Sharap (Baka Girls #1)-Comple...

By gorgeouskitty

34.8K 1K 1.2K

Completed. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas be... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
Epilogue
Special Chapter 1

35

502 21 15
By gorgeouskitty


Note: Fiction lang to. Pawang kathang-isip lamang.



—-


Nagpaalam ako na magsleep over kanila Ann at pinayagan din naman ako. Paglabas ko ng gate ay nandon na naman si Inday nakatayo sa labas ng gate. Kahapon don ko din siya nakita ngayon dito ko din siya nakita pero walang Al na nakatabi. Naramdaman ata nito ang pagmamasid ko sa kanya kaya iniangat niya ang tingin niya at tinukoy sa akin bago nginisian ako ng makilala. Binalik ko ang ngising ibinigay niya sa akin pero mas malaki iyon ngayon. Ngisi ka lang Inday, dahil bukas na bukas din hindi ka na makakangisi pa. 

Ngumuso ito sa akin bago ako inirapan pero ginantihan ko siya ng isang kindat. Naglakad na ako ng deretso habang nakataas ang baba.   

Dahil iba ang pakiramdam ko ngayong araw na to sa halip ay nag Taxi ako at hindi nag Jeep. Medyo malayo-layo ang biniyahe ko kaya halos malula-lula ako pagbaba.  Nang makarating ako sa Condo Unit ni Ann ay nagdoorbell na ako at miya-miya ay binuksan niya ito.  

"Kumpleto na?" Tanong ko sa kanya bago pumasok sa loob. Nakita ko ang mga Baka Girls na nakapambahay na habang kumakain. Umupo ako sa tabi ni Alyssa. "Kanina pa kayo?" Tanong ko ulit at tumango naman ang mga ito. 

"Iinom ka?" Tanong ni Alyssa.  Umiling ako sa kanya. "Wala ako sa mood ngayon ang gusto ko lang ay Calamansi Juice." Kanina pa ako natatakam sa Calamansi at feeling ko uhaw na uhaw ako ngayon hanggat hindi ko naiinom yon.  Tumayo si Alyssa papuntang kusina para ipaggawa ako. "No sugar, Aly." Pahabol ko sa kanya habang si Ann naman ay pumasok sa kwarto nito at paglabas ay may dala nang Folder. 

Umupo ito sa tapat ko bago itinaas nito ang kilay sabay ngisi. Binuksan niya ang folder kaya agad na napatigil kami sa pagkain at sa kanya lamang itinuon ang pansin. "She's 25 years old. Graduated in bachelor of science in Business Administration" 

"Don't care 'bout her age." Pakli ko.  Wala akong pakelam kung anong tinapos niya ang pake ko lang ay ang baho niya. Minsan nagiging masama ang isang tao pag masyado na itong nasasaktan at minsan  pag niloloko ito.  

Tiumawa ito sa akin bago inirapan ko lang siya dahil ang dami-dami pa niyang sinasabi at  gustong binibitin ako. "Mainipin ka masyado." Uminom ito ng Beer bago muling nagsalita. "Well, Her dad is a shareholder on Nicholas Corporation."  

Nicholas? What did she mean? Familiar sa akin ang pangalan na yon. Tama ba ang hinala ko? "So you mean, investor lang?" Tanong ni Alyssa na kababalik lang mula sa kusina bago iniabot nito sa akin ang baso ng Calamansi Juice. 

"Ah-huh." Maikling sagot ni Ann. "Yup. Hey, jasmin you didn't tell us 'bout your EX-BOYFRIEND that he OWNS a corporation.  He's a fuckin' millionaire " Exaggerated na pahayag niya. Paano ko sasabihin sa kanila kung ako mismo hindi ko alam ang trabaho niya dahil hindi naman nagkekwento ito noon.  Hindi ko nga naririnig o nalalaman na nagtatrabaho ito dahil laging nasa tabi ko sita dati para asarin. Ang gaga ko lang dahil ni minsan hindi ko inalam ang tungkol sa kanya except  yung tungkol sa pamilya niya pero hanggang dun lang yon at wala ng iba pa. Hindi ko din alam kung anong natapos niya samantalang ako alam niya. Uminom ako ng Calamansi Juice, ang kaninang uhaw ko ay nawala na ngayon pero napalitan ng inis.  

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isusunod ko na tanong. "Paano niya namanipulate ang Daddy ni Sir Montello?"  Tanong ni Bianca. 

"Kaibigan ng Daddy ni Inday ang Boss ni Mr. Montello." Mabilis na sagot ni Ann na para ba siyang iniinterview habang nakangiti. 

"So pinakiusapan ng Ama ni Inday ang Boss ni Mr. Montello?" Tanong ni Leslie. Hindi na ako nakikisali sa kanila at nakikinig nalang sa mga tanong at sagot nila dahil ganon din naman ang itatanong ko dapat sa kanila. 

"Nope. Inday is from a lower class. She became a mistress of the owner of Z&Y Company which is dun nagtatrabaho si Mr. Montello as a head of Accounting Department." 

"Tangina hindi nga? She's a mistress?" Mura ko ng marealize kung ano ang sinabi ni Ann sa amin.  

"Ah-huh! Kaya naging shareholders ang Daddy niya dahil binibigyan si Inday ng pera nung may ari ng Company." Napa O ang mga bibig naming sa inihayag ni Ann. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. My gosh! Kung makaarte ako mo galing sa mataas na pamilya yun pala mapangbalat-kayo lang at naninira pa ng may Pamilya. Yung Daddy naman niya kinukunsinte ang ginagawa ng anak hindi ba silay nahihiya non? Yung perang ginagamit nila ay galing sa MADUMI.  

"What we will do now?" Tanong ni Charlyn na isa pa din sa mga tahimik.  

"Gonna buy the shares of her dad." I answered quickly. Kabit pala ha, sino sa amin ngayon ang panalo? Nalaman ko na ang baho niya madadamay pa ang Tatay niya.  

"Paano mo gagawin yon? Si Al ang CEO nang Corporation na yon." Tanong ni Alyssa.  

"With the help of Bianca and her dad." Ngumiti ako. "Kailangan bumalik siya sa pagiging mahirap." Nagngisian ang mga ito. Hindi pwedeng ako ang bumili ng shares dahil malalaman agad ni Al ang motibo ko lalo na ngayon ay siya pala ang may-ari nun. Kailangan kong mag-ingat sa gagawin ko kundi mabubuko ako.  

"At kailangan ding malaman ng asawa ng may-ari ang Y&Z ang tungkol sa relasyon ng asawa niya at ni Inday dahil hanggang ngayon pala may relasyon pa rin ang dalawa." Saad ni Charlyn. Uminon ako muli ng Calamansi Juice hanggang sa maubos iyon. Tumango-tango ako sa kanya.  Pag nalaman kong may kabit ang Mommy ko or kaya naman ang Pops ko siguro iba pa ang magagawa ko. Kaya nasisira ang isang masayang pamilya dahil sa mga punyetang kabit na yan.  Akala mo nauubusan ng mga lalaki kaya kung makakapit sa mga may-asawa na ay parang mga linta. 

"Nagkamali siya ng kinalaban ngayon tuloy lalabas ang baho niya. Sure. Ipaalam mo kawawa naman yung Legal wife."  Hindi siya ang gagantihan ko kundi ang Daddy niya. Ganito kami makipaglaro ng mga Baka. Hindi kaaway ang ginagantihan kundi ang kapamilya hanggang sa lumuhod ang kaaway namin at mag-uumiyak dahil sa paghingi ng tawad. "Make sure lang na hindi malalaman na tayo ang may gawa ng mga 'yon tanging si Inday lang ang dapat makaalam non lahat." 

"Pagdating don, ako na ang bahala." Singit ni Leslie. "Para saan pa ang pagtatrabaho ko sa isang Telecomunnication Company kung hindi ko kayo matutulungan." Sabay kindat nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya dahil hindi ko pa man siya nasasabihan ay alam na niya ang gagawin ko. 

"Gusto niyong gamitin ko din ang pagiging psychologist ko? Gagawan ko siya ng sakit na may problema siya sa pag-iisip?" Tanong ni Charlyn. 

 ¨Isn't it to much for that?" Tanong ni Alyssa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad nitong itinikuom ang bibig. 

"Shut up, Alyssa. Wag mong kaawaan ang babaeng yon mabuti pa gawan mo ng paraan para magkaroon ng kaso ang Daddy niya." Lawyer ang Daddy ni Alyssa kaya kayang-kayang magawan ng kaso. Madumi kaming makipaglaro at minsan kailangan mong magcheat para lang magtagumpay ka. 

"What about your, Lolo?" Tanong ni Leslie. 

"Don't worry about him, I can handle that." Tumango na silang lahat at nagsimula ng ubusin ang isnag Case na beer na binili nila. Wala atang balak pumasok bukas pero ako ay tumayo upang magtimpla muli ng Calamansi Juice.  

Pagkagising ko kaninang umaga ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo at pagsusuka kaya hindi agad ako nakabangon sa higaan ko. Hindi ako tanga para hindi malaman ang kalagayan ko sadyang natatakot lang talaga ako na tama ang hinala ko.  

Hindi ko alam kung kanino ko ba dapat sabihin ang nararamdaman ko at kung anong gagawin ko. Nagvibrate ang phone ko na nasa side table ko kaya kinuha ko agad yun puro message nap ala ng mga Baka. 

From: Baka Bianca 

Done 

From: Baka Charlyn 

Oh my gosh, Nagkakagulo na daw doon dahil sa pangyayari ayon sa source ko. Pumunta ka na para mapanuod mo.  

From: Baka Alyssa 

I'm done.  

From: Baka Ann 

Bruha, gumising ka na. Magbihis ka ng maganda para don.  

P.S  

Napagkasunduan ng mga BAKA na tsaka na naming gagawin yung sa pagiging baliw niya pag hindi siya nadala. Labyu! 

From: Baka Leslie 

Oh my gosh, galit na galit ang legal at sinugod daw kahapon si illegal. Ngayon ko lang nalaman kaya ngayon ko lang tinext sa inyo. 

Nagawa agad nila yon habang ako naman ay natutulog ng mahimbing? Dalawang araw lang ang lumipas pero nagawa agad din nila ang plano at natapos na nila agad. That's why I love my girls. May kumatok sa kwarto ko kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Come in." iluwa ng pinto si Tita Mildred na nakangiti.  

"Good Morning, Jasmin." Bati niya. Sa likod ay nandun si Mommy. "Pwede ba kitang hingan ng pabor?" Tumango ako sa kanya bago ngumti. Ang cute ng ilong ni Tita Mildred kaya humagikgik ako. "Masaya ka ata ngayon, ahmmm pwede bang dalhin mo yung niluto kong Mechado para kay Al? Kung wala ka lang naman gagawin."  

 "Yun lang po ba? Sure." Kita ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha dahil alam nilang umiiwas ako kay Al pero ngayon ay walang tanggihan na tinanggap ko ang pabor nila. Pagkakataon ko na to para malaman ang nangyayari doon. Nawala ang mga gulat sa mga mukha nila ng tumayo ako at hilahin ang tuwalya ko para maligo at pinaltan nila ng mga ngiting may ibig sabihin. 

"Alam mo ba kung saan siya nagtatabraho?" Tanong ni Mommy. Tahimik akong tumango mabilis lang naman malalaman yon basta kasama mo si google map. "Sige maligo ka na aantayin ka naming sa baba." Umalis na ang dalawa at iniwanan akong mag-isa. Mayaman siya at isang successful na business man. 

Kakapasok ko palang sa loob ng kumpanya ay nakasalubong ko kaaagd ang humahangos na isang babae. Nakatakip ang isang palad nito sa bibig niya habang nakatungo. Hinarang ko siya kaya agad na napatigil ito "What are you doing here?" mataray na tanong niya. Tumaas ang kilay ko ero agad kong pinaltan yon ng isang malaking ngiti dahil sa namumulang mga mata niya. 

"How are you?" Masayang tanong ko sa kanya. "Pinapunta ako ni Tita Mildred dito." Sabay pakita ng bag na may lamang mga Tupperware. 

"What do you want?"  Wala sa mood na tanong nito. Tumaas ang kilay ko sa tono ng pananalita niya. I didn't know na mabilis magagawa ni Bianca ang pabor na hiningi ko. 

"What? I'm just asking if you are fine. No need to be snobbish." Hindi pa rin natatanggal ang mga ngiti ko sa kanya.  

"Wala akong panahon sayo.' Sabay talikod nito sa akin. 

"Really?" bumaling muli ito sa akin habang nakakunot ang noo at nangangalit ang mga ngipin. "What? I heard na naghirap agad kayo." Naglakad ito papalapit sa akin. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tauhan ni Al dito pero hindi na ako makakaalis pa dahil nasimulan ko na ang lahat ngayon ay ipagpapatuloy ko nalang. Pinag ekis ko ang mga braso ko at inilagay sa ilalim ng dibdib ko. "And I heard that you're a MISTRESS." Bulong ko sa kanya ng tumigil ito sa tapat ko.   

Nanlaki ang mga mata niya na mas lalo kong ikinangisi. Hindi ko na sana siya pakekelaman pero sa tuwing nakikita ko siya naaasar ako at naaaburido ng walang dahilan. Naririndi ako sa boses ipis niya na gustong-gusto kong pasakan ang bunganga niya. "Fuck you!" Sigaw niya.  

Nakaagaw na kami ng atensyon ngayonkaya halos lahat ng tao dito sa Lobby ay tinigil ang ginagawa at pinapanuod nalang kami na parang umaarte sa isang palabas. Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang kanang kamay ko sa buhok niya na agad din nitong tinampal. Ngumisi ako.  "What? Is it true? Ikaw naman kasi, gagawa ka na nga lang ng kalokohan hindi mo pa sinisigurado na magsa succeed ayan tuloy nahuli ka. Nakipaglaro ka pa sa akin e di mas lalong naging worst ang buhay mo ngayon." 

"Anong kaguluhan dito?" Sigaw ng isang boses na nakapagpawala sa ngisi ko. Naglakad ito papunta sa amin na may galit sa mga mata. "Anong meron?" Tanong niya sa akin.  Nagkibit balikat lang ako. 

Tangkang susugudin na ako nito para sabunutan ng hawakan siya ni Al sa braso. "I should go but lemme tell you something, kung gusto  mong maibalik sa ayos ang estado ng pamilya mo lalong-lalo na ng Daddy mo sabihin mo makipag-usap lang siya sa akin ng personal. Bye." Sabay kaway ko bago tumalikod na papalabas ng Kumpanya ni Al.  

"Jasmin, Wait!" Sigaw niya pero patuloy pa rin ako sa paglalakad ng maalala ko ang labit-labit na nasa kamay ko. Pumihit ako at humarap sa kanya bago naglakad. Iniabot ko ang bag na may lamang Mechado na paborito daw ni Al na may kasamang minatamis at kanin. 

Kumunot ang noo niya. "Mechado. Sabi ni Tita Mildred." Umiwas ako ng tingin ng ngumisi ito sa akin at ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko bago hinila ako payakap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya mas lalong gulat ko ng kinintalan niya ako ng halik sa labi. "Thanks Baby." 



Continue Reading

You'll Also Like

55.4K 1.6K 26
Republished: Written by Gazchela Aerienne Lori--- I am not just a vampire. I can be anything I wanted to be. Kaya kong pasukin maski ang katawan mo...
178K 5.4K 24
Complete version is available only on Dreame
119K 641 5
It's hard to accept that you are just an option for someone you love. Paano mo maipararamdam sa kanya ang pagmamahal kung iba naman ang nasa puso nit...
213K 5.1K 18
The Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil mahirap daw karibal ang bayan. Pero an...