RETURN OF THE KING (COMPLETED)

By mafioso_akio

32.4K 1.3K 414

Namatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio More

KING
PROLOGUE
CHAPTER 1: I'm Back
CHAPTER 2: Mission
CHAPTER 3: Angel without wings
CHAPTER 4: Soldato
CHAPTER 6: Morpeheous Ladies
CHAPTER 7: Band Aid
CHAPTER 8: Blue Rose
CHAPTER 9: Warning
CHAPTER 10: Make out
CHAPTER 11: Secret Lover
CHAPTER 12: Untold Story
CHAPTER 13: Avi Gray
CHAPTER 14: Kalachuchi
CHAPTER 15: Something suspicious
CHAPTER 16: Tattoo
CHAPTER 17: Daughter
CHAPTER 18: Amy Green
CHAPTER 19: Trouble
CHAPTER 20: Acceptance
CHAPTER 21: Favorite Song
CHAPTER 22: Mistress
CHAPTER 23: Caught
CHAPTER 24: Black Page
CHAPTER 25: Death Battle
CHAPTER 26: Alliance
CHAPTER 27: Substitute
CHAPTER 28: The Evil Sisters
CHAPTER 29: Craig Revelations
CHAPTER 30: Red Queen
CHAPTER 31: Stuck with you
CHAPTER 32: Flirtatious
CHAPTER 33: Combat Exercise
CHAPTER 34: Love Triangle?
CHAPTER 35: Birthday Party
CHAPTER 36: Drunk
CHAPTER 37: Confession
CHAPTER 38: Angry Bird
CHAPTER 39: Overnight Swimming
CHAPTER 40: End Game?
CHAPTER 41: Supremo
CHAPTER 42: Visitor
CHAPTER 43: Plan
CHAPTER 44: Saving the queen
CHAPTER 45: The End
EPILOGUE

CHAPTER 5: Being a student again

622 31 10
By mafioso_akio



Hindi ko mapigilang mapahikab ng makita sa wrist watch kung suot na pasado alas nwebe na ng gabi. Simula ng magising ako sa pagka-comatose ay maaga na akong natutulog. Pero ngayon mukhang babalik ako sa dati kong gawi na late ng natutulog sa gabi. Lalo na ngayon may dapat akong asikasuhin dito kay Flavian.

Wala pang ilang minuto kanina ng hamunin ko siya sa isang laban. Balk ko sanang sabihin na bukas nalang namin gawin. Pero siya nag udyok sa mga amo naming babae na ngayon mismo gawin na ang laban. Tutal ito raw ang magiging basehan kung tatanggapin ba nila ako sa grupo.

So heto kami nandito sa isang underground floor ng kanilang mansyon. Mukhang dito nila dinadaos ang bawat ensayo ng kanilang mga tauhan.

Napataas ang isang kilay ko ng makita si Flavian na marahang ginagalaw ang ulo at nag istretching na ngayon. Isang way ng paghahanda bago umpisahan ang isang labanan.

Parehas kaming hindi na nagpalit ng kasuotan. Partida pa dahil fitted na pantalon ang suot ko. Habang itong si Flavian naka-jogging pants.

"Go, Acel!"rinig kong sigaw ni Blue kaya napatingin ako sa kaniya.

Nasa di kalayuan silang magkakapatid. Magkakatabi silang nakatayo at handa ng manuod sa amin ni Flavian.

Nakita ko si Red na naglakad palapit dito sa kinaroroonan namin ni Flavian. Pumwesto siya sa gitna at salitan kaming tinitigan.

"Simple lang rules ng laban. Kung sinong unang bumagsak. Talo na."sabi niya.

Agad kong tumango. Ganun din ang ginawa ni Flavian. Napakunot noo ako ng itaas ni Red ang kaniyang kanang kamay bago muling ibinaba. Mabilis siyang umalis sa gitna dahilan para makita ko si Flavian na pasugod na sa akin.

Shit! Senyales na pala yun para simulan ang laban.

Napaatras ako ng bahagya ng magsimula na siyang umatake gamit ang kanang kamao. Sa pag iwas ko ay hindi niya ako natamaan. Patuloy niya akong inatake ng mga suntok pero patuloy lang ako sa pag iwas.

"Woah, galing ni Acel. Mukhang flexible ang pangangatawan niya."rinig kong sabi ni Gray.

Dahil bahagya akong nawala sa konsentrasyon ay dumaplis ang kamao ni Flavian sa kanang pisngi ko. Kasunod nun ay naka-amba na ang isa niya pang kamao. Huli na para maiwasan ko yun. Dumapo na ito sa tagiliran ko.

"Shit."mahina kong daing at napalayo ng ilang hakbang kay Flavian.

Kasabay nun ay napasulyap ako sa kinaroroonan nila Red. Nakita ko siyang tawa ng tawa. Sa kanilang lima parang siya ang pinaka-ayaw na manalo ako kay Flavian. 

"Ano bata? Yan lang kaya mo?"pagmamayabang ni Flavian kaya  nabaling ang titig ko sa kaniya.

Bata? Inuubos talaga ng taong ito ang pasensya ko.

Tumuwid ako ng tayo at nakangiwing hinaplos ang pisngi kong tinamaan niya kanina. Hindi naman masyadong masakit. Kaya ko pa.

"Sumugod ka na."sabi ko kay Flavian.

Naningkit ang mga mata nito.

"Sumugod ka ulit. Bago pa ako ang sumugod saiyo."dagdag ko pa.

Hindi maipinta ang mukha niya sa narinig. Ang kaniyang dalawang kamao ay naka-kuyom.

"Gago ka! Baka hindi mo ko kila—" Hindi na niya niya naipagpatuloy ang kaniyang sasabihin ng ako na mismo ang sumugod sa kaniya.

Mabilis ko siyang pinaulanan ng mga suntok. Binilisan ko talaga ng kilos ko para malito siya. Hindi siya nakaiwas. Sa halip ay dinepensahan niya ang bawat atake ko gamit ang dalawa niyang braso. Ipinagkrus ko niya ito upang matakpan ang kaniyang mukha.

Ilang saglit pa ay naisipan kong sipain siya sa sikmura. Napamura siya ng malakas ng tumalsik siya palayo sa akin. Bumagsak siya sa sahig dahilan para lumikha ito ng ingay. Bago pa siya makagalaw ay mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya. Plano ko sana siyang sipain ulit para sa mas matinding atake. Pero hindi ko na nagawa ng marinig ang malakas na boses ni Red na tinawag ako.

Natigilan ako at napatuwid ng tayo. Hindi maalis ang titig ko kay Flavian nakahandusay sa sahig habang hinihingal. May kaunti siyang galos aa mga braso dala ng ginawa kong suntok.

Sayang. Gusto ko pa sana siyang bugbugin. Nagtitimpi lang talaga ako dahil baka may mahalata sa akin ang mga babae kong amo.

"Acel ang galing mo!"masayang bulalas ni Blue na nakalapit na pala sa akin kasama ang mga kapatid niya.

Agad tumayo si Flavian at inaayos ang damit na nagusot. Nakangiwi niyang pinasadahan ng tingin ang kaniyang mga braso.

"Congrats nanalo ka."nakangiting sabi ni Gray.

Ngumiti rin ako pabalik sabay tango.

"Salamat."sabi ko sabay titig kay Red, Green at Black na kanina pa tahimik.

Tumaas ang isang kilay ni Red at nakita kong sinulyapan niya si Flavian.

"Fine. Nanalo ka."sabi nito.

Napalakpak si Blue at Gray. Habang si Green poker face. Si Black naman ay nakita kong napangiti. Pero ng magtama ang tingin namin. Nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng pagkasimangot. Napabuga nalang ako ng hangin.

"Tanggap na ba ako sa Famiglia ninyo bilang soldato?"naisip kong itanong.

"Yep."tanging sagot ni Red.

Napangiti ako ng malapad. Yes. Buti naman.

"Congrats."sabi ni Blue.

"Salamat."sabi ko.

Napatitig kaming lahat kay Red ng pumalakpak ito.

"Okay guys. Oras na para matulog. May klase pa bukas."sabi nito.

Sabay napatango si Green at Gray na una ng naglakad palayo.

"Goodnight, Acel. Bukas nalang."paalam ni Blue.

Tinanguan ko lang siya at dali-daling sumunod sa Kambal. Ngayon ay tatlo malang kaming natira dito. Ako, si Flavian at Red.

"Maaga kang gumising bukas. Dahil dun ko pa ipaliliwanag ang siste ng magiging trabaho mo."sabi ni Red.

"Yes, Boss."sabi ko.

Hindi na siya nagsalita pa. Tinalikuran niya lang ako at naglakad na paalis. Nakita kong sumunod sa kaniya si Flavian.

"Sir! Sandali!"tawag ko dito.

Napahinto ito at nilingon ako.

"Salamat sa pagtanggap sa akin. Asahan ninyong hindi ako magiging problema."sabi ko.

Syempre ang kabaitan kong ipinapakita ay sadya upang mas maging kumportable silang lahat sa akin. Kailangan ko ito upang mas madali sa akin na makisama sa kanila.

"Tsk, kung ako tatanungin hindi kita tanggapin kahit natalo mo ko."

Pakiramdam ko muling tumaas ulit ng dugo dahil sa kaniya. Kaalis lang ni Red at kami nalang ngayon ang nag uusap. Mas ipinapakita niya sa akin ngayon na ayaw niya sa akin bilang isa sa mga kasamahan niya.

Pinilit kung huwag mainis ng sobra dahil baka makasira sa misyon ko.

"Nauunawaan ko. Pero wala na kayong magagawa dahil tinanggap ako ni Boss Red."sabi ko.

Napatango siya at tinaasan ako ng kilay.

"Ayos lang. Tutal hindi ka naman mapapasama sa hinahawakan ko."

Kumunot ang noo ko.

"Anong ibig ninyong sabihin?"taka kong tanong.

Tumawa siya na tila may nakakatawang nakita o narinig.

"Hindi ka mismo sa hanay ng mga soldato isasama. Kay Boss Red at sa kaniyang mga kapatid ka naka-assign."

Sandali kong intindi ang ibig niyang sabihin.

"Meaning, magiging personal nila akong tauhan?"

Tumango siya at walang paalam akong tinalikuran. Naglakad siya palayo hanggang sa mag isa nalang akong naiwan dito.

Napabuga ako ng hangin. Ang akala ko ay isasama nila ako sa iba pang soldato na makikipaglaban sa mga kaaway ng Morpeheous Famiglia. Pero hindi pala ayon sa sinabi ni Flavian.

Ako raw ay naka-assign sa mga babae naming Amo.

Kung iisipin mas okay yun. Dahil mas mapapadali sa akin na makilala ang limang iyon at matukoy kung sino sa kanila ang hinahanap ko.


___________________



Matapos ang sandaliang pakikipaglaban kay Flavian ay bumalik na ako sa kwarto ko. Naligo at nagpalit ng damit pantulog bago humilata na ng higa sa kama. Ilang segundo palang ay sinubukan ko ng makatulog dahil kailangan kong gumising ng maaga.

Bukas ang unang araw ko sa Arlington University. Ang eskwelahang pinapasukan nila Red. Syempre kung saan nasaan sila. Dapat naroroon din ako. Kailangan ko silang mas makilala.

Ang pagpasok ko sa Arlington ay maagap ng na asikaso ni Claud. Wala na akong po-problemahin pa.

Pero sa mga oras na ito ang problema ko ay hindi pa ako inaantok. Dahilan para mainis ako. Kanina inaantok na ako ngayon hindi na. Pagulong gulong na ako sa kama pero hindi talaga ako madalaw dalaw ng antok. Mukhang namamahay talaga ako. Inis akong bumangon mula sa pagkakahiga at nag indian seat nalang ng upo sa kama. Dinampot ko ang cellphone sa gilid ng aking unan.

Mabilis kong hinanap ang numero ni Ace at tinawagan ito. Wala pang limang minuto ay agad niyang sinagot ang tawag.

"Kambal."rinig kong bungad niya sa kabilang linya.

Napangiti ako.

"Musta?"tanong ko.

"Ikaw ang kamusta? Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo. Nakarating ka ba dyan sa target location mo? Ano na?"

Halata sa timbre ng boses niya na interesado siyang marinig ang mga sasabihin ko.

"Yup. Nagawa ko naman ng maayos. Don't worry about me. Ayos lang ako."sabi ko.

Alam kong hindi niya maiwasang mag alala sa akin dahil sa nangyari noon. Pero sisiguraduhin kong hindi na mauulit yun. Hindi na ako mapapahamak na magdadala sa akin sa kamatayan.

"Siguraduhin mo lang dahil lagot ka sa akin kapag may nangyari na naman saiyo."

Natawa nalang ako sa narinig.

"Ikaw ba? Kamusta dyan?"

"Ganun pa rin. Dadako na ako sa pang-apat na target. Bukod dun, so far nakikipagtulungan naman ng maayos si Light sa amin ni Scarlet."

Nakangising tumango ako sa pagbanggit niya kay Scarlet.

"Bantayan mong mabuti si Scarlet. Alagaan mo na rin. Future sister in law ko yan."natatawang sabi ko.

"Shut up, Acel!"

Mas lalong lumakas ang tawa ko sa iritasyon ng boses niya. Sa tuwing inaasar ko siya kay Scarlet ay kumukulo ang dugo niya. Pero sa aking tingin. May chemistry silang dalawa. Bagay sila.

"Just kidding. Pero pwede mo namang seryosohin."patuloy kong pangangasar.

"Naawa lang ako sa babaeng yun kaya ko siya tinutulungan. And besides, magkakampi na kami. So, obligasyon kong protektahan siya. Dahil napakahina niya."

Hindi ako nagsalita. Natahimik lamang ako. Naalala ko ang sarili ko sa kaniya noon habang seryoso pa ako sa nararamdaman para kay Queen Ice. Nangako ako sa sarili ko noon na poprotektahan ko siya at nagawa ko naman. Pero anong nangyari? Traydor siya. Isa siya sa pinaka-main reason kung bakit muntik na ako mamatay noon.

"Kambal?"

Ang pagtawag na iyon ni Ace ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Yup?"

"May naisip na akong magandang paghihiganti kay Queen Ice Buertavle."

Bigla akong nagkaroon ng kakaibang kutob sa ibig niyang sabihin.

"What is it?"

"Paiibigin ko siya para dagdag pahirap kay Devil. Tapos ay itatapon na para bang basura."

Malalim akong napabuntong hininga. Sabi na nga ba.

"Baliw ka na."

Ngayon naman ay siya ang natawa. Rinig na rinig ko ang halakhak niyang parang kontrabida sa isang pelikula.

"Ayaw mong patayin ko siya. So, ganun nalang ang gagawin ko."

Balak ko sanang makipagtalo sa kaniya. Dahil unang una. Mali ang gagawin niya. Kaya lang mukhang seryoso siya sa kaniyang plano. No choice ako kung hindi suportaham siya.

Oo nga at galit ako sa babaeng yun. Pero hindi naman ako ganun kasama para gantihan pa siya. Mas gusto kong gantihan ang pinaka-leader nilang may galit sa akin.

"Bahala ka. Pero hindi mo kailangang gawin yan."

"Kailangan. Dahil hindi ako titigil hanggat hindi siya nasasaktan tulad ng nangyari saiyo noon."

Napapikit ako ng mariin ng bumalik sa alala ko ang mga eksena sa Zhilapeźa noon.

"Pero Ace."

"Stop it. Buo na ang desisyon ko. Huwag mo na akong kontrahin na para bang hindi ka pabor dahil may feelings ka pa sa babaeng yun."

Sumimangot ako. Hayaan na naman siya.

"Sinabi ko na diba? Wala na akong kahit anong nararamdaman sa kaniya. Ang gusto ko lang. Kapag natapos ko ang mga misyon kong ginagawa. Kakausapin ko siya for the last time at pakikinggan ang buong paliwanag niya."

Naniniwala naman ako ng may matinding dahilan si Queen Ice kung bakit siya napasale sa grupo ni Devil. I'm sure hindi niya intensyong saktan ako. Mabait siya. Alam ko yun.

"Hindi na yan kailangan. Baka bumalik lang ang feelings mo sa kaniya kapag nagkausap pa kayo. Ayoko siyang maging sister in law."

Ang seryoso kong mukha kanina ngayon ay natatawa naman.

"Hindi ganun ka digital ang feelings nating mga tao, Ace. Saka, ibang babae ang iniisip ko ngayon."

Wala na talaga akong kahit anong paghangang nararamdaman kay Queen Ice. Gusto ko lang makausap siya kapag hindi na ako busy. Magkaroon ba ng closure kahit hindi naging kami.

"Sino naman yan? Yung babae pa ring naririnig mo yung boses nung na comatose ka?"

Napatango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Malaki kasi ang kutob ko na totoong tao talaga siya. Na pwede kong mahanap."

Sa araw-araw na ginawa ng diyos. Hindi maalis sa isip ko ang boses ng babaeng yun. Paulit ulit ito na tumatak sa isip ko. Mas lalo tuloy akong nagkakaroon ng determinasyong hanapin siya.

"Don't tell me tinamaan ka dahil lang sa boses niya?"

Ang tanong na iyon ang naging dahilan para matigilan ako. Napakurap kurap at bahagyang hinimas ang batok ko gamit ang isang kamay.

"I don't know. Basta gusto ko siyang makita para makilala. Magpasalamat na rin. Dahil kung hindi dahil sa pagkanta niya. Hindi ako mapupunta sa liwanag. Habang buhay siguro akong nasa dilim."makahulugan kong sabi.

Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko sa babaeng nagmamay-ari ng boses na iyon. Pero ang malinaw sa akin ay siya ang dahilan kaya ako nagising ulit. Siya ang dahilan ulit kaya nagkasama kami ni Ace. At siya ang dahilan para magampanan ko pa ng mas maayos ang pagiging Capo di tutti capi ko.

"Fine. Kapag parehas na tayong hindi busy. Tutulungan kitang hanapin siya."

Napangiti ako ng malapad. Bumabait na talaga ang Kambal ko.

"Salamat Ace."

"Sige na. Tawagan mo nalang ulit ako kapag hindi ka na busy."

"Okay. Ingat ka."

"Ingat ka rin."

Nang magpaalaman ay nawala na siya sa kabilang linya. Ngayon ay napahikab na ako at humiga muli sa aking kama.


___________________



Napasimangot ako ng makita ang sarili ko sa malaking salamin. Nakasuot na ako ng uniporme ng Arlington at ready na akong pumasok ngayong umaga. Ito rin ang unang araw ko bilang tauhan ng Morpeheous Famiglia.

Maaga akong nagising dahilan para makasabay ako ng almusal kanina. Ipinaliwanag sa akin ni Red na magiging soldato nila akong lima. Kung nasaan sila. Nandun din ako. Pabor yun sa akin. Sakto namang sinadya kong maging kaklase nila sa tulong ni Claud. Kaya kahit sa classroom ay kasam ko sila.

Seryoso kong tinitigan sa salamin ang suot ko.

Ang uniporme ng Arlington ay hindi nalalayo sa iba pang eskwelahan. Puting polo at itim na pantalon. Buti nalang gwapo ako kaya bagay sa akin ito. Napailing iling ako ng mapagtantong babalik na naman ako sa pagiging estudyante.

"Pagtapos talaga nito hindi na ako gagawa ng misyon na kailangang magpanggap na estudyante."inis kong sabi bago isinukbit na ang backpack sa likuran ko.

Agad akong naglakad palabas ng kwarto ko. Tumungo ako sa garahe tulad ng sabi ni Blue kanina matapos kaming mag almusal.

Naabutan kong naroroon na si Blue, Gray, at Green. Magkakatabi silang nakatayo sa tapat ng mga sasakyang nakaparada dito. Nakangiti akong  lumapit sa kanila.

"Goodmorning mga Boss."pagbati ko at magalang na yumukod sa kanila.

Ang totoo hindi ako sanay na yumuyukod sa mas mababang uri sa akin. Ako ang Capo kaya dapat ako niyuyukuran. Kaso, sa sitwasyon ngayon. Isa akong mababang uri ng tao dahil sa pagiging kunwaring soldato.

"Oh bagay saiyo ang uniform mo."puna ni Blue sabay titig sa mga kapatid.

Tumango tango si Gray.

"Gwapings, eh."komento nito.

Natawa lang ako. Ibang ibang ang aura ko ngayon. Naka-bangs na ako hindi tulad ng dati na naka-pomada ang buhok. Parang ako na si Ace.

Nagtaka ako ng mapansing nakatitig ng seryoso sa akin si Green.

"Anong trabaho mo dati?"bigla niyang tanong.

Hindi ako nakasagot agad. Halata sa mukha niya na may gusto siyang malaman.

"Ah, bodyguard sa isang mayamang pamilya."pagsisinungaling ko.

Kumunot ang noo niya. Si Blue at Gray naman nakangiti lang sa akin.

"Kaya pala magaling ka sa combat battle."pumapalakpak na sabi ni Blue.

"Pero infairness. Hindi ka mukhang bodyguard."sabi ni Gray.

Alanganin ko silang nginitian.

"Tama. Mukha ka kasing mayaman kaya i wonder kung totoo yang sinasabi mo."diretsahang sabi ni Green.

Nagkatinginan si Blue at Gray. Ako naman ay nakipagsukatan ng titig kay Green. Mukhang hindi pasado sa kaniya ang pagpapanggap ko. Iniisip ko tuloy kung nakakahalata ba siya.

Naputol ang pagtitigan namin ni Green ng tumawa si Blue. Siniko nito si Green.

"Ano ka ba. Bakit naman magsisinungaling si Acel?"

Nang sabihin niya iyon ay tumitig siya sa akin kaya mabilis akong napatango.

"Oo, hindi ako nagsisinungaling."sabi ko.

Bumuga ng hangin si Green sabay tango.

"Okay. Naiintindihan ko. May itsura ka lang talaga kaya hindi bagay saiyo ang maging bodyguard kahit pa isang soldato."

Hindi ko mapigilang matawa doon.

"So, tingin mo gwapo talaga ako?"bigla kong na itanong.

Natigilan si Green. Napansin kong biglang namula ang magkabilang pisngi niya. Maputi siya kaya kitang kita ko yun.

"Ayiee, si Green. Unang beses na gwapuhan sa isang lalaki."alaska ni Gray.

Nakasimangot na binatukan ni Green ang kapatid.

"Shut up."saway niya dito.

Sabay kaming natawa ni Bluw dahil dun. Nang magkatitigan kami ni Green ay inirapan niya ako.

Lihim akong natuwa.

Pare-parehas sila. Si Red, Black at itong si Green. Maiilap, isnabera at masungit. Si Blue at Gray lang ang masiyahin.

Ang pag uusap naming apat ay naputol ng dumating na si Black at Red kasama ang isang lalaking hindi nalalayo sa edad naming lahat.

"Acel, this is Gucchi. Personal soldato rin namin na tulad mo."pakilala ni Red dun sa lalaki sa akin.

Pinigilan kong matawa sa pangalan niyang pang mayaman. Nagulat ako ng bigla akong yakapin nito at tinapik tapik ang likuran ko.

"Nice to meet you pare!"masayang sabi nito.

Napangiwi ako kumalas siya ng yakap sa akin. Medyo hindi ako sanay ng niyayakap lalo na at lalaki din siya. Tapos ay bagong kakilala ko palang.

"Same."tanging sabi ko lang.

"Ako ang personal driver nila Boss Red. Slash Soldato."personal na pakilala ni Gucchi.

"Acel."pakilala at tumango tango sa kaniya.

Nakita kong nakasuot din siya ng uniporme ng tulad sa amin at may logo ng Arlington. So, it means estudyante siya.

"Tara na."pag aaya ni Red.

Agad na tumango si Gucchi kaya mabilis na kaming sumakay sa isang itim na SUV. Nasa driver seat si Gucchi dahil siya obviously ang magmamaneho. Ako naman ay nasa front seat. Yung lima naming Amo ay nasa backseat.

Habang nasa byahe ay rinig na rinig ko mula dito sa unahan ang ingay ng pag uusap nila Red. Nabanggit pa nga ni Blue ang pangalang Craig. Naalala ko tuloy yung mga lalaking nakita ko sa isang fast food resto kahapon kung saan ko nakilala si Blue.

"Buti dumating ka dito, Acel."sabi ni Gucchi.

Napabaling ako ng tingin sa kaniya.

"Huh? Bakit naman?"

Tumawa siya.

"Nung wala ka pa kasi. Ako lang mag isa ang personal tauhan ng mga yan. Iba rin naman kasi ang mga tauhan nila sa Arlington."pagtukoy niya sa mga Amo namin.

"May mga tauhan din sila Arlington?"tanong ko.

Tumango siya bilang sagot.

"Sa Arlington University. Kilala sila sa tawag na Morpeheous Ladies. Marami silang kapwa estudyanteng hinimok na maging miyembro nila. Sa ngayon ay may 45 members sila dun. Kabilang ako."

"Ano yan parang Gangster group?" Sumagi sa isip ko si Devil at mga kasama niya nung panahong bagong salta ako sa Rivaillè.

Umiling si Gucchi.

"Mafian groups kami. Nagtatag lang sila ng mini groups nila with members sa eskwelahan. Upang sa future ay maisali ang mga ito mismos sa Morpeheous Famiglia."paliwanag niya habang nanatiling nagmamaneho.

Hindi na ako umimik pa. Agad kong naunawaan ang sinasabi niya.

Ang limang anak-anakan ni Nicanor ay may grupo sa Arlington kung saan ang iba pang members ay tulad nilang mga estudyante din. Pero ang mga ito ay hindi talaga official members ng Morpeheous Famiglia na ang Capo ay si Nicanor.

Sa sitwasyon ni Gucchi at ako. Kami ay mga personal tauhan o alalay ng lima na kung saan sila pupunta dapat kasama kami.

"Siya nga pala. Bakit wala ka pang tattoo? Suma-ilalim ka ba sa initiation?"tanong niya.

Bago ko pa masagot yun ay naramdaman ko na ang pag ubo ng kung sino sa likuran. Paglingon ko ay nakita ko si Red na seryoso ang tingin sa akin.

"Limang buwan lang siyang mananatili. So, hindi niya na kailangan ng initiation."sabi nito at tinitigan si Gucchi.

Dahil nga nagmamaneho ay tumango lang si Gucchi. Tapos ay sumulyap sa akin.

Kagabi ay sinabi ko na sa kanila na hanggang apat o limang buwan lang ako dito. Yun lang kasi ang binigay na palugit sa akin ni Daddy para magawa ko ang misyon ko.

Ang initiation ay isang ritwal para sa mga mafian groups. Ito ay isinasagawa para sa mga bagong miyembrong sasali. Handa naman ako para dun. Kahit anong klase ng initiation pa yan. Kaso, si Red na mismo ang may sabi. Hindi ko na pagdadaanan yun dahil nga saglit lang nila akong magiging tauhan.

Sabi pa nga niya. Hindi sana niya ako tatanggapin ng basta. Kung hindi lang siya pinakausapan ni Blue. So, malaki ang pasasalamat ko dito.

Sa ilang minuto ng byahe ay narating namin ang Arlington University. Pagkaparada palang ni Gucchi ng sasakyan ay kani-kaniya ng labas ang mga Amo namin. Sabay naman kaming lumabas ni Gucchi.

Dahil nga nasa iisang klase lang kaming lahat ay patuloy akong nakabuntot sa kala Red.

"Let's go."nakangising pag aaya ni Red sa kaniyang mga kapatid.

Taas noo siyang naglakad palayo sa parking lot. Kasabay si Blue, Black, Green at Gray. Habang ako at si Gucchi ay nakasunod lang sa kanila. Pansin kong halos lahat ng makakasalubong namin ay nakatitig sa limang babaeng nasa unahan ko. Senyales na talagang famous sila sa eskwelahang ito.

Napangiwi nalang ako. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Dahil na saksihan ko na ito dati sa Rivaillè.

"Napaka-sikat talaga ng mga Boss natin."natatawang sabi ni Gucchi at panay ang linga sa paligid.

Itinuro niya ang mga estudyante sa malapit na halos nakanganga habang nakatitig kay Red at sa mga kapatid niya. Yung iba may hawak pang mga android cellphone at pinipicturan ang mga ito.

Tsk. Ang OA nila.

Napahinto kami sa paglakad ni Gucchi ng mapansing nakahinto na rin ang mga Amo namin. Nang silipin ko ay may mga lalaking estudyante ang humarang sa daraanan namin. Napatitig ako ng seryoso sa mga ito. Pito silang lahat. Tapos may mga babae pang nakiki-usyoso na akala mo may pinapanuod na interesante.

"Kilala ko ang mga ito ah."mahina kong bulong.

Sila yung nakita ko sa Fast food resto nung gabi. Kung hindi ako nagkakamali yung nasa gitna ay si Craig na mina-manmanan ni Blue kagabi.

"Nandito na naman ang mga feeling famous."komento ni Gucchi na obvious na pinatatamaan ang grupo ni Craig ay ito mismo.

"Don't tell me may magaganap na away ngayon?"nakasimangot kong tanong sa kaniya.

Mas lalo akong napasimangot ng tumawa siya. Malalim akong napabuntong hininga at tumitig sa kalangitan.

Lord naman. Nakakasawa na talaga ang mga ganitong eksena sa ekswelahan.

"Ito na talaga ang huling beses na magpapanggap akong estudyante."sabi ko na hindi naisip kung narinig ba ako ni Gucchi.





______________________








Don't worry guys. Ang storyang ito ay hindi tulad ng unang story ni Lord A. Sisiguraduhin kong maiiba ito. Lalo na balak ko ng bigyan ng partner si Lord A.

Medyo kailangan ko lang bagalan ang pacing para tumagal hanggang chapter 45 or 50.

Salamat sa votes at reads.

Continue Reading

You'll Also Like

7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
25M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
8.3K 765 54
Isa siyang hari na mayaman pero kuripot. Isang siyang hari na matalino pero slow sa usapan. Isa siyang hari na gusto ang larong patayan pero laging t...
4.8K 166 34
nagmahal ako ng tapat at totoo.kahit babairo ako.piro linuko lang ako at mas masakit na malaman mo lang pinagpalit ka sa yung kaibigan mo.kaya kung m...