Diana's POV
Nakatayo ako sa may hagdan. Hinihintay ko na bumalik si Mark, naiwan kasi niya iyong gamot na nireseta sa akin ng nurse sa clinic. Hindi ko rin kayang bumaba ng mag-isa.
Nakatingin lang ako sa hagdan ng may biglang magsalita sa likuran ko. Medyo nagulat ako kaya pagpihit ko ay bigla akong nawalan ng balanse. Napikit ko na lang ang mga mata ko....
I was about to fall when I felt someone grab my hand and then hug me. Naramdaman ko na lang na parang nahuhulog ako. Tapos ay tuluyan na akong bumagsak.
May mga naririnig akong nagsasalita. Feeling ko rin may tumatawag ng pangalan ko, pero hindi ako sigurado. Naalog yata ang ulo ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. And then ang mukha niya ang una kong nakita. Si Nathaniel. I was on top on him. At nakapulupot ang isang braso niya sa bewang ko.
What just happened?
He seem hurt. Nakakunot ang noo niya at panay ang mura niya.
Blanko ang isip ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung paano akong nakatayo kanina o kung sino ang tumulong sa akin. Basta namalayan ko na lang na sobrang dami ng tao sa paligid at wala na si Nathaniel.
"Is she alright Mark? Bakit hindi siya nagsasalita?"
Narinig ko na tanong ni Nica. Naririnig ko ang lahat ng sinasabi nila pero parang ayaw magprocess ng utak ko ng isasagot sa kanila. Ni hindi ko nga maigalaw ang katawan ko.
Nang maramdaman ko na bubuhatin na ako ni Mark ay saka pa lang gumana ang utak ko.
"Oh my God Diana. Akala namin kong napano ka na at hindi ka nagsasalita."
"Sorry Ina, medyo nagulat lang ako sa nangyari."
"Bakit ka ba nagsosorry. Ano, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Anong ba kasing nangyari sa inyo bakit kayo nahulog ni James sa hagdan?
"Oo nga pala. Kumusta na si Nathaniel? Anong nangyari sa kanya? Okay lang ba siya?" tanong ko agad sa kanila nang mabanggit nila ang pangalan nito. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa kanya.
"Hindi namin alam. Pero dinala na siya ng mga kaibigan niya sa clinic."
"Ganoon ba. Pupuntahan ko siya." sabi ko sabay tayo. Pero medyo napagewang ako ng kaunti, hindi nga pala okay ang paa ko.
"Samahan ka na namin Diana. Pero sigurado ka bang okay ka na ha? Wala bang masakit sa'yo?"
"Okay lang ako Mark. Halika na."
"Sigurado ka talaga?"
"Oo nga eh." Ang kulit din ni Mark ah. Paulit-ulit talaga.
Inalalayan ako ni Mark papunta sa clinic. Maraming ng estudyanteng nag-aabang sa labas at karamihan sa mga iyon ay mga babae. Malamang iyan iyong mga fans ni Nathaniel dahil ng makita nila ako ay tiningnan nila ako ng masama na parang gusto na nila akong patayin.
Mukhang lalong lumaki ang galit sa akin ng mga tao dito dahil sa nangyari kanina. Pero hindi ko naman iyon sinasadya. Sino ba ang may gustong mahulog sa hagdan, di ba wala.
Hinarangan ng mga ito ang pinto. Ayaw pa akong papasukin. Kung hindi lang masakit itong isang paa ko ay pagsisipain ko itong mga ito. Sobrang nakokokensiya na nga ako sa nangyari tapos dadagdag pa sila sa problema.
"Anong ginagawa niyo."
Napalingon kami sa nagsalita. Si Dominic. Ng makita nila ang seryuso nitong mukha ay nagbigay sila ng daan. Nakakatakot din pala ito minsan, ngayon ko lang nalaman.
"Diana, okay ka lang ba? Anong nangyari sa paa mo? Dahil ba iyan kanina?"
"Hindi ito dahil dun. Okay naman ako. Hindi naman ako nasaktan."
"That's good. Halika pasok tayo sa loob."
Pumasok na nga kami sa loob. Hindi na nakaepal pa iyong mga babaeng nag-aabang sa labas. Kaya lang may mas demonyita pa palang nasa loob. Si Caroline.
"Look who's here. Talaga ngang makapal ang mukha mong babae ka. Hindi ka pa nakontento sa ginawa mo kay James. Nagpunta ka pa talaga dito."
"Caroline, ayoko ng gulo. Gusto ko lang namang kumustahin si Nat--- James."
"And who gave you the right to do so?"
"Caroline ano----"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang bumukas iyong nakatabing na kortina at nakita ko si Nathaniel. Nakahiga pa rin siya sa kama, at nakabenda ang isang braso.
"Bakit ba napakaingay niyo?" sigaw niya. Kahit na nasaktan na siya ay suplado pa rin siya. Napatingin siya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"That's the same thing that I asked her James."
"Ahhhh--"
"Lumabas ka!!!"
Napatingin ako sa kanya. Nakita ko namang napangiti ang bruhang si Caroline.
"Anong pang hinihintay mo diyan, Alis na."
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko Caroline? I said get out."
Nagulat ang bruha sa sinabi ni Nathaniel. Kahit ako, akala ko ako ang pinapalabas niya.
"But James...."
"I SAID... GET OUT... NOW" galit na sigaw nito kaya pinakiusapan na nila Albert si Caroline na umalis. Padabog itong lumabas ng clinic. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay binigyan muna niya ako ng isang matalim na tingin.
"What now?"
Napanganga ako. Hindi ko kasi maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Anong kailangan mo? Hindi ka naman pupunta dito ng walang dahilan."
"Gusto ko lang sanang magsorry dahil sa nangyari kanina. Dahil sa akin, nasaktan ka." sincere na sabi ko sa kanya.
"Buti at alam mong kasalanan mo ito."
Sa isip ko ay napasimangot ako. Kailangan pa talaga ipamukha sa akin na kasalanan ko, inamin ko na nga di ba. Ang lalaking ito, kung hindi lang talaga ako naguiguilty dahil sa pagligtas niya sa akin kanina ay nasabon ko na ito.
"Kaya nga nagsosorry na ako eh. Sorry saka salamat na rin."
"Anong gagawin ko sa sorry at thank you mo? Pagagalingin ba nun itong braso ko." Ipinakit pa talaga niya sa akin ang nakabendanna niyang braso.
Oo na. Nabali na iyang braso mo. Kita ko naman eh. Lalo pa akong pinapaguilty nito eh.
"Eh anong gusto mong gawin ko para makabawi sa'yo?"
"You're asking me kung ano ang gagawin mo? Are you sure?"
Tumango ako.
Hindi pa siya sumagot agad. Parang nag-iisip. Habang tinitingnan ko ang mukha niya ay kinabahan ako. Parang hindi ko gusto ang tinatakbo ng utak niya eh. Mukhang nagkamali yata ako at tinanong ko pa siya.
"Okay... How about you take care of me hanggang sa gumaling na----"
"Ano???" sigaw ko agad kahit hindi pa man natatapos ang sinasabi nito. Sabi na nga ba eh. Dapat hindi ko na lang talaga siya tinanong. Dapat tumigil na ako doon sa sorry at thank you.
"You'll be my personal nurse......"
James POV
"Eh anong gusto mong gawin ko para makabawi sa'yo? Sabihin mo kahit ano...."
Dahil sa sinabi niyang iyon ay parang biglang tumunog ang bell ng utak ko. Kahit na sobrang nasaktan ako dahil sa nangyari kanina ay palalampasin ko na lang sana ito. I was slightly at fault din naman. Alam ko naman kasi na lapitin ng disgrasya ang babaeng ito ay nilapit-lapitan ko pa. Isa pa, kung hindi ko siya nagulat kanina ay hindi iyon mangyayari.
Kaya lang dahil sa sinabi niya ay nagbago na ang isip ko.
"You're asking me kung ano ang gagawin mo? Are you sure?"
Tumango siya. Ganoon talaga siya kasigurado ah. Ni hindi man lang nag-isip muna. Masubukan nga itong babaeng ito. Nag-isip ako ng pwedeng ipagawa sa kanya. At ang pinakamagandang naisip ko para pahirapan siya ay...
"Okay... How about you take care of me hanggang sa gumaling na----"
"Ano???" reklamo agad nito kahit hindi pa man natatapos ang sinasabi ko. Sabi na nga ba eh... Hanggang salita lang ang babaeng ito. Pero hindi na siya pwedeng tumanggi. Hindi niya pwedeng tanggihan ang isang James dela Vega.
"You'll be my personal nurse......"
"Pero...."
"Akala ko ba kahit ano gagawin mo?"
"Kaya lang..."
"Kung ayaw mo sabihin mo lang. Hindi naman kita pinipilit... Ikaw lang itong tanong ng tanong diyan tapos hindi mo rin pala gagawin."
"Oo na.. Sige na... Payag na akong alagaan ka hanggang sa gumaling ka. Masaya ka na?"
"Okay." matipid na sagot ko. Pero sa loob-loob ko ay sobrang natutuwa ako. Hindi naman pala mahirap paamuhin ang babaeng ito eh. Konting gipit lang, bibigay na agad siya.
"But I have rules..."
"Ano namang pauso iyan?"
"First rule.. Don't ask questions.
"Ano? Paano kung may hindi ako maintindihan"
"I just said it.. Don't ask questions."
Napasimangot siya. Sa isip ko ay napangiti ako. Mukhang magiging masaya ito.
"Second rule. You can't refuse or kahit magreklamo. And last rule, kapag sinabi kung puntahan mo ako 'right now, it should never be a minute late'. Do you understand?"
"Do I have a choice?"
"Okay... it's all set then... Shall we start now?"
Natigilan siya sa sinabi ko. I can tell that she didn't expect it. Wala din naman sa plano ko na ngayon na namin sisimulan ang trabaho niya. Pero since gagawin din naman niya iyon, eh di lubus-lubusin na natin.
"Teka lang... hindi ba pwedeng bukas na lang?"
"Second rule.." Iyon lang ang sinabi ko. I'm sure maiintindihan na niya iyon. Kaya napasimangot na naman siya.
"Ano ka ba naman James... Diana can't take care of you right now. Masakit pa ang paa niya at hindi siya makapaglakad ng maayos. It might get worst kapag nagpagod siya." Si Annika. Ang dakilang nagapagtanggol niya.
Tiningnan ko ang paa niya. Medyo nakaangat ang isang paa niya. It must have been the reason kaya siya nagpunta ng clinic at hindi makababa ng hagdan kanina. Hindi kaya iyon lumalala ng nahulog kami kanina? Sana naman hindi...
I mean, dapat hindi iyan lumala kasi sino na lang mag-aalaga sa akin kung may kapansanan din siya. Hindi ko siya mapaglalaruan.
"Okay... She can't start when her feet is well. I'll just hire a nurse for the mean time."
Author's Note
Hindi muna ako makakapag update for the next two weeks. Kailangan ko na kasing magreview for our mock board exam.... A week before lang ako magrereview.. ang bait ko talagang bata.. heheheh