Diana's POV
Sinamahan ako ni Mark na pumunta ng clinic. Ayoko sana pumunta pero pinlit ako ng mga kaibigan ko. Sobrang nag-aalala sila sa paa ko, ipatingin ko man lang daw sa nurse ng school.
Hindi naman siya gaanong masakit kaya tingin ko hindi ko na kailangang pumunta ng clinic, pero pumayag na rin ako dahil mukhang wala silang balak tigilan ako. Magrereklamo sana ako sa kakulitan nila kaya lang baka magantihan lang ako dahil ako ang numero unong makulit sa amin.
"Okay naman ang paa mo. Hindi naman na sprain ang ankle mo. Medyo na stressed lang ng konti ng muscle. Bukod sa konting sakit ay wala ka nang dapat aalahanin. Huwag ka na lang muna masyadong maglakad para maipahinga mo ang muscle ng paa mo. Bibigyan na lang kita ng painkillers sakaling di mo kayanin ang sakit."
Napatango na lang kami ni Mark sa sinabi ng nurse.
"Kita mo, sabi ng okay lang ako eh. Ayaw mo pa maniwala sa akin." sabi ko sa kanya pagkaalis ng nurse.
"Ano ka ba, Mabuti na ang sigurado. Baka mamaya na sprain talaga ang paa mo, malumpo ka pa ng wala sa oras."
"Ang O.A. naman nito, sprain lang malulumpo na kaagad."
"O siya, siya, hindi na. Manahimik ka lang diyan."
Napangiti na lang ako sa kanya. Sumuko agad siya sa kakulitan ko. Di ba nga sabi ko ako ang numero unong makulit sa amin.
"Pasensiya ka na talaga Diana ha... " natanggal ang ngiti ko. Napakaseryuso kasi ng mukha niya.
"Hmmm?"
"Pasensiya ka na kung hindi ka namin naipagtatanggol. Kung palagi kaming walang nagagawa para sa iyo. Ikaw na lang lagi ang gumagawa ng lahat, tapos kami pabigat lang sa'yo."
"Ano pa iyang pinagsasabi mo diyan. At anong pinagsasabi mong pabigat?? At kailan naman iyon? Wala yata ako maalala...... Ano ka ba Mark, hindi ko naman kayo kinaibigan para may magtaggol sa akin. Tsaka anong sinasabi mong hindi niya ako ipinagtatanggol? Eh ano iyong nangyari kanina...? Nung sinabi mo sa bruhildang iyon na babayaran mo iyong sapatos niya na nadumihan ko, hindi pa ba pagtatanggol ang tawag dun? Tsaka the fact na kinakaibigan niyo ako kahit na halos lahat ng tao dito sa school ay inaayawan ako, ako nga dapat mahiya sa inyo eh, dahil sa akin palagi na lang kayong nadadamay, napapasok sa gulo."
"Alam mo namang balewala lang sa amin iyon, what are friends are for di ba?"
"Iyon na nga eh. Magkaibigan tayo kaya dapat hindi mo iniisip ang bagay na iyon."
"Naiintindihan kita, basta promise ko, from now on ipagtatanggol na kita. Ipagtatanggol kita doon kay Caroline. Kahit kay James pa."
James POV
"Naiintindihan kita, basta promise ko, from now on ipagtatanggol na kita. Ipagtatanggol kita doon kay Caroline. Kahit kay James pa."
Sabi sa kanya ng lalaking kasama niya sa clinic. Tapos ay nginitian niya ito.
Tsssk. Ang lakas naman ng loob ng lalaking ito. Nagpromise pa talaga siya na ipagtatanggol niya ang babaeng iyan. At sa akin pa talaga. As if naman may magagawa siya laban sa akin.
Pabalik na ang nurse kaya lumabas na agad ako. Sa sobrang drama ng dalawang iyon ay hindi man lang nila napansin ang pagdating ko. May papromise-promise pa silang nalalaman.
Kaninang lunch ay hinahanap-hanap ni Annika ang babaeng iyon sa cafeteria. Yayayain niya sana itong sumabay na kumain pero hindi niya ito makita. Nadamay pa kaming lahat sa kalokohan ni Annika, hindi niya kasi kami hahayaang mag-umpisa kumain hangga't hindi daw dumadating ang babaeng iyon.
Kung hindi pa sa sobrang inis ko ay hindi matitigil si Annika sa kalokohan niya. Wala naman pala silang usapan ng babaeng iyon pero hintay siya ng hintay.
Pabalik na kami sa classroom namin ng marinig ko ang usap-usapan ng mga estudyante. Well, hindi naman ako magkakainteres na makinig sa usapan nila kung hindi ko lang narinig ang pangalan ng babaeng iyon.
Nagkabanggaan daw silang dalawa ni Caroline. Kahit kailan talaga napakatanga ng babaeng iyon. Hindi marunong mag-ingat. Lahat na lang yata ay binabangga. At sa lahat pa talaga ng babanggain niya ay si Caroline pa talaga.
I wonder kung ano nang nangyari si babaeng iyon. Hindi kaya napahamak na iyon? Knowing Caroline, hindi basta-basta nagpapatawad iyon. Pero bakit ba ako nag-aalala, sobrang tapang ng babaeng iyon. Kung sa akin nga hindi siya natatakot kay Caroline pa kaya?
Kaya lang iyong katapangan niya ay equivalent na ng katangahan. Well katangahan naman talagang maituturing ang labanan ako, maging si Caroline.
Nasa classroom na kami ng makareceive ng text message galing kay Annika.
Hoi James, pagsabihan mo iyang si Caroline ah. Tigil-tigilan niya sa kamalditahan niya si Diana. Alam mo bang nasa clinic si Diana ngayon dahil sa kanya.
Nagreply ako sa kanya.
Ano namang pakialam ko????
Oo na wala ka nang pakialam kung anong masamang mangyari kay Diana pero ako meron. Kaya naman higpit-higpitan mo nang maigi iyang tali ng aso mo.
Sinong aso?
Sino pa eh di si Caroline. Parang aso kasi siya kung makabuntot sa'yo. Iyong sinabi ko ha, kausapin mo siya para tigilan na niya ang pang-aaway niya kay Diana.
Ayoko nga. Bakit ko naman gagawin iyon?
Dahil sa iyo lang natatakot ang babaeng iyon. Basta, pagsabihan mo siya, dahil kung hindi ako ang sasabunot dun.
Bahala ka sa buhay mo.
Ang Annikang iyon. Bakit kailangan pa niyang ipaalam sa akin kung anong nangyayari sa babaeng iyon? Wala naman akong pakialam dun. Nananadya ba talaga siya?
Pakiramdam ko sumakit ang ulo dahil sa mga pinaggagawa ni Annika. Lumabas ako ng classroom para magpahangin.
Napansin ko na lang na nakarating na ako ng clinic. Since masakit ang ulo ko ay pumasok ako para makahingi ng gamot. At doon nga nakita ko ang pagdadrama ng babaeng iyon kasama iyong mayabang na Mark na iyon.
Bakit ba kasi ako nakarating dito eh?
Wala ako sa mood bumalik sa classroom kaya tumambay muna ako sandali sa rooftop. After almost an hour ay bumaba na ako.
Papasok na sana ako sa classroom namin ng may matanaw ako sa may hagdan.
It was her.
Nakatayo lang siya doon at mukhang may hinihintay.
Tssk. I'm sure iyong lalaking iyon lang ang hinihintay niyan. Bahala siya sa buhay niya. Pumasok na ako sa room namin. Napatingin pa sa akin ang mga classmates ko, and then bumalik na agad sa pakikinig sa teacher namin na parang wala lang nangyari.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas pero hindi na ako mapalagay. Mukhang hindi makatayo ng maayos ang babaeng iyon. At sa may hagdan pa talaga siya nakatayo, paano na lang pag bigla na lang siyang nahulog doon. Tanga pa naman iyon.
Tssk. Tumayo na ako at lumabas. Palagi na lang talaga akong binibigyan ng problema ng babaeng iyon.
Paglabas ko ay nakita ko na nandoon pa din siya. Mukha hindi siya makababa ng siya lang. Nasaan ba kasi iyong lalaking kasama niya? Bakit siya nito iniwan ng mag-isa?
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin ang paglapit ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
Dahil nga sa nakatalikod siya ay nagulat siya ng magsalita ako. Nilingon niya ako kaya lang pagpihit niya ay bigla siyang na out of balance....