RETURN OF THE KING (COMPLETED)

By mafioso_akio

32.4K 1.3K 414

Namatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio More

KING
PROLOGUE
CHAPTER 1: I'm Back
CHAPTER 2: Mission
CHAPTER 3: Angel without wings
CHAPTER 4: Soldato
CHAPTER 5: Being a student again
CHAPTER 6: Morpeheous Ladies
CHAPTER 7: Band Aid
CHAPTER 8: Blue Rose
CHAPTER 9: Warning
CHAPTER 10: Make out
CHAPTER 11: Secret Lover
CHAPTER 12: Untold Story
CHAPTER 13: Avi Gray
CHAPTER 15: Something suspicious
CHAPTER 16: Tattoo
CHAPTER 17: Daughter
CHAPTER 18: Amy Green
CHAPTER 19: Trouble
CHAPTER 20: Acceptance
CHAPTER 21: Favorite Song
CHAPTER 22: Mistress
CHAPTER 23: Caught
CHAPTER 24: Black Page
CHAPTER 25: Death Battle
CHAPTER 26: Alliance
CHAPTER 27: Substitute
CHAPTER 28: The Evil Sisters
CHAPTER 29: Craig Revelations
CHAPTER 30: Red Queen
CHAPTER 31: Stuck with you
CHAPTER 32: Flirtatious
CHAPTER 33: Combat Exercise
CHAPTER 34: Love Triangle?
CHAPTER 35: Birthday Party
CHAPTER 36: Drunk
CHAPTER 37: Confession
CHAPTER 38: Angry Bird
CHAPTER 39: Overnight Swimming
CHAPTER 40: End Game?
CHAPTER 41: Supremo
CHAPTER 42: Visitor
CHAPTER 43: Plan
CHAPTER 44: Saving the queen
CHAPTER 45: The End
EPILOGUE

CHAPTER 14: Kalachuchi

389 26 16
By mafioso_akio




Sa tana ng buhay ko. Never ko pang na experience na mag comfort ng babaeng broken hearted. Bihira kasi akong makihalubilo sa mga babae. Bukod pa dyan, wala akong kaibigang babae. Kaya ngayong umiiyak si Gray sa harapan ko ay wala akong ideya kung paano siya mapapatahan.

Basta tahimik lamang akong nakikinig sa mga kung anong sinasabi niya.

Matapos ang eksena sa bahay ni Vander ay niyaya kona siyang umuwi. Pero ayaw niya pa. Mamaya na raw. So, naisip kong dalhin nalang siya sa isang tahimik na lugar.

Saan nga ba may tahimik na lugar?

Eh di sa sementeryo na malapit lang sa mansyon nila. Pagkadating dun ay magkasabay kaming bumaba ng sasakyan at umupo sa damuhan habang nasa harapan namin ang sandamak-mak na nitso ng mga patay. Buti nalang hindi ito private cemetery kaya walang bantay. So, malaya kaming tumambay dito.

Akala ko tapos na siya sa pag iyak kanina. Pero pagkadating palang namin sa lugar na ito ay muli na naman siyang umiyak. Halos basa na nga ang panyo niyang hawak.

Paulit ulit niyang sinisigaw ang pangalan ni Vander na manloloko daw ito at siya naman itong si Tanga ay nagpaloko. Marahan ko lang tinapik tapik ang kaniyang kanang balikat at nanatiling tahimik. Hanggang sa mapansin kong huminto din siya sa pag iyak.

"Okay ka na?"tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa kalangitang puno ng mga bituin.

"Alam kong hindi ganun kadali mag move on. Pero sana, unti-unti mong makalimutan itong nangyari. Lalo na hindi ka deserve ni Vander."sabi ko.

Ito na naman ako. Dakilaga taga-payo. Ginawa ko na ito kay Blue nung nakaraan. Ngayon sa kaniya naman. Bakit puro sawi sa pag ibig ang mga babaeng ito.

Naku naman.

"Nakakainis lang. Naniwala ako sa kaniya. Nagtiwala ng lubos kasi mahal ko siya. Tapos totoo pala ang sinabi ni Red na manloloko siya."

Napatango ako.

"Ang mahalaga ay nakita mismo ng mga mata mo na ang katotohanan."sabi ko.

Napabuga siya ng hangin bago tinakip ang dalawang kamay sa mukha.

"Ang sakit lang. Nagtiwala ka. Tapos ganun ang gagawin saiyo."

Napangiwi ako ng mapansing maiiyak na naman siya. Marahan kong tinapik ang kanang balikat niya.

"Tahan na."sabi ko.

"Lagi nalang akong niloloko. Una, si Daddy. Ngayon naman si Vander."

Natigilan ako sa narinig at inalis ang kamay sa balikat niya.

"Niloko ka ng Daddy mo?"tanong ko.

Napatango tango siya bago umayos ng pagkakaupo at nag angat ng tingin sa akin.

"Nung magkaisip ako. Ipinagtapat sa amin ni Daddy na ampon niya ako kasama sila Red. Tinanong ko siya kung nasaan ang tunay kong mga magulang. Sabi niya patay."pagsisimula niya ng kwento.

Nakaramdam ako ng excitement sa kahihinatnan ng kwento niya. Saktong sakto dahil may gusto akong malaman sa kaniya.

"Pero sa sarili kong pag iimbestiga nalaman kong buhay pa ang mga magulang ko at hinahanap ako."dagdag niyang sabi.

"Buhay pa?"

Tumango siya at ngumiti ng tipid.

"Masaya ako ng nalaman ko yun. Pero malungkot dahil nagsinungaling sa akin si Daddy. Bukod sa sinabi niyang patay na ang mga magulang ko. Eh, dagdag sa kasinungalingan niyang ibinenta raw ako sa kaniya ng mga ito. Pero hindi. Dahil mismong ako ang naka-alam na kinuha niya ako sa kanila."

Peke akong natawa. Parang naguluhan ako bigla sa kwento niya.

"Teka paano mo nakausap ang mga magulang mo? Saka sigurado ka bang sila ang mga magulang mo? At nagsasabi sila ng totoo saiyo?"sunod-sunod na tanong ko.

Tumango tango siya.

"Nagpakita sila sa akin ng mga ibidensya. Mga pictures ko nung baby bago pa ako makuha ni Nicanor sa kanila."

"Mga ilang taon ka nun?"

"Sabi ng Mama ko. One year old ako ng mawala sa kanila."

Napakurap kurap ako at seryosong sinaksak sa utak ko ang mga nalaman.  One year old siya ng mapunta sa poder ni Nicanor. Meaning, hindi siya ang hinahanap ko.

Ayon sa nakuha kong info at sinabi ni Daddy sa akin. Halos kapapanganak palang ng apo ni Don Beunza ng mawala ito. Sa tansya ni Daddy ay baka mga six months old.

"Marami silang pinakitang litrato sa akin at mga papeles kaya naniwala ako. At isa pa, may palatandaan sila sa akin."sabi niya na nagpabalik sa kasalukuyan.

"Anong palatandaan?"may kuryusidad kong tanong.

Ngumiti siya at itinaas ang kanang braso.

"Ito yung peklat ko nung ma-aksidente nung baby pa ako dahil sa kapabayaan ng nagbabantay sa akin."natatawa niyang sabi.

Titig na titig ako sa braso niya. Ngayon ko lang natitigang mabuti na may itim na marka banda sa siko niya.

"Kung ganun. Hindi ikaw ang hinahanap ko."mahina kong bulong.

Gayunpaman, mapapanatag akong tama nga ako ng hula kapag nagkausap na kami ni Claud. Ang update niya ang pagbabasehan ko.

"Huh? Anong sabi mo?"naka-kunot noo niyang tanong.

Bahagyang manlaki ang mga mata ko doon. Hindi ko expected na maririnig niya yun.

"Ah, ibig kong sabihin. Gabi na umuwi na tayo."pag iiba ko ng usapan sabay tawa ng pilit.

Bumuga siya ng hangin sabay tango.

"Pasensya na. Ang drama ko."

Umiling ako at tumayo na sa pagkakaupo. Nakangiti kong inilahad sa kaniya ang kanang kamay ko. Tinnaggap niya naman agad ito at tumayo na rin.

"Pero alam mo. Kahit nagsinungaling sa akin si Daddy. Madali ko siyang napatawad. Kasi malaki ang nagawa niya kaya nandito ako ngayon. SiVander, hindi ko mapapatawad."

Nagsimula na kaming maglakad palapit sa kotseng nakaparada sa malapit.

"Paano yung mga tunay mong magulang?"bigla kong na itanong.

"Magkasunuran silang namatay na sila last year."

Nakita ko ang paglungkot ng kaniyang mukha sa na sabi.

"Sorry sa pagtatanong."

Mabilis siyang umiling.

"Wala yun."

Ngumiti lang ako ng tipid. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makasakay na ng sasakyan. Mabilis ko ng pinaharurot ito paalis. Habang siya ay nasa tabi ko. Napangiwi ako ng masulyapang pasado alas dyes na ng gabi.

"Nakaka-guilty tuloy."narinig kong sabi niya.

"Hmm?"tanong ko na ang tingin ay nanatili sa kalsada.

"Inaway ko pa si Red kanina. Pinagtanggol ko pa si Vander. Pero ang Gagong yun. Dakila palang manloloko."

Kung ako ang nasa posisyon niya ay baka ma-guilty rin ako. Lalo na at kapatid ko yung inaway ko para lang sa isang taong inaakala kong matino. Buti nalang sa ngayon ay hindi pa naman kami nag aaway ni Ace ng matindi.

"Siguro dapat mag sorry ako."sabi niya.

"Ganun na nga."pagsang ayon ko.

Pumasok sa isipan ko ang sagutan namin ni Red kanina. Mukhang tulad ni Gray ay kailangan ko rin na mag sorry kay Red. Aaminin kong hindi maganda ang mga sinabi ko sa kaniya.

"Tingin mo mapapatawad ako ni Red?"

Mabilis ko siyang sinulyapan bago tumango sa kaniya.

"Hindi man halata sa kilos at mga sinasabi niya. Mahalaga ka kay Red dahil magkapatid kayo. Sa dugo man o papeles. Kaya mapapatawad ka nun."

"Sana nga."

Pagtapos ng usapan na iyon ay parehas na kaming nanahimik. Hanggang sa makabalik na kami ng mansyon. Nang maiparada ko ang sasakyan sa garahe ay magkasabay na kaming lumabas.

"Acel, salamat sa pagsama mo sa akin at sa pagdamay sa kadramahan ko."sabi ni Gray.

Natawa ako at umiling sa kaniya.

"Wala yun. Boss kita at kaibigan na rin."

Namilog ang kaniyang mga mata bago pumalakpak.

"Ayos mayroon akong bago kaibigan."

"Tara na. Baka naghihintay na sila sa loob."sabi ko.

Tumango lang siya kaya magkasabay na kaming naglakad papasok sa loob ng kabahayan. Saktong pagpasok namin ay na abutan naming nag aabang si Red, Green, Blue, Black at Gucchi.

"Gray!"naibulalas ni Blue sabay lapit dito.

"Saan ka galing?"seryosong tanong ni Red.

Bago pa makasagot si Gray ay naisipan ko ng sumabat.

"May binili lang siya kaya sinamahan ko."

Literal na dumako sa akin ang tingin ni Red. Seryoso ang mga mata niya. Napalunok ako ng maglakad siya palapit sa akin. Huminto siya mismo sa tapat ko.

"Sinungaling!"sigaw niya at bigla akong sinuntok sa sikmura.

Napadaing ako at bahagyang napaatras palayo. Nakayuko kong hinawakan ang sikmura ko gamit ang kanang kamay.

"Red!"rinig kong sigaw ni Gray.

Naramdaman ko ang paglapit ni Gray sa akin.

"Alam ko kung saan kayo galing! Anong tingin ninyo sa akin? Tanga? Ha!"galit na bulyaw nito.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Ang kaniyang mga mata ay matalim na nakatitig kay Gray bago sumulyap sa akin.

"I'm sorry, Red."paghingi ng tawad ni Gray.

Hindi siya tinitigan ni Red. Ang tingin nito ay na sa akin.

"Binabalaan kita, Acel. Sa susunod na kunsintihin mo ang kagagahan ng mga kapatid ko. Tatanggalin kita sa trabaho."sabi niya at walang paalam na tumalikod bago naglakad palayo.

Nakangiwi akong tumayo ng tuwid habang ang isang kamay ay nasa sikmura pa rin.

"Red!"tawag ni Gray kay Red at dali-dali itong sinundan.

Sumunod din sa kaniya si Blue. Habang si Black ay sinamaan muna ako ng tingin bago naglakas na rin paalis.

"Yan ang napapala ng isang pakialamero."mataray na sabi ni Green at umalis na rin.

Naiwan kaming dalawa ni Gucchi. Nakasimangot siyang lumapit sa akin.

"Ano buhay ka pa? Solid yung suntok ni Boss Red sayo."

Hindi ako umimik. Tinawanan ko lang siya bago ngumiw na ng himasin ko ang sikmura ko.

"Grabe ang babaeng yun."sabi ko sa isipan ko.




__________________





Alas onse na ng gabi pero hindi pa rin ako inaantok. Paikot ikot lang ako dito sa kama ko. Hindi mawala sa isipan ko ang mga ginawa kong kagaguhan kanina lang.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang suntok na natamo kay Red. Nakakainis na hindi ako nakaganti. Pero sa kabilang banda. Mukhang deserved ko naman ito dahil sa pangingialam ko. Kaya lang, kung tutusuin ay Boss ko pa rin si Gray. So, kahit anong hingiin niyang tulong ay tutulong ako.

Ganun din naman ang gagawin ko kung si Red, Blue, Green o Black ang manghingi ng tulong. So, hindi rin ako masisisi ni Red sa ginawa ko.

"Pero nagalit siya sa ginawa ko."sabi ko at padabog na bumangon sa kama.

Hindi talaga ako makatulog. Naisipan ko nalang na lumabas. Suot ang jersey short at simpleng T-shirt na puti.  Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kwarto ko. Ramdam ko ang lamig ng sahig sa tsinelas kong suot. Ang katahimikan ng paligid ang sumalubong sa akin habang naglalakad. Halata mong tulog na ang mga kasama ko ngayon dito sa mansyon. Dahil sa katahimikan at ang mga ilaw ay patay na.

Upang magpalipas ng pagkabagot ay plano kong pumunta sa garden para magpahangin. Pero hindi pa ako nakakarating dun ng madaanan ang mga halamang bulaklak sa tabi.

Ang mansyon na ito ay punong puno ng mga bulaklak kahit pa dito sa loob. Bawat sulok ay may naglalakihang paso ng mga bulaklak. I guess, mahilig sa bulaklak ang mga Boss ko. Hindi lang halata sa mga personalidad nila.

Nakangisi akong pumitas ng bulaklak at inamoy ito.

"In fairness, mabango."sabi ko.

Napalingon ako ng maramdamang may presensya ng kung sino sa likuran ko. Bahagya akong nagulat ng makita si Blue.

"Ikaw lang pala."sabi ko.

Natawa siya at tumitig sa bulaklak na hawak ko.

"Mabango talaga yan. Yun lang masyadong matapang sa pang amoy."sabi niya at lumapit sa kinatatayuan ko.

Tumabi siya sa akin at tumitig sa mga bulaklak na nasa paso.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"tanong ko.

"Patulog na ako. Bumaba lang ako dito para uminom ng tubig."

"Ah."tanging na sabi ko.

Napansin kong nakatitig ulit siya sa bulaklak na hawak ko.

"Alam mo bang paborito ni Red ang bulaklak na yan?"

Natigilan ako at napataas ang isang kilay.

"Paborito niyang ito? Ang weird niya kung ganun."natatawang komento ko.

Sa pagkaka-alam ko ang bulaklak na ito ay Kalachuchi. Ayon hardinero namin sa Apex Mansion namin noon ay bulaklak ito ng patay.

"Wirdo talaga si Red. Pero mabait yun. Hindi lang halata. Kaya sana pagpasensyahan mo na siya sa nagawa niya."pagtukoy niya sa ginawang pagsuntok ni Red sa akin kanina.

"Alam ko."

Ngumiti si Blue at tinapik ang kanang balikat ko.

"Kausapin mo nalang siya bukas para magkaintindihan kayo. Ipaliwanag mo ang side mo."

Tumango ako bilang pagsang ayon. Siya naman ay naglakad na palayo. Muli kong tinitigan ang isang piraso ng bulaklak na hawak ko.

"Gising pa kaya ang isang yun?"tanong ko sa sarili.

Kahit hindi sigurado ay naglakad ako pa-akyat sa ikatlong palapag ng mansyon. Pupuntahan ko si Red para kausapin. Tutal hindi pa talaga ako makatulog.

Sa isang linggo kong pananatili dito sa mansyon ng mga Morpeheous ay alam ko na ang pasikot-sikot. Pati na rin ang kung nasaan ang kwarto ng mga Boss ko.

Nang marating ang tapat ng kwarto ni Red ay humugot ako ng malalim na paghinga. Akmang kakatok palang ako sa pinto ng bumukas ito. Dumungaw mula sa loob si Red na nakalugay ang medyo mahabang buhok. Napatitig ako sa mukha niya. Napansin kong mas maganda siya kapag walang make up. Tulad ngayon.

"Anong kailangan mo?"tanong nito.

Napatuwid ako ng tayo at bahagyang nag alangan kung ano bang dapat sabihin.

"Kung wala kang sasabihin. Umalis ka na."nakasimangot na sabi niya.

Nataranta ako ng balak niyang isara ang pinto. Ihinarang ko ang isang paa ko kaya natigilan siya at nagsalubong ang kilay.

"Pwede ka bang makausap?" Sa wakas ay lumabas sa bibig ko.

Niluwagan niya ang pinto kaya nakita ko na ang kabuan niya. Pinigilan kong matawa ng makitang naka-pajama siya na tweety bird ang design. Tapos ang pang itaas ay malaking T-shirt na hello kitty naman ang naka-print.

"Anong sasabihin mo? Bilisan mo na. Inaantok na ako."

"Sorry."sabi ko.

Sumeryoso ang mukha niya.

"Para saan?"

"Para sa mga na sabi ko kaninang hapon ng mag usap tayo."

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Para siyang robot na nakatingin sa akin.

"Alam kong naging judgemental ako sa pag aakusa saiyo."paliwanag ko.

Bumuga siya ng hangin at kinamot ang tuktok ng ulo.

"Bukod dun, gusto ko rin mag sorry dahil sa pangungunsinti ko kay Gray."dagdag ko pa at iniabot sa kaniya ang isang piraso ng bulaklak na kanina ko pa hawak.

Hindi siya umimik. Nakatitig siya sa bulaklak. Nakasimangot niyang kinuha ito dahilan para mapangisi ako.

Akalain mo yun. Sa bulaklak lang pala pwede na siyang mapa-amo.

"Kaya sana huwag ka ng nanapak. Masakit eh."pagbibiro ko.

Napaatras ako palayo sa kaniya ng makitang ambahan niya ako ng suntok.

"Opps, nag sosorry na nga ako."

"Hindi lang yan ang aabutin mo kapag  umalis ka ng walang paalam."

Napakunot noo ako.

"Huh? So, nagagalit ka dahil umalis ako ng walang paalam? At hindi dahil sinamahan ko si Boss Gray?"nagtataka kong tanong.

Namilog ang mga mata niya at lumapit sa akin. Sa bilis ng reflex ng kaniyang katawan ay hindi ko namalayan na sinipa niya na ako sa kanang binti.

"Shit."bulalas ko habang nakangiwi.

"Huwag kang assuming. Isa ka lang soldato. Natural na magalit ako ng umalis ka ng walang paalam. Tauhan ka dito. Dapat nagpapaalam ka sa amo mo."paliwanag niya.

Natatawang tumango ako.

"Oo na, Boss. Napaka-bayolente mo."

"Bakit gusto mo dagdagan ko pa?"nakasimangot niyang tanong.

Umiling iling ako at umatras pa ng isang hakbang palayo sa kaniya.

"Joke lang, Boss."sabi ko.

"Umalis ka na. Matutulog na ako."

Agad niya akong tinalikuran at pumasok na sa pintuan ng kwarto niya. Tahimik na akong naglakad paalis. Pero hindi pa ako nakakalayo ng tawagin niya ako.

"Yes?"sabi ko ng lingunin siya.

Ngayon ay nakatayo siya sa mismong tapat ng pinto.

"Thank you."

Napatulala ako. Ano daw? Thank you?

"Sinabi sa akin ni Gray ang ginawa mong pag comfort sa kaniya. Thank you para dun. Na appreciate niya ang effort mong pagdamay. Lalo na at broken hearted siya. So, kahit paano ay gumaan na rin ang pakiramdam ko."

Napangiti ako. Sa itsura niya at lumanay ng kaniyang boses. Halata mong sincere siya.

"Matulog ka na."sabi niya pa at lumakad na papasok ng kaniyang kwarto.

Ako naman ay nanatili sa kinatatayuan ko at nakatitig sa pinto ng kwarto niya.

"Kahit paano pala ay marunong magpasalamat ang mayabang na ito."sabi ko at lumakad na palayo.

Ngayon ay inantok na ako dahil panay na ang hikab ko.

Makatulog na nga.



___________________




Kahit late na akong natulog kagabi. Maaga pa rin akong nagising ngayong umaga dahil kay Gucchi. Ang hinayupak, kinatok ako sa kwarto ko ng saktong alas syete para lang mag jogging.

Dahil wala akong choice ay sinakyan ko ang trip niya.

Mabilis akong nagbihis ng isang itim na damit at jogging pants. Tapos ay dumiretso na kami sa labas ng mansyon para mag jogging.

Sabi ni Gucchi, tuwing linggo daw ay ganito ang routine niya sa umaga. Tutal walang pasok at wala rin siyang trabaho bilang tauhan nila Red. Kumbaga, kapag linggo ay PAHINGA DAY. Naalala kong linggo nga pala ngayon.

Sa mahabang kalsada dito sa subdvision lang ang tinatakbo namin. Bawal daw sa highway dahil pagagalitan siya ni Red. Kaya dito lang siya paikot ikot. Hanggang sa mapagod siya.

Tulad ngayon na pagod na siya. Inaya niya akong magpahinga muna saglit. Magkatabi kaming naupo dito sa mabatong gilid ng kalsada. Tinungga niya ang bottled water na hawak. Tapos ay huminga ng malalim. Ako naman ay pinunasan ng bimpo ang mukha kong puro pawis na.

"Madalas ka bang mag jogging dati?"bigla niyang tanong.

"Bihira."tipid kong sagot.

Bihira talaga dahil busy ako sa trabaho. Kumbaga, isang beses lang ako sa isang linggo.  Minsan nga hindi pa. Ganun din ang pagpunta ko sa underground gym ko para mag exercise.

"Ganun din ako. Lalo na kung busy talaga."sabi niya.

Napatigil ako sa pagpupunas ng mukha ng may maalalang dapat itanong sa kaniya.

"Gucchi, may itatanong sana ako."

Bumaling siya ng tingin sa akin habang tinakpan ang takip ng bottled water na hawak.

"Ano yun?"

"Tungkol kay Boss Red."

Nakita kong tumaas ang isang kilay niya.

"Anong tungkol sa kaniya?"

"Nang magkasagutan kami kahapon. May makahulugan akong napansin sa mga sinabi niya."

Kagabi ko pa iniisip ang tungkol dito. Although, hindi niya totally diniretsa pero hindi ako tanga para hindi yun maunawaan.

"Nagalit siya sa akin ng sabihan ko siyang walang pakiramdam, manhid, robot at hindi marunong magmahal. Pati na rin, hindi pa niya nararanasang mahalin. Sabi niya, hindi ko raw siya kilala kaya huwag ko siyang husgahan."pagsasalaysay ko.

Napatango tango siya.

"May punto siya dun. Hindi nga naman purkit ganun siya kumilos at magsalita pati na rin ang pag uugali niya. Eh, hindi na siya marunong magmahal. Tao pa rin siya at may pakiramdam."

"So, tama ako ng iniisip?"tanong ko.

Kumunot ang noo niya.

"Na?"

"Na naranasan niya ng magmahal. Tama ba?"

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin.

"Gucchi."tawag ko.

Tumango siya na ikinangiwi ko. Isinampay ko sa kanang balikat ang bimpo kong may katamtamang laki.

"Oo, sa pagkaka-alam ko. May lalaki na siyang nagustuhan noon."

Napangisi ako sa narinig.

"Akalain mong marunong nga siyang magkagusto."komento ko sabay tawa.

Napatigil ako sa pagtawa ng makita ang seryosong mukha ni Gucchi.

"Don't tell me si Craig yun?"biglang lumabas sa bibig ko.

Umiling siya.

"Isang lalaking hindi ko kilala kahit pa ng mga kapatid niya. Basta ayon sa narinig kong tsismisan ni Boss bLue at Boss Green. 14 years old daw si Boss Red ng magustuhan niya ang taong yun. Umaalis pa siya dito sa Mackenzie City para lang silipin ang taong yun. Pero sa kasamaang palad. Isang araw ay biglang nawala daw ang taong yun. Kaya nalungkot si Boss Red. Tapos ang ending, nagbago siya ng ugali."mahaba niyang pagkukwento.

Sa mga sinabi niya. Halatang tinamaan si Red sa taong tinutukoy ni Gucchi.

"Nakakalungkot lang dahil hindi nagawang magpakilala ni Boss Red sa taong gusto niya. Hanggang sa sumulpot si Craig at kinulit-kulit siya na umabot sa puntong naging magka-away sila."dagdag niyang sabi.

"Kawawa naman pala siya."mahina kong sabi.

Lahat talaga ng tao dito sa mundo may kani-kaniyang kwento. Masaya man o masalimuot.



____________________




Alas dyes na ng umaga ng makabalik kami ni Gucchi sa mansyon. Dahil pagod at pawis na ako sa pag jogging ay babalik na ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Saka kailangan ko pang tawagan si Claud dahil nakatulog ako kagabi. Alam kong may ibabalita siya sa akin.

Si Gucchi naman ay sumaglit sa opisina ni Flavian may sasabihin daw ito sa kaniya.

Pasipol-sipol pa ako habang binabaybay ang daan patungo sa kwarto ko. Ilang saglit lang ay natigil ako ng marinig na may tumatawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Gray na tumatakbo palapit sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap."sabi niya na halatang hiningal dahil sa pagtakbo.

Ngumiti ako ng alanganin sa kaniya.

"Pasensya na. Sumaglit kami ni Gucchi sa labas para mag jogging."sabi ko.

Natatawang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Kaya pala."

Natawa na rin ako.

"May kailangan ka ba sa akin?"tanong ko.

Bumaba ang tingin ko sa maliit na box na hawak niya.

"Ah, may ibibigay ako saiyo."sabi niya at iniabot sa akin ang box.

Bahagya akong napatulala at itinuro pa ang sarili ko.

"Para sa akin?"

Nakangiti siyang tumango. Kaya nahihiyang tinanggap ko ang box.

"Buksan mo na dali."pag uudyok niya.

Dahan-dahan kong inalis ang takip ng box. Namangha ako ng makitang maliit na biscuit ang laman nito.

"Ako gumawa niyan. Sana kainin mo lahat."sabi niya na hindi mawala ang ngiti.

"Bakit mo ko binibigyan ng ganito?"taka kong tanong.

"Pasasalamat ko dahil sa tulong mo kagabi. Saka dahil saiyo na unawaan ni Red ang paliwanag ko kaya okay na kaming dalawa."agad niyang sagot.

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Buti okay na sila.

"Salamat. Pero hindi mo na sana ako ginawan ng ganito."

Umiling siya.

"Ayos lang. Tutal wala rin naman akong ginagawa ngayon. Isa pa, gusto kong ipakita kay Green na marunong pa rin akong mag bake."

Napatango ako.

"Salamat ulit."

"Sige na. Magkita nalang tayo mamaya."paalam niya.

"Okay."sabi ko.

Nakangiti niya akong tinalikuran bago nagmamadaling tumakbo. Natatawang sinundan ko nalang siya ng tingin.

"Ibang iba ang mood niya ngayon kumpara kagabi."sabi ko at muling tinitigan ang box na hawak.

Isinarado ko ang takip nito at pumihit na paharap sa pinto ng kwarto ko. Pero ganun nalang ang gulat ko ng makita si Black na nakatayo sa harapan ko.

"Ay shit."gulat kong bulalas at humakbang palayo sa kaniya.

Nakangiwi kong hinimas ang kanang dibdib ko.

"Ikaw lang pala."sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Pansin kong masama ang tingin na pinupukol niya sa akin.

"Para kang kabuteng biglang sumusulpot."komento ko.

"Ibang klase rin ang kilos mo. Halatado ka."

"Huh?"taka kong tanong.

Napakunot noo ako ng magsimula siyang humakbang palapit sa akin. Isang hakbang ang pagitan namin ay huminto siya. Hindi nalalayo ang tangkad niya sa akin kaya sakto lang ang tingin namin sa isat isa.

Sa kanilang magkakapatid. Silang dalawa ni Red ang pinaka-matangkad.

"Una si Blue, Tapos ngayon si Gray naman. Sa susunod sino na? Si Red, Green at ako?"

Napailing ako.

"Hindi ko magets ang pinupunto mo."

Ngumisi siya bago nagsalubong ang mga kilay. Ngayon ay galit na naman ang itsura ng mukha niya.

"Bistado na kita. Isa-isa mong kinukuha ang loob naming magkakapatid. Tapos anong sunod? Paiibigin mo kami? Sasaktan? Iiwanan na parang basura? To the point na mag away-away kami dahil saiyo? Isa kang, Gago."

Natigilan ako matapos ang litanya niya. Hanggang sa matawa ako. Dahilan para kumunot ang noo niya.

"Anong nakakatawa, ah? Pare-parehas kayong mga lalaki. Masyado kayong mapanakit."patuloy niyang pagsasalita.

Bumuga ako ng hangin at sinulyapan ang box na binigay ni Gray. Ngayon ay nakaramdam na ako ng gutom.

"Sumagot ka."

Bakas sa boses niya ang iritasyon. Nakangisi akong nag angat ng tingin sa kaniya.

"Kaya nasasaktan kayong mga babae. Masyado kayong assuming. Mga advance ang pag iisip."taas noo kong sabi.

Namilog ang kaniyang mga mata.

"Anong sabi? Gusto mong masaktan ngayon?"mga tanong niya na parang naghahamon na ng away.

Hindi ako umimik. Humakbang lang ako palapit sa kaniya. Pinigilan kong matawa ng makita sa mukha niya ang kaba.

"Anong ginagawa mo?"tanong niya at unti-unting umaatras palayo sa akin.

Hanggang sa mapasandal na siya sa pinto ng kwarto ko. Ako naman ay lumapit pa talaga sa kaniya ng husto. Yung tipong kakaunti nalang ang espasyong pumapagitan sa aming dalawa. Agad kong na amoy ang mabangong cologne o pabango na gamit niya.

Akmang ibubuka niya ang kaniyang bibig para magsalita ng idikit ko ang isa kong kamay sa pinto. Bale, nasa gilid ito ng leeg niya. Bakas sa mukha niya ang pagkatigil at pagkataranta.

Halatang hindi siya kumportable sa ganito naming posisyon.

"Wala akong planong kunin ang loob ninyong magkakapatid. Natural lang na maging mabait ako sa inyo dahil Boss ko kayo. Isa pa, ni isa sa inyo ay hindi ko type. Malabong magkagusto ako sa inyo. Kaya sana, huwag din kayo magkagusto sa akin."sabi ko.

Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. Napaigik ako ng bigla niyang sipain ang isang binti ko. Napalayo ako sa kaniya.

"Damn."mahina kong sambit at ginalaw-galaw ang binti.

"Yabang mo."sabi niya at padabog na naglakad palayo.

Tumuwid na ako ng tayo ng makaalos siya. Iiling iling na tinitigan ko ang box na kanina ko pa hawak.

"Ako pa ngayon mayabang. Samantalang siya nga, binibigyan ng kahulugan ang mga ginagawa ko."sabi ko.

Mga babae nga naman.

Tahimik na akong naglakad papasok sa kwarto ko. Kakanin ko na itong binigay ni Gray. Tutal hindi pa ako nag aalmusal.






______________________

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 166 34
nagmahal ako ng tapat at totoo.kahit babairo ako.piro linuko lang ako at mas masakit na malaman mo lang pinagpalit ka sa yung kaibigan mo.kaya kung m...
7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
455K 17.3K 53
A story that starts in a miserable life. Getting killed by her own family because she's different. Does having a black hair and purple eyes is a curs...
1.7K 80 53
From the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. After the Goddess Zuleika saved Razzo fro...