Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 26

156K 3.8K 312
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 26

"Red dress?" Itinaas ni Jersi ang isang maikling dress na backless.

"Sira ka talaga, graduation yun hindi kung anong party." Humahagikhik na sabi ni Vanessa.

Sinamahan kasi nila ako para bumili ng isusuot ko sa Graduation, kanina pa nila ako ipinipili ng damit pero wala ako sa wisyo. Hindi ako makapag isip ng maayos. Hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa isipan ko ang boses niya nang tumawag siya saakin para lamang sabihin saakin ang dalawang salita na nagpatunaw na kaagad sa puso ko.

Pumitik sa hangin si Jersi at Vanessa kaya natauhan ako. "Kanina ka pa tulala." Halos sabay na sambit nila, napaawang ang bibig ko.

"Ha? Ah, saan na ba tayo?" Pagpapanggap ko na ayos lang ako, "Tsk, di kasi nakikinig. Kanina pa kami naguguluhan sa kung anong isusuot mo pero wala ka namang isinasagot saamin." Reklamo ni Vanessa, tumango tango si Jersi na para bang medyo naiirita.

"Sorry." Paumanhin ko sakanila, huminga ng malalim si Jersi at inakbayan ako. "Alam mo kasi, naiintindihan naman namin kung hanggang ngayon dala dala mo pa rin yung sakit diyan sa puso mo para kay Ethan, pero pwede ba move on muna tayo kahit isang araw? It's our day! Graduation mo na bukas at sa isang araw na ang punta niyo ng Benguet." Lumungkot ang boses ni Jersi sa dulong sinabi niya saakin. Nabanggit ko na kasi sakanila ang plano namin ni Mama na paglipat sa Benguet, nalungkot sila sa desisyon kong iyon kaya naman kaagad silang nagyaya na mag bonding manlang kami kahit sandali.

Napakagat ako sa ibabang labi at tumungo. "I'm sorry girls." Bulong ko, ngumisi sila at kinulong nila ako ng yakap nila. "It's alright. Isukat mo na nga ito!" Bungisngis ni Vanessa atsaka iniabot saakin ang kulay emerald na dress at ipinagtulakan nila ako sa loob ng fitting room.

Kaagad kong isinukat iyon. Kasyang kasya naman saakin at masasabi kong kitang kita ang kurba ng katawan ko, medyo napangiwi nga lang ako dahil may kaunting butas ito sa kaliwang bahagi ng baywang ko, design iyon na naging dahilan upang makita ang dulo ng tattoo ko. Napapitlag ako nang kumatok sila Vanessa at tinawag ako, mabilis kong binuksan ang pinto at napahiyaw silang dalawa sa saya.

"Sabi ko na nga ba! Bagay na bagay iyan sayo!" Hiyaw ni Vanessa, ngumiwi ako at itinuro ko ang tagiliran ko, inikot nila ako at mas lalo silang nasiyahan. "Maganda, bagay na bagay sa kaputian mo yung kulay. Sexy!" Hiyaw ni Jersi.

Tumango si Vanessa at pumalakpak. "Nagpaganda din yung dulo ng tattoo mo." Aniya, tumingin ako sa salamin at kuminang ang suot kong dreamcatcher na bracelet. Bumagay din ang pagka gold nito sa suot kong dress ngayon kaya napangiti ako ng marahan. Hindi ko alam pero simula nang maisuot ko ang bracelet na ito pakiramdam ko buo ulit ako.

Pagkatapos naming bayaran ang dress na napili ko ay nag libot pa kami sa buong mall. Bumili na rin sila ng ibang damit na gagamitin daw nila sa summer para sa pagpunta nila sa Boracay. Gusto ko nga sanang sumama sakanila pero hindi ko naman kayang hayaan na umalis mag isa si Mama patungong Benguet.

Bukas na ang Graduation ko, at inihahanda ko na rin ang sarili ko sa pag uusap namin ni Dad bukas bago ang programme sa Graduation. Sa susunod na araw naman ang punta ko sa Zambales para sa kasal ni Ara at Marcus, ipinadala na nga ni Marcus ang damit na susuotin ko, hindi ko pa nga lang nasusukat iyon kaya hindi ko alam kung babagay ba saakin.

Nakakatuwang isipin na mas mauuna pang ikasal saakin si Ara. Sobrang masaya ako para sa kaibigan ko, kahit na matagal kaming nagkawalay sa isa't isa at hindi nagkadamayan sa mga hinanakit namin sa buhay ay alam ko pa rin na tunay na kaibigan si Ara.

"Hindi ba dini-date ka ng Kuya ni Jersi?" Biglang bukas ni Vanessa sa usapan ngayong umiinom kami ng kape na inorder namin dito sa Starbucks. Bumaling saakin si Jersi at ngumiti siya, ngayon ko lang napansin na iisa ang mata nilang magkapatid, maamo at talaga namang mabilis basahin ang emosyon.

"Hindi. Magkaibigan lang kami." Sagot ko.

"Sayang naman, mukhang baliw na baliw pa naman sayo yun." Humahagikhik na sabi ni Vanessa atsaka sumubo ng Tiramisu, habang ako naman panay ang paglalaro ko sa Red Velvet na inorder ko kaya tinampal ni Vanessa ang kamay ko. "Don't play with your food!" Singhal niya saakin kaya ibinaba ko ang hawak kong tinidor.

"Para saakin, mas baliw si Ethan." Humahalakhak na hiyaw ni Jersi. Namilog ang singkit na mata ni Vanessa at hinampas sa braso si Jersi. "How dare you! Jerome is your brother! Siya dapat ang kinakampihan mo." Giit niya kay Jersi, ngumuso si Jersi at itinaas ang point finger saka iminuwestra na mali si Vanessa.

"Hindi purket kapatid ko siya ay kakampihan ko na siya sa lahat ng bagay. Gusto ko lang linawin na ang kay Ethan ay kay Ethan at si Claire iyon." Ngumingising sabi ni Jersi habang itinuturo ako, napailing nalang ako sa kakulitan niya.

"Gosh. Anong klaseng kapatid ka?"

Pinagtaasan ni Jersi ng kilay si Vanessa at ngumiti, "Mabait akong kapatid, mabait rin akong kaibigan. Saka isa pa mas marami nang pinagdaanan si Ethan at Claire, hindi ba't ikaw pa nga ang nagsabi kay Claire na, dapat hindi siya palaging pabida, dapat bida kontrabida na rin para hindi maagawan!" Pagpapaalala ni Jersi kay Vanessa, umiling iling lang ito sakanya.

Napapatawa nalang ako sa pinag uusapan nila. Panay pa rin ang asaran nilang dalawa ngayong naglalakad na kami sa mall para tumingin tingin ng iba pang damit, wala akong masabi sa pagiging shopaholic nitong dalawang ito. Napapaisip na lamang ako kung maisusuot ba nila ang lahat ng binili nila? Pero sa kabila non ay napangiti nalang ako, parang nakikita ko kasi ang sarili ko sakanila noon, masyado rin akong malakas mag shopping at hindi ko naman nasusuot ang lahat ng nabibili ko.

"Bagay na bagay sayo." Nakangiting sabi ni Mama matapos akong make-up-an ni Jenica para sa Graduation ko mamayang gabi. Suot ko na rin ang dress na binili namin nila Jersi kahapon, nakahanger naman ang black toga ko na pinalantsa kanina ni Mama. Nakakatuwa dahil kitang kita ko ang magandang ngiti ni Mama habang pinaplantsa iyon.

"Maaga daw kayong aalis Tita?" Biglang tanong ni Jenica kay Mama, tumango naman si Mama bilang sagot. Bago kasi kami dumiretso sa venue ay magkikita muna kami ni Dad para mag usap. Dinadapuan na nga ako ng kaba ngayon dahil matagal tagal rin kaming hindi nag usap ni Dad at ang huli pa ay nag away kaming dalawa.

Hinatid na kami ni Kuya Justine sa isang restaurant kung saan naghihintay si Dad. "Congratulations, Claire." Nakangiting bati saakin ni Kuya at hinalikan ang pisngi ko, ngumiti ako sakanya at nagpasalamat.

Bumaba na kami ni Mama sa kotse at napansin niya ang paghugot ko ng napakalalim na paghinga. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil iyon. "H'wag mo nang awayin ang Dad mo." Nakangiting paalala niya saakin, tumungo ako at hinaplos ko ang buhok ko na medyo humahaba na ngayon.

Magkahawak kamay kaming naglakad ni Mama papasok sa restaurant. Kaagad kong natanaw si Dad sa may dulo, panay ang inom niya ng red wine ngayon na nakapatong sa mesa niya at mukhang hindi siya mapakali. May isang bouquet ng bulaklak din doon sa lamesa ni Dad.

Nang magtagpo ang mga mata namin ni Dad ay kaagad may kumurot sa puso ko. Nababalot ng pagkasabik sa isang ama ang buong katauhan ko ngayon dahil ang gusto ko na lamang gawin ay ang itapon ang sarili ko kay Dad upang yakapin siya ng sobrang higpit.

"Claire." Nanginginig ang boses ni Dad sa pagtawag saakin nang tumayo siya mula sa pagkakaupo, tumungo lang ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang marahan niya akong hilahin palapit sakanya upang yakapin.

"I miss you so much, anak." Bulong niya at hinaplos haplos ang buhok ko, panay ang landas ng luha sa mga mata ko. "I'm sorry." Basag ang boses ni Dad at sa tingin ko ay umiiyak na rin siya ngayon.

"Congratulations." Sambit ni Dad nang ngayon ay magkaharap na kami sa lamesa, katabi ko pa rin si Mama at para akong bata na panay ang pisil sa kamay ni Mama dahil kinakabahan ako.

Nakikita ng gilid ng mata ko ang ngiti ni Mama, masaya siya pero at the same time alam kong may halong lungkot iyon.

"Uuwi na kami sa Benguet sa isang araw, a-attend pa kasi ng kasal ni Ara itong anak natin." Simula ni Mama na nagpaawang sa labi ni Dad, tumingin siya sa mga mata ko.

"Y..yes, Dad. Kasama ako." Bulong ko.

Tumungo si Mama at ngumiti. Alam ko, nararamdaman kong pinipigilan ni Mama ang umiyak. Pinipilit niyang maging matatag para saakin. Sobrang sakit lang talaga na kailangang mangyari yung ganito, yung maghihiwalay silang dalawa. Masayang masaya ako noon dahil buo ang pamilya namin, pero ngayon para akong binibiyak dahil wasak na ang pamilyang nakagisnan ko. Naiintindihan ko na ngayon yung mga taong nangangarap na mabuo ang pamilya nila, dahil ganito pala kasakit yon.

Naisip ko si Seb at halos durugin ang puso ko nang maisip kong makikita niyang ganito ang nangyayari sa pamilya niya. Kung ako ngang matanda na nasasaktan pa ng sobra, paano pa kaya si Sebastian na kaunti palang ang nalalaman sa mundo? Alam kong darating ang panahon na uulanin si Briana at Ethan kung bakit sila nagkahiwalay? Kung bakit hindi sila nagkaroon ng buo at normal na pamilya? At ang kasagutan doon sa lahat ng tanong niya ay ako. Ako na nagpagulo at nagpalala sa sitwasyon nila. Siguro kung hindi ko ipinilit ang mali ay magkakaroon pa sila ng pagkakataon upang ayusin ang gusot nilang dalawa.

"Don't leave me." Garalgal ang boses ni Dad, kita kong desperado talaga siya ngayon habang umiiling iling. Hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa at marahan na pinisil iyon.

"Pero Dad, hindi ko kayang iwanan si Mama." Bulong ko, tumingin siya kay Mama at mariin na ipinikit ang kanyang dalawang mata. Tumakas sa kaliwang mata niya ang luha na siyang nagpakirot pang lalo sa puso ko.

"I'm sorry for being a bad father and husband." Umiiyak na bulong ni Dad at mas lalong humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Gagawin ko ang lahat, bumalik lang kayong dalawa saakin." Pagmamakaawa ni Dad na siyang nagpabaling saakin kay Mama, nananatiling matatag ang ekspresyon ni Mama sa kabila ng pag iyak ni Dad sa harap namin.

"Paul John, alam mo naman siguro kung bakit ko ito ginawa." Bulong ni Mama, tumango tango si Dad.

"I know, because of Rose. Tanya, just give me one more chance. Papatunayan ko sayong mahal talaga kita." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko nang marinig ko ang pagpiyok sa boses ni Dad. Tumayo siya at napatakip ako sa bibig ko nang lumuhod siya sa gilid ni Mama, hinawakan niya ang dalawang kamay ni Mama at kitang kita ko ang pagpisil niya sa kamay nito na para bang takot na takot siya sa maaaring mangyari.

"Tanya, mahal kita. Mahal na mahal kita."

Nanatiling nakatingin sa kawalan si Mama at hindi pinagbibigyang pansin si Dad.

"Kailanman ay hindi ko naramdaman iyon mula sayo Paul John." Ang lamig lamig ng boses ni Mama na para bang buong buo na ang desisyon niya at nasasaktan ako doon. "Lalo na nang dinala mo pa ang anak ni Rose, for pete's sake Paul John, alam mong masasaktan si Claire." Nanginginig sa galit ang boses ni Mama, sa buong buhay ko ngayon ko lang nakitang naging matapang si Mama. Ngayon ko lang din nakitang umiiyak si Dad at pumipiga iyon sa puso ko.

"I know! What I did was wrong. Naawa lang ako sa bata, kaibigan ko si Rose at iyon nalang ang tanging magagawa ko upang makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sakanya noon." Umiiyak na sabi ni Dad, lalong lumakas ang kaba sa puso ko nang makita ko ang pagkinang ng luha ni Mama nang tumulo iyon at pinagmasdan ang nakaluhod na si Dad.

"Makabawi? Ni minsan ba Paul John bumawi ka saakin? Ni minsan ba sinubukan mo akong pagmasdan matapos kang ikasal saakin? Hindi ba't kaya iisa lang si Claire na anak natin dahil lasing ka lang ng mabuo siya!" Pabulong na sigaw ni Mama, niyakap ko sa baywang si Mama at yumuko ako sa balikat niya. "Mama! Tama na." Humahagulgol na ako ngayon hindi ko kailanman naisip na maririnig ko ang lahat ng ito.

"I'm so sorry, Tanya. Inaamin ko, hindi kita mahal noon. Pero, Tanya, maniwala ka, nang makita ko kung paano mo dinala ang anak natin, doon nabago ang nararamdaman ko sayo. N-natakot lang akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal dahil ayokong isipin mong minamahal lang kita para sa anak natin. Tanya, I love you so much." Hinalikan ni Dad ang kamay ni Mama at pareho na silang hilam na hilam sa luha.

"What do you want me to do? Kahit ano gagawin ko." Desperadong sabi ni Dad. Huminga ng malalim si Mama.

"Kung gusto mong sumama ako sa inyo sa Benguet gagawin ko!"

"Hindi mo magagawa iyon."

"I will!" Hiyaw ni Dad, "Iiwanan ko kay Justine ang buong kumpanya." Napaangat ang labi ko sa sinabi ni Dad, workaholic si Dad at alam kong mahihirapan siyang talikuran ang lahat ng iyon.

"And how about Briana? Kabastusan man, Paul John, but I don't wanna see her, ayokong makita ang anak ni Rose." Napatitig ako kay Mama ng matagal. "Siya ang dahilan kung bakit nasaktan si Claire, siya ang dahilan kung bakit lumayo ang loob saatin ng anak natin." Matapang na pahayag ni Mama.

"Mama." Suway ko, hindi na ako magkukunwari, oo ayokong makasama si Briana, hindi ako magkukunwari na maayos lang saakin na kasama siya. Hindi ako martyr na sasabihing okay lang makasama ang taong naging dahilan ng sakit na nararamdaman ko. Pero alam kong nasasaktan rin si Briana at nakakaramdam ako ng pagkahabag sakanya. Hindi biro ang mawalan ng magulang at hindi rin biro ang tumayong magulang sa anak niya sa ganoong edad. Dahil kung ako ang nasa katayuan niya kakailanganin ko ng matinding suporta mula sa mga magulang ko at sa taong mahal ko.

"I'll talk to her. At sa ibang relatives niya. Pero bilang pangalawang ama ni Briana, mag aabot pa rin ako ng tulong para sakanila ni Sebastian. Ipapasa ko ang case niya sa kaibigan kong lawyer. Ang importante saakin ngayon, mabuo ang pamilya natin." Bulong ni Dad, tumayo siya at pilit niyakap si Mama pero nanatiling nakababa ang dalawang kamay ni Mama at hindi tinatanggap ang yakap.

"Mag sisimula ulit tayo at ipinapangako ko na mas magiging maayos na tayo sa pagkakataong ito."

Hindi madaling nakumbinsi ni Dad si Mama dahil tahimik lang kami buong biyahe patungo sa venue ng graduation ceremony. Halata ang namumugtong mata naming tatlo, tama lang ang naging desisyon ni Jenica na water proof ang gamiting make up saakin upang hindi magkalat iyon sa mukha ko.

Pumila na ako sa mga kabatch ko at kagaya ng pagpapractice namin nung nakaraang araw ay alphabetical ang pag upo sa lahat ng ga-graduate. Suot suot ko na rin ang Toga ko ngayon. Lumingon ako at nakita ko ang pag alalay ni Dad sa baywang ni Mama upang makaupo ito ng maayos, ngumiti ako ng marahan at nagpasalamat sa Diyos dahil kahit masakit ang nangyaring pag uusap namin kanina ay masasabi kong maayos na kami kahit papaano. Hindi man ganon kadali maghihilom ang sugat saaming mga puso, naniniwala akong darating yung panahon na maghihilom ang lahat ng ito at mapapalitan ng saya.

"Mr.Ethan Luke Cando!" Malakas na hiyawan ng mga kababaihan ang narinig ko nang tawagin ang pangalan ni Ethan dahil sa pagiging Cum Laude. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko ngayong pinapanood ko ang bawat paglalakad niya patungo sa stage, malakas ang palakpakan at hiyawan. Nang makaakyat siya sa stage ay kaagad nagtama ang mata naming dalawa, napakagat ako sa dila ko at nag iwas ako ng tingin sakanya. Kung sana ay maayos kami ngayon, malamang isa ako sa nakikisagaw upang maipakitang proud na proud ako sakanya.

Humawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko, "Calm down." Bulong ko sa sarili ko.

Inabot rin ng pitong oras ang Graduation namin bago ito natapos. Hawak hawak ko na ang diploma ko nang lapitan ako nila Mama at Dad upang yakapin, pilit kaming ngumingiti sa kabila ng pangyayari kanina. Nagpapicture kami sa isa sa photographer doon habang nasa gitna ako nila Dad. Panay ang puri nila saakin at natutuwa ako dahil kahit hindi ako gumaraduate with honors alam ko namang proud pa rin sila saakin.  Hinubad ko na ang Toga ko dahil medyo naiinitan na rin ako.

Nagpaalam si Dad na kukuhanin muna ang kotse sa parking lot kaya naman lakad takbo ang ginawa ko nang makita ko si Ara at Marcus. Tuwang tuwa ako dahil bilog na bilog ang tiyan ni Ara ngayon! Medyo tumaba rin siya ng kaunti dahil siguro sa pagbubuntis, mabilis ko siyang niyakap nang batiin niya ako. Sandali kaming nag usap at nagkunyari akong niyayaya ko siyang mag mall bukas pero sinabi niya saaking may lakad sila ng pamilya nila Marcus patungo sa Zambales, napapangiti na lamang ako ng palihim dahil alam kong bukas na ang kasal niya.

"Buti ka pa graduate na." Aniya, ngumiti ako at umiling iling. Alam kong nanghihinayang siya ngayon dahil hindi kami nagkasabay sa pag-Graduate, siguro kung kasabay ko siya ngayon panigurado akong Cum Laude rin siya. Matalino kasi si Ara at matiyaga.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin kami ni Mama sakanila dahil naghihintay na raw si Dad sa labas. Habang naglalakad kami ni Mama palabas ng hotel kung saan ginanap ang graduation ay napatigil ako nang makita ko siyang nakapamulsa habang nakatayo doon sa may exit. Napalunok ako ng sunod sunod nang hindi niya inaalis ang malalim na pagtitig saakin. "Ma, una ka na po. Susunod ako. May nakalimutan lang ako." Paalam ko kay Mama, laking pasasalamat ko dahil pumayag siya at nauna nang sumakay sa elevator patungo sa parking.

Muli akong tumitig sakanya, bumagay sakanya ang itim na tux na suot niya at masasabi kong mas lalo siyang gumawapo ngayon. Bakat pa rin ang kagandahan ng kanyang katawan sa suot niya kaya naman hindi ko maiwasan ang humanga doon.

Pinagsalikop ko ang mga daliri ko at hindi ko halos mahabol ang bilis ng pagwawala ng puso ko ngayong papalapit siya saakin. Napasinghap ako nang sa wakas ay makalapit siya saakin at kaagad na hinila ang kamay ko patungo doon sa isang walang taong function hall. At halos tumigil ang pintig ng puso ko nang ikulong niya ako sa mainit niyang bisig sa pamamagitan ng napaka higpit na yakap! Napapikit ako nang maamoy ko ang pamilyar niyang bango, kusang tumaas ang dalawang braso ko upang yakapin siya ng pabalik. Namiss ko 'to, namiss ko yung init ng bisig niya.

Tumatalon sa saya ang puso ko at namimilipit ang tiyan ko ngayon dahil sa pakiramdam na yakap yakap ako ng taong kinasasabikan kong makita at mahagkan. Ang bilis bilis ng paghinga niya ngayon at nararamdaman ko ang mabilis na pagsuntok ng puso niya sa dibdib ko. Isinandal niya ako sa pader at inilayo niya ako ng kaunti upang pagmasdan maigi ang mukha ko, napapikit ako nang paglapitin niya ang ilong naming dalawa at marahan na itinaas baba ang ilong niya sa ilong ko na naging dahilan para maamoy ko ang mabango niyang paghinga, umawang ang labi niya. Muli niya akong niyakap at isinubsob sa dibdib niya! Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko.

"Ethan..." Sa wakas ay nagawa ko ring magsalita, nangangatog ang dalawang binti ko at nanghihina ako sa ibinibigay niyang yakap saakin! Kung hindi niya lang ako yakap yakap ngayon ay kanina pa ako natumba.

"Ang tahimik ng mundo ko kapag wala ka." Bulong niya at bumaba ang ulo niya upang halikan ang balikat ko. Bumibigat ang paghinga niya na para bang sabik na sabik siyang halikan ako.

"Pero ginugulo mo ang buong pagkatao ko habang pinapanood kita sa malayo kasama ang iba." Bulong niya na nagpakabog ng sobra sa puso ko. Kahit na naisip ko na noon na nasa paligid lang siya at binabantayan ako, hindi ko pa rin maiwasan na magwala yung puso ko sa katotohanang iyon.

Lumipat ang halik niya sa leeg ko. "Hindi mo na ba ako mahihintay, baby?" Bulong niya at lumipat ang maliliit niyang halik sa labi ko na mas lalong nagpahina saakin! Nalukot ko ang damit niya sa bandang dibdib niya dahil sa unti unting paghalik niya saakin.

"O sinasadiya mong kalimutan na ako?" Patuloy niya. Napasinghap ako ng sobrang lalim nang maramdaman kong dumausdos ng marahan ang dila niya sa ibabang labi ko! "E..Ethan!" Pabulong na hiyaw ko sakanya.

"I miss you so fucking much. Do you miss me too, Claire?" Bulong niya at pinasadahan nanaman niya ng mapanuyang halik ang labi ko, basa ang kanyang labi kaya naman tumataas ang balahibo ko sa batok. Hindi ko siya magawang sagutin dahil binabaliw ako ng sensasyong hatid nito saakin lalo na nang maramdaman kong humaplos ang mainit niyang palad mula sa likod ko patungo pagitan ng hita ko. "Ethan!" Hiyaw ko sakanya na naging dahilan upang huminto siya sa ginagawa niya.

Sandali niya pa akong hinalikan sa labi at nang makahanap ako ng pagkakataon para tugunin iyon ay mas lalong nag alab ang paghalik niya saakin! Para bang ngayon na lang siya ulit nakahalik! Laking pasasalamat ko dahil madilim dito sa bakanteng function hall pero hindi dapat ako maging kampante dahil baka may makakita saaming dalawa kaya naman marahan ko siyang itinulak.

Sandali niya akong tinitigan sa mata ko, malalim at hinahalukay ang buong pagkatao ko dahil sa mga titig niya.

"Let's talk tomorrow. I'll pick you up, sabay na tayong pumunta sa kasal." Hindi iyon isang pakiusap, kundi isang desisyon na dapat ay masusunod siya. Hindi ko magawang mabasa ang mga mata niya, masyado iyong blanko kaya naman hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.

Napatingin siya sa pulso ko. Napahawak ako doon at naramdaman ko ang binigay niya saaking bracelet.

"Kagaguhang dreamcatcher, gabi gabi pa rin akong nananaginip na wala ka sa tabi ko."

****

Thank you po! :)

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...
472K 9.8K 52
UNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have bee...
1K 232 9
Mackenzie's dream is to study at a prestigious university in London and be with her month-long boyfriend. She thought her life would be perfect and b...
2.4M 69K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...