
CHAPTER 26: Alliance
CHAPTER 27: Substitute
CHAPTER 28: The Evil Sisters
CHAPTER 29: Craig Revelations
CHAPTER 30: Red Queen
CHAPTER 31: Stuck with you
CHAPTER 32: Flirtatious
CHAPTER 33: Combat Exercise
CHAPTER 34: Love Triangle?
CHAPTER 35: Birthday Party
CHAPTER 36: Drunk
CHAPTER 37: Confession
CHAPTER 38: Angry Bird
CHAPTER 39: Overnight Swimming
CHAPTER 40: End Game?
CHAPTER 41: Supremo
CHAPTER 42: Visitor
CHAPTER 43: Plan
CHAPTER 44: Saving the queen
CHAPTER 45: The End
EPILOGUE

CHAPTER 16: Tattoo

376 19 6
By mafioso_akio





Dahil mahaba pa naman ang oras bago magsimula ang klase sa panghapon. Naisipan kong lumabas ng classroom para puntahan si Gucchi. Mukhang hanggang ngayon ay nandun pa rin siya sa hideout nila Red.

Iniwan ko muna sa upuan ang bag ko. Tanging cellphone ko ang dala ko. Syempre wallet ko.

Tahimik akong lumabas sa classroom na tanging limang estudyante pa lamang ang laman. Napailing ako ng maalala ang eksenang nakita ko kanina. Si Green kausap ang isang babaeng dito nag tatrabaho sa Arlington.

Ngayon ay curious ako kung sino ang babaeng yun. The way na magalit si Green habang kausap ito. Halata mong may malaki siyang galit dito.

"Sino kaya yun?"mahina kong bulong.

Habang lumilipad ang isipan sa pag iisip tungkol dun. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako ng building. Literal akong natigilan ng may kung sinong bumangga sa akin.

Pagtingin ko isang babaeng nagmamadaling pinupulot ang mga papel na nasa simento.

"Shit, sorry."sabi ko at agad siyang tinulungan.

Obvious na lumaglag ang papel dahil sa akin. Nang mapulot naming dalawa ang lahat ng papel ay magkasabay kaming tumayo na. Nang saktong magkatitigan kami ay namukhaan ko siya.

Siya yung kausap ni Green kanina.

"Sorry, Mam."paumanhin ko.

Ngumiti siya ng tipid.

"Wala yun. Kasalanan ko rin naman."sabi niya.

May balak pa sana akong itanong pero nagmamadali na siyang naglakad palayo. Nagtataka kung ano bang trabaho niya dito sa Arlington. Mukhang busy siya.

Hindi ko nalang pinansin pa at nagpatuloy na sa paglakad. Hanggang sa makasalubong ko nalang si Gucchi.

"Acel, buti nakita kita."

"Bakit?"taka kong tanong.

Pansin kong humahangos siya.

"Si Boss Red. Inaaway si Craig."sabi nito.

"What?"gulat kong bulalas.

Tumango tango siya.

"Sinugod niya si Craig sa Hideout nito."

"Mabuti pa. Puntahan natin."suhestyon ko na agad niyang sinang ayunan.

Magkasabay kaming tumakbo palayo. Wala akong ideya kung saan banda dito ang hideout ng Amadeo. Pero base sa tinakbo namin ni Gucchi ay medyo malayo kaya bahagya kaming hiningal.

Nang makarating dun. Sa bungad palang ng isang gusali ay nakapalibot na ang ilang estudyanteng lalaki at babae. Tulad ng inaasahan ay pinagigitnaan nila si Craig at Red na panay ang bangayan sa isat isa.

Nasa mga tabi nila ang bawat kakampi nila.

Kumpleto sa tabi ni Craig ang kasamahan niya. Si Markus, Vander, at Jack. Habang si Black, Gray, At Blue lang ang kasama ni Red. Hindi ko alam kung nasaan si Green. Wala siya dito ngayon.

"Bakit kasi hindi mo nalang matanggap na mas magaling talaga ako saiyo."mayabang na sabi ni Craig.

Agad na naghiyawan ang mga nasa paligid. Tahimik kaming nakalapit sa pwesto nila Red.

"Mas magaling? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sa pagkaka-alala ko. Utak ipis ka."ganti ni Red.

Malakas na naman natawa si Gray at Blue. Napansin kong dumiretso ang titig ni Jack at Vander sa dalawa.

Nang muli kong ibalik ang tingin kay Craig ay dahan-dahan itong lumapit kay Red. Halos isang hakbang lang ang layo nila sa isat isa.

"Fine. Utak ipis nga ako. Pero patay na patay ka naman sa akin."muling pangangasar ni Craig.

Nagsalubong ang mga kilay ni Red at pansin kong nakakuyom na ang dalawa niyang kamao. Mukhang pagdating talaga kay Craig ay pikunin siya.

"Gago ka! Ang kapal ng mukha mo."singhal ni Red.

Nagtawanan ang mga kasama ni Craig.

"You know what. Masyado ka kasing insecure sa amin dahil kami ang sikat ngayon. Pulpol naman kasi ang grupo mo."sabat ni Vander.

"Hoy kupal! Anong pulpol? Baka kayo yun."asar na sabi ni Gray.

Ngumisi si Craig at marahang tinapik tapik ang kanang balikat ni Red.

"Hintayin mo lang. Next week mahuhuli na namin ang soldato ng Scorpion Onźe na pagala-gala dito sa Mackenzie City. Pagtapos nun, sisikat ang grupo namin. Habang kayo ay pupulutin sa kangkungan."pahayag ni Craig kaya mas lalong dumami ang nagtawanan.

Sa kaniyang sinabi. Mukhang kumpirmadong tauhan ng Scorpion Onźe ang nasa tsismis na gumagawa ng karahasan dito.

"Kayabangan."bigla kong na sabi.

Dahil medyo malakas ang pagkakasabi ko nun ay napatingin silang lahat sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Sa kabila ng kaingayan ay narinig nila ang sinabi ko.

"Ikaw na naman."sabi ni Craig na masama ang titig na pinupukol sa akin.

Napakunot noo ako ng bigla akong akbayan ni Red.

"Ito ang bago naming soldato. Si Acel. Alam mo bang siya lang mag isa. Kayang kaya niyang hulihin ang mga soldato ng Scorpion Onźe."sabi niya na ikina-gulat ko.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Red sa kanang braso ko. Nang tignan ko siya ay may kung ano siyang sinesenyas sa akin. Kumunot ang noo ko at nagtanong ng Ano? sa mahinang boses. Pero hindi siya sumagot. Patuloy lang siyang sumesenyas.

Napangiwi ako ng maunawaan yun. Gusto niyang sakyan ko ang kaniyang sinasabi.

"Ah...oo. Kayang kaya ko yun."sabi ko.

Nakita kong sumimangot ang mukha ni Craig lalo na at nakatitig siya sa braso ni Red na naka-akbay sa akin. Halatang nagseselos pa yata ang gago.

"Yan ang kayabangan."sabat ni Jack.

Agad na sumipol si Markus. Habang si Vander ay natatawa. Yung ibang nakiki-tsismis dito ay masama ang titig sa akin.

"Hoy, hindi nagyayabang si Red. Kaya talaga yun ni Acel."giit ni Blue.

"Oo nga."pagsang ayon ni Gray.

Si Black naman ay ilang beses napabuga ng hangin.

Nakahinga ako ng maluwag ng alisin ni Red ang braso niya sa balikat ko. Ilang segundo lang ay mabilis na lumapit sa akin si Craig. Narinig ko ang pasinghap ang ilan ng hablutin ni Craig ang kwelyo ko.

"Ito ang pinagyayabang ninyo? Itsura nito parang wala namang ibubuga."sabi ni Craig at sinulyapan sila Red.

Iritado kong tinulak siya palayo dahilan para mabitiwan niya ako.

"Bakit hindi mo ko subukan para malaman mo kung may ibubuga ako."matapang kong sabi.

Biglang umingay ang paligid. Nagsisigawan ang mga estudyante na halatang tuwang tuwa sa nangyayari.

"Woah, matapang."bulalas ni Jack sabay tawa.

"Kung upakan kaya kita dyan."sabi ni Markus.

Akmang lalapitan niya ako ng harangan siya ni Craig at may kung anong sinenyas. Biglang naging maamong tupa si Markus na naglakad pabalik sa tabi ni Vander at Jack.

"In fairness, mayabang ka nga. Gusto ko yan."sabi ni Craig.

Napatingin kaming lahat kay Red ng tumawa ito na akala mo kontrabida sa isang pelikula.

"Nagsalita ang hindi mayabang. Hoy, Craig Simon. Kupal ka. Demonyo ka. Impakto ka. Ito ang sinasabi ko saiyo. Hindi mo ko kaya. Mas matalino at magaling ako kaysa saiyo. Hinding hindi mo ko mauungusan. Dahil sisiguraduhin kong pangalan ng grupo ang mangunguna dito sa Mackenzie City."seryosong sabi ni Red.

Imbes na mainis ay tumawa si Craig.

"Oh talaga? Sige ganito nalang. Magpaunahan nalang tayo. Kung sino unang makatalo sa mga soldato ng Scorpion Onźe siya ang ituturing na pinaka-malakas na grupo hindi lang dito sa Arlington. Pati na rin sa buong Mackenzie City."

Nagkatinginan ang apat na magkakapatid matapos marinig ang sinabi ni Craig. Tapos ay diretso silang tumitig sa akin. Ngumiwi ako dahilan para simangutan ako ni Red.

Taas noo niyang tinitigan si Craig.

"Okay. Go. Unahan na nga lang."sabi niya.

Napatango si Blue.

"Syempre kami na mananalo. Lalo na kasama namin si Acel."pagmamalaki nito.

"Tsk. Yabang."komento ni Jack.

"Sure. Goodluck nalang."nakangising sabi ni Craig at mabilis ng tumalikod.

Naglakad ito palayo. Nakasunod naman sa kaniya sila Vander, Markus at Jack. Ang mga tsismoso at tsismosa namang nandito ay mabilis na nagkulasan na tila walang nangyari.

Napatingin ako sa tabi ko ng kalabitin ako nito sa balikat. Ang natatawang pagmumukha ni Gucchi ang nakita ko.

"Mukhang binibida ka ng mga Amo natin."sabi niya.

Inis ko siyang sinimangutan. Napansin ko nalang na nasa harapan ko na pala sila Red. Napatulala ako ng bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko.

"Ikaw makinig ka."panimula niya.

Tumango ako.

"Kailangan mong pagbutihan ang trabaho mo. Dahil kailangan mo kaming tulungan."

"Para saan?"tanong ko.

Sumimangot siya at hinampas ang kanang braso ko. Bahagya akong napangiwi doon. Lintik. Ang bigat ng kamay niya.

"Gago ka. Syempre para hanapin ang mga soldato ng Scorpion Onźe. Ayon sa sabi-sabi sila ang mga nanggugulo dito sa Mackenzie City."

Hindi ako umimik. Hinimas himas ko lang ang braso ko.

"Kailangan nating maunahan ang grupo ni Craig sa pagpapatumba sa mga yun."seryoso niya pang sabi.

Makikita sa mga mata ni Red na talagang desidido siya kaniyang hangarin na maungusan si Craig.

"Hindi ganun kadali yan. Lalo na malakas na grupo ang Scorpion Onźe. It means, pati nga mga soldato nila malalakas."sabi ko.

"Ayos lang. Kaya nga tayo magtutulong-tulong."

Naningkit ang mga mata ni Blue at Gray. Si Black ay nakakunot noo kay Red. Si Gucchi ay tahimik lang na nakikinig.

"What do you mean?"tanong ni Gray.

"Lahat tayo kikilos para mahanap ang mga kalaban na yun."nakangisi niyang sagot.

Hindi na nakapagsalita pa si Gray. Alanganin siyang tumawa.

Kahit natatawa ay pinigilan ko nalang. Mukhang hindi pabor si Blue at Gray sa gusto ni Red. I guess, hindi nila kayang makipaglabanan sa mga totoong miyembro ng mafian.




__________________





Pagtapos ng klase ay umuwi na kami. Agad akong dumiretso sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Dahil pinagpapawisan na ako.

Matapos ang ilang oras ay lumabas ako ng kwarto. Saktong ala sais na ng hapon. Dumiretso ako sa Dining room upang tignan kung kakain na. Pero ang sabi ng mga katulong ay nagluluto pa sila. So, kahit gutom na ako ay hindi ako pwede mauna.

Naglakad na ako paalis. Balak ko nalang hanapin si Gucchi. Pero ng puntahan ko siya sa kwarto niya ay wala siya dun kaya naglakad lakad muna ako.

"Nasaan kaya yun?"tanong ko.

Nang magtungo ako sa entertainment room ay naabutan ko si Blue at Gray na busy maglaro ng video games. Hindi nga nila ako pinansin ng umupo ako sa kabilang sofa na nasa tapat nila.

"Nakita ninyo si Gucchi?"

"Nasa opisina yata ni Red. Mayroong ipinaliliwanag sa kaniya."sagot ni Blue na ang mga mata ay diretsong nakatingin sa flatscreen nilang TV.

"Ah, okay."tanging na sabi ko.

Dahil busy si Gucchi naisip kong manatili nalang dito upang maglipas ng ilang minuto. Dahil mamaya lang ay maghahapunan naman na.

Habang nakatitig ako kay Blue at Gray. Naalala ko si Green.

Kaninang ng nasa byahe kami. Pansin kong may kakaiba sa kaniya. Although nakikipag usap pa rin siya sa mga kapatid niya. Pero may something na suspicious sa kinikilos niya. Tulad kanina.

Nung sabihin ni Red na sama-sama kaming maghahanap sa mga soldato ng Scorpion Onźe. Tahimik si Green at halatang hindi interesado.

Napatagil ako sa pag iisip ng mapansing tapos ng maglaro si Gray at Blue. Parehas na silang nakatingin sa akin.

"Tahimik mo yata."puna ni Blue at naglakad pa palapit sa akin.

Umupo pa siya sa tabi ko.

"Wala. May napansin lang ako kay Green."

"Ano naman?"tanong ni Gray.

Umayos ako ng pagkakaupo.

"Sa loob ng ilang taong nag aaral kayo sa Alrington. Marami na ba kayong naging close doon?"

"Close as in kaibigan?"paglilinaw na tanong ni Blue.

Peke akong ngumiti at tumango.

"No. Wala kaming close na ganun. Kaming lima lang ang madalas magkakasama."paliwanag ni Gray.

"Oo. Kung kasama man namin ang iba pang estudyante ng Arlington. Ito ay dahil members sila ng Morpeheous ladies."paliwanag naman ni Blue.

"Eh paano kung mga staff ng Arlington? Like gardeners, security guards, janitor, janitress, teachers and etc."

Nagkatinginan silang dalawa at magkasabay na umiling.

"Sorry pero hindi kami nakikipag-kaibigan sa mga ganun. No offence. Saka matatanda na yun."sabi ni Blue na ikinatango ni Gray.

"Ganun ba."sabi ko at pilit inaalala ang itsura ng babaeng kausap ni Green kaninang tanghali.

"Bakit mo na itanong? At anong kinalaman ni Green diyan?"tanong ni Gray.

Hinimas ko ang aking batok ng maalala ang huling sinabi ni Green sa akin.

Kapag nalaman nila Red ang tungkol dito patay ka sa akin.

Umiling iling ako.

"Wala lang. Naisip ko lang."pagsisinungaling ko.

Bumuga ng hangin si Blue.

"Okay. Maiba ako. Aasahan ka namin ah. Sa mission na haharapin ng grupo."

"Ang alin? Ang misyong unahan sila Craig sa paghuli sa mga soldato ng Scorpion Onźe?"agad kong tanong.

Napapalapak siya.

"Oo at exciting yun. Kasi first time akong susubok sa ganung eksena."masayang sabi ni Blue.

"Anong exciting dun? Nakakatakot kamo."nakasimangot na sabi ni Gray.

"First time? Ibig sabihin, never ka pang napalaban?"gulat kong tanong kay Blue.

Mabilis siyang tumango.

"Ako rin."sabi ni Gray at tinuro pa ang sarili niya.

"Why? Hindi ba bata palang kayo nasa pangangalaga na ni Don Nicanor?"

"Si Red, Black at Green lang ang madalas na makipag-bugbugan. Kasi sila lang ang mas magaling."sagot ni Blue.

So, tama ang hinala ko. Si Red, Black at Green nga may ibubuga pagdating sa combat battle. Halata palang sa mga asta nila.

"Buti nalang dumating ka sa amin. Sigurado mananalo tayo laban sa grupo nila Craig."patuloy na bulalas ni Blue.

Ang kaniyang mga mata ay nagnining-ning.

"Huwag kayong masyado mag expect. Simpleng soldato lamang ako."

Umiling iling si Gray.

"Hindi ah. Ang mga tulad mong galing sa Top Famiglias. Hindi lang yun simple."

Nang marinig iyon mula sa kaniya ay natigilan ako.

"What? Anong sabi?"gulat kong tanong.

Kumunot ang noo ni Gray.

"Ang alin? Ang galing ka sa Top Famiglias?"

Agad akong tumango.

"Ah, yun ba. Sabi kasi ni Gucchi nakita niya raw ang tattoo mo malapit dyan sa collarbone mo. Tapos nang isearch niya. Nalaman niyang simbolo pala yun ng Top Famiglias."

Lihim akong napamura sa kaniyang sinabi.

What the fuck. Bakit walang kinuwento sa akin si Gucchi tungkol dito. At kailan niya nakita ang tattoo ko?

Wala akong matandaang nagkasabay kami sa pagligo. Dahil hindi ako naliligo ng may kasabay. Wala rin akong matandaang nakahubad ako ng pang itaas ng lumabas sa kwarto ko. So, paano makikita ni Gucchi ang tattoo ko.

Mayroon akong dalawang tattoo. Yung isa nasa likuran ko. Iyong ikalawa ay malapit nga sa collarbone ko. At mahalaga ang mga tattoo na ito. Dahil ito ay sumisimbolo ng pagiging miyembro ko ng Top Famiglias.

"Sikat na sikat ang Top Famiglias dito sa Mackenzie City. Dahilan para matakot sa kanila ang halos karamihan sa mga mafian group dito. Lalo na yung tsismis noon na balak ng leader nila na sakupin ang buong Magnium Guild."pagkukwento pa ni Gray.

Ang kaniyang sinabi ay pawang katotohanan ay hindi tsismis. Mukhang nakarating sa lahat ang pinakalalat ni Kareshi noon sa pinaplano kong isama ang Magnium Guild sa nasasakupan ng Top Famiglias.

"Pero kung sila takot. Kami hindi. Sabi ni Dad. Gusto niya raw maging kakampi ang Top Famiglias. Kasi hinahangaan niya ang dating Capo nito."sabi naman ni Blue.

Nagtaka ako doon. Hinahanggan ni Nicanor si Dad? Magkakilala ba sila?

"Ang swerte at dati kang nandun sa grupo nila. Bakit ka nga pala umalis?"

Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong dapat ireact sa kwentong dumating mula sa kanila.

Mukhang ang pagkakaintindi nila ay dati akong soldato ng Top famiglias. Na umalis doon at dito napadpad sa Mackenzie City.

So, iyon siguro ang dahilan kung bakit ipinagmamalaki ako ni Red kay Craig kanina. Confident si Red na magagawa naming maungusan sila Craig lalo na at kakampi nila ako.

Grabe makagawa ng kwento si Gucchi. Pero sa kabilang banda. Maganda na rin ito para mas convincing ang pagpapanggap ko bilang isang soldato. Kaya lang, hindi ko gustong nalaman nila ang pagiging miyembro ko ng Top Famiglias.

"Acel."rinig kong tawag nila sa akin dahilan para mapabalik ako sa reyalidad.

Muli akong tumitig sa kanila at ngumiti ng tipid.

"Oo naman. Tutulong ako sa inyo tutal Boss ko kayo. Pero huwag kayong masyadong mag expect sa akin. Dapat talaga magtulungan tayo."sabi ko.

Isa pa ito sa iniisip ko ngayon.

Gusto nila Red na hanapin namin ang mga taong pagala-gala dito sa Mackenzie City at pumapatay ng kung sino-sino. Ayon kay Craig, mga soldato raw ito ng Scorpion Onźe base sa tattoo na nakita nila. Iyan ang kumakalat na kwento sa Arlington.

Hindi ako sure kung totoo yun. Pero kung totoo nga. Tagilid na naman ang identity ko. Alam kong malaki ang galit sa akin ng Supremo ng Scorpion Onźe at hanggang ngayon balak nila akong patayin.

Sa oras na makita nila ako. Maaring malaman nila Red kung sino talaga ako. Ang worst pa dun, baka mabulyaso ang misyon ko na tukuyin kung sino sa kanilang magkakapatid ang apo ni Don Buenza.

Pero wala akong magagawa kung hindi sumunod sa utos nila Red. Dahil nga soldato ang ganap ko dito sa mansyon nila. Kalakip ng pangambang baka maungkat ang totoo kong pagkatao ay nag aalala din ako sa magiging safety nila. Oo nga at hindi ko gusto ang mga ugali nila. Pero ayoko namang mapahamak sila ng dahil sa akin.

Nakakainis lang na mukhang hindi talaga ako matatahimik hanggat nanatiling buhay pa ang mga miyenbro Scorpion Onźe. Buti nalang kahit paano ay mababawasan sila dahil sa tulong ni Ace.

"Ayos lang yan. Basta iisang grupo tayo kaya dapat nagkakaisa."sabi ni Blue.

"Oo naman."nakangiting pakiisa ni Gray sa kapatid.

Pagtapos kong makipag usap sa kanila ay nag paalam na akong aalis. Sila naman ay nagtungo na sa Dining room para kumain ng hapunan. Kami nila Gucchi mamaya pa pagtapos nila.

Nang may makasalubong na katulong ay tinanong ko ito kung nasaan si Gucchi. Ang sagot niya ay nasa libray daw ito at may inasikaso kaya agad akong pumunta doon. Nadatdanan ko siyang may kung anong tinitignan sa kaniyang laptop. Base sa nakita ko ay patuloy niyang pinag aaralan ang mga files na makakatulong sa amin sa paghahanap sa mga target. Obviously, yung nga soldato nga raw ng Scorpion Onźe.

Pero dahil mahalaga ang pakay ko sa kaniya ay tinanong ko siya kung pano niya nalaman ang tungkol sa tattoo ko.

Kung pumasok ba siya sa kwarto ko at tinignan ang katawan ko habang tulog ako? Dahil kung ganun nga. Medyo creepy yun.

"Hindi ah. Hindi ko yun gagawin."agad niyang sagot.

"Kung ganun. Paano mo nga nalamang may tattoo ako dito?"

Itinuro ko pa ang collarbone ko sa kanang bahagi.

"Narinig ko nung isang araw na nag uusap usap si Boss Red, Black at Green tungkol dun."

Namilog ang mga mata ko.

"Huh?"

"Sa pag uusap nilang tatlo ko kaya ko nalaman ang tattoo mo at miyembro ka pala ng Top Famiglias. Syempre nagulat ako at inisip ko kung totoo ba yun at kung may basehan ba. Pero base sa pag uusap nila. Mukhang totoo. Diba?"

Hindi ako nakaimik. Napasimangot ako ng mapansing nakatitig siya banda sa leeg ko. Mukhang interesado ang mokong na makita ang tattoo ko. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Oo totoo yun. Miyembro nga ako ng grupong yun noon. Hindi na ngayon."kunwaring paliwanag ko.

"Sabi na totoo, eh. Pero bakit ka umalis?"

"Confidential."tanging dahilan ko.

Tumango siya.

"Okay. Hindi naman kita. Pipilitin. Pero kamangha-mangha ka. Kasi napasama ka sa ganung grupo. Nangangahulangan lang yan na magaling ka. Kaya confident si Boss Red na mananalo tayo laban kay Craig."

Hindi ako natutuwa sa mindset nila patungkol sa pakikipag-kompetensya kay Craig at sa grupo nito.

Kaya silang desididong mahuli ang mga mafiosong kriminal dahil sabik sila sa popularity lalo na si Red. Hindi sila interesadong mahuli ang mga iyon para makatulong sa mga ordinaryong taong nabiktima na. Kaya ako naiirita.

Pero sabi ko nga. No choice ako. Kailangan ko silang tulungan. Isa pa, kung miyembro nga Scorpion Onźe ang mga taong iyon. Mas dapat ko silang tulungan. Dahil isa sa mga kalaban ko ngayon ang grupong iyon.

"Nakakapagtaka nga eh. Kung paano nalaman nila Boss ang tungkol sa tattoo mo."dagdag niya pang sabi.

"Iyon nga ang itatanong ko saiyo. Paano nila nalaman? Samantalang, dumating ako dito. Hindi ako nagsasabi tungkol sa grupong pinagmulan ko dati."

Umilng siya sabay tawa na halatang mong pilit.

"Wala akong ideya. Hindi ko na rin naisip itanong. Kasi baka parusahan ako kapag nalaman nilang nakikinig ako sa pinag uusapan nila. Basta sinabihan ko lang si Boss Blue at Gray na huwag sasabihin sa iba pa nilang kapatid na ako nagsabi sa kanila ng tungkol sa dati mong grupo."

Ang kaniyang dahilan ay valid naman. Kaya hindi ko siya masisisi.

"Mabuti pa maghapunan na tayo."pag aya niya at tumayo na sa upuan.

Sinenyasan niya akong sumunod ng maglakad siya papunta sa pinto. Na ginawa ko naman.

Alas syete na yata kami nakakain ng hapunan pagtapos ng mga Amo namin. Kasabay ko pa rin sila Gucchi pati ang iba pang tauhan dito sa mansyon. Sa loob ng dalawang linggong pananatili ko dito ay nagagawa ko ng makasanayan na makisama sa kanila. At sanay na ako sa bawat ugali nila. Tutal noon pa man, hindi na bago sa akin na maka-encounter ng ibat-ibang klase ng tao.

Pagtapos kumain ay naisipan ko munang magpahinga sa garden. Kaya lang habang papunta ako dun ay napadaan ako sa isang silid na bahagyang nakabukas ang pinto. Dahil minsan tsismoso na ako. Naisipan kong sumilip doon lalo na at nakarinig ako ng may kung anong nabasag. Nagtaka ako ng makita si Red. Isa-isa niyang hinahagis sa sahig ang mga picture frame na nasa ibabaw ng malaking piano.

Ang kaniyang mga mata ay nanlilisik sa galit. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan at pumasok sa loob.

"Boss, anong ginagawa mo?"usisa ko.

Natigilan siya at nilingon ako. Napangiwi ako ng makitang mas lalong naningkit sa galit ang mga mata niya.

"Lumayas ka sa dito. Kung ayaw mong ibato ko to sa pagmumukha mo."banta niya habang hawak pa ang isang picture frame.

Hindi ko siya pinansin. Diretso lang akong naglakad palapit. Dumampot ako ng isang picture frame na basag-basag na ang salamin. Napatitig ako hawak ko.

Isang babae at lalaki ang magka-akbay sa litrato.

"Daddy mo 'to diba?" Itinuro ko ang lalaking nasa litrato.

Sumimangot lang siya. Pero alam kong si Nicanor ito base na rin sa nakita kong litrato sa files niyang ibinigay ni Dad sa akin.

Bumaling naman ang tingin ko sa babaeng kasama ni Nicanor sa litrato.

"Eh sino naman 'to?"tanong ko pa dun.

"Yan ang bruhilda niyang asawa."

"So, step mom ninyo?"

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay hinablot niya sa akin ang picture frame at binato na naman ito sa sahig.

"Boss, relax. G na G ka."pagbibiro ko sabay tawa.

Napatigil ako sa pagtawa ng makitang hindi niya siya natutuwa sa sinabi ko.

"I'm just kidding."sabi ko.

Bumuga siya ng hangin at tumitig sa mga basag na picture frame sa sahig.

"Ang bruhildang yan. Balak umuwi dito sa pilipinas. Mag a-asta na namang reyna. Akala mo naman maganda."sabi niya na ang tinutukoy ay yung asawa ni Nicanor.

So, step mom nga nila ang babaeng nasa litrato. Naalala kong nakwento na sa akin ni Gucchi at Blue ang tungkol dito. Pero hindi ko akalain na bata pa pala ang asawa ni Nicanor. Halos ka-edad ko lang at nitong sila Red.

"Kailangang makagawa ako ng paraan para mapalayas ko ang babaeng yun dito."sabi pa niya.

Napailing iling ako habang nakatitig sa kaniya. Itong si Red ay mukhang hindi gusto ang Step mom niya. Pangkaraniwang sitwasyon ng isang anak kapag nakapag asawa ng bago ang pader de pamilya o ilaw ng tahanan.

"Anong balak mong gawin?"may kuryusidad kong tanong.

Tumawa siya dahilan para kumunot ang noo ko. Sa paraan ng pagtawa niya ngayon para siyang baliw na naka-kawala sa mental hospital.







______________________



Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
39.5K 1.3K 58
Isa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala per...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
147K 3K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...