Shadows Of A Silverharth [COM...

By hiddenthirteen

1.6M 63.6K 8.4K

Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, sh... More

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

/24/ His Warm Side

23.8K 991 110
By hiddenthirteen


Chapter 24:
HIS WARM SIDE
*************

Ester's POV

Hindi ko lubos maisip. Hindi ko kayang isipin na ang lalaking nakaaway ko nang una kaming magkita, ang lalaking muntik nang makipagpatayan sa akin, ang lalaking ayaw na ayaw kong makita, ang lalaking simula't sapul ay pinagkakakakuluan ng dugo ko ang siyang nagbubuhat sa akin ngayon.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Dapat bang matuwa ako?

Walang sumubok na magsalita sa aming dalawa kaya puro huni ng mga insekto ang maririnig. Napaka-awkward ng paligid. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko? Iginalaw ko ang aking mga kamay at inilagay ito sa batok ni Finnix upang sana'y ibsan ang awkwardness na nadarama ko. Ngunit imbes na mawala ito ay mas lalo pang nadagdgan ang pagkailang ko nang bigla niya akong tinitigan nang napakaseryoso. His cold eyes are directly staring into mine.  Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.  Tama ba ang ginawa ko?

Iniwas ko nalang ang aking paningin at nag-isip ng kahit na anong magpapawala sa ilang na nadarama ko. Ngunit kahit anong gawin ko'y naaalala ko pa rin ang mga matang 'yon.

Ramdam ko ang kaniyang mga bisig na hindi mahigpit ang pagkakahawak sa katawan ko. He is carrying me in a bridal style... gently.

Yes, he has a broad shoulder and sculpted biceps. Many women would dream to be carried by this man, but not me. Hindi ako gano'n. Walang halong malisya ang pagkarga niya sa akin. For me, it is just a part of the play.

Alam kong mabigat ako pero hindi ko man lang nakikitang nahihirapan siyang dalhin ako. Seryoso at tahimik niyang tinatahak ang madilim na daan habang karga-karga ako. Wala akong narinig ni isang salitang lumabas sa kaniyang mga bibig simula nang buhatin niya ako

All I can see right now is his face. Kahit na medyo madilim ay nakikita ko pa rin ang bawat detalye ng kaniyang mukha dahil sa liwanag na dulot ng buwan. Ang kaniyang pulang buhok. Ang kaniyang makapal na kilay na bumabagay sa maangas niyang mga mata. Ang matangos niyang ilong. Ang Ang kaniyang hugis puso at pulang-pula na labi, at higit sa lahat ay ang kaniyang tila inukit na panga. Each part of his face complemented each other. Hindi maitatangging napakagwapo niya.

"Am I really that handsome?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Napansin niya sigurong kanina ko pa kinikilatis ng tingin ang mukha niya.

"Handsome? Sino? Ikaw?" paged-deny ko.

"Kaya pala kanina mo pa ako tinititigan. Don't  worry, you are free to stare at my face. Grab the opportunity while you are near me and see it this close. Not everyone has this opportunity," nakangisi niyang sabi. Yumuko pa siya upang maiharap niya ang kaniyang mukha sa akin.

"As if I am like those women. To tell you, I am different."

Hindi ako umiwas ng tingin. Nakipagtitigan ako sa kaniya at gano'n din siya sa akin.

Siguro kung ibang babae ang nasa pwesto ko ngayon, hindi niya siguro maiwasang mahulog sa taglay na kagwapuhan ng lalaking ito. Mabuti nalang at hindi ako katulad nila. Siguro may parte sa akin na humahanga sa angkin niyang kagwapuhan pero hanggang doon lang 'yon.

Hindi ako basta-bastang nahuhulog sa mga lalaking gwapo tulad niya. Siguro mahuhulog pa ako sa isang lalaki maalaga at nagpapakita sa akin ng concern---

"By the way, are you okay now?" biglaang pagtanong niya. Nakatitig ako sa mga mata niya at nakikita kong may bahid ng pag-aalala mula rito.

Dug* Dug* Dug* Nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko.

"I mean, does your wound still hurt?" He said with his concerned eyes.

Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko. This time alam kong hindi ito dahil sa galit. Ito ay dahil sa hindi ko alam na dahilan.

*Dugdug* Dugdug* Dugdug* Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Anong nangyayari sa akin?

This guy. How can he make my heart beat this loud? How can he do this to me?
Siguro ay naninibago lang ako dahil sa mahabang panahon ay may taong hindi ako kilala na nag-aalala sa kapakanan ko.

Hindi ako makapagsalita. Gusto kong sabihing "okay lang ako" pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Parang napipi ako sa sinabi niya. Dahil na rin siguro sa kaniyang mga matang nakakatitig sa akin nang may pag-aalala. That stare is different from before.

Umiwas ako sa pagkakatitig sa kaniya. Hindi ko kaya. Hindi ako sanay sa mga tinging iyon. Ako na ang unang kumalas sa aming titigan.

I lose.

"What's wrong Ester? Are you tired?" He said, again with a concerned voice.

Hindi ko talaga mahulaan kung ano ang nararamdaman ng lalaking ito. Minsan he is colder than ice, minsan naman he is raging like fire. Ngunit may mga pagkakataong he is caring and calm as an ocean. Baka palabas niya lang lahat ng ito. Baka may malaking kagaguhang pinaplano ang lalaking ito. Baka nais niyang maghiganti sa pag-blackmail ko sa kaniya.

'Huwag kang papadakip sa kaniyang mga bitag, Ester.' Pagpapaalala ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumango na lang ako.

"Okay. Let's rest here. We will go back to academy tomorrow," he said.

Marahan niya akong ibinaba sa nakaumbok na parte ng lupa at doon pinaupo. Hinayaan niya akong tingnan lang siya habang inaayos ang gagawin naming pansamantalang pahingahan.

Umupo siya sa bakanteng lote kung saan namin napagdesisyunang magpahinga. He started to draw something mid-air. As his fingers are moving, fires are being created. The fire is like an ink of a pen na magmamarka sa bawat daanan ng hintuturo ni Finnix. It is glowing blue and red. 

When he is done drawing a sort of pentagram, hinawakan niya ito at itinapat sa lupa. The pentagram grew wider and wider at unti-unti namang may namumuong barrier sa palibot namin. The fire pentagram disappeared and only the barrier was left. Poprotektahan kami nito sa anumang halimaw na maaaring mang-atake sa gitna ng aming pagtulog.

Biglang umihip ang malamig na hangin at napayakap ako sa aking sarili. The barrier can only deflect attacks of the beasts. It has nothing to do with natural forces.

"Are you cold?" he asked with his cold voice.

"No, I'm okay," I lied. Wala na 'ata akong sinabing totoo sa kaniya. Lahat pagsisinungaling o 'di kaya ay pagpapanggap.

Umihip muli ang malamig na hangin at napahalukipkip ako.

"Lies," he simply said. He easily passed through his barrier at naghanap ng maliliit na mga sanga ng punong-kahoy. Inipon niya ang mga ito at pinakumpol-kumpol hanggang sa makabuo siya ng mumunting bundok ng mga kahoy. A mixture of blue and red fire was created above his palm at itinapon niya ito rito. Wala siyang kahirap-hirap na nakabuo ng bonfire within ten minutes. His signus is indeed very useful at times like this.

Napakasarap ng init na dala ng apoy niya. Pakiramdam ko'y may taong nakayakap sa akin sa mga sandaling ito. Naalala ko tuloy ang mama at papa ko. Palagi nila akong niyayakap sa tuwing nilalamig ako. They said that a hug is the best body-warmer as it warms even a cold heart. A hug can also melt a frozen heart. May tumulong luha sa kaliwang mata ko. Na-mimiss ko na naman sila. Nananabik na naman ako sa kanila. Kahit na anong gawin kong paglimot ay hindi ko magawa. Kaya kailangan ko na talagang matapos ang misyong halungkatin ang nakaraan upang makawala na ako sa bilanggo ng aking malulungkot na mga alaala.

Inisip ko nalang na nasa tabi ko ang aking pamilya: sina Mama, Papa at si Kram. Inisip ko nalang na sila ang nakayakap sa akin ngayon na nagbibigay ng init at buhay sa katawan ko, pumipigil na tuluyang maging bato ang puso ko. Napapikit ako upang alalahanin ang mukha ng pumanaw kong pamilya. Wala pang isang minuto nang lumabas na ang senyales ng antok at hindi ko na nilabanan pa ito. Hinayaan kong tuluyang kainin ng kadiliman ang diwa ko.

***

Napakasarap ng tulog ko. Himala yata at hindi ako gininaw kagabi. Salamat sa bonfire na gawa ni Finnix at sa mainit na unan na yakap-yakap ko ngayon. Napakainit nito sa katawan. Hindi rin ako nakaramdam ng kahit na anong nagbabadyang panganib kagabi. Napakakomportable ng pagtulog ko.

"Kung ano man ang unang ito, nais kong makatabi ka sa bawat pagtulog ko," bulong ko bago unti-unting dinilat ang nakasara kong mga mata.




"Goodmorning! Napasarap yata ang tulog mo," a husky voice whispered.





 - End of Chapter 24 -
*************

       

Continue Reading

You'll Also Like

23.3K 111 52
Bugtong here bugtong there.
378K 14.2K 62
βœ”COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Demigod Trilogy Book 1 of 3) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was...
477 61 8
Mythos #4 || On-Going The descendants of Greek Mythology's Big Three are always regarded as powerful--a gift and an asset to the lineage of the most...
105K 6.9K 33
Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the lucki...