Shadows Of A Silverharth [COM...

By hiddenthirteen

1.6M 63.5K 8.4K

Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, sh... More

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

/32/ Bad Night

20.1K 880 155
By hiddenthirteen

Chapter 32:
BAD NIGHT
*************

The same time at the Kingdom of Drakos

***

Hiddenthirteen's POV

Tatlong kawal ng kadiliman ang lumuhod sa harap ng trono kung saan nakaupo ang kanilang hari. "My Lord!" sabay-sabay nilang bati.

"Hmmm?" tila mahinhing tugon ng lalaki pero hatid nito ang awtoridad at kapangyarihan.

"Ang grupong pinadala mo sa misyon who came back from Land Of Blossom..," nanginginig na pagsisimula ng isang kawal.

"What's with them this time?" mahinahong tanong ng hari ng kadiliman.

"Something strange is happening to them," tugon ng isa pang kawal.

"Something strange? Bring me to them."

"Our pleasure, my Lord!" Dinala ng mga kawal ng kadiliman ang hari ng mga drakos.

Nadatnan nila ang isang matanda na nakatayo sa harap ng isang kulungan.
Sa loob ng kulungan ay ang siyam na drakos na ipinadala sa isang misyon sa Land of Blossom, ngunit bumalik silang parang wala sa kanilang sarili. Tila may kung anong nasa katawan nila na nagpapahirap sa kanila. Lahat sila ay sumisigaw, namimilipit sila sa sakit at nagpagulong-gulong sa sahig.

"Anong nangyayari sa kanila? Bakit sila nagkakaganito?" tanong ng pinuno ng mga drakos.

"Hanggang  sa ngayon ay hindi ko matukoy kung ano ang nangyari at mali sa kanila. Hindi ko alam bakit parang nasa ilalim sila ng isang ilusyon. Hindi ko rin alam bakit hindi ko maramdaman ang signus nila. Hindi ko matukoy ang nagdudulot sa kanila ng walang katumbas na sakit kaya sila'y namimilipit. Ang tanging kakaibang nakita ko sa kanila ay ang mala-dahong marka sa kanilang noo," tugon ng matandang kanina pa nakatayo sa harap ng selda.

Napatingin sa mga noo nila ang hari. "Marahil 'yan ang rason kung bakit sila nagkakaganyan. Ngunit sino ang nilalang na kayang gawin ito. Tiyak na siya ay malakas."

"Hindi ko iyan masasagot, mahal na hari ng kadiliman," tugon ng matanda.

"Ikaw si Tatang Isko, tama ba ako? Ang pinakamagaling na healer sa buong Archania?"

"Ako nga si Tatang Isko, pero hindi ko masisigurong ako ang pinakamagaling na healer. Patawad lalo pa't hindi ko sila kayang gamutin. Kailangan ko ng umalis at ipagpatuloy ang aking paglalakbay," sabi ni Tatang Isko.

"Sandali Tatang Isko Bakit hindi ka nalang sumanib at maging Drakos katulad namin?"

***

Ester's POV

Umalis na ang mga bruhang iyon. Iniwan nila akong nag-iisa at duguang nakahiga sa damuhan. Kahit na gan'to ang sinapit ko, nasa isip ko pa rin ang sasabihin ni Lucas. I must go and meet him tonight no matter what. Kaya ko pa namang indahin ang sakit. Sanay na akong iniinda lahat ng sakit.

Iniisip ko rin, kung masakit ang iniinda ko ngayon, ano pa kaya ang sakit na iindahin ng siyam na drakos na binigyan ni Sais ng needles of contract? Na makakaramdam ng triple na sakit na nararamdaman ko.

Dahan-dahan akong tumayo. Napahiyaw pa ako sa hapdi ng aking mga natamong sugat. Dumadaloy pa rin ang sariwang dugo mula rito. Hindi ko na ito pinansin bagkus ay nagpatuloy na ako sa paglalakad, paika-ika dahil sa dami ng sugat sa aking mga paa. Mabagal kong tinahak ang daan patungong Dead Lake. Nagmistula akong pagong sa bagal pero desidido akong makausap si Lucas ngayon.

Nang marating ko ang Dead Lake ay natagpuan kong nakatayo si Lucas sa tabing lawa. He is facing the lake, so I can only see his back, his broad shoulders, which is better. Mas mainam na hindi niya makita ang sitwasyon ko ngayon.

"You're late," sabi niya. Napansin niya siguro ang presensiya ko kaya't alam niyang nandito na ako.

"Sorry for that," garagal kong sagot. Pinipilit kong magsalita nang normal kahit na iniinda ang kirot at sakit ng aking mga sugat.

Akmang haharap at lilingon siya sa akin kaya inunahan ko siya, "Don't face me! I hurriedly came here, so I left my shirt back in my dorm. I'm half naked right now," pagsisinungaling ko. Kaagad niya namang binawi ang kaniyang katawan at hindi na siya lumingon pa. I didn't think that stupid lie would sell. "Now speak! What do you know about me?" ma-awtoridad kong utos.

"The fact that you came, maybe what I think about you is true." I heard Lucas' slight fake laugh.

"Don't beat around the bush. I said speak!" Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang alam niya. Ngunit, hindi ko matitiyak kung hanggang kailan ako tatagal.

"Now matter what angle I see you, you really look like her," dinig kong sabi niya.

"Who?" Napaimpit ako dahil sa bigla na namang pagkirot ng mga sugat ko.

"Angel. Your are her, right?" Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya.

"What are you talking about?" Kung nagbibiro man siya, mas mabuti nang sakyan ko ito.

"Don't pretend to me, Ester. I know that you are my Angel!" Madiin ang pagkakasabi niya ng dalawang huling salita na parang sinasabi niyang siguradong-sigurado siya.

"Who the hell is that Angel?" Kahit na ako'y walang kaalam-alam sa pinagsasasabi niya.

"Aren't you the one I met 12 years ago? The one who saved me? The one that I longed for? Ang mahigit isang dekada ko nang hinahanap? My angel?" Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o ano? He is making me feel cringed all over my body. Pero tila totoo ang lahat ng sinasabi niya. I can feel the sincerity from his voice. Ngunit ano ang magagawa ko? Kahit anong pagpilit niya na ako si Angel, wala akong maisasagot sapagkat ngayon lamang kami nagkita.

Wala akong natatandaan sa mga sinasabi niya.

"I am sorry Lucas, but I am not your Angel. Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Please stop doing this to me. Pagod ako ngayon, Lucas. I'll leave now." Akala ko pa naman kung totoong may nalamanan talaga siya sa pagkatao ko. I just wasted my time and energy for this nonsense.

"Don't lie to me Ester!" sigaw niya.

Akmang lilingon siya ulit sa akin ngunit sumigaw ako. "I said don't face me! I'm naked! I don't want you seeing my ugly body!"

"Are you really naked, or you are just hiding your expressions to deny yourself? Your facial features say it all. Kamukhang-kamukha mo siya. Kahit na hindi ako nakatingin sa iyo ngayon, alam kong ikaw 'yan dahil memoryado ko pa ang timbre ng boses ni Angel na parehas sa boses mo. Alam mo bang gabi-gabing parang musikang dumadalaw at hindi mawala ang boses na iyon sa isipan ko. You are Angel!" Pansin ko ang unti-unting paggaragal ng kaniyang boses. Teka, umiiyak ba siya? Is Lucas Eathren really crying? Tila mas masakit pa ang nararamdaman niya sa hapdi ng mga sugat ko.

"Please Ester. If you are Angel, you can honestly tell me. Sawa na akong maghanap. Sawa na akong maghintay." Tama nga ang sinasabi nila. Sad emotions can hurt more painful than wounds. Thousand and millions of cuts are not enough to compare how he is hurting deep inside.

"But I am not her!" Pinilit kong magsalita. Nararamdaman ko nang hindi na magtatagal ang diwa ko. Nakalimutan kong nilagyan pala ng lason nila Rizka ang mga tinik kanina.

"But why can I see her in you?" singhal niya. All I can see is his back, so I don't know what he really is feeling.

"I said I'm not her! Why can't you forget about her? Why are you being locked up in that memory?" Nagsimula nang manlabo ang paningin ko. Nawawalan na rin ako ng balanse. Kinuyom ko ang mga palad ko upang labanan ang pagsara ng mga talukap ko.

"How did you know?"

"Ten told me." Sa mga pagkakataong ito ay nandidilim na ang paningin ko. Tanging ang liwanag na lang ng buwan ang aking naaaninag pati ang maskuladong pigura niya. Ngunit sa huling pagkakataon ay pinilit kong magsalita. "Alam mo Lucas, kung ako sa'yo, matagal ko nang kinalimutan ang taong ayaw magpakita. She might just be your childhood imagination. Marami ka nang na-miss na importanteng bagay sa buhay mo. Maraming taong naghihintay na bumalik ang dating Lucas na kilala nila. Maraming tao ang nagmamahal sa'yo. Sina Finnix, Ten, Winwin at ang buong Bluebloods. Mahal ka nila Lucas ngunit isinasawalang-bahala mo lang sila, para sa anghel na 'yon. I know wala akong karapatamg sabihin ito, but please Lucas..," Ngunit napatigil ako bigla sa kaniyang sunod na sinabi.

"Eh, ikaw Ester, mahal mo rin ba ako? Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko sa'yo ito. Bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita kita. Hindi ko alam kung bakit tila mahal na kita. Kung mahal mo ako Ester, may posibilad na makalimutan ko siya. And if Angel was just my imagination, will you be my real life angel then?"



- End of Chapter 32 -
**************

Continue Reading

You'll Also Like

2M 44.6K 52
Masked as a nobody in the world he was ruling behind the curtains, Konnar's attention was caught by Sadie's delusions and played along. When romance...
2.7M 59K 68
Hindi ko alam kung anong pinasok ko. Basta ang alam ko, sinundan ko ang best friend ko kung saan man sya dinala ng mga lalaking naka-tuxedo. Basta an...
6.1M 267K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
45.8K 2.8K 41
WATTYS 2022 WINNER (FANTASY CATEGORY) First Avenue In San Ferro hospital where affected babies are confined on the same day due to the widespread occ...