RETURN OF THE KING (COMPLETED)

By mafioso_akio

32.4K 1.3K 414

Namatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio More

KING
PROLOGUE
CHAPTER 1: I'm Back
CHAPTER 2: Mission
CHAPTER 3: Angel without wings
CHAPTER 4: Soldato
CHAPTER 5: Being a student again
CHAPTER 6: Morpeheous Ladies
CHAPTER 7: Band Aid
CHAPTER 8: Blue Rose
CHAPTER 9: Warning
CHAPTER 10: Make out
CHAPTER 11: Secret Lover
CHAPTER 12: Untold Story
CHAPTER 14: Kalachuchi
CHAPTER 15: Something suspicious
CHAPTER 16: Tattoo
CHAPTER 17: Daughter
CHAPTER 18: Amy Green
CHAPTER 19: Trouble
CHAPTER 20: Acceptance
CHAPTER 21: Favorite Song
CHAPTER 22: Mistress
CHAPTER 23: Caught
CHAPTER 24: Black Page
CHAPTER 25: Death Battle
CHAPTER 26: Alliance
CHAPTER 27: Substitute
CHAPTER 28: The Evil Sisters
CHAPTER 29: Craig Revelations
CHAPTER 30: Red Queen
CHAPTER 31: Stuck with you
CHAPTER 32: Flirtatious
CHAPTER 33: Combat Exercise
CHAPTER 34: Love Triangle?
CHAPTER 35: Birthday Party
CHAPTER 36: Drunk
CHAPTER 37: Confession
CHAPTER 38: Angry Bird
CHAPTER 39: Overnight Swimming
CHAPTER 40: End Game?
CHAPTER 41: Supremo
CHAPTER 42: Visitor
CHAPTER 43: Plan
CHAPTER 44: Saving the queen
CHAPTER 45: The End
EPILOGUE

CHAPTER 13: Avi Gray

388 23 9
By mafioso_akio




"Mr.Warlord."tawag ni Hetti sa akin.

Alanganin ko siyang nginitian.

"Medyo confidential kasi ang tungkol dun."sagot ko.

Hindi naman ako tanga para sabihin sa kaniya ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito sa Mackenzie City. Pribado na iyon at kailangang itago sa mga tulad niyang hindi ko naman masyadong close. Mahirap na magtiwala sa ngayon. Lalo na at ilang beses na akong na traydor.

"Naiintindihan ko."sabi niya at ngumiti ng tipid.

Nakahinga ako ng maluwag. I guess, matino naman kausap ang isang ito at na iintindihan ang sitwasyon ko.

"Pero sana huwag mong ipagsabi ang alam mo tungkol sa akin. Ayokong magkaroon ng hadlang sa ginagawa ko."dagdag niyang sabi.

Bahagya akong natawa.

"Sure pero sana ilihim mo rin ang tungkol sa akin. Dahil ayoko rin na magkaroon ng hadlang sa misyon ko."sabi ko.

Tumuwid siya ng tayo at tumango tango sa akin.

"Of course."

Ngumisi ako.

"Mabuti."tanging na sabi ko.

"Gayunpaman, if you need anything or tulong. Sabihin mo lang."

Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay doon.

"Ang bait mo yata?"

Umiling siya.

"Nagkataon lang na isa kang Warlord. Sabi ng Senior chief ko noon. Ang Top Famiglias ay kakampi ng ahensya namin. So, gusto lang kitang ituring bilang kakampi. Kung kailangan mo ng tulong. Agad akong tutulong."

Natahimik ako. Aaminin kong dama ko ang sinseridad sa mukha niya at naniniwala akong matino talaga siyang tao. Pero bilang pag iingat ay kailangan ko pa ring dumistansya sa kaniya.

"Salamat."pagkasabi ko nun ay sumulyap siya sa paligid.

"Sige na. Mauuna na ako. Magkita nalang tayo sa Arlington sa lunes."paalam niya.

Tumango ako dahilan para tumalikod na siya at maglakad palayo. Napabuga ako ng hangin. Sinong mag aakalang makikita ko siya ngayon at makakausap?

Iiling iling na nagsimula na rin akong maglakad ng maalala si Gucchi. Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita ang text message ni Gucchi sa screen.

- Nasaan ka na?

Agad akong tumakbo ng mabasa iyon. Mukhang tapos na siya makipag usap at kailangan na naming umuwi.

Sa pagtakbo ko ng mabilis ay nakarating ako sa coffea shop. Kung saan nakaparada sa tapat nito ang sasakyan na gamit ni Gucchi. Naabutan ko siyang prenteng nakasandal doon.

"Saan ka ba galing?"tanong niya na nakasimangot na ang mukha.

Saglit akong natigilan at nag isip ng idadahilan.

"Ah, namamasyal lang."sabi ko.

Kumunot ang noo niya.

"Namasyal? Sa ganitong lugar? Wala namang pasyalan dito."

Peke akong natawa. Mukhang ang dahilan kung iyon ay hindi papasa sa kaniya.

"Ang ibig kong sabihin, naglakad lakad lang ako para hindi mainip."paliwanag ko.

"Okay. Ang wirdo mo. Tara nga."pag aaya niya at na una ng pumasok sa sasakyan.

Agad akong luminga sa paligid. Wala akong Devil na nakita.

"Acel!"rinig kong tawag ni Gucchi sa akin.

"Nandyan na."sabi ko at patakbo tumungo sa kabilang bahagi ng sasakyan at pumasok sa loob.

Mabilis namang binuhay ni Gucchi ang makina at pinaharurot ito paalis.

Nang nasa highway na kami ay pansin ko ang pananahimik niya. May naisip tuloy akong itanong.

"Kamusta ang pakikipag usap mo kay Max?"

"Bad news. Wala malinaw na update."

Napangiwi ako sa narinig at sumulyap sa bukas na bintana sa kanang gilid ko.

"Mukhang hindi ganun madali matukoy ang pagkakakilanlan ng mga taong iyon."sabi ko.

"Ganun talaga. Lalo na kung mga propessional member sila ng isang mafian group. Aabutin talaga tayo ng ilang buwan."sabi niya.

Napatango ako bilang pagsang ayon.

"Pero nagbigay siya sa akin ng ilang detalye sa ginawa niyang pag iimbestiga."

Dahil dun ay muli akong napatingin sa kaniya.

"Anong mga detalye?"

Imbes na sumagot ay inginuso niya sa akin ang backseat at nakita ko dun ang itim na bag. Gamit ang mahaba kong braso ay hinila ko iyon palapit sa akin at kinuha. Nang makuha ay binuksan at nakita ang isang black folder.

"Basahin mo. Bago ko ibigay kay Boss Red yan mamaya."sabi niya.

Sinunod ko ang sinabi niya. Pagkakuha sa bag ng folder at binuklat ko ito. Tahimik kong binasa ang mga nakatala sa papel nito.

Ilang sandali lang ay napakunot noo ako.

"Ano ang mga ito?"tanong ko at nanatili ang tingin sa folder.

"Petsa at address ng mga ginawa nilang pag atake dito sa buong Mackenzie City. Lahat ng iyan ay na imbestigahan ni Max. At ayon sa mga nakatala dyan. Madalas sila sa mga eskwelahan."

Tama siya dun. Pansin ko nga na puro school ang narito.

"Don't tell me, itong mga school na ito ang sinugod nila?"

Sa tanong na iyon ay tumitig muli ako sa kaniya.

"Yep, at sa bawat school na yan may pinatay sila."

Napangiwi ako at tiniklop na ang folder. Binalik ko ulit sa bag at inilagay nalang sa gilid ni Gucchi.

"Anong dahilan at ginagawa nila yan?"naisip kong itanong.

"Hindi ko alam. Pero malakas ang haka-haka na may hinahanap sila at maaring estudyante yun."

"Anong kayang pangalan ng grupong iyan?"mahina kong tanong sa labis na kuryusidad.

"Sa sobrang dami ng grupo na naghahanap sa kanila. Hanggang ngayon, ni isa wala pang nakakakita o nakakahuli sa kanila."

Natahimik ako. Ang kaniyang mga sinabi ay may punto. Sa dami nga naman na naghahanap sa mga taong yun. Wala pang nakaka-kita sa kanila. Ayon pa sa mga tsismis ay masyado silang mailap. Patunay lang na hindi sila ganun katangang grupo o kahina.

"Pero kaunting pagpupursigi lang. Malalaman din natin ang pagkakakilanlan nila. Tapos ay matutuwa sa atin si Boss Red."sabi niya na may ngisi sa kanyang labi.

Tumango lang ako at nanahimik na. Hanggang sa makabalik na kami sa mansyon ng saktong ala-una ng tanghali.

Magkasunuran kaming pumasok ni Gucchi sa kabahayan. Nagkatinginan pa kami sa isat isa ng makarinig na may kung anong nabasag. Hanggang sa na sundan pa iyon ng malakas na sigaw.

"Sa Dining room."sabi ni Gucchi sabay takbo papunta dun. Agad akong sumunod sa kaniya.

Nang makarating kami sa Dining room ay natigilan ako ng makita ang magkakapatid na nag away-away.

Si Red ay hila-hila ang buhok ni Gray. Habang si Black hawak naman ang isang braso ni Green. Tapos si Blue hawak sa magkabilang kamay ang isang braso ni Red.

"Tumigil na kayo!"saway ni Blue.

"Itong babaeng pagsabihan mo!"galit na singhal ni Black at tinuro si Green.

"Tama na kasi."iritadong sabi ni Green.

"Malandi ka!"sigaw ni Red kay Gray.

"Mas malandi ka!"ganting sigaw ni Gray sa kaniya.

Napailing ako. What the hell? Anong nangyayari.

Parehas kaming nataranta ni Gucchi ng mas tumindi pa nilang away nilang lima. Lumapit na kaming dalawa.

Agad kong hinila si Red palayo kay Gray. Si Gucchi ay naman ay tinanggal ang kamay kay Green.

"Mga Boss bakit kayo nag aaway?"takang tanong ni Gucchi.

Tuwid na tumayo si Gray at pansin kong namumula na ang mata niya dala na umiyak siya. Ang kaniyang tingin ay diretsa agad kay Red.

"Wala ka ng magagawa kahit pigilan mo pa ako. Mahal ko siya! Mahal ko siya!"

Napahigpit ang pagkakapit ko sa braso ni Red ng magtangka siyang sugurin si Gray.

"How dare you! Malandi ka talaga! Niloko ka na nga. Mahal mo pa rin? Tanga ka talaga. Tanga!"sigaw ni Red.

Napangiwi ako sa pinag uusapan nila. Although may ideya na ako sa pinag aawayan nila pero nakakapagtaka ang pinanggalingan ng galit nila.

"Oo na. Malandi na! Pero anong kasalanan ko? Nagmahal lang ako. Palibahasa kasi, ikaw robot ka. Hindi ka marunong magmahal!"paglilintya ni Gray na umalingaw-ngaw na yata sa buong mansyon.

Napamura ako ng nakabitaw si Red sa pagkakahawak ko. Walang pag aalinlangan niyang sinampal si Gray. Ang tunong ng sampal na iyon ang nakapagpatigil sa aming lahat.

Bumuhos ang luha ni Gray at galit na tinitigan si Red.

"I hate you."sabi niya at nagmamadaling tumakbo palabas ng Dining room.

Naiwan kaming anim na tahimik at nakatitig sa isat isa. Nakita kong bumuga ng hangin si Red at dali-daling naglakad paalis. Hindi ko alam kung akong pumasok sa isip ko at sinundan ko si Red. Paakyat siya ng hagdan ng mabilis akong makalapit sa kaniya. Huminto siya sa paghakbang at nilingon ako.

Ang kaniyang mga kilay ay magkasalubong na.

"Lumayo ka sa akin kung ayaw mong samain."sabi niya at nagpatuloy na sa pag-akyat sa hagdan.

Hindi ako natinag sa kaniyang babala. Bagkus ay sumundo ako. Hanggang sa pareho kaming makarating sa second floor ng mansyon. Muli siyang huminto sa paglakad at hinarap ako.

"Acel, binabalaan kita."sabi niya.

"Bakit kasi hindi mo hayaan si Boss Gray."pagsisimula ko.

Tumaas ang isang kilay niya sa akin.

"Anong pinagsasabi mo?"tanong niya.

Malalim akong napabuntong hininga. Bumalik sa isipan ko ang mga pinag usapan namin ni Gray nung isang araw.

"Sinabi niya sa akin na mahal niya si Vander."

Kitang kita ng dalawang mga mata ko ang galit na aura sa kaniyang mukha.

"Boss, alam kong concern ka sa kapatid mo at gusto mo lang ang makakabuti sa kaniya. Pero feelings niya ang pinag uusapan natin dito. Kung mahalaga siya saiyo. Irerespeto mo ang desisyon niya at susuportahan mo siya sa taong gusto niya. Ganun ka dapat sa kapatid mo."paglalabas ko ng opinyon.

Hindi pa naman kami ni Ace umabot sa puntong ito. Pero bilang Kambal niya at kapatid. Kung ano o sino man ang gusto niya. Nandito lang ako para sumuporta. Dahil pamilya kami. At iyon ang mahalaga.

"O baka naman. Hindi ka sa kaniya concern? Mas concern ka sa popularity. Dahil galit ka sa grupong kinabibilangan ni Vander. Kaya ayaw mong makiparelasyon siya dito."sabi ko pa.

Naningkit ang mga mata niya sa akin. Napailing iling ako at nginisian siya.

"Tama nga siya. Robot ka kasi. Wala kang emosyon at pakiramdam. Hindi mo alam kung paano magmahal at mahalin. Ang mahalaga lang saiyo maging sikat sa lahat ng nasa paligid mo. Tama diba?"patuloy kong sabi.

Wala sa plano kong magsalita ng mga ganito sa kaniya. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Oo nga at saglit palang akong narito. Hindi sapat para husgahan ko siya. Kaya lang, gusto kong sabihin kung ano man ang nilalaman ng isip ko. At sa tingin ko magandang pagkakataon ito para ma-realize niyang ganun siya.

"Fuck."daing ko ng bigla niyang sipain ang kanang binti ko.

Naka-kuyom na ang kaniyang dalawang kamao at mukhang anytime ay mananapak na.

"Huwag kang magsalita na para bang kilala mo na ako. Nakaka-dissapoint ang pagiging judgemental mo."sabi niya at tinalikuran ako.

Nagmamadali siyang naglakad palayo. Napatulala ako at sinundan nalang siya ng tingin.

Inis kong sinampal ang kanang pisngi ko.

"Oo na. Judgemental na ako. Pero masasasi niya ba ako?"sabi ko na tila may kausap.


__________________



Sumapit ang ala-sais ng gabi. Dahil hindi naman ako busy. Naisipan kong maglakad-lakad sa malawak na garden ng mansyon habang hawak ang cellphone ko.

Busy ngayon si Gucchi kausap si Red. Mukhang pinagpupulungan nila ang tungkol sa update ni Max. Nakakainis lang at hindi ako kasali. Si Gucchi lang kasi ang pinatawag ni Red. Habang yung iba niyang kapatid ay may kani-kaniya yatang ginagawa.

Ngayon heto bored ako.

Marahan akong naglakad-lakad at panay ang sulyap sa bawat madadanan. Infairness sa mga halaman at punong naka-paligid sa mansyon nila Red. Nakakagaan sa pakiramdam titigan. Mapaghahalataang nasa probinsya ako.

Natigilan ako ng maramdamang nag vibrate ang cellphone kong hawak. Pagtingi ko ay pangalan ni Claud ang nasa screen at tumatawag ito. Sinagot ko agad ang tawag niya.

"Hello?"bati ko.

"Boss."

Napabuga ako ng hangin. Ano na naman kaya sasabihin ng isang ito?

"Anong dahilan at tinawagan mo ko ng ganito kaaga?"tanong ko.

"May nangyari lang, Boss."

"Anong nangyari?"

"Yung ilan sa kalaban ni Boss Ace. Sumugod dito sa mansyon."

Nanlaki ang mga mata ko.

"What the hell? Kamusta si Ace? Okay lang ba siya? Nasaktan ba siya?"sunod-sunod kong tanong.

"Ayos lang siya Boss. Wala siya dito sa mansyon ng mangyari ang insidente kanina lang."

Napangiwi ako. Wala siya? Saan pumunta ang isang iyon?

"Kung ganun, kamusta kayo dyan sa mansyon? May mga nasaktan ba?"

"Sa amin wala. Maliban sa ilang katulong na nadamay. Dahil sa pag papaulan ng mga bala ng kalaban."

Hinimas ko ang aking batok gamit ang isang kamay.

"Asikasuhin mo ang libing nila. Kumuha ka nalang ng mga bagong katulong."utos ko.

"Masusunod, Boss."

Kung kalaban ni Ace ang nakapasok sa mansyon. Meaning, baka mga tauhan ito ng Scorpion Onźe. Pero ang nakakapagtaka. Paano nila nalaman kung saan nakatira si Ace na nagpapanggap na ako? At paano sila nakapasok sa subdivision? Mag wa-walong taon nakatira doon at never pa akong sinugod ng mga kalaban. Dahil bukod sa walang nakaka-alam ng identity ko bilang Warlord at leader ng Top Famiglias. Eh, wala ring basta makakapasok doon dahil sa higpit ng security sa gate palang mismo ng subdivision.

"Boss?"tawag niya sa kabilang linya.

Inis na sumimangot ako.

"Papalitan mo ang mga bantay sa gate ng subdivion. Mga professional soldato ang ilagay mo."utos ko pa.

"Okay, Boss."

"Bukod dun, imbesitigahan mo ang pangyayari naganap dyan. Kung paano napasok ng ganun kadalian ang mansyon ko ng mga kaaway. Alam kong may hindi tama."

Nakukutuban kong may kung sinong tumulong sa mga kaaway namin ni Ace para magawa nila ang naganap sa mansyon ko.

"Okay. Gagawin ko ang mga inutos ninyo. Iyong tungkol source natin. Ipapadala niya ang files sa akin mamayang alas nwebe ng gabi."

Bigla akong inantok sa narinig. Ang tinutukoy niya ay una ko pang inutos sa kaniya. Ito nga ay mangalap ng inpormasyon tungkol sa totoong pagkatao ng mga ampon ni Nicanor Morpeheous.

"Sige na. Tawagan mo nalang ako."sabi ko at pinatay na ang tawag.

Ibinulsa ko ang cellphone ko at nagpatuloy sa paglalakad. Masyado akong naaliw sa mga halamang nadadaanan. Napakurap kurap ako ng matanaw si Gray na nakaupo sa bermudang damo at tahimik na nakatitig sa kawalan. Halata palang na may malalim na iniisip. Malamang, tungkol ito sa nangyari kanina.

Minabuti kong lapitan siya. Umupo ko sa tabi niya. Ngayon ay para na kaming nagpipicnic sa damuhan dahil sa mga itsura namin.

"Gabi na. Bakit nandito ka pa?"pagbasag ko ng katahimikan niya.

Bumuga siya ng hangin at umiling.

"Gusto ko lang mag isip ng payapa."sagot niya na hindi man lang tumitingin sa akin.

Ang kaniyang mga mata ay maga pa dahil sa pag iyak. Tapos ang kaniyang aura ay malungkot. Mukhang apektado siya sa naging awayan nila ni Red kanina.

"Boss, hindi sa nakikialam ako. Pero sigurado ka bang mahal ka talaga ni Vander?"

Napalunok ako ng tumingin siya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay walang emosyon. Sa itsura ng mukha niya ay para siyang pagod na pagod.

"Mahal ako ni Vander. Sigurado ako dyan."

"Pero sabi ni Boss Red. Niloko ka daw nito. Kung mahal ka ni Vander. Hindi ka niya lolokohin."katwiran ko.

Kung tama ang pagkaka-alala ko sa kwento ni Gucchi. Nag cheat si Vander kaya sila naghiwalay nitong si Gray.

"Hindi niya ako niloko. Palabas lang lahat ng iyon ni Red."

Napakunot noo ako.

"What do you mean?"tanong ko.

"Kaya kumalat sa buong Arlington ang pag cheat ni Vander sa akin dahil sa mga pictures na kumalat sa social media. Na may kasama siyang iba babae at kahalikan. Pero sabi ni Vander. Pakana lang lahat ng iyon ni Red. At ang mga pictures ay puro edited."

Peke akong natawa sa narinig. Pakana? Ganun ba kababaw si Red para gumawa ng ganun bagay?

"At naniwala ka kay Vander?"

Agad siyang tumango. Lihim akong nairita dahil dun.

"Bago pa man maging kami ni Vander ay malaki na ang galit niya kay Craig at sa grupo nito. Kasama na dun si Vander. Gagawa siya ng paraan para kaming mga kapatid niya ay magalit na rin sa kanila."

"Kinumpronta mo ba si Red tungkol sa akusasyon ni Vander?"

Bahagumha siyang natigilan at sumimangot.

"Oo pero tinanggi niya. Pinagpipilitan niyang si Vander ang daw nagsisinungaling. Eh, samantala siya naman. Ayaw pang aminin."

Habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon patungkol kay Red. Halata sa mukha niya ang inis.

"Sabihin mo nga. Mas nagtitiwala ka ba kay Vander? Kaysa kay Boss Red na kapatid mo?"

Sa mga sinasabi niya. Lumalabas na mas malaki ang tiwala niya kay Vander. Which is hindi ko nagustuhan. Kahit pa ayoko sa pag uugali ni Red.

"Oo naman. Si Vander mahal ako. Hindi siya magsisinungaling sa akin at hindi niya ako lolokohin."

Hindi na ako nagulat sa kaniyang sinabi. Malinaw na mas nagtitiwala siya kay Vander.

"Bakit si Boss Red. Hindi ka ba niya mahal? Magkapatid kayo. Kahit paano mahal ka nun dahil pamilya kayo."

Umiling iling siya.

"Sa tingin ko hindi. Bukod sa hindi naman kami totoong magkapatid ay wala namang mas mahalaga sa kaniya kung hindi ang karangyaaan at kasikatan. Tapos mayabang pa siya at ganun umasta purkit siya ang unang inampon ni Daddy."

Natahimik nalang ako. Mukhang kahit anong pagpapa-intindi ko sa kaniya ng sitwasyon ay hindi siya mag iisip ng tama.

Wala akong pakialam kung totong nanloko sa kaniya si Vander o hindi. Ang sa akin lang, dapat maytiwala din siya kay Red. Dahil magkapatid sila kahit pa hindi totoo.

Ilang taon na silang magkakasama. Sana naman, ikonsidera niya iyon para isipin kung magagawa ba ni Red na manloko sa kaniya.

"Basta, sinungaling siya at wala akong pakialam sa kaniya. Gusto kong makasama si Vander ngayon."

"So, anong plano mo?"agad kong tanong.

Hindi siya agad sumagot. Napakunot noo ako ng tumitig siya ng seryoso sa akin. Nagulat ako ng hawakan niya ang isang kamay ko.

"Acel, tulungan mo naman ako."

"Ano namang tulong?"

Nakaramdam ako ng pagkailang dahil hawak niya ang isang kamay ko. Pilit ko itong tinanggal pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Ayoko naman siyang itulak dahil babae pa rin siya at isa siya sa Boss ko. So, dapat may respeto pa rin.

"Tulungan mo kong kakatakas mamaya para mapuntahan si Vander?"

Namilog ang mga mata ko.

"Huh?"bulalas ko dahilan para matawa siya.

___________________

Saktong 8:30 na ng gabi. Sa mga oras na ito dapat nasa kwarto na ako para matulog. Pero hindi pa dahil nandito ako ngayon sa gilid kalsada kung saan nakaparada ang kotse ni Gray.

Ngayong gabi ay balak niyang tumakas sa mansyon para puntahan si Vander dahil birthday daw pala nito at nagako siyang pupunta kahit ano man ang mangyari. So, nagpatulong siya sa akin.

Dahil mapilit siya ay pumayag ako.

Ang siste ng plano niya ay mauuna akong lumabas ng mansyon gamit ang kotse niya. Tapos hihintayin ko siya dito sa labasan. Mapupuna daw kami kung sabay kaming lalabas kaya pinauna niya ako. Sakto namang busy ang mga kapatid niya sa mga oras na ito kaya walang magiging problema.

Sabi ko nga, bakit kailangan niya pa ng tulong ko. Kung sa tutuusin ay kaya niyang tumakas sa mansyon ng nag iisa.

Ang sagot lang niya, wala daw siya ng driver. Hindi pa raw siya marunong mag drive. Kung mag commute naman siya. Nakakatakot daw lalo na at gabi na. Nagtataka nga ako paano niya nalamang marunong akong magmaneho. Tatanungin ko sana siya tungkol dun. Pero huwag nalang tutal ay wala rin naman ng sense.

So, kaya niya hiningi ang tulong ko para maging driver lang.

Napatuwid ako ng tayo ng dumating na siya. Inayos ko ang pagkakasuot ng sumblero ko. Sumenyas siyang sumakay na. Kaya magkasunuran kaming pumasok sa loob ng kotse. Binuhay ko na ang makina at pina-andar ito.

"Hay salamat."sabi niya.

Pagsulyap ko ay nakita kong naka-dress siya ngayon at nakalugay ang mahaba niya buhok. Bukod dun ay naka-make up din siya ngayon. Tapos may paper bag na nakapatong sa mga hita niya. Obvious na regalo para kay Vander.

"Hindi halatang pinaghandaan mo ang gabing ito."komento ko at itinutok na ang mga mata sa daan.

"Syempre, birthday na ng taong mahal ko."

Natawa ako at nabaduyan sa sinabi niya.

"Panigurado, magagalit si Red kapag nalaman niya ito at malamang pati ako madamay."sabi ko.

Kung hindi lang ako naawa sa babaeng ito hindi ko siya tutulungan. Saka na ngako siya sa akin na kapag tinulungan ko siya. May pabor na kapalit.

"Eh di magalit siya. Wala akong pakialam."

"Paano kung tanggalin niya ako sa trabaho? Hindi pwede yun."sabi ko.

Napasimangot ako ng marinig ang tawa niya.

"Akong bahala. Hindi niya magagawa iyon."

"Okay."tanging na sabi ko nalang.

Sa ilang minutong byahe ay nakarating kami sa isang village na puro mayayaman ang nakatira. Ihininto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ayon kay Gray, mas okay na dito na magpark. Dahil mukhang puno na ang garahe ng mansyon ni Vander.

Magkasabay kaming lumabas sa kotse.

"Tara."nakangiti niyang pag aya.

Alaganin akong sumunod ng magsimula na siyang maglakad papasok sa nakabukas na gate. Napangiwi ako ng bumungad sa amin ang malakas na sound system. Obvious na nagsisimula na ang party sa mansyon na ito. Dahil na rin sobrang dami ng tao sa paligid at karamihan puro ka-edaran ko lang.

Pansin kong puro magagara ang suot nila. Yung tipong pang party talaga. Habang ako, simpleng t-shirt at maong pants lang. Mukha akong basahan ngayon.

Napailing iling ako. Kailan pa ako nag isip ng ganito?

"Tsk, hindi ka basahan. Kailangan mo lang magpanggap na basahan ngayon."mahina kong bulong.

Nakakamiss din minsan ang totoo kong buhay. Kasama na dyan ang makipag hang out kasama ang mga Ungas na Warlords ng Top Famiglias.

Sa paglalakad ay nakita ko ang mapanuring tingin ng mga taong madadaanan namin ni Gray. Yung iba sa kanila halata mong may galit sa kaniya. Lalo na mga babae.

Napahinto si Gray sa paglalakad ng salubungin ng isang lalaki. Kahit maingay ang paligid dahil sa malakas na tugtog at daldalan ng mga bisita ni Vander. Rinig na rinig ko pa rin ang sinasabi ni Gray.

Tinanong niya dun sa lalaki kung nasaan si Vander. Ang sagot ng lalaki ay nasa sa loob daw. Kausap ang mga kaibigan nito.

Agad naglakad palayo si Gray. Mabilis naman akong sumunod. Ngayon ay nagsisisi ako sa desisyong sumunod sa kaniya dito hanggang sa looban. Dapat pala hinintay ko nalang siya sa kotse. Naaalibadbaran ako sa paligid.

"Hindi ka naman excited na makita siya."sabi ko ng makapasok na kami mismo sa loob ng bahay.

"Ganun talaga."natatawa niyang sabi.

Nagtaka ako ng biglang mapahinto si Gray at nakatitig sa kung saan. Agad ko siyang nilapitan at tumabi sa kaniya. Nang tumingin ako sa di kalayuan ay nakita ko si Vander kasama ang mga tropa niya. Pero hindi lang sila. May babaeng nakaupo sa kandungan ni Vander at kahalikan nito.

Nang sulyapan ko si Gray ay nakatulala pa rin siya.

"Dude tama na yan. Mamaya dumating sa Avi. Mahuli ka niya."saway ni Jack na prenteng nakaupo sa tabi niya.

Si Markus at Craig naman at magkatabi sa kabilang sofa. Parehas na natatawa.

"Hindi iyon darating."sabi ni Markus.

Bahagyang nilayo ni Vander ang mukha sa babaeng kahalikan.

"Obviously, dahil pipigilan yun ni Red."sabi naman ni Craig.

Natawa si Vander.

"Eh di maganda. Nakakasawa na ang pagmumukha ng babaeng yun. Pagod na akong mapanggap na mahal ko siya."diretsahang sabi nito.

Nagtangis ang panga ko habang titig na titig sa kaniya. Ang mga Gagong ito. Panay lang ang daldalan. Hanggang ngayon ay hindi pa napapansin ang presensya namin ni Gray.

Nang muli kong tinignan si Gray ay tumulo na ang luha niya at nabitiwan ang paper bag na hawak sa marmol na sahig. Dahil dun ay naglikha ito ng ingay kaya sabay-sabay na napatingin sa amin ang apat. Pati na rin ang babaeng naka-kandong kay Vander.

"Avi."sambit ni Vander at tinulak palayo ang babae sa kaniya.

Si Gray naman ay biglang tumakbo palabas ng mansyon. Iritado kong tinitigan si Vander bago tinalikuran na sila at tumakbo para sundan si Gray.

"Gray!"sigaw ko.

Sa bilis tumakbo ni Gray ay nakalabas siya agad ng gate ng mansyon. Mas binilisan ko rin ang takbo ko para maabutan siya. Nakita ko siyang na ng gitna ng kalsada.

"Gray! Sandali!"tawag ko.

Dahil naka-high heels siya. Hindi maiiwasang matalisod siya dahilan para bumagal ang pagtakbo niya. Kasunod nun ay nadapa na siya.

"Gray!"patuloy kong tawag ng makalapit sa kaniya.

Inalalayan ko siyang makatayo. Pero ayaw niya. Nakayuko lang siya at hindi nagsasalita. Umupo siya sa kalsada na tila nasa bahay lang.

"Gray?"tawag ko.

Nang mag angat siya ng tingin ay walang patid ang mga luha niya.

"Manloloko siya. Manloloko."paulit ulit niyang sabi habang umiiyak.

Grabe ang hagulgol niya. Tulad ng iyak ng mga babaeng bida na napapanuod ko sa drama. Nakaramdam ako ng awa kaya niyakap ko siya at marahang tinapik tapik ang likuran.

"Tahan na."pag aalo ko.

Pero mas lalo siyang umiyak. Ang sakit na dulot ng panloloko ni Vander ay damang dama ko. Hindi ko tuloy maiwasang patayin sa isipan ko si Vander.

Shit na yan.


_______________________

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 55K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
3.9K 113 56
This work of mine is my creative way of expressing , telling and writing my life story and feelings that is turned to poetries and essays . This boo...
146K 3K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...
8.3K 765 54
Isa siyang hari na mayaman pero kuripot. Isang siyang hari na matalino pero slow sa usapan. Isa siyang hari na gusto ang larong patayan pero laging t...