Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 24

134K 3.5K 322
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 24

"Teacher Claire!" Napasulyap ako sa estudyante kong si Abby nang sumigaw siya.

"Yes Abby?"

"Si Ethan po inaaway ako!" Pagsusumbong niya na nagpangiti saakin. Nag start na ang OJT ko four months ago at matatapos na rin ito sa wakas. Mamimiss ko ang mga bata dito sa pre-school, lalong lalo na si Abby at Ethan na madalas mag bangayan.

Yeah, apat na buwan na ang lumipas matapos ang huling pag uusap naming dalawa, hindi ko na siya ulit nakita pa pagkatapos non. Naging abala na rin kasi ako sa OJT ko at sa tingin ko abala na rin siya sa kaso nila ni Briana dahil nasabi saakin ni Mama na pursigido si Dad na maipanalo ang side ni Briana. Natatakot ako para kay Ethan, dahil sa pinaplano niyang pagpapabagsak sa isang company ni Dad ay mas lalong uminit ang bangayan nilang dalawa.

Umalis na rin ako sa bahay namin dahil pakiramdam ko hindi naman ako kabilang sa totoong pamilya ko, kahit na ramdam ko naman ang araw araw na pagsisisi ni Mama. Unti unti ko siyang pinapatawad, hindi naman kasi pwede na isang araw lang ay maging maayos na kami ni Mama kaagad, dahil alam ko sa sarili ko na hindi maitatangging may hinanakit pa rin ako sakanya.

Pansamantala akong tumutuloy sa bahay nila Jenica. Kung saan madalas pumunta si Jerome at ang ibang barkada pa nila. Gustuhin ko man awayin si Jerome nangunguna pa rin yung pag gana ng isip ko na wala namang magbabago kahit pa sigaw sigawan ko siya.

Nagkaroon na rin kami ng komprontasyon ni Dad tungkol kay Ethan, doon ko nalaman ang lahat lahat. At sa tuwing maaalala ko ang gabing iyon ay patuloy pa rin ang pagpiga sa puso ko.

"Ama ka rin naman diba Dad? Bakit hindi mo nalang hayaan na maging masaya si Seb kasama ang Daddy niya?!" Umiiyak na sigaw ko nang sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para kausapin siya.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Dad, "Totoo nga na naloloko ka sa lalaking yon?" Mariin na pahayag niya na nagpatigas saakin sa kinatatayuan ko.

"Briana is right, may namamagitan sa inyo ng asawa niya. Anak, kasalanan ang ginagawa mo." Bulyaw saakin ni Dad, walang tigil sa paghilamos ang luha ko sa pisngi ko. Panay na rin ang paninikip ng dibdib ko sa bawat paghugot ng hininga na ginagawa ko.

My Dad is a Lawyer. Bukod sa pagpapatakbo ng negosyo, minsan na rin siyang humawak ng kaso ng ilan sa mga kamag anak namin at lahat ng iyon ay napapanalo niya. Wala pa akong natatandaan na natalo siya sa isang kaso.

Minsan sumasagi na rin sa isip ko na totoo kaya ang sinasabi ng iba? Na magaling magsinungaling ang mga lawyer? Ibig sabihin ba nito ganun na rin ang Daddy ko?

"Dad, naririnig mo ba ang sarili mo?" Humihikbing bulong ko, pilit akong hinihila ni Mama pero kumakawala ako sa mga kapit niya saakin! "No, Ma! Nasasawa na ako! Ako ang anak mo! Ako dapat ang kinakampihan mo! Sariling dugo mo ako Dad! Pero bakit pakiramdam ko ako ang sampid sa pamilyang 'to?!" Nanginginig ang katauhan ko sa bawat pag sigaw na ginagawa ko ngayon, naririnig ko na rin ang pag hikbi ni Mama sa tabi ko. Kitang kita ko ang pagka gulat sa mga mata ni Dad dahil sa pagsigaw na ginagawa ko ngayon, siguro ay hindi makapaniwala si Dad na makakaya ko siyang kalabanin.  Kitang kita ko sa mukha niya na nasampal ko siya sa mga salitang binitiwan ko.

"Claire," Tawag niya saakin, mariin kong pinunasan ang luha ko at umiling iling ako. "Anak, tama na. Tumigil ka na." Suway saakin ni Mama at nagtangkang hihilahin nanaman ako palabas ng kwarto nila, hinawi ko ang kamay ni Mama at humarap ako sakanya!

"Ikaw Ma, hanggang kailan ka magpapaka-martyr sa piling ni Dad?! Hanggang kailan mo titiisin lahat ng kahibangan mo sakanya? Hindi ba dapat sa ganitong panahon ikaw ang kasama ko? Mama kita, pero bakit hindi ko maramdaman ngayon yung pagkalinga ng isang ina?" Umiling iling si Mama at pilit niyang pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa kanyang mukha.

"Claire magdahan dahan ka sa mga binibitawan mong salita." Galit na suway saakin ni Dad na nagpabaling saakin sakanya.

"No, lahat ng gusto kong sabihin, sasabihin ko. Hindi ako gagaya kay Mama na magiging sunud-sunuran sa lahat ng gusto mo sa buhay. All this time, ang tingin ko sayo ay isang perfect man na babagay sa mga kababaihan, pero nagkamali ako Dad. Dahil isa ka palang malaking bato na ipupukpok sa ulo nila." Mariin na pahayag ko na nagpaawang sa bibig ni Dad, tinalikuran ko sila at sinundan ako ni Mama pero natigilan ako nang makita ko si Seb na nakatayo sa tapat ng kwarto nila Dad. Nakatingala siya saakin at kitang kita ko ang takot sa mga mata niya.

"Mama Claire.." Nanginginig ang boses niya sa pagtawag saakin, marahan ko siyang nginitian kahit na umiiyak ako. Alam kong hindi niya dapat nakikita o naririnig ang mga bagay na ito dahil napaka bata pa niya.

Tumakbo ako papasok sa kwarto ko pero narinig ko ang mga yapak ni Mama at ni Seb na sumunod saakin. Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong ako ng blanket saka umiyak ng umiyak, napasinghap ako nang maramdaman ko ang maliit na bisig ni Seb na dumagan saakin at saka umiyak siya ng umiyak.

"Mama Claire! Stop crying, you're hurting me!" Humihikbing sigaw niya at mas lalo siyang yumakap saakin ng yumakap. "Mama Claire, please. Daddy will get mad if he saw you crying like this." Hindi ko alam pero mas lalo lang akong umiyak ng umiyak sa mga sinasabi niya saakin, para bang mas lalong pinipiga ng triple ang puso ko.

"A...ayaw ng Daddy na umiiyak yung mga love niya." Bulong niya, pilit hinihila ni Seb ang blanket sa mukha ko at nang mahila niya iyon pilit niyang pinunasan ang pisngi ko. Nakita ko si Mama na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama ko habang umiiyak na pinagmamasdan kami ni Seb.

"I don't wanna see my Mama Claire crying." Umiiyak na bulong ni Seb gamit ang maliit na boses, "Sebastian." Tawag ko sakanya atsaka hinila ko siya at niyakap. Hindi ko alam kung paano nagagawa ng isang bata na mapagaan ang kalooban ko gayong pakiramdam ko hindi ko na kaya ang bigat nito.

Umupo ako sa kama ko at pinahiga ko si Seb sa hita ko na ngayon ay umiiyak pa rin. Hanggang sa nakatulugan na niya ang pag iyak ay nakayakap pa rin siya sa baywang ko. Tahimik lang kami ni Mama, habang ako hinahaplos ko ang buhok ni Seb, ewan ko pero may pakiramdam kasi ako na parang isang tunay na anak ko na rin si Seb.

"I'm sorry anak." Biglang basag ni Mama sa katahimikan namin, tumingala ako para matitigan siya.

"Hindi ko alam na ganito ang nararamdaman mo, hindi ko alam na nagmamahal ka na ngayon." Umiiyak na hingi ng tawad ni Mama.

Huminga ako ng malalim at muling bumaling sa natutulog na si Seb.

"Nagmamahal ng maling tao. Tama ka sa narinig mo kanina ma, kabit ako." Pag amin ko, pero ni hindi ko manlang narinig na nagulat si Mama sa sinabi ko. Sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko.

Tumulo ang luha ko pero tahimik ko iyon na pinunasan, "Mahal ko ang Daddy ni Seb, Ma. At nasasaktan ako dahil alam kong nahihirapan siya ngayon dahil sa kalupitan ni Dad." Namamaos na bulong ko.

"Akala ko Ma okay si Dad."

Tinitigan ko siya pero hindi niya ako matignan ng diretso. Paea bang may itinatago siya saakin noon pa. "He never loved me." Bulong ni Mama na nagpakirot sa puso ko, "Sa tagal ng pagsasama namin ng Dad mo, hindi ko naramdaman na minahal niya ako. Pero alam kong mahal ka ng Daddy mo." Paliwanag ni Mama.

"Pero Ma, hindi ko maramdaman na mahal ako ni Dad." Umiiyak na bulong ko, huminga ng malalim si Mama bago binitawan ang kamay ko at umiling iling siya. "Mahal ka ng Daddy mo, alam kong nasasaktan siya ngayon dahil nasasaktan ka niya. Pero gusto niya kasing maging isang buong pamilya tayo nila Briana." Paliwanag ni Mama, umiling iling ako at hindi ko alam pero tumawa ako ng mapait.

"Isang buong pamilya? Kalokohan Ma, kahit kailan hindi ko nakikita ang sarili ko na magiging buong pamilya tayo kasama si Briana." Matabang na pahayag ko. Hinaplos ko ang buhok ni Seb, gumalaw siya ng kaunti at naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa baywang ko na para bang natatakot siyang mawala ako.

"Minahal mo na ang bata." Bulong ni Mama, "Bakit hindi mo sinabi saakin anak? Bakit hindi mo ako kinausap sa panahong nasasaktan ka, Mama mo ako." Umiiyak na sabi ni Mama sa mahinang boses dahil siguro baka magising si Seb sa pagkakahimbing sa tulog.

Ngumiti ako ng mapakla at umiling iling, "Para saan pa Ma? Sinukuan ko na siya, kahit gaano ko siya kamahal hinding hindi siya mapapasaakin. Lawyer si Dad, at alam nating dalawa na mas papanigan niya si Briana."

Lumipas ang ilang oras na natahimik kami ni Mama, humiga siya sa tabi ko at yumakap saakin. Habang ako naman ay nakatalikod sakanya at niyayakap si Seb. Kumikirot yung puso ko, para bang walang humpay na ang sakit nito. Kung pwede ko lang turukan ng anesthesia ang buong katawan ko matagal ko nang ginawa, para hindi ko maramdaman yung nakamamatay na sakit. Pero naisip ko, na kahit pala magka anesthesia ako sa katawan, babalik at babalik pa rin ang sakit.

Tahimik akong umiinom ngayon ng tubig sa may terrace, madaling araw na at napag isipan kong umalis nalang dito sa bahay na 'to mamaya pag sikat ng araw. Kaagad kong tinawagan si Jenica na kung pwede ay doon nalang muna ako sakanila titira dahil hindi ko masikmurang magtagal sa bahay namin na punong puno ng kasinungalingan.

Napatigil ako sa pag iisip nang marinig kong bumukas ang gate namin. "Hold on!" Boses iyon ng isang lalaki at nang tuluyan na ngang bumukas ang gate ay kaagad iniluwa noon si Briana at ang dating lalaki na kasama niya sa bar. Lasing na lasing si Briana at halatang kagagaling lang niya sa bar, sobrang ikli ng damit niya na para bang kinapos ng tela ang gumawa nito, nakakatakot din ang napakataas na heels na suot niya.

"Dan, inom pa tayo!" Humahalakhak na sabi ni Briana habang inaalalayan siya nung Dan.

Naglakad ako palapit sakanila at nagtama ang mata namin ni Dan. "Ah, pasensya ka na, sobrang lasing lang kasi siya." Paliwanag nito, pinagtaasan ko lang siya ng kilay at napatingin ako sa kamay niyang nakapulupot sa baywang ni Briana para alalayan ito.

Pumasok ako sa sala at isinenyas ko ang mahabang sofa namin para doon niya ihiga ang lasing na si Briana. Huminga ng malalim si Dan habang maingat na pinagmamasdan si Briana, doon ko lang napansin na kung paano ako titigan ni Ethan ay ganoon din niya tinititigan si Briana. Hinila niya ang napaka ikling damit ni Briana Ngumiti siya at umiling iling bago bumaling saakin.

"Pagka nagising siya bigyan mo lang siya ng malamig na tubig na maraming yelo para mahimasmasan." Tinanguan ko lang siya. Pipihit na sana siya paalis pero natigilan siya at binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Matangkad din siya kagaya ni Ethan kaya naman kinakailangan kong tumingala upang magtagpo ang mata namin.

"Kung hindi ako nagkakamali ikaw si Claire," Simula niya, huminga siya ng malalim. "Alam kong wala ako sa lugar para sabihin sayo ito, pero Claire, she's a nice girl." Patuloy niya bago pa tuluyang umalis.

Umupo ako sa single na sofa at pinagmasdan ang lasing na lasing na si Briana, "Oh, fck this life." Bulong niya at hinawakan niya ang ulo niya, isang oras palang ang lumilipas magmula nang umalis si Dan.

Marahan niyang iminulat ang mata niya at kaagad tumapon saakin ang mga titig niya. "Great.." Ngumingising bulong niya, inurong ko ang tubig sa center table para maabot niya pero tinitigan lang niya iyon.

Umupo siya ng maayos pero nakahilig pa rin ang kanyang ulo sa sandalan ng sofa, unti unting bumagsak  ang luha niya pero ngumingisi pa rin siya.

"Madaling araw na Briana, ni hindi mo manlang naisip na baka hanapin ka ni Seb." Naiilang ako ngayong kinakausap ko siya ng ganito, hindi rin ako sanay na makitang may luha ang mga mata niya. Dahil kadalasan ay matalim siyang tumitig at punong puno ng galit.

"Hindi naman ako hahanapin ni Seb, kung si Ethan pa yan baka sakali." Ngumingising pahayag niya habang umiiyak, hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko para sakanya.

"Ang swerte mong babae ka." Namamaos ang kanyang boses pero kasabay non ang pagtindig ng balahibo ko dahil sa tapang ng pananalita niya. "You have your Dad, your Mom. Buong buo ang pamilya mo, at ngayon nakuha mo ang pagmamahal ng lalaking matagal ko ng minamahal. Mas nauna ko siyang nakilala sayo, pero bakit ikaw ang minahal?" Humahagulgol na sabi niya, napakagat ako sa ibabang labi ko at kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, nasasaktan? Nasasaktan ako para sakanya? Posible palang masaktan ka sa isang taong kaagaw mo.

Hinilamos niya ang palad niya sa mukha niya, "A-akala ko kapag nagpabuntis ako sakanya matutunan niya akong mahalin." Napasinghap ako nang marinig ko iyon mula sakanya. "Damn that asshole!"

"Ganun daw kasi yon sabi ng mga kaibigan ko, na kapag nabuntis ka ng boyfriend mo mas lalo kang mamahalin nito dahil dinadala mo ang anak nila. I was so crazy about him. Akala niya laro lang din ang tingin ko sa relasyon naming dalawa, pero ayoko na siyang pakawalan." Desperadang desperada ang boses niya at halos marinig ko na rin ang sariling paghikbi ko nang lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko.

Marahan niyang pinisil iyon, "Claire please, go away." Aniya na nagpaawang sa bibig ko, nanginginig ang kanyang mga kamay na para bang natatakot siya.

"Nakikita kong nakukuha mo na ang loob ng anak ko. Claire please, h'wag mong ipagkait kay Sebastian na magkaroon ng buong pamilya. Ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan ko. Ayokong masaktan siya dahil hindi kami buo. Ayokong maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko ngayon." Umiiyak na pakiusap niya at halos lumuhod na siya sa harapan ko, yung bilis ng kalabog ng puso ko hindi ko alam kung para saan. "Inaamin ko, minsan ko nang nasaktan si Seb. Bakit? Dahil ako yung kasama niya nung iyak siya ng iyak pero kayong dalawa ni Ethan ang hinahanap niya! Claire, malaking sampal saakin iyon dahil ako ang tunay na nagmamay ari sakanya." Sobrang lakas na ng iyak ni Briana na para bang magbe-break down na siya. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko dahil nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa pag iyak at sakit ng puso ko.

"Claire, I promise. Lalayo na ako sa pamilya mo, basta layuan mo lang si Ethan." Humahagulgol na pakiusap niya, marahan kong binitawan ang kamay niya at tumayo ako.

Siguro nga masyado na akong makasarili, "B..Briana, matagal ko ng pinalaya si Ethan. Pero hindi ibig sabihin non na pinalaya ko na siya sa puso ko. Kagaya mo mahal ko rin siya, kaya pinakawalan ko siya para kay Sebastian. Nasa kanya na ang desisyon at wala saakin. Dahil kung paglayo lang ang pag uusapan natin, matagal ko ng ginawa yon." Mahinahon na paliwanag ko sakanya, nanatili siyang nakaluhod habang tinatakpan ng kanyang dalawang kamay ang kanyang mukha.

"At kailanman hinding hindi ko siya pakakawalan sa puso ko, dahil sa ganoong paraan ko nalang siya nakukuhang mahalin." Pagtatapos ko bago ko siya tuluyang tinalikuran.

Napakasama ko na nga siguro, pero alam ko sa sarili ko na noon pa man ay ginawa ko na ang tama. Nilayuan ko na siya kahit patuloy ko pa rin siyang minamahal. Siguro nga ay mabuting tao si Briana, hindi ko naman siya ganun kakilala pero sa mga sinabi niya saakin kanina ay naramdaman ko yon. Nawalan siya ng pamilya na masasandalan at natatakot siyang maging si Seb ay mawala sakanya, kagaya ko, ayaw niya rin ipagkait sa anak niya na magkaroon ng buong pamilya ito kahit pa napakahirap gawin non.

"Saan ka pupunta?" Alas siyete na ng umaga at katatapos ko lang mag impake saka maligo. Nagising si Mama dahil sa kilos ko, inilibot niya ang mga mata niya sa dalawang maleta ko.

"Kela Jenica Ma, doon nalang muna ako." Mapait na sabi ko. Tulog pa rin si Seb sa tabi niya at medyo gumagalaw na rin ito dahil sa boses namin ni Mama.

"Claire, hindi ka aalis. Pamamahay mo rin ito." Matigas na pahayag ni Mama. "Yun na nga Ma, pamamahay natin 'to. Pero hindi ko na maramdaman yung pagmamahal sa bahay na 'to." Hinaing ko na nagpatikom sa bibig ni Mama.

Tinitigan ko siya, "Pwede ka namang sumama saakin Ma, kaya mo namang kalimutan si Dad hindi ba?" Pakiusap ko sakanya, nagbaba siya ng tingin saakin at mukhang alam ko na ang sagot. Bulag sa pag ibig si Mama, nagbubulagbulagan siya sa katotohanang kailanman ay hindi na niya mababago.

Mas mahirap magselos sa patay na dahil hindi mo na ito masasabihan na layuan ang taong mahal na mahal mo.

"I guess--"

"No, susunod ako sayo anak. Just give me time para magkausap kami ng maayos ng Daddy mo, ayoko siyang iwanan nalang ng basta basta." Tumayo si Mama at yumakap saakin, siguro ay naiintindihan na rin niya kung bakit ko ito ginagawa.

"M-may susundo na ba sayo?" Nanginginig ang boses ni Mama at mukhang naiiyak nanaman siya. Tinanguan ko siya bilang sagot.

"Si Jenica."

Tumingin ako kay Seb na ngayon ay tulug na tulog pa rin. Lumapit ako sakanya at hinalikan ko ang pisngi niya, gumalaw siya ng kaunti pero tulog pa rin siya. Napangiti ako dahil halos nakuha niya ang lahat kay Ethan, maging ang makapal at mahabang pilik mata niya  ay nakuha niya. Yung manipis na labi.

Nag ring na ang cellphone ko, at alam kong si Jenica iyon na naghihintay na saakin sa labas. Mabilis akong lumabas ng bahay dahil ayoko ng makita si Dad, ayokong makita ang magiging reaction niya kapag nakita niyang umaalis ako sa bahay na ito.


"Ethan, diba sabi ko masamang makipag away sa girls?" Suway ko sa estudyante ko. Tumango naman siya at ngumuso. "Sorry Abby." Paumanhin nito.

"Hmmp! H'wag mo na akong kakausapin." Pagsusungit ni Abby na nakapagpangisi saakin.

Ilang oras pa ang lumipas at natapos na rin ang klase.

"Teacher Claire!" Napalingon ako sa may labas ng school nang marinig ko ang boses nila Jerome, sa apat na buwan na lumipas ay naging magkaibigan na rin kaming dalawa.

Ngumisi ako at lumapit sakanila, nandoon din si Jenica na naka-shades at ngumunguso nguso habang nagtetext. Naka-maikling shorts lang siya at hanging blouse.

"Sama ka sa school? Magpapasa na kami ng report about sa OJT." Anyaya ni Jerome, napatingin ako kay Jenica at hinampas ko siya. 2 years ng graduate si Jenica pero ayaw pa rin niyang magtrabaho, ewan ko ba dito sa pinsan kong ito.

"Actually doon na nga ako didiretso ngayon, mabuti nalang at dumaan kayo dito." Nakangising sabi ko. Sumakay na ako sa back seat, katabi ko si Jenica, ibinaba niya ang shades niya at naniningkit ang dalawang mata niya habang tinititigan ako.

"What?!" Bulyaw ko sakanya, pinaandar na ni Jerome ang sasakyan niya. Nasa harap naman si Jersi, at sa kabilang gilid ko si Vanessa.

Hanggang ngayon wala pa ring ideya si Jersi na asawa ng pinsan niya si Ethan. Gaya ng sabi saakin ni Jerome pribado ang kasalan na iyon, at Daddy niya mismo ang nagkasal sa dalawa. Ang Governor na Tito ni Briana ay ang Daddy ni Jerome.

"Wala lang, tinitignan ko kung okay ka na bang talaga. Apat na buwan na ang lumipas, at sa apat na buwan na iyon ngayon ka nalang ulit tutuntong sa University niyo. Hindi kaya doon pa kayo magkasalubong?" Panunuya ni Jenica saakin, pinilit kong hindi maging peke ang ngiti ko.

"Ano ka ba, matagal na iyon." Bulong ko, sa totoo lang sa tuwing mapag uusapan siya ay hindi pa rin nagbabago ang kalabog ng puso ko. Nagwawala pa rin iyon na para bang kahit kailan ay hinding hindi ko mapapakalma.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa University, maraming estudyante na nagsisilabasan sa kanya kanyang classroom dahil tapos na ang klase.

"Tara na!" Pagmamadali ko, gusto nang maipasa kaagad ang report ko dahil hindi pa ako handang magkaharap ulit kami ni Ethan. Kinakabahan ako at nanlalamig ang kamay ko!

"Nagmamadali lang?!" Humahalakhak na sabi ni Jerome habang dala dala ang folder niya, pinagtaasan ko lang siya ng kilay bago ko siya tuluyang inirapan. Inakbayan naman niya ako at magkasabay na kaming naglakad.

Kahit magkaibigan kami ni Jerome, hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit saakin tungkol sa nararamdaman niya. Panay ang sabi niya na kami daw ang para sa isa't isa at kaming dalawa raw ang mag sasaluhan bandang huli. Dinadaan niya ang lahat sa biro pero ika nga ang simpleng  pagbibiro ay paraan para masabi mo ang katotohanan.

Mabilis kong naipasa ang report ko, namiss ko dito sa University. "Mag c-cr lang ako!" Paalam ni Jenica, siguro ay nainip na rin siya sa kakasunod saamin.

"Jerome, punta lang ako sa dating locker ko. Namimiss ko na makita eh." Paalam ko, ngumuso naman siya at akmang sasamahan ako.

"I need to be alone." Bungisngis ko sakanya, "Tsk," Pitik niya at umiling iling.

"Ano ka ba Kuya? Hindi na bata si Claire." Bulyaw ni Jersi sakanya at hinila na niya palayo si Jerome saakin.

Una kong nadaanan ang auditorium, pumikit ako nang bumalik lahat sa alaala ko ang huling beses kong nakitang kumanta dito si Etha. Kumusta na kaya siya? Kumusta na yung kaso niya? Hindi rin ako nagtatanong kay Mama dahil ayokong magkaroon ng ideya si Dad na hanggang ngayon ay may namamagitan pa rin saamin ni Ethan.

Tumungo ako sa locker ko at sinubukan kong buksan iyon gamit ang passcode ko doon, at napangiti ako dahil hindi pa rin iyon nagbabago. Napaawang ang bibig ko nang makita kong punong puno iyon ng nalantang rosas, tinanggal ko isa isa iyon. Kumalabog ang puso ko dahil alam na kaagad nito kung sino ang naglalagay ng mga rosas dito.

"Finally!" Napalundag ako nang may marinig akong sumigaw sa likod ko, kaagad akong humarap sakanya at halos mapaawang ang bibig ko dahil nakita ko nanaman ang mukha niya mula sakanya.

"Marcus, papatayin mo ba ako sa gulat?" Hiyaw ko sakanya, nginisian niya lang ako umiling iling. May iniabot siya saakin na isang invitation.

"What's this?" Usisa ko, "Just open it." Bungisngis niya.

Marahan kong binuksan iyon at nalaglag ang panga ko nang makita kong wedding invitation nila ito ni Ara. Hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil sa sobrang saya, kailan ko nga ba huling nakita si Ara? Sa natatandaan ko ay nung natuklasan kong buntis siya dahil sa katakawan niya sa tomato shake at sa pagsusuka niya sa paborito niyang pagkain na ginataang kuhol.

"Shhh, secret wedding." Ani Marcus at kinindatan ako, "Wala siyang alam na ikakasal na siya next week sa gwapong kagaya ko." Pagyayabang niya, hinampas ko ang dibdib niya pero humalakhak lang siya.

"Matagal na kitang hinahanap para iabot yan, kaso hindi ka manlang dumadaan dito sa University, plano ko na ngang ipahanap ang school na pinag-te-trainingan mo." Pagbibiro niya, "Sira ka Marcus."

"Di naman, pero gusto ko kasing nandoon ang isa sa naging dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Ara, aasahan kong makakarating ka, sa Zambales ang venue, kinabukasan yan after ng graduation. Sabay na kayo ng kapatid ko, tutal naman kayo ang partner jan." Paliwanag niya na naghinto saakin, parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ng kapatid ko, pero sana maayos niyo. Sayo ko lang nakitang magpaka korni yung gago na yon." Panunuya niya, ngumiti ako at umiling iling. Hanggang ngayon pala ay wala pa ring alam ang pamilya niya sa pinagdadaanan niya. Napaka galing niyang magtago ng sikreto.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko upang magsalita pero kusang sumara ito dahil nakita ko siya sa likod ni Marcus, lumingon si Marcus doon at ngumiti.

Masasabi kong punong puno ng lungkot ang mga mata niya. Para bang nakita ko nanaman ang dating Ethan na kilala ko, malamig tumitig at mahirap basahin kung anong nasa isip.

"Kanina pa kita hinahanap, naghihintay sa bahay sila Dad." Malamig na sabi ni Ethan pero sa mga mata ko lang siya nakatitig.

Nagkamot ng ulo si Marcus at napailing, "Oo nga pala, yung mga pagkain sa catering para sa kasal." Wala sa sariling sabi niya.

Ang bilis ng kalampag ng puso ko, ayaw huminto. At bumibigat ang paghinga ko dahil gustong gusto ko siyang yakapin. Damn it! Kumalma ka nga Claire.

"Ah..A..Aalis na ako." Halos magkandabuhol buhol ang dila ko para lang masabi iyon. Nagbaba ako ng tingin at nakita kong may hawak siyang puting notebook, yon ang notebook na dati ko pang nakita at napag awayan na rin naming dalawa. I wonder kung anong nakasulat doon, dahil minsan ko nang nabasa ang pangalan ko doon.

Akma na akong aalis pero natigilan ako nang marinig kong magsalita si Ethan, yun nga lang hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko.

"Let's go together." Malamig na aniya, dahan dahan akong lumingon sakanya at halos masapak ko ang sarili ko nang makita kong si Marcus ang kinakausap niya at sinasabihan na magsabay na silang magkapatid!

Damn it, Claire!

****

A/N: Kumusta po kayo lahat? Sana okay lang kayo, pray lang po tayo na mawala na ang bagyo. Ingat kayong lahat! H'wag na kayong lalabas ng bahay kung hindi naman kailangan. Ingat!

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

633K 9.7K 38
Masayang masaya na si Ryle Sofia Harris. She has everything, family, friends, fame, power and a man that loves her but what if she lost something tha...
9.9M 190K 32
"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."
127K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
705K 10.9K 33
Almost Perfect Series I Perfect ang family. Perfect ang set of friends. Perfect ang lovelife.What more can I ask for? Just when I thought na perfect...