She's My Lady Boss

By jonieeean

33.4K 974 76

Si Cassandra Marie Villafuente ay anak ng isang tanyagang businessman at apo ng isang bilyunaryo kaya naman m... More

SMLB
Chapter 1: Bodyguard
Chapter 2: Pasaway
Chapter 3: Gurang
Chapter 4: GPS
Chapter 5: Model
Chapter 6: Rides
Chapter 7: Takas
Chapter 8: Actions
Chapter 9: Falls
Chapter 10: Audition
Chapter 11: Girlfriend
Chapter 12: Emergency
Chapter 13: Necklace
Chapter 14: Infatuation
Chapter 15: Usap
Chapter 16: Safety
Chapter 17: Kidnap
Chapter 18: Saved
Chapter 19: Suntok
Final Chapter

Chapter 20: Chance

1.3K 43 0
By jonieeean

(Marie's POV)

Dalawang taon na ang lumipas. Hindi na ako marupok. Ilang beses ko yang itinatak sa isip ko. Hindi na. Hinding hindi na ko mauunang umamin sa nararamdaman ko. Hindi nako aamin kasi wala naman nakong gusto sa kanya!

Napaface palm ako. Bakit ako nag-iisip ng ganito? The hell. Naiinis ako sa sarili ko kasi kapag siya ang kaharap ko, parang bumabalik ako sa dati kong ugali. Nag-iisip bata na naman ako! Aish, erase! Wag mo na siyang isipin Cassandra Marie for Pete's sake!

Napabuntong hininga ako bago pumasok ng banyo. Pupunta ako sa kumpanya bilang acting CEO. Alam niyo namang bagong kasal ang kapatid ko at nadelay pa ang biyahe nila patungong Maldives dahil sa nangyari sakin. Kahit na ayokong mag acting CEO, pinagalitan naman ako ni Dad kaya napa-oo na lang tuloy ako.

Nagsuot ako ng Tia suit dress na kulay itim. Kulay itim din ang sinuot kong three-inched stilettos. Pagkatapos kong magmake up ay lumabas nako ng kwarto. Nadatnan ko naman si dad na nakaupo sa hapag kasama ang isang boring na tao.

"Morning dad."

"Morning sweetheart. May inimbitahan nga pala ako, kung hindi mo lang mamasamain."

Nagkibit balikat ako at nag-umpisa nang kumain. Napatingin ako sa sinabi niyang inimbitahan niya. Tss. Isang walang kwentang tao.

Nilamon ko ang kinakain na pancake at ininom ang hot chocolate. Tumingin ako sa relo.

"Una nako dad. Malalate nako."

"Ha pero hindi pa tapos si Mr. Lewis."

Nagtaas ako ng kilay. "Wala naman akong paki--"

"I'm done Sir."

Tumayo siya. Tiningnan ko siya na naglakad paalis ng dining room.

"Dad?"

"He's your bodyguard Cassandra at siya ang maghahatid sayo patungong kumpanya."

Umiling ako. "No need na dad."

Nilisan ko ang dining room at nakipagsagutan kay Jude. Pahirapan pa na ayokong magpahatid sa kanya. In the end, lumabas siya ng kotse at pinalitan ni Mr. Gallerdo kaya nakahinga ako ng maluwag. Pakshet na feeling na to.

Busy akong buong araw. Matapos kong makipagkita sa isang investor ay dumiritsu na kong opisina ni Kuya. Langya, pahirapan ako dun sa matandang investor na yun. Tatlong oras ang inabot bago ko naclose ang deal. Ang dami niyang issue at tanong. Hays.

Ngayon naman katatapos ko lang sa isang meeting na hindi ako nainform kaya napagalitan ko yung sekretarya ni Kuya.

Hiningi ko na yung natitira kong schedule.

"Yun lang po ngayong araw pero bukas po ay may presentation po ng monthly report at 9 a.m po Miss. Then, may lunch meeting po kayo kay Mr. Buentura. Next, 2 p.m another meeting po sa kumpanya ng mga Lewis."

Napataas ako ng kilay sa narinig. Ang tanong na akmang kong itatanong sa sekretarya ay nawala dahil nabaling ang atensiyon ko sa tumunog na selpon.

"Oh?"

"Kumusta?" tanong ng magaling kong kapatid sa kabilang linya. I frowned saka sumandal sa swivel chair.

"Tiring."

Narinig kong tumawa siya. "Kumusta ang meeting?"

"Okay lang, inaprobahan ko na," walang gana kong sinabi. Nalayo ko na naman agad ang selpon sa tenga nang biglang siyang sumigaw.

"Anong sinabi mo?!"

"Di mo kailangan manigaw, hindi ako bingi," naiinis kong sinabi. Narinig kong nagbuntong hininga siya sa kabilang linya.

"Anong inaprobahan na?" mahinahon niyang tanong.

"Dzuh, ano pa ba. Edi yung presentation kanina."

Rinig kong nagmura siya sa kabilang linya kaya napakunot noo ako.

"Agad-agad? Kung ako ang nariyan, magkakaroon pa ng pangalawa at pangatlong meeting bago ko aprobahan."

Napairap ako ng wala sa oras. "Brother, bakit ko pa sila pahihirapan kung wala naman akong nakitang problema. Their presentations are perfect pero isa lang naman ang pipiliin kaya ayun tapos na. Inaprobahan ko ang pangatlong team na nagpresent."

"How could you decide so easy, I'm sure may kulang ang presentation nila."

"Nah, the engineers already asked so much questions and voted so no holes, no problem."

Akmang may sasabihin pa siya ng putulin ko. "You know what brother. Mag enjoy ka na lang muna diyan sa honeymoon mo, di yung puro kumpanya ang iniisip mo. Kung ako kay ate Aerika, magseselos ako, magtatampo at hindi ka papansinin."

Nainis siya sa sinabi ko kaya natatawa kong pinatay ang tawag. Tumayo nako, kinuha ang itim na blazer na nakalagay sa arm ng sofa, nilagay sa braso at lumabas ng opisina.

Pagkalabas ko ng exit ay nasa harap na agad ang kotse. Pumasok agad ako pero agad na napasimangot nang hindi pala si Mr. Gallerdo ang sumundo.

Di ko na lang siya pinansin at tumingin sa labas ng bintana. Tahimik ang biyahe hanggang makarating ng bahay. Wala pa si dad kaya diri-didritsu ako sa kwarto. Mabilis akong nagbihis at humiga ng kama.

(Jude's POV)

Dalawang linggo. Dalwang linggo na ang lumipas matapos ang nangyari kong pag-amin. Dalawa linggo ko na rin siyang sinusuyo pero wala. Wala pa ring epekto sa kanya. Mahigit sampung beses na rin yata na nasuntok niya ko sa mukha dahil naiirita raw siya sa presensiya ko but still I'm persistent. Hindi ko siya susukuan mas lalo na ngayon.

"Aish, ikaw na naman." Busangot ang mukha na sinabi niya.

Ngumiti ako ng malapad saka inilahad ang bitbit kong bulaklak. Tiningnan ko ang kabuuan niya. Ang pormal niyang tingnan. Nakasuot siya ng all gray suit. Mas lalo siyang gumanda. Dalawang linggo na rin siyang acting CEO ng kumpanya nila.

Nung pangalawang araw niya, hindi siya ang mismong pumunta sa kumpanya namin. Nagsend lang siya ng representative kaya panay ang utos ko na gumawa ng panibagong meeting. May shares na kasi si Clark sa kumpanya kaya chance ko to ngayon.

Umaliwalas ang mukha ko nang tanggapin niya pero agad ding nawala nang tinapon niya yun sa basurahan.

"Tigilan mo na ako. Di ako natutuwa."

Di ko siya pinansin. Mabilis akong kumilos at sumakay sa kotse niya.

"Si agent T ang gusto kong maghatid sa akin kaya pwede ba!"

"Bakit ba siya ang hinahanap no, nandito naman ako."

"Ah, talaga ba. Ayaw ko sa mapanakit na nga, sinungaling pa."

Natahimik ako sa sinabi niya pero nanatili pa rin ako sa driver seat. Tiningnan ko ang rearview mirror. Magkasalubong ang dalawang kilay niya pero agad din namang humupa. Napangiti ako.

"Bilisan mong magdrive bago ako bumulusok sa inis."

Nakarating kami ng kumpanya nila na sobrang tahimik lang niya. Agad siyang lumabas nang ihinto ko ang kotse sa entrance.

I sighed. Okay na yun atleast di siya nagpumilit na si agent T ang maghahatid sa kanya. Malipat ko nga yun sa ibang area. I smirked.

11 a.m nang lumabas siya kasama ang sekretarya. Mabilis akong lumabas at pinagbuksan siya ng pinto. Sa passenger seat naman umupo ang secretary.

Pumasok na ko sa driver seat at nagkabit ng seatbelt nang magsalita siya.

"Secretary Ann, dito ka sa tabi ko maupo."

Agad namang lumipat ang secretary niya. Nakangising tumingin ako sa rearview mirror dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa. Inirapan niya ko kaya mas lumawak ang ngisi ko.

Di ko lang mapigilan ang saya ko. Feeling ko ayaw niyang maupo rito sa tabi ko ang secretary niya dahil ba nagseselos siya. Deym Jude. Ang galing mo!

Bandang alas singko nang umuwi kaming dalawa pero sorry hindi ko pa siya iuuwi.

"Hindi ito ang daan pauwing bahay," seryoso niyang sinabi.

Tumikhim ako. "Pwede bang kumain muna tayo sa labas?"

"Tsk ayoko," suplada nuyang sagot.

"Paano ba yan ako ang nagda-drive."

Tumingin ako sa rear view mirror. Binigyan niya ko ng pamatay na titig pero di naman na siya sumagot. Yes!

Tahimik lang kami habang kumakain hanggang sa matapos siya. Ang bilis niyang kumain! May inorder pa sana akong wine nang tumayo na siya kaya agad akong nag-iwan ng pera sa mesa at sumunod sa kanya.

Mabilis ang lakad niya patungong parking lot kaya hinila ko ang braso niya.

"Di mo kailangang magmadali."

Hinablot niya ang braso niya. "Wala kang paki."

Akmang papasok na siya ng kotse nang pigilan ko. Hinarap ko siya sa akin at kinulong sa pagitan ng dalawa kong braso.

Kumunot ang noo niya at akmang magsasalita nang pigilan ko. Nilapat ko ang hintuturo sa mapula niyang labi.

"Nagsosorry ako sa lahat nang nagawa at nasabi ko sayo pero sana naman bigyan mo ko ng chance na manligaw at patunayan ang sarili ko sayo."

Di siya nagsalita at tumitig lang sa akin. Napababa naman ang tingin ko sa labi niya at dahan-dahang nilapit ang mukha ko. Sobrang lapit na nang bigla niyang takpan ng kamay ang bibig saka kumuyom at sinuntok ang panga ko.

Fudge!

"Gago! Di ako easy to get!"

Pumasok siya ng kotse at binagsak ang pinto. Nakangisi ako habang nakahawak sa nasaktang panga. Kaya gustong gusto ko kita eh.

...

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 153K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
1.3M 39.3K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
66.8K 2.4K 42
Naomi Blaire Reyes the girl who fell inlove with Jeremy Fuentabella. She just watched him from afar wishing that one day Jeremy will like him back. K...
61.3M 946K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...