Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 25

142K 3.7K 408
By asherinakenza


NOTE: H'wag munang basahin kung ayaw mabitin. LOL :D

SDTR: Kabanata 25

"H'wag kang manilip!" Hiyaw ni Jerome habang nasa likod ko siya at tinatakpan ang dalawang mata ko gamit ang malaking palad niya. Tapos na kasi ang klase ko sa mga estudyante ko at ito na rin ang last day. Sobrang saya ko dahil may naibahagi ako para sakanila. Napamahal na rin saakin ang mga estudyante ko, kahit ni minsan nasosobrahan sila sa kakulitan pero kalaunan ay mas nanginginbabaw ang pagiging masiyahin nila na nagpapatunaw sa puso ko.

"Ano ba kasing meron?" Natatawang sambit ko, ngumisi lang siya. Nakarinig ako ng maliliit na yapak na sa tingin ko ay nga batang nagtatakbuhan.

"SHHH!" Si Jerome iyon atsaka humina ang mga yapak, naglakad kami ni Jerome. "Isang hakbang." Aniya at inalalayan ako sa baywang ko saka humakbang ako na sa tingin ko ay maliit na hagdan.

"Ready?" Bulong niya sa tainga ko, tumango ako sakanya bilang sagot. Inalis niya ang kamay niya sa mata ko at napapikit ako nang masilaw ako sa liwanag, dahan dahan kong kinusot ang mata ko atsaka tumitig sa harapan ko.

Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang mga estudyante ko na nakatayo sa harap ng black board at may kanya kanya silang hawak na red roses at baloon. Lahat sila ay nakangiti saakin, may nakasulat sa black board na -- 'We love you, Teacher Claire!' Maya maya pa ay nagsimula silang magkantahan gamit ang maliliit na boses na talaga namang nagpangisi saakin.

~~ We were strangers, starting out on a journey, Never dreaming what we'd have to go through, Now here we are and I'm suddenly standing
At the beginning with you..~~

Nakapila ang 20 kong estudyante. Sampung lalaki at sampung babae. Lahat sila ay umaastang umaalon alon kasabay ng pagkanta, may ilang nauuna sakanila pero nakakapag pangiti saakin iyon. Isa isa kong tinignan ang mga inosenteng bata na talaga namang napakasasaya pagmasdan.

~~ And life is a road and I wanna keep going, love is a river, I wanna keep flowing, life is a road, now and forever, wonderful journey I'll be there when the world stops turning, I'll be there when the storm is through, In the end I wanna be standing, at the beginning with you..~~

Ngiting ngiti sila saakin habang itinuturo nila ako, nang matapos nila ang kanta ay isa isa nilang iniabot saakin ang mga rosas na hawak nila. Umupo ako upang magkapantay kami ng mga bata at halos kurutin sa saya ang puso ko nang halikan nilang lahat ako sa pisngi at niyakap isa isa. "Thank you teacher Claire!" Hiyaw ni Abby nang matapos akong yakapin, kinurot ko ang matabang pisngi niya bago siya tumakbo palabas ng classroom. Sumunod si Ethan na nakanguso habang inaabot saakin ang bulaklak. "Teacher Claire, are you mad?" Mahinang tanong niya ngumiti ako saka umiling iling.

Isang napakalapad na ngiti ang ibinigay niya saakin at napapitlag ako nang halikan niya ako ng mariin sa pisngi ko. "I love you, teacher Claire!" Sigaw niya at halos matawa ako dahil namula ang kanyang pisngi at saka nanakbo palabas ng classroom.

Nagkatawanan nalang kami ni Jerome sa inasta niya.

"Ito pala ang sorpresa mo, ganon?" Natatawang biro ko kay Jerome ngayong nakatayo kami sa gilid ng park kung saan pinapanood namin ang mga estudyante ko na masayang naglalaro sa swing at slides. May mga naghahabulan din at naghuhukay ng lupa, ang cute nilang tignan. Mukha silang mga anghel.

"Planado na talaga yan, para naman bago ka manlang umakyat ng stage sa graduation mo, may magawa akong hinding hindi mo makakalimutan." Masayang sabi niya, bumaling ako sakanya at nginitian siya. Makisig si Jerome, matangkad rin siya at mabuting kaibigan. Alam kong ipinaparamdam niya saakin ang hindi dapat. Hindi naman siya mahirap mahalin, pero masasabi kong mahirap turuan ang puso lalo na at kumakalabog na ito para sa ibang tao.

"Stop staring, mas lalo lang akong nahuhulog." Natatawang aniya, umiling iling ako bago nag iwas ng tingin sakanya. "Thank you so much Jerome, napasaya mo ako." Bulong ko at inamoy ko ang mga bulaklak na hawak ko na iniabot saakin kanina ng mga estudyante ko.

"Teacher Claire!!!" Napatingin ako sa estudyante kong si Ethan na nananakbo at hinihingal hingal. Umupo kami ni Jerome upang makapantay siya.

"What happened?" Kunot noong tanong ko sakanya, humawak siya sa dalawang tuhod niya at huminga ng mabilis. Hinaplos ko ang likod niya. Inabutan naman siya ni Jerome ng tubig at ininom iyon.

"Teacher Claire, is it true that the dream catcher will get all my nightmares?" Hinihingal na tanong niya na nagpakunot sa noo ko, "Hmm, yes? Sabi ng Daddy ko." Pinilit kong siglahan ang sagot ko sakanya, nagliwanag ang mukha niya at nginitian ako. Dahan dahan niyang ibinuka ang kamay niya at bumulaga saakin doon ang isang gold na bracelet na dream catcher. Manipis lang ito at masasabi kong kung hindi maiingatan ay hindi mo mapapansin na mawawala ito sayo.

Kinuha ko iyon sa maliit na kamay niya at pinagmasdan mabuti, "Saan galing 'to?" Hindi ko alam pero nang dumampi sa balat ko ang metal ng bracelet ay nagwala ang puso ko. Para bang may kung anong kuryenteng kumiliti doon upang mabuhay nanaman ang mabilis na pagkalabog.

"Sa--" Naputol ang sasabihin niya nang lumingon siya, kumunot ang kanyang noo at muli akong tinitigan. "Nanjan lang siya kanina." Nabubulol na aniya na para bang nairita siya dahil nawawala ang taong sinasabi niya.

At halos mapaawang ang bibig ko nang magsalita pa siya bago tuluyang umalis. "We have the same name!" Sigaw niya atsaka nanakbo pabalik sa swing.

Hindi ko nanaman mahabol ang mabilis na pagwawala ng puso ko, para bang nagtatatalon ito sa kaba, saya, at pagkakasabik. Luminga linga ako, alam kong nandito lang siya sa paligid ko kaya ganito nalang kalala ang pagkalabog nito.

"Are you okay?" Natigilan ako sa pag iisip nang biglang magsalita si Jerome, tumingin ako sa labas ng sasakyan at nakita kong nasa tapat na kami ng isang restaurant kung saan makikipag kita saakin si Mama. Gusto daw kasi niya akong makasabay kumain ng dinner at i-congratulate dahil nabuo ko na ang training ko.

"Kanina ka pa tahimik at tulala jan sa bracelet na suot mo." Patuloy ni Jerome, huminga ako ng malalim. Bakit ba hirap na hirap akong kalimutan siya? Oo, kung minsan naiisipan ko nalang na sana makalimutan ko nalang siya para mawala na lahat ng kirot sa puso ko, pero dumadating pa rin sa point na ayaw ng utak at puso ko.

"Jerome, magagalit ka ba kapag sinabi kong ganun pa rin ang nararamdaman ko?" Bulong ko, kaagad kong nakita ang pagka bigo sa mga mata niya. Kinukurot ang puso ko at nahahabag ako, ayoko siyang masaktan dahil para saakin ay tunay na kaibigan ko siya.

Pero isang marahan na ngiti ang iginanti niya saakin kahit na nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan ko siya ngayon. Humugot siya ng napakalalim na paghinga at umiling iling.

"Wala naman akong karapatang magalit, and besides, ni hindi ka nga pumapayag na ligawan kita. Ako itong lapit ng lapit sayo. Masaktan man ako, kasalanan ko na yon." Matabang na pahayag niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at humigpit ang hawak ko sa mga rosas, laking pasasalamat ko dahil wala na itong tinik kaya naman hindi na ako matutusok pa.

"Pero kahit anong mangyari, nandito pa rin ako. Hindi ako lalayo. Ipagtabuyan mo man ako, magiging kuntento na ako na mapanood ka mula sa malayo. I really like you...No, I love you Claire. I..I don't know how or why, basta ko nalang naramdaman 'to para sayo." Aniya, diretso ang tingin niya sa harap pero nakikita ko ang nagtutubig niyang mata na para bang pigil na pigil siyang h'wag bumagsak iyon. Ramdam na ramdam ko rin sa boses niya ang buong pusong sensiridad niya.

Bumaling siya saakin at halos mapapikit ako nang halikan niya ang gilid ng labi ko. Biglang kumalabog ang puso ko na para bang takot na takot ito dahil parang nag taksil ako sa isang tao. "I love you, Claire. Kahit ito nalang, h'wag mo nalang ipagkait na mahalin kita. Kahit walang kapalit. Pabayaan mo lang ako, hanggang sa mamanhid na yung puso ko dahil sa pagmamahal ko sayo." Bulong niya at hinaplos niya ang pisngi ko, lumayo ako sakanya at tinitigan ko siya.

"I..I'm really sorry Jerome." Nanginginig ang boses ko sa pagsasabi non, naiiyak ako dahil bakit ba hindi nalang ako napamahal sa isang taong kagaya niya na alam kong walang ibang matatapakang tao? Bakit kailangang mahalin ko ang isang lalaki na alam kong maling mali para saakin dahil pag aari na siya ng iba.

Ngumiti ng mapakla si Jerome at umiling, "Don't. Wala ka namang kasalanan." Sambit niya bago pa niya pinakawalan ang pisngi ko sa mainit niyang palad.

____

Kumaway saakin si Mama mula sa isang couch ng restaurant, maglalakad na sana ako palapit sakanya pero natigilan ako nang makita kong biglang lumundag si Sebastian mula sa kaharap ni Mama na couch at namilog ang kanyang mata. Gumuhit ang napaka-pilyong ngiti sa kanyang labi atsaka sumigaw.

"MAMA CLAIRE!!!" Masayang tawag niya saakin na talaga namang nagpagaan ng kalooban ko. Nanakbo siya palapit saakin saka yumakap sa mga hita ko. Apat na buwan lamang ang lumipas pero bakit parang tumangkad siya. Tumingala siya saakin habang binibigyan ako ng napakagandang ngiti, ang amos amos ng kanyang bibig dahil sa chocolate ice cream.

"I really miss my Mama Claire!" Humahagikhik na aniya at mas lalong yumakap sa hita ko, napapangiti na lang ako dahil ayaw niyang bumitaw saakin. Pilit ko siyang inihihiwalay sa pagkakayakap sa binti ko para sana yayain na siya doon sa upuan ni Mama, pero para siyang tarsier na bumitin sa binti ko habang nakayakap saakin. Napahalakhak kaming dalawa ni Mama.

"Sebastian, you are so heavy!" Tumatawang sigaw ko pero ngumiti lang siya at ipinagpatuloy ang paglambitin saakin. Sinikap ko na lang na makalakad papalapit kay Mama kahit pa bigat na bigat ako kay Seb.

Umayos na siya ng upo sa tabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. "Ma? Bakit kasama mo si Seb?" Pabulong na tanong ko kay Mama, ngumiti siya. "Ako ang sumundo sakanya sa school dahil naka-off ang driver natin. Naisipan ko na rin siyang isama dahil ilang araw ka nang itinatanong saakin ng bata." Kwento ni Mama na nagpangiti saakin, buong akala ko ay makakalimutan na ako ni Sebastian, dahil sa loob ng apat na buwan ay hindi ko talaga siya tinangkang dalawin dahil nakakaramdam lang ako ng lungkot. Pero ngayon, sobrang saya ko dahil namiss ko talaga siya.

"Nasaan si Briana? Hindi ba dapat siya o ang Yaya nalang ni Seb ang sumundo?" Kunot noong tanong ko. "Nag enroll si Briana, papasok ulit siya sa susunod na sem. Umuwi ng probinsya ang Yaya ni Seb kaya naman ako nalang ang sumundo sakanya." Paliwanag ni Mama, tumango nalang ako at muli kong tinignan si Seb. Kahit nakatagilid siya saakin ay kitang kita ko ang pagkakamukha nila ni Ethan. 

"Congratulations anak." Pagbabago ni Mama ng usapan, ngumiti ako at nagpasalamat. "Malapit na ang graduation mo. G..gusto sana ng Daddy mo na umattend." Halos ibulong nalang ni Mama ang huling salita, hindi ko alam pero bigla kasing bumigat ang puso ko. Hindi ako sumagot.

"Anak, namimiss ka na ng Daddy mo. Gusto ka niyang makausap." Bulong ni Mama.

"Ma, akala ko ba susunod ka saakin kela Jenica? Apat na buwan na pero hindi mo pa rin iniiwanan si Dad." Diretsang sabi ko na nagpalungkot kay Mama. Walang tao na gustong magkaroon ng broken family, pero kung iyon naman ang magiging paraan upang mabawasan ang sakit sa puso ni Mama ay gagawin ko.

Huminga siya ng malalim at tumungo. "Hiwalay na kami ng Daddy mo." Sabi niya na nagpagulat saakin. Buong akala ko ay buong buo ang pagmamahal ni Mama kay Dad kaya hindi niya ito magawang iwanan.

"Nung isang araw lang, syempre hindi ganoon kadali. Masakit para saakin ang iwanan siya, lalo na at sinabi ng Daddy mo na minahal niya ako. But I know, it's not enough. Tama ka naman anak, dapat maging matatag ako para sayo. Anak kita at mas kailangan mo ako. Kakayanin kong mabuhay na wala ang Daddy mo basta alam kong kasama kita." Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Mama, namumula na rin ang kanyang ilong at mata.

"Ma.."

"Naiintindihan ko kung masama ang loob mo sa Dad mo, pero anak, bigyan mo naman ng pagkakataon ang Daddy mo na makita ang kaisa isa niyang anak na nagmamartsa sa Graduation. Mahal ka ng Daddy mo, mas malaki ang pagmamahal niya sayo kaysa sa ibang bagay. Nagiging malupit lang siya ngayon dahil ayaw ka lang niyang masaktan, ayaw niya ring masaktan si Briana dahil itinuri na rin niya itong tunay na anak." Paliwanag ni Mama, tumulo ang luha ko. Totoong masama ang loob ko kay Dad hanggang ngayon. Kung si Briana lang ang pag uusapan ay wala na akong pakialam sakanya, hindi ko ipagdadamot sakanya ang pamilyang mayroon ako ngayon dahil alam kong wala na siyang kasama sa buhay niya kundi si Seb nalang. Pero kahit pa sabihin ng lahat na may anak at asawa ka, na mag aalaga at magpapasaya sayo, iba pa rin ang pakiramdam kapag mga magulang mo ang kasama mo sa hirap at ginhawa. Dahil minsan lang nabubuhay ang mga tao sa mundong 'to, at sa minsan na yon, isang beses lang tayo maaaring bigyan ng pamilyang masasabi nating totoong magmamahal saatin.

Huminga ako ng malalim, "Okay po, Ma. Sa graduation nalang siguro ako makikipag usap kay Dad." Pagtatapos ko sa usapan namin ni Mama.

Umorder na kami ng pagkain namin. Nang matapos namin kainin ang main course ay umorder din ako ng cakes. Panay naman ang ngisi ko kay Seb ngayon dahil humiling siya kay Mama na umorder ng fresh cherries.

Kumakanta kanta siya ng isang song na natutunan niya sa school nila nang bigla siyang napatigil at halos hilahin niya ang kamay ko. "Mama Claire! Meron din ako nito!" Magiliw na sabi niya habang pinagmamasdan ang pulso ko na nakasuot ng dream catcher na bracelet.

Itinaas niya ang kaliwang braso niya at ipinakita saakin ang suot niyang gold bracelet na may dream catcher din! Ngiting ngiti siya saakin.

"Bigay ni Daddy. Sabi niya para daw iwas nightmares." Humahagikhik na aniya na nagpakalabog sa puso ko, naramdaman ko ang titig saakin ni Mama pero pilit kong iniiwasan iyon.

Panay ang yakap saakin ni Seb habang nakatayo siya sa couch, "Mama Claire, let's go to the beach again. You. Me. Daddy." Bulong niya, panay nanaman ang pagwawala ng puso ko dahil sa mga binibitawan na salita ni Seb, bumabalik kasi sa alaala ko ang lahat ng pagsasama namin ni Ethan, at naiinis ako sa isiping hindi ko na siya makakasama.

Hindi na ako nakapag salita dahil dumating na ang inorder ni Sebastian na fresh cherries, nagsimula siyang kumain non at halos manlaki ang mata ko dahil nagagawa niyang buhulin ang tangkay non gamit ang dila niya. Kahit pa matagal bago niya mabuhol iyon, nagpaalala pa rin ang bagay na iyon saakin kay Ethan.

"Lala! Daddy is good with this thing!" Ani Sebastian kay Mama, ngumiti si Mama sakanya. "Ikaw din naman ah, pero Seb, enough na ha? Ang dami mo nang nakain na sweets, baka sumakit ang throat mo." Suway ni Mama sakanya, ngumiti si Seb at tumango tango. Pinunasan ko ang bibig niya at saka tumayo ulit siya sa couch upang halikan ang pisngi ko.

"I miss my Mama Claire!" Ngiting sigaw niya atsaka tumalon talon, niyakap ko nalang siya habang nakangiti. "I miss you too, Sebastian." Nakakatuwa dahil espesyal pa rin ako kay Seb, gumaan ang pakiramdam ko gayong yakap yakap ko ang batang ito.

___

"Sa hotel ako tumutuloy ngayon, ihahatid ko lang si Seb sa bahay pagkatapos babalik na rin ako sa hotel." Sabi ni Mama, siya ngayon ang nagdadrive. Nasa back seat ako habang hinahaplos ko ang buhok ni Seb na ngayon ay nahihimbing sa pagtulog.

Tumango nalang ako, "Claire anak, nagbabalak akong umalis ng Manila." Biglang utas ni Mama na nagpabaling saakin sakanya, ibinaba niya ng kaunti ang rear mirror upang tumingin saakin sandali.

"Saan ka pupunta Ma?"

Ngumiti si Mama, "Sa Benguet. Doon nalang muna ako." Sagot saakin ni Mama. Sa natatandaan ko may bahay kami sa Benguet, dahil doon naman talaga nakatira noon sila Mama at Dad matapos silang ikasal. Nung nabuo nga lang ako atsaka sila nagpasiyang bumalik ng Maynila.

"After ng graduation mo ang alis ko. Mas makakabuti na siguro yon para mabilis kong makalimutan ang Daddy mo. Aalis na rin ako sa trabaho ko sa company, doon nalang muna ako magiging abala sa isang strawberry farm natin. Pati sa mga real estate natin. Bubuhayin ko ulit yung business sa farm pati na rin yung partnership mining na inaalok saakin ng Tita Pola mo baka tanggapin ko na." Litanya ni Mama, si Tita Pola ang Mama ni Jamille, sa natatandaan ko ay nandoon ngayon sa Baguio si Jamille at doon nag aaral dahil malapit lang ang boyfriend niya doon.

Hindi ko alam pero bakit nakakaramdam ako ng pagkahabag kay Mama?

"M...mag isa ka lang?" Hindi ko maiwasan ang lungkot sa boses ko. Tumango si Mama bilang sagot saakin, hindi ako makasagot. Iiwanan niya si Dad para saakin, pero mamumuhay siyang mag isa.

Nang makarating kami sa bahay namin ay hindi na ako bumaba, hinintay nalang namin nna lumabas ang isa sa mga kasambahay namin para kuhanin ang natutulog na si Seb. Sandali kong hinalikan ang pisngi niya bago ko tuluyang iniabot sa kasambahay namin. Sumilip din ako sa labas ng bahay, dito ako lumaki. Dito ako namulat na magkaroon ng masayang pamilya. Bakit kailangang maging ganito ang lahat saamin kung noon naman ay halos kainggitan kami ng lahag dahil sa perpekto raw ang pamilya namin.

Hinatid na rin ako ni Mama sa Antipolo. "Ayaw mo po bang pumasok sa loob Ma? Para makita mo rin sila Lola." Tanong ko, ngumiti si Mama at umiling. Hinagkan niya ako atsaka hinalikan sa pisngi.

"Nagpapahinga na ang Lola mo, bukas nalang ako dadalaw." Nakakamiss ang yakap ng isang ina, para bang pakiramdam ko inaalis nito ang pagka bigo ko.

"Pagpasensyahan mo na ang Mama kung hindi malakas ang loob, pero anak, simula ngayon susubukan kong maging malakas para sayo." Bulong niya saakin, tumulo na ang luha ko kaya niyakap ko na rin pabalik si Mama.

"Ma, namimiss na kita." Umiiyak na bulong ko, "S...sasama ako sayo sa Benguet." Patuloy ko, natigilan si Mama at humiwalay saakin.

"No, nandito ang mga pangarap mo." Pinunasan ko ang luha ko at umiling iling ako. "M...may mga pre school naman siguro sa Benguet diba Ma? Doon nalang ako magtuturo. Gusto ko kasama kita Ma, katulad ng dati." Umiiyak na sabi ko sakanya.

Ngumiti si Mama saakin, "Iiwanan mo ang Daddy mo."

Umiling ako. "Maiintindihan naman niya siguro ako Ma, kakausapin ko si Dad, promise. Just, don't go na hindi mo ako kasama." Pakiusap ko sakanya, tumango tango si Mama saakin at niyakap ulit ako.

Gusto kong samahan si Mama, hindi ako papayag na mag isa lang siyang malulungkot doon. Gusto kong pawiin lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil kay Dad. Oo nga nasasaktan ako ngayon, pero alam kong mas matindi yung sakit na nararamdaman ngayon ni Mama dahil mas malalim na ang napagsamahan nila ni Dad.

Nang makapasok na ako sa loob ng bahay nila Jenica ay kaagad akong naligo at nahiga sa kama ko dito sa guest room. Patay ang ilaw at ang tamang nagiging liwanag lamang ay ang ilaw sa poste sa labas. Tahimik na ang buong paligid nang mag vibrate ang cellphone ko.

Unknow number calling...

Yan ang nakalagay sa screen. Marahan kong pinindot iyon upang sagutin. Hindi ko alam pero nanginginig ang boses ko.

"Hello?."

Pero isang malalim na paghinga ang narinig ko sa kabilang linya na naging dahilan para mapaupo ako sa kama ko. May kung anong kumikiliti sa puso ko ngayon at nagsisimula nanaman ang rumaragasang pagwawala nito.

"Hello?" Ulit ko at halos matunaw ang puso ko nang marinig ko ang boses na nagpapahina sa buong katauhan ko.

"Congratulations, baby."

****

A/N: Waa ang bitin nanaman ano? Pasensya na. LOL. Basta thank you so much sa mga patuloy na naghihintay ng updates. :)

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 232 9
Mackenzie's dream is to study at a prestigious university in London and be with her month-long boyfriend. She thought her life would be perfect and b...
2.7K 192 18
Unedited Kristine Mikhaela Abel is a woman who believes in true love, one day she thinks of the man in her dream she does not know who it is and wh...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

83.6K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
9.9M 190K 32
"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."