Heart By Heart (The Architect...

By zamerra

652K 10K 410

[The Architects Series #2: Lauren Del Valle] Traumatized by her past love, Lauren Del Valle still manages t... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27- Amore In Fiamme
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 (Part 1)
Chapter 40 (Part 2)
Epilogue

Chapter 14

12.3K 206 4
By zamerra

L A U R E N

"Alis," mahinahon kong wika. "Umalis ka na bago pa ako mag-eskandalo dito -- sa mismong opisina ko," matigas na sinabi ko sa kanya. 

"H-heart..." I rolled my eyes at him.

"What do you need, Mr. Stephenson?" I asked him professionally. Baka naman may kailangan lang ito.

Tumayo naman ako at tinitigan siya. "Can we talk?" Tanong niya.

I just sighed. "What do you want to talk about?" 

His eyes twinkled. As if parang nanalo siya sa isang palaro. "A-about us... Lauren, I just want to fix things. Hindi naging maayos ang lahat sa ating dalawa. I want you to forgive me." 

Ngumiti nalang ako. Lahat naman ay nasa nakaraan na at siyempre, kailangan nang kalimutan ang lahat tungkol doon. "Wala na sa akin 'yon Arthur, at isa pa, baka nga talagang hindi tayo para sa isa't-isa. Malay mo, may babaeng para sa 'yo at may lalaking para sa akin..." 

...si Caius. 

Ha? Bakit biglang pumasok sa utak ko si Caius? 

Tumingin siya sa akin at nakakita ako ng lungkot sa mga mata niya. Lungkot, oo pero, ayoko nang balikan ang mga nakaraan namin. Hindi na dapat, at ayoko na. 

"Have you totally moved on?" He asks me. 

Tumango ako ng marahan. "Time heals all wounds, nga 'di ba? Kaya tignan mo, ilang  taon na rin ang nakalipas at mukhang mas nag-improve ang mga pag-iisip natin," I casually said. 

Lumapit siya at ako naman ay dahan-dahang umatras. Umiling ako habang ngumingiti. "Please, Arthur. Okay lang." 

Umiling din siya at hinatak ako palapit sa kanya. Yumuko siya ng kaunti at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "What if... I didn't let you go, will all the situation between us, was like the old times?" 

"M-maybe..." 

Narinig ko ang mahabang buntong-hininga niya at pakiramdam ko ay nanginginig na ang buong sistema ng katawan niya. "Lauren... please, let's give our relationship a chance." 

Hinarap niya ako at hinalikan naman ako sa aking noo. Hinaplos-haplos niya pa ang pisngi ko. Mababasa mo kaagad sa mga mata niya ang pagmamakaawa. Pinakiramadaman ko muna ang sarili ko at tumingin sa kanya. 

Ang tibok ng puso ko, hindi gano'n kalakas tumibok, ang haplos niya, wala nang epekto sa akin at kung tumingin siya ay parang wala lang. Sabi na nga ba, wala na akong nararamdaman para sa kanya. 

"Pero... Arthur..." Hindi ko alam ang isasagot ko. 

Meron pa ring parte ng puso ko na ayokong masaktan ko siya. Ramdam ko kasi ang marangal niyang tono ng boses. Nalilito tuloy ako. "What do you want me to do, hmm?" Ikinulong niya ang mga palad ko sa kanya. "Explain everything? The reasons? Just tell me, I'll be ready when you are." 

Nakatingin lang ako sa kanya. Wala akong maramdaman, ewan ko kung bakit. Kahit na ganyan ang tono ng boses niya ay parang walang saysay sa akin. Binubuksan ko naman ang tenga ko para makinig sa kanya, ang kaso nga lang, parang ayoko na gusto. 

Ewan, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

"K-kasi..." Nahihirapan na akong magsalita. 

Pareho niya pang hinalikan ang likod ng dalawa kong kamay. "Please tell me what to do, Lauren. I'm willing to make this work. I want our relationship to continue." 

"A-arthur naman, eh." sinikap kong tumingin sa ibang sulok ng opisina ko.

Ang hirap naman ng ganito! Hindi ako makapagdesisyon ng maigi. Bakit ba kasi bumalik pa siya? Masaya na nga ako sa piling ni Caius, e. Tapos ngayon, mangongonsensiya siya kung kailan naman na handa na akong magmahal ng iba. 

Ilang sandali lang ay nakita ko ang pagkabigo sa kanyang mga mata at unti-unting binitawan ang mga kamay ko na kanina lang ay nakatapat lang sa kanyang puso. Nakita ko naman siyang yumuko at ang paghinga niya ng malalim. 

"Whoever that man is, I envy him." Ngumiti siya na hindi umabot ng tenga. "He's so lucky to have you, Lauren. I experienced it myself the days that I can't stop loving you. The days go by and I think every man will praise you as his beautiful wonder, my love." 

I gave him courage just by smiling. "Akala ko rin kasi ikaw na. Kaso, hindi e. Sayang Arthur, sayang..." 

My eyes widened when I witness his weak spot. Lumuhod siya sa harapan ko at hindi ko akalaing hahagulhol siya. Napatakip ako ng aking bibig at hindi ko maiwasang tapatan siya. "I'm sorry... I've been so stupid to let go a woman like you..." I touched his cheek and also him. "I still love you, like how I express to you years ago, Lauren. I've lost my chance. I am a fúcking, asshole, right?" I chuckled. "Just let me love you, Lauren. It's the least I can do right now." 

"Arthur... you don't have too--"

He held both of my hands and enclosed it with his. "I love you. Maybe our feelings for each other is not that mutual anymore, but I'm willing to be hurt  just to take over all the pain you experienced on that day that I let you go." 

I just let him. Sa tingin ko, wala na akong magagawa. Nanaig ang awa ko para sa kanya. Muli ko na namang naalala ang mga masasayang mga sandali namin bago siya umalis at... iwan ako -- ng walang dahilan. 

Hindi ko alam, nalilito ako. Kung bibigyan ko lang siya ng isang pang pagkakataon ay baka mas lalo siyang masaktan at ayoko rin naman siyang umasa na meron pa kami. Dahil alam ko sa sarili ko na matagal nang wala 'yon. 

At isa pa, palagi kong naririnig sa ere ang boses ni Caius. 

"Ayokong umasa ka, Arthur. 'Wag mo namang pahirapan ang sitwasyon," pagmamakaawa ko. 

Dahan-dahan niyang inilapit ang noo ko sa kanya, at nang magdikit iyon ay agad niya akong tinignan sa mga mata. Gusto kong umiwas, gustong-gusto ko. Pero, parang siya na mismo ang nagsasabi na 'wag. 

"Fuck off from my queen, you díckhead!" 

Nagmamadali kaming tumayo ni Arthur. Napangiwi pa ako nang mabilis na pumunta sa direksyon namin si Caius. "Please, Caius--"

Takte, ayokong may gulo sa opisina ko! "Pathetic!" Napalingon ako kay Arthur na ngayon ay matigas na tinititigan si Caius. Hindi maganda 'to

Alam ko kung paano magalit si Arthur. Ako pa mismo ang nakatuklas noon ng halos mahawakan ako ng 'di kilalang mga nilalang. "You don't have the rights to--" 

"To what?" Putol ni Arthur sa sasabihin sana ni Caius. 

Halos tumili pa ako nang hugutin ni Caius mula sa kwelyo ni Arthur at malakas na idinikit sa pader. "If you touch her again, I'll make you suffer and beg for your death." I ran into them. 

"Caius! Bitiwan mo nga siya!" Hinawakan ko siya sa kanyang siko pero, itinaboy lang niya 'yon. 

Ito namang si Arthur, wala 'man lang bang reaksyon kahit na sobrang diin na ang pagkakadikit sa pader! Napakamot nalang ako. "Why don't we test it now?" Sarkastikong tanong ni Arthur kaya napalingon ako kay Caius kung ano ang magiging reaksyon niya. 

Inismiran ni Caius si Arthur at sandaling binitawan ito. Mabilis siyang kumilos at kinuha mula sa kanyang bulsa ang isang hindi pang-ordinaryong kutsilyo. Mas lalo pa akong nataranta! 

"Yeah, good idea." 

Shít! Nagsukatan sila ng titigan at wala 'man lang bakas ng takot si Arthur sa hinandang armas ni Caius. Walang inaksayang panahon si Caius at agad na sumugod papunta kay Arthur pero, mabilis naman itong nakapalag sa muntikan nang mahagilap na kutsilyo mula sa kamay ni Caius. 

"Don't run away, díckhead! You really are a coward!" Singhal ni Caius at mabilis na pumunta kung saan naroon si Arthur. 

"Caius! Ano ba?! Put your knife down!" Utos ko, kaso parang wala siyang naririnig. 

Kinuha ni Arthur ang isang plorera na mula sa center table ng opisina ko. Nagsukatan muli sila ng tingin at pinangsikitan lang ni Caius ng mga mata si Arthur. "Are you sure you're going to beat me with that?" 

"We have the same purpose, man. I also want to kill you," sagot naman kaagad ni Arthur. 

"CAIUS! ARTHUR!" Hindi ko na napigilang sumigaw, mabuti naman at nakuha ko ang mga atensyon nila. "Kung gusto niyong magpatayan, pwede ba, 'wag dito sa mismong opisina ko!" Huminga ako ng malalim at pinatitigan ko silang dalawa. "Kailangan niyo ba talagang umabot sa ganyan?!" Turan ko sa dalawa. 

Rinig na rinig ko pa ang mabibigat na hininga nilang dalawa at tila gustong ipagpatuloy. Sana naman isa sa kanila ang parehong ibaba ang mga hawak-hawak nila! 

"Kung ano 'man ang hinawak niyo, ibaba na... ngayon din," mabilis kong utos. 

'Tila nabunutan ako ng maraming tinik sa dibdib nang pareho nilang ibinaba ang mga hawak-hawak nila. "Let's have lunch," sabay pa nilang sabi. 

Inirapan ko ang dalawa. "Nawala ang gutom ko sa inyong dalawa," mataray kong sambit. "Sige na, umalis na kayo sa opisina ko, bago pa ako magpatawag ng security." 

●♥● 

"Coffee?" Tumango nalang ako sa alok ni Lexa. 

Agad naman niyang inilapag ang isang baso ng kape sa mesa ko. "Hindi ka pa uuwi? Baka hinahanap ka na ni Axel." 

She looked at her watch and faced me. "Ang gloomy mo buong araw, girl. May nangyari ba?" Tanong niya. 

"Nasira na kasi ang araw ko. Muntikan pang may magpatayan dito sa opisina natin," banggit ko at halos lumuwa ang mga mata niya. 

"You must be kidding me," hindi makapaniwalang sabi niya habang umiiling. "Buti naman at walang nasira." 

Nagkibit-balikat ako. "Parang mga tigre kung magtitigan sila Caius at Arthur kanina." 

"Wait, si Arthur at saka si Mr. Montez?!" Tili niya. 

Itinaas ko ang mga kilay ko at ininom ang kape ko. "Tama." 

"Love triangle lang ang peg?! Haba ng hair mo, ha!" Natatawang sabi niya. 

"Baliw!" Pabiro kong sabi. 

"Na'ko,'te! Ikaw na. Talagang ikaw na," tili niya pa. Kung hindi ko lang 'to kaibigan ay baka kanina ko pa 'to binatukan at buhusan ng mainit na kape. 

Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit sobrang protective ni Caius. Parang nakakita siya ng isang matinding kalaban na pwedeng makahadlang sa kung ano 'man ang kanyang plano. Malamang, ipinakita na niya kung gaano niya kinasusuklaman si Arthur. 

Oo nga pala, gusto niya akong lumayo mula kay Arthur. 

"Mr. Montez?" Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Caius na nasa labas. 

Tumayo ako. Napasinghap ako ng wala siyang paalam na pumasok ng tuluyan dito sa opisina namin ni Lexa. "M-may kailangan ka?" 

Hinarap niya ako at hinawakan sa braso. "You are my property, remember?" Sinubukan kong kumalas pero, ang higpit ng pagkakahawak niya. "Now, tell me, are my rules difficult enough to remember?"

Tumingin ako sa aking gilid at huminga ng tulong kay Lexa. "M-Mr. Montez, please, pakibitawan naman ang kaibigan ko..." 

"Caius..." Tawag ko sa kanya. 

I looked directly in his eyes. Nakakatakot rin pala si Caius kung magalit. Oo, inaamin ko naman na hindi ko sinunod ang patakaran niya. Pero, nakakasakal rin pala. Sa sobrang possessive niya siguro ay baka wala na akong makilalang ibang tao. 

"I need an answer, Denisse." 

Napasinghap pa ako ng madiin niyang binanggit ang mga katagang na iyon. Hindi na ako mapakali, kinakabahan na ako. "H-hindi..."

Sa wakas ay binitawan niya rin ako at binalaan na rin si Lexa na umalis na. Mabilis naman niya iyong nagawa kaya laking pasasalamat ko. 

Napapikit ako ng mariin ng haplusin niya ang mukha ko. Narinig ko na rin ang pag-sara ng pintuan, hudyat na nakalabas na si Lexa. "My rules are not that hard to follow right, my Queen?" 

Tumango ako at inangat ang ulo ko para matignan siya. "P-pwede naman ako magpaliwanag--" 

"Do I have to give you punishment for not following your king's rule?" Tanong niya kaya napakunot ang noo ko. "Or, should I say it to you one more time?" 

Kinagat niya ang ibabang paret ng labi ko kaya napahiyaw ako sa sakit. 

"C-Caius!" 

Ngumisi lang siya sa akin at inilapit niya ako sa kanya. "Listen to me, if that asshole will be near you again, I swear... there is no chance that he will live," seryoso niyang sabi sa akin.

●♥●  



Continue Reading

You'll Also Like

205K 1.3K 21
WILL BE REPUBLISHED. Book 3 of my series. 05.25.22
798K 9.8K 47
[The Architects Series: Xander Del Valle (part two)] "Showing it to them that I am a changed man, a responsible father and a possessive husband..."...
179K 8.9K 40
Minahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raf...
651K 10.2K 42
Roxanne hates Nikko's guts. Nikko fell for Roxanne. They're worlds apart. Will there be a happy ending?