Chapter 30: Surprise!
I got back home na from Palawan. Sobrang pagod na pagod ako kaya wala ako nagawa kung di magcollapse sa kama ko. Grabe ang saraaaaaaaaaaaaap ng feeling. Parang nasa langit lang.
Masarap na yung pwesto ko sa kama ko at nararamdaman ko na ang antok ko na unti-unting dumarating nang biglang nagring ang cell phone ko. Dahan-dahan akong kumilos, maabot lang ang cell phone ko mula sa bag ko na nilapag ko sa sahig, sa tabi ng kamay ko.
“Oh, Kuya napatawag ka?” halatang tamad na tamad ako sa boses ko.
“Wala lang...”
Napakunot ako ng noo. “Eh? Di nga bakit? May problema ba?”
Parang hindi niya narinig ang sinabi ko, “Nakauwi ka na ba...?” tanong niya. Parang aligaga pa ang tono ng boses niya.
“Bakit?”
“Nakauwi ka na nga ba?”
“Hmm...”
“Nasa bahay ka na?”
“Hmm...”
“Ano ba Oo o hindi?”
Napabangon ako sa kama habang nagkakamot ng ulo, “Malamang Oo, natawagan mo na ko di ba? Ano ba meron...?”
“Ah ganun ba...?” then natahimik siya saglit. “Sige... Bye!” sabay baba niya ng phone
Ang gara ah... Ano kaya problema ni Kuya?
Humiga na ko ulit sa kama ko sabay patong ng unan sa mukha ko, ready na ready na kong makatulog nang bigla namang may nagdoorbell. Naibato ko sa sahig ang unan sa inis ko lalo pa’t makapindot ng doorbell yung kung sino man yung nasa labas ay napakaWAGAS. Kala mo walang bukas.
“Andyan na!” sigaw ko. “Bwisit naman...” sabi ko sa sarili ko.
Pagbukas ko ng pinto ng nakasimangot, binungad sa mukha ko ang isang bouquet ng pink roses. Tinulak ko palayo ang mga bulaklak. “Ano ba—”
“Welcome back!”
“Jake?”
Nginitian niya ko sabay abot ng bulaklak. “Bye!” then bigla siyang tumakbo papunta sa elevator.
What the fudge? Ano yun?ang weird naman ata ng mga tao ngayon?
Tinignan ko ang bulaklak habang sinsara ko ung pinto. May letter na nakakabit rito pero imbes na gaya ng mga dating padala ni Christian o Jake na nakaenvelope, yung sulat ngayon ay nakarolyo na may nakataling silver na ribbon. Pinatong ko sa counter top yung bulaklak sabay kuha nung sulat. Hinila ko ang ribbon at binasa ang sulat.
Akala ko isang special message na naman from Christian to, akala ko ito na yung surprise niya sa’kin na sinasabi niya para sa pagdating ko... pero hindi pala. Dahil ang letter ay naglalaman ng instructions. Ang nakasulat pa sa itaas nito ay, to-do list.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero feeling ko ito nga ang surprise sa’kin ni Christian. Baka may dinner date kami or something? ewan... basta kahit pagod ako, gagawin ko ‘to. Ang sweet eh. A for Effort.
Wear white dress [Check]
Wear white shoes [Check]
Go to your school [Check]
Okay, gaya ng nasa letter, punta daw ako sa school ko nung college so yun ginawa ko. Agad-agad akong bumaba sa parking lot para sumakay na sa sasakyan ko at magdrive papunta dun. Pero sa pagbukas ng elevator sa may lobby, sinalubong ako ni Pete, Nakausot siya ng black suit, white shirt and silver tie.
“Pete...?” lumabas ako ng elevator, “Anong ginagawa mo dito at ba’t ka nakaganyan...?”
Ngumiti lang siya sabay offer ng braso niya para kapitan ko.
“May pupuntahan ako...”
“Alam ko...” hinila niya ang kamay ko sabay lagay sa may braso niya.
Wala na kong masabi. Basta sumama na lang ako sa kanya palabas ng building. Tapos ang bumungad naman sa’kin ngayon ay isang mahabang itim na limousine.
“Pete...? ba’t may... anong...”
Pumunta sa Pete sa tabi ng limo at pinagbuksan ako ng pinto, “Tara na Chloe... wag mo na pagantayin si Christian...”
“Kung date lang ‘to... ang bongga ha...”
Natawa si Pete at wala ng sinabi pang iba.
Pagsakay ko, sinara kagad ni Pete ang pinto. Mukhang hindi siya sasama.
~
Tinignan ko ulit ang to-do list ko,
School Garden [Check]
Pagdating ko sa school, nagpasalamat ako sa driver bago bumaba.
Then naglakad na ko papasok ng school, na mukhang napakatahimik, sobra. Walang tao ni isa. Kahit ata guards wala. Ano meron? Di ba dapat may pasok ngayon?
Bago ako tuluyang pumunta sa garden eh sumilip-silip muna ko sa paligid. Kasi baka may bigla na namang sumulpot na kung sino eh. Pero nung wala naman, dumiretso na ko sa garden, kung saan ako madalas tumambay nun.
“Hello...?” tawag ko. “Christian?”
Walang sumagot pero merong lumabas, Si Beth!
“Hi Chloe...”
“Beth!” napatakbo ako sa kanya sabay akap. “Oh em... I miss you so much!”
“I miss you too girl!”
Then sumunod namang lumabas ay si Jojo na bit-bit si Baby Austin.
“Baby A!” hinalikan ko ng hinalikan ang matabang pisngi ni Baby A. “Kailan pa kayo nakabalik?”
“Kahapon lang...” sagot ni Jojo
“Oh my God! so kayo surprise ni Christian sa’kin?”
Natawa silang pareho, “Hindi...” sagot ni Beth, “Andito ako para pagandahin ka...”
Make-over [Check]
Hinila ako ni Beth papunta sa C.R ng school. Inayusan niya ko, buhok at make-up tapos pati yung damit kong suot ay pinahubad niya sa’kin. Pinasuot niya ko ng puti ring damit pero this time, medyo mahaba yung damit. Strapless siya na parang maypagka-corset ang dating. Tapos may mga simpleng beadings na napakaelegant ng dating. Hindi siya palobo na dress, medyo fitted sa bewang at hita pero maluwag sa baba, parang hour glass ang dating kaya nagmukha tuloy akong sexy.
Nagtataka lang ako ba’t kailangan white talaga at ganun pa kahaba yung damit pero nung sinabi niyang design niya ang damit na yun, masyado akong naexcite na kahit nahahabaan ako eh sinuot ko siya ng buong galak. Syempre, best friend ko may gawa eh!
Tapos sinamahan nila ako pabalik ng limousine. Tinulungan nila akong makasakay ulit, “Hindi rin kayo sasama?”
“Para sa’yo ang limo na yan girl eh... okay lang, may sasakyan kami...”
“Saan ba punta ko nito?”
“Tignan mo na lang...” sabay sara niya ng pinto
~
Hernandez Mansion [Check]
Tumigil ang limo sa tapat ng bahay nila Christian. Oh em! Kinakabahan ako, ba’t kami nandito? Napapaisip tuloy ako kung dun kami magkikita tapos nakaganito ako eh baka ano isipin ng dad niya. Nung huli pa mana din kami nagkita eh... hay...
Bumaba ako sa limo nang pinagbuksan ako ng driver ng pinto, “Ma’am...”
“Thanks po.”
Tumango lang siya sabay alis.
Naglakad ako papunta sa main gate ng bahay, hawak-hawak ang trail ng damit ko. Grabe lang ha, hirap ako, sobra.
Pagdating ko sa loob ng bahay, sinalubong ako ni Kuya ko na nakasuit din na itim with silver tie. “Kuya...” niyakap ko siya, “Anong ginagawa mo dito? At anong...” tumingin ako sa paligid.
“May dinner na magaganap dito mamaya...”
“Dinner? Eh pass 4pm pa lang ah...”
Napailing siya, “Ang slow mo grabe... pasalamat ka hindi kita makukurot sa psingi o mababatukan dahil nakaayos ka ng ganyan...”
“Ha?”
“Tara na nga...” gaya ng ginawa ni Pete kanina, inaalok niya braso niya para kapitan ko.
“Teka... Si Christian?”
“Makikita mo rin siya...”
Dahan-dahan kaming maglakad papunta sa may terrace, kung saan yung daan papunta sa back garden ng bahay nila Christian. Paghawi ni Kuya ng kurtina para makadaan kami, bumungad sa’kin Si Papa at Mama na pareho din nakasuot ng magagandang formal.
“Pa, ang slow ng anak niyo...” asar ni Kuya
Natawa si Mama, “Anak... you look amazing!”
“Si Beth may gawa eh...” proud kong sinabi
“Anak...” tawag ni Papa. “Alam kong marami tayong napagdaanan sa buhay pero ito tayo magkakasama pa ring apat. Alam ko marami din akong kasalanan sa’yo...”
“Pa naman oh... okay na yun...”
Pinipigilan ni Papa ang maiyak, “Sa lahat ng naging desisyon ko sa buhay ko... ito ang pinagkaalam ko na tama. Alam ko na magiging Masaya ka at...”
Hinimas ni Mama ang likod ni Papa, “Anak, mahal na mahal ka namin ni Papa.”
“Ano ba yan... ang drama...” biro ko
“We give you our blessings.” Sabi ni Papa, “Kami ng Mama mo at ng kuya mo...”
“Blessing...?”
Then biglang gumilid sila mama at papa sa tabi ko. “Welcome to your wedding Chloe...” bulong ni Mama sabay lagay ng belo sa ulo ko.
What the? Wedding? Napatingin ako kay mama saglit tapos pagtingin ko ulit sa harap, may mga bumukas na ilaw. Ang una kong nakita ay ang putting tela na parang slow motion pa kung malaglag. Ni hindi ko nga napansin kanina yun, wow. Kaya pala nakaharang sila mama sa harap ko kanina. Then pagkabagsak ng tela, nakita ko ang garden nila Christian na nagtransform from being a mansion garden na naging, wow, wedding na wedding ang dating. May napakalaking black and white tent na tinayo sa buong garden.
(http://deviera.com/wp-content/uploads/2012/07/kim-kardashian-wedding-1.jpg)
Bumaba kaming apat mula sa terrace at tumayo sa dulo ng aisle kung saan ay nakasarado pa ang kurtina. Pasuspense ang dating para sa’kin and then sakanila dahil hindi pa nila ko nakikita. Pero feeling ko, ako ang pinakamagugulat sa pagpasok ko dahil ano ba yan, surprise wedding?
Nakita ko ang mga kaibigan ko at mga mahal ko sa buhay na unang maglalakad bago ako, ang bride. Unang naglakad si Kuya at si Ate Victoria papasok ng tent tapos sinundan ni Jojo, ni Pete, ni Jake, ni Carla at ng asawa niya and then si Beth at si Baby Austin na taga deliver ng wedding rings sa pari.
Pagpasok nga ni Beth at Baby Austin eh nagreak kagad ang lahat. Ang cute kasi ni baby Austin eh, sabay pinaglalaruan pa niya yung unan kung san nakakabit yung mga sing-sing.
Then biglang tumahimik, “Ready?” tanong ni Papa
Hindi ako makasagot. Masyado akong shocked. Tumango na lang ako sabay buntong hininga.
Nagumpisa nang tumunog ang wedding song para sa entrance ko. Binuksan n staff ang dadaanan ko, hinawi na nila ang kurtina na nagtatago ng wedding ko.
Paghakbang ko pa lang sa loob, napatigil ako at nagulat dahil sa bongga ng lahat. Nagtayuan ang lahat at nagpalakpakan sa pagdating ko. Hindi ko maiwasang matawa sa kaba at hiya ko.
Grabe, lahat ‘to gawa ni Christian?
(http://sphotos-a.xx.fbcdn.net/hphotos-ash3/c0.0.403.403/p403x403/550564_282417585195904_382308868_n.jp)
“Lahat ‘to... pinaghirapan ni Christian... with the help of his dad.”
Napatingin ako kay Papa
“Akala mo busy si Christian sa trabaho niya?”
Natawa ako lalo, grabe, ang sweet talaga ng boyfriend ko! Hindi ko to inexpect!
Sa paglalakad ko sa aisle, nginingitian ko ang lahat, halata nga ata sa mukha ko talaga ang saya ko at kaba at the same time. and then, ang kabang yun ay biglang nawala ng makita ko si Christian na nakatayo sa may dulo, katabi si Jake at ang Dad niya na parehong nakangiti sa’kin.
Ang gwapo talaga ng lahi nila...
Nakipagkamay si Papa kay Jake, kay Mr. Hernandez at kay Christian, “Alagaan mo anak ko...”
“Opo, pangako po.” Nginitian ako ni Christian sabay kindat. Buti na lang nakabelo ako at hindi niya nakita na nagbblush ako.
Inangat ni Papa ang belo ko at sabay hinalikan ako sa noo, “I love you anak...”
“Love you too Dad.”
~
Dear Diary,
Nagsimula ang wedding na magkahawak kami ng kamay ni Christian. Hindi naghiwalay ang mga tingin namin sa buong wedding. Para ngang bata lang si Christian eh, kinakausap ako habang nagsasalita ang pari kaya may mga moments na natatawa ko at natitigil yung pari. Grabe, nakakahiya kaya...
Then sinabi namin ang vow namin sa isa’t-isa...
Minister: Ladies and gentlemen, we are gathered here on this glorious day to witness the union of Chritian Hernandez and Chloe Mercado. Please, repeat after me. I, Christian Hernandez.
Christian Hernandez: I, Christian Hernandez.
Minister: Take you, Chloe Mercado.
Christian Hernandez: Take you, Chloe Mercado.
Minister: To have and to hold.
Christian Hernandez: To have and to hold.
Chloe Mercado: For better, for worse.
Christian Hernandez: For richer, for poorer.
Chloe Mercado: In sickness and in health.
Christian Hernandez: To love.
Chloe Mercado: To Love.
Christian Hernandez: To Cherish
Chloe Mercado: To cherish as long as we both shall live.
Christian Hernandez: I do.
Chloe Mercado: I do.
Nagkiss kami and then nagpalakpakan ang lahat.
~
Dear Diary,
Kahit sabihin mo pala na lumaki ako na puro sama ng loob, problema sa buhay at kung ano-anong mga pagsubok sa family at relation ko ay... may happy ending pa rin ako.
Ngayon, tinutuloy ko na ang paghandle ng agency na tinayo namin ni Beth bago kami pumunta sa America. Ako ang bahala sa side ng photography while si Beth naman ang bahala sa fashion design and styling. Right hand niya si Kristy na, so pag nasa America si Beth si Kristy bahala dito.then para naman kay Christian, well, ganun pa rin... successful businessman pa rin siya. Nasa dugo eh.
And may isa pa pala akong hindi nakwekwento... after ng wedding, pumunta kami sa reception, kumain, nagsayawan at nagkantahan... talagang enjoy. (http://www.gophoto.it/view.php?i=http://photos.weddingbycolor-nocookie.com/p000001595-m407-p-photo-1748/p5-black-white-dining.jpg#.UJMtNW_MiSo)
Pero siguro ang jaw dropper nung araw na ‘yun ay yung announcement na sinibi ko sa lahat. Akala ng lahat ay magpropropose ako ng toast para magpasalamat lang sa lahat-lahat ng tao na tumulong para magawa ang event pero ang nagpahiyaw sa lahat pero nagpatameme kay Christian ay nang inannounce ko na,
“Akala ko sa sobrang pagod lang ang lahat... sa trabaho at sa kakaisip ko bakit hindi ako tinatawagan ng boyfriend ko...” tumingin ako kay Christian na medyo nahihiya. “Pero akala ko lang pala yun... kasi... kaya pala nahihilo ako at laging pagod ay...” hinawakan ko ang tyan ko. “May baby Hernandez na pala sa tyan ko...”
Nagpalakpakan ng malakas ang lahat! Napatayo si Christian at tinanong ulit ako kung tama ba ang narinig niya na sinabi ko. Then nang umoo ako, niyakap niya ko at hinalikan ng paulit-ulit sa pareho kong pisngi.
“This is the best day ever. I’m married to you now and this...kailan pa?”
“Nalaman ko lang kanina bago ko nakauwi... nagpacheck-up ako kasi...”
Priceless... priceless ang reaction ni Christian. Sobrang saya niya ng malaman niyang magkakaaanak na kami. Alam kong magiging great dad siya dahil ako pa nga lang nahandle niya eh, ito pa kayang baby namin.
Hay... alam mo, ang saya-saya ko... ngayon lang ako naging ganito kasaya sa tanang buhay ko. Ngayon na Mrs. Hernandez na ko at magiging busy na sa trabaho at pagbuo ng pamilya ko... sa tingin ko, ito na ang huli kong pagsulat sa’yo.Salamat.
Signed: Chloe Mercado-Hernandez ;)
---
thank you sa lahat ng nagbasa at nagsupport sa story ko na 'to...
i wish na makasulat ulit ako na magugustuhan niyo. thank you :)