Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 23

122K 3.7K 432
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 23

Namayani ang katahimikan saaming dalawa ni Briana, nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit ko sakanya. Maging ang mukha niyang tinapunan ko ng juice ay kitang kita pa rin ang pagkapoot saakin.

"Mommy? Mama Claire?" Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Sebastian mula sa tagiliran ko, bumaling ako sakanya at mukhang katatapos lang niyang maligo dahil kita ko ang pulbo sa katawan niya.

"Are you guys fighting?" Tanong niya gamit ang maliit na boses, halos kurutin ang puso ko nang makita ko ang mga mata ni Ethan sakanya.

Lumapit si Seb saaming dalawa at hinawakan niya ang kamay namin ni Briana at pinagtagpo iyon, "Don't fight, sabi ni Daddy bad daw ang nakikipag away." Malungkot na sabi ni Seb na mas nagpatunaw sa puso ko, nakatingala siya saaming dalawa ni Briana.

Pakiramdam ko babagsak nanaman ang luha ko, isang bata ang nakakapag palambot ng puso ko ngayon. Hindi lang siya basta bata na kilala ko, dahil itong batang ito ang anak ng lalaking mahal na mahal ko. Marahan kong hinila ang kamay ko palayo kay Briana at pilit kong pinatatag ang boses ko upang hindi bumagsak ang luha ko.

Tinitigan ko muna si Seb bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang pagiging isang talunan. Heto nanaman ang traydor kong luha, nagbabadiya nanamang tumulo sa pisngi ko. Kung sana mababago ng luha ang panahon ayos lang saakin umiyak ng umiyak. Kung sana mababago ng mga luha ko ang kapalaran ko ngayon hindi na sana ako nasasaktan ng ganito, hindi na sana ako umaasa na sana isang araw magising ako dahil panaginip lang pala ang lahat ng ito.

Lumipas ang dalawang araw at punong puno pa rin ng pait ang puso ko. Para silang isang buong masayang pamilya sa tuwing madadatnan ko sa sala namin, tinatawag ako ni Mama na makihalubilo sakanila pero hindi ko iyon sinusunod dahil ayokong magkunyare na maayos na ang lahat saakin. Si Dad naman tinatangka akong kausapin pero pilit ko siyang binabaliwala, ayokong marinig ang kahit anong sasabihin niya. Anak niya ako, pero bakit hindi ko maramdaman iyon ngayon sakanya? Bakit pakiramdam ko ako ang sampid sa pamilyang 'to? Kung sana lang sa bawat desisyon na ginagawa ng pamilya ko ay isinasali nila ako, hindi sana magiging ganito ang pamilya namin ngayon.

"Nasa taas si Jenica, dalawang araw na nga siyang hindi lumabas." Sabi saakin ni Kuya Justine nang makarating ako sa bahay nila sa Antipolo, napag pasiyahan ko na kasing ako na ang dumalaw sakanya para naman may makausap sa nangyayari sa buhay ko. Ang hirap din pala kapag pakiramdam mo mag isa ka nalang.

Kumunot ang noo ko, "Kuya? Sabi saakin ni Jenica abala siya sa business niyo?" Pagtataka ko, sa dalawang araw kasi na pagtawag ko kay Jenica palagi niyang sinasabi saakin na busy siya at hindi kami pwedeng magkita.

Uminom ng tubig si Kuya Justine at umiling, "Knowing Jenica? Hindi mo yan mapapatambay sa opisina ni Dad," Tumatawang sambit ni Kuya Justine na nagpakaba saakin.

"Mas gugustuhin niyang gumimik gabi gabi, himala nga dahil dalawang araw siyang nanahimik sa bahay. Mabuti na rin yon, napapadalas na rin kasi ang pag inom inom niya." Litanya ni Kuya, mas lalong nabalot ng pagtataka ang isip ko at napangiwi ako.

"May problema ba siya?" Usisa ko, "I don't know, akyatin mo nalang. Aalis na ako, may meeting pa akong hinahabol." Paalam saakin ni Kuya Justine atsaka hinalikan ako sa pisngi. Pero natigilan siya at tinignan akong mabuti, "Siya nga pala, nakikipagkita ka pa ba sa isang Cando?" Biglang singit ni Kuya Justine na nagpakunot sa noo ko, umiling ako bilang sagot.

"Why?" Namamaos na tanong ko, huminga ng malalim si Kuya Justine at umiling iling. "Mabuti kung ganon, layuan mo na siya." Aniya atsaka iniwanan akong nagtataka doon, siguro ay nalaman na rin niya ang tungkol kay Ethan.

Tumingala ako sa spiral na hagdanan nila Jenica bago ako tuluyang umakyat, tatlong palapag ang bahay nila at nasa ikalawang palapag ang kwarto niya. Kumatok ako sa pinto ng kwarto at narinig ko ang hiyaw ni Jenica mula sa loob na pumasok daw ako.

Halos mapaawang ang bibig niya nang makita ako at hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nag iwas ng tingin saakin. Ibinaling niya ang mga mata niya sa laptop. "A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong niya nang hindi ako nililingon, naglakad ako palapit sa kama niya at halos mapasinghap ako dahil sa hampas ng lamig ng aircon sa katawan ko.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at nakita kong nag-fe-facebook siya. "Dinadalaw kita, kailangan ko kasi ng kausap." Diretsong sagot ko sakanya, narinig ko ang malalim na paghinga niya, tumitig lang ako doon sa facebook niya na ngayon ay nag-scroll down sa newsfeed.

"Hindi ka kasi nagpapakita saakin." Patuloy ko, "Busy ako sa trabaho." Matabang na sagot niya saakin.

Hindi ko alam kung bakit siya nagsisinungaling saakin, pero sa ginagawa niya nasasaktan ako. Si Jenica ang pinakamalapit saakin na pinsan ko at hindi ako sanay na ganito siya magsalita saakin. Maliban nalang kung galit siya saakin o may itinatago.

"Sabi ni Kuya Justine dalawang araw ka nang nagkukulong dito." Sagot ko sakanya, muli kong narinig ang paghugot niya ng malalim na paghinga bago niya tuluyang isinara ang laptop niya. Humarap siya saakin at naihilamos niya ang dalawang palad niya sa mukha niya.

Tinitigan niya ako ng buong buo na para bang may gusto siyang sabihin saakin, nanginginig ang dalawang mata niya at mukhang babagsak na ang luha doon.

"Claire," Nabasag ang boses niya sa pagtawag saakin.

Magsasalita na sana ako pero marahan niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon, "I'm sorry. Nagsinungaling ako sayo." Bulong niya.

Kumunot ang noo ko, "Jenica?" Biglang tumulo ang luha niya pero mabilis niyang pinunasan iyon nang hindi inaalis ang matapang na titig saakin ng bilugan niyang mata.

"Hindi ko kayo gustong paghiwalayin ni Ethan, pero kailangan. Dahil dito. Alam mo na diba? Alam mo na ang tungkol kay Briana." Umiiyak na bulong niya, nanginig ang ang binti ko nang marinig ko mula sa bibig niya ang tungkol kay Briana, kahit kailan hindi pa ako nagkukwento sakanya. Nanlamig ang kamay ko at may parang kung anong nakabara sa lalamunan ko ngayon.

"P-paano?"

"Claire makinig ka saakin, pinsan mo ako at mahal na mahal kita. Ayokong dumating yung oras na ikaw ang maging kawawa." Namamaos ang boses niya, "Jenica, h'wag mo akong paikutin. Anong nalalaman mo?" Halos isigaw ko na iyon ng pabulong sakanya, namamasa na ang mata ko pero napipigilan ko na iyon ngayon na bumagsak.

Mas lalong lumuha ang mga mata ni Jenica, binitawan niya ang kamay ko at tinakpan niya ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na parang katulad ko pagod na pagod na rin siya sa pag iyak.

"Alam kong darating yung oras na 'to, kaya ganun nalang ang galit ko sayo nang malaman ko mula kay Jerome ang lahat." Paliwanag niya.

"Gusto ko si Ethan para sayo, pero hindi sang ayon ang tadhana kaya bandang huli inayawan ko na rin siya sayo. Nagsinungaling ako na tutulungan ko kayong magkabalikan kapag tama na ang lahat, pero hinding hindi ko gagawin iyon Claire." Humahagulgol na sabi niya, tuluyan nang bumagsak ang luha ko at yung puso ko ang bilis bilis ng tibok.

"Jenica!" Sigaw ko sakanya, umiling iling siya at tinitigan ako ng lumuluhang mata niya.

"Pinsan ni Jerome si Briana, at alam niya ang lahat ng tungkol kay Ethan. Maging ang pag ganti ni Ethan sa Daddy mo." Parang huminto sa pagtibok ang puso ko dahil sa sinabi niya, may kung anong tumutusok sa kalamnan ko at sobrang pagkirot ang hinahatid non saakin.

"W-what do you mean?" Naguguluhang tanong ko sakanya.

"Claire, gustong gumanti ni Ethan sa Daddy mo. Alam niyang anak ka ni Tito Paul sa simula palang, tatlong taon na nakadikit sa pangalan ni Briana ang apelyido ng pamilya niyo. Lataza, at nung gabing makilala mo siya sa bar, nalaman niya sa mga tao sa paligid na anak ka ni Tito Paul, kaya gumawa siya ng paraan para makuha ang atensyon mo." Panay ang tulo ng luha ko at hindi ko mapigilan ang pagpiga ng puso ko dahil sa sobrang sakit ng mga naririnig ko ngayon.

"Gusto niyang gantihan ang Daddy mo sa lahat ng pang-gigipit na ginawa sakanya at hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang anak niya kay Briana, hindi rin siya titigil hangga't hindi ka niya nakukuha sa Daddy mo." Umiiyak na sambit ni Jenica.

"Hindi totoo yan, niloloko ka lang ni Jerome! Hindi totoo yan!" Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng sinasabi ni Jenica saakin ngayon pero bakit nasasaktan ako?

"Claire! Pamilya natin ang unahin mo! Naaawa ako kay Tito Paul dahil alam kong papalapit na lahat ng pinaplano ni Ethan, isa rin sa mga dahilan kaya napaaga ang uwi ni mula Malaysia dahil nalulugi na ang kumpanya niyo dito Pinas, at lahat ng yon dahil kay Ethan."

Umiling iling ako at kinuyom ko ang kamao ko, "Hindi Jenica! Mahal ako ni Ethan, totoong mahal niya ako at nararamdaman ko yon!" Sigaw ko, pero niyakap lang ako ni Jenica at halos marinig ko ang magkasabay na paghikbi naming dalawa!

Mahal ako ni Ethan, nararamdaman ko! Totoong mahal niya ako at kailanman na hindi ko naramdaman sakanya na may binabalak siyang masama saakin o sa pamilya ko.

"Tama na Claire, kalimutan mo na siya." Pakiusap saakin ni Jenica pero ayaw magpaawat ng luha sa dalawang mata ko at maging ang pag kirot ng puso ko mukhang walang balak huminto.

Anong klaseng buhay ba ang mayroon ako? Bakit bigla nalang naging ganito? Masaya naman ako noon, masayang masaya ang pamilya ko noon pero bakit biglang naging ganito? Sa isang iglap lang lahat ng kasiyahan na bumabalot sa katauhan ko bigla nalang nawala na parang isang bula at napalitan ng isang apoy na masakit makapaso at unti unting sumusunog sa buong katauhan ko.

Halos ikuyom ko na ang kamao ko nang marinig ko na ang motor ni Ethan dito sa parking lot ng tower ng condo niya. Oo, kaagad akong pumunta dito nang maikalma ko ang sarili ko magmula sa mga sikretong inamin saakin ni Jenica. Hindi daw alam ni Kuya Justine ang tungkol saamin ni Ethan, dahil ang tanging nalalaman lang daw ni Kuya ay ang pangluluging ginawa ni Ethan sa kumpanya ni Dad.

Nung araw na nagalit saakin si Jenica, yun yung araw na ikinuwento ni Jerome ang lahat sakanya. Magpinsan sila ni Briana at isa siya sa witness ng kasal nila Ethan.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong inihinto niya ang BMW niyang motor sa isang bakanteng parking space. Kaagad nagtagpo ang mata naming dalawa at halos manginig ang tuhod ko sa ibinibigay niyang malalim na pagtitig saakin. Naglakad siya palapit saakin at doon ko lang napansin na medyo humahaba na ang buhok niya at gulo gulo iyon pero bumagay pa rin sakanya iyon.

Halos mapasinghap ako nang makalapit na siya saakin at naamoy ko ang pinaghalong pabango at alak na sa tingin ko ay ininum niya kani-kanina lamang.

"Baby," Hindi makapaniwalang tawag niya saakin! Nagwala ang puso ko dahil lang sa pagtawag niya saakin sa ganoong paraan! Pilit ko itong pinakalma pero bigo ako dahil tinutunaw ako ng mga titig niya. Kagaya ng mata ko, parang pagod na pagod din ang iyong sakanya.

Napasinghap ako nang balutin ako ng mainit niyang bisig! "Fck, I miss you so much." Bulong niya sa tainga ko at naramdaman kong pinaulanan niya ng maliliit na halik ang pisngi ko. Pero nabigla siya nang itulak ko siya.

Nanginginig ang lalamunan ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang malaman kung totoo bang hindi niya ako minahal. Gusto ko lang malaman kung totoo bang una palang kilala na niya ang buong pamilya ko, gusto kong malaman lahat kahit na masasaktan lang ako.

"K-kilala mo ang Daddy ko?" Nanginginig ang labi ko sa pagtatanong sakanya, napakunot ang noo ko dahil ni hindi ko manlang siya nakitaan ng pagkagulat mula sa mukha niya. Nanatili siyang kalmado at malalim ang titig saaking mga mata, may kung anong nanunuot na kirot sa puso ko ngayon dahil sa ipinapakita niya saaking reaksyon.

"Ethan, kilala mo ba ang Daddy ko?!" Mariin na ulit ko sakanya! Pero hindi niya ako sinagot, awtomatikong tumulo ang luha ko at pinaghahampas ko ang dibdib niya!

"Sinungaling ka! Niloko mo ako! Ginamit mo ako!" Galit at umiiyak na sigaw ko sakanya! Hinayaan niya lang akong hampasin siya ng hampasin! "Bakit Ethan?! Alam mong mahal na mahal kita! Bakit mo ginawa saakin 'to?!" Panay na ang sigaw ko sakanya at yung katawan ko na mismo ang sumuko sa pananakit sakanya. Mariin kong kinuyom ang kamao ko sa tshirt niya habang nakatungo akong umiiyak.

"Bakit?" Namamaos na bulong ko, "Mahal kita. Sinubukan kitang ipaglaban, pero malalaman kong ginagago mo lang pala ako?" Humihikbing tanong ko sakanya.

Parang roller coaster ang buhay ko ngayon, kailanman hindi ko naisip na magiging ganito kagulo ang dating maginhawang buhay ko. Kakaibang maglaro ang tadhana, masyado nang namamaltrato ang puso ko nitong mga araw na dumadating. Pakiramdam ko wala nang katapusan lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, wala akong natitirang kakampi. Pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko kaya ako nasasaktan ng ganito ngayon.

Hindi ko maiwasang tanungin minsan kung bakit ako pa? Bakit ako pa yung napili nitong nakamamatay na sakit na 'to. Oo nga at buhay ako ngayon, humihinga ako sa mundong ibabaw, nakakakilos ako. Pero sa sakit na nararamdaman ko ngayon, para akong kandila na unti unting nauupos at napakatagal mamatay ng apoy.

"Are you done baby?" Namamaos na tanong ni Ethan, nariyan nanaman yung boses niyang nagpipigil ng iyak. Yung galit pero malambing na pananalita niya. Naiinis ako dahil sa tuwing makikita ko ang mga luha sa mata niya para bang paniwalang paniwala ang puso ko na mahal na mahal niya ako.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at isinampal niya iyon sa mukha niya, sunod sunod na pagsampal ang ginagawa niya gamit ang kamay ko, pilit kong hinihila iyon pero ako ang hinila niya papunta sa matipunong katawan niya! Niyakap niya ako ng sobrang higpit na para bang malalagutan na ako ng hininga.

"I'm sorry." Yan lang ang tanging naisagot niya saakin bago niya ako tuluyang pinakawalan sa mahigpit na yakap niya, akmang aalis na siya pero napatigil siya sa itinanong ko.

"H-hindi mo ba ako minahal ng totoo? Lahat ba ng ipinakita mo saakin ay pag-ganti lang?" Umiiyak na tanong ko sakanya, pinagtagpo niya ang mata naming dalawa at hindi ko kinaya ang mga titig niyang tumatagos sa katauhan ko.

"Pinagdududahan mo ang pagmamahal ko sayo?" Malamig na pahayag niya.

"Tinata--"

"FCK! ALAM MONG MAHAL NA MAHAL KITA." Sigaw niya na nagpapitlag saakin. "BULLSHT! I CAN'T SLEEP. I CAN'T EAT. I CAN'T EVEN CUT MY HAIR BECAUSE OF YOU, BABY."

"Pakiramdam ko hibang na hibang na ako dahil sa lalim ng pagmamahal ko sayo. Tapos pagdududahan mo lang?" Masamang masama ang loob niya saakin ngayon, ramdam ko yon sa bawat pananalita niya. Kinagat ko ang dila ko at umiling iling ako.

"Pero tatalikuran mo ako ng walang malinaw na paliwanag sa mga tanong ko." Nauutal na sagot ko sakanya,mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at halos mapasinghap ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso ko. Punong puno ng pakiusap ang mga mata niya.

"Baby, tinalikuran mo rin ako ng walang sapat na paliwanag kung bakit bigla ka nalang sumuko saating dalawa. Pinilit kong intindihin. Sinabi mong mali tayong dalawa, hinayaan kita. Tapos ngayon pagdududahan mo yung pagmamahal ko sayo? Langya, anong puso ba ang mayroon ka?!" Galit na galit siya saakin at nag uunahan nanamang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Hindi ba't ikaw pa nga ang nagsabi saakin na hindi uso sayo ang sumuko? Pero bakit ang bilis mong sumuko para saating dalawa?" Umiiyak na bulong niya na sadiyang nagpakirot nanaman sa puso ko.

Napakalalim pa rin ng pagtitig niya saakin at ramdam ko ang panginginig ng kamay niya sa pagkakahawak saakin.

"Gusto mong malaman kung bakit hindi ko pinaalam sayo na kilala ko ang Daddy mo?" Mariin na tanong niya, pulang pula na ang mukha niya.

Hindi ko magawang makasagot sakanya, puro hikbi lang ang naisasagot ko kaya unti unting kumakalas ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pero kahit ganoona y hindi pa rin naaalis ang hinanakit sa mga mata ni Ethan.

"Dahil natatakot akong pati ikaw mawala saakin!" Sigaw niya na nagpakalabog pang lalo sa puso kong kumikirot pa rin ngayon. "Nung gabing nakilala kita, alam kong isa kang Lataza. Nag iisang anak ni Paul John Lataza, gustong gusto kong gumanti Claire dahil matindi ang pagkamuhi ko sa tatay mo! Pero walangya, nang matitigan ko yang mga mata mo, nahulog ako sa sariling bitag ko."

"Nahulog ako sa mga yakap mo nung hinatid kita nung gabing yon. Nilayuan kita dahil alam kong ginagago na ako ng puso ko sayo." Namumula na ang mga mata niya at nanginginig na ang balikat niya sa kakaiyak. Masakit na makitang sinasaktan ko nanaman siya.

Ako nga itong nagpunta dito para sisihin siya sa mga sakit na nararamdaman ko, pero bakit mas sinisisi ko ngayon ang sarili ko? Bakit sinisisi ko ang sarili kong ama dahil sa nangyayari sakanya ngayon?

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa habang nakakulong sa dalawang palad niya ang magkabilang pisngi ko. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at ako naman pinagmamasdan ang pagtulo ng luha niya.

"I'm so fcking selfish when it comes to you, baby." Namamaos na aniya at halos malasing ako sa init ng paghinga niya.

"And fck sht, gaganti ako. Yes. Gaganti ako sa Daddy mo, hinding hindi ko itatanggi yan sayo." Pagdidiin niya na nagpapakirot sa puso ko. Nahahati ako ngayon, sobrang mahal na mahal ko si Ethan, pero mahal ko rin si Dad kahit na alam kong may sama ako ng loob sakanya. Ayokong mamili, ayoki dahil pareho silang mahalaga saakin.

"Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakukuha. I'm going to marry you, baby. Hindi man ngayon, pero ipaparamdam ko sa Daddy mo kung anong pakiramdam ng inaagawan ng anak." Punong puno ng galit ang boses ni Ethan.

"Mas lalo akong magiging makasarili pagdating sayo. Kung para sayo mali lahat ng ito? I'm sorry baby, but it feels so right to me. Alam kong nasasaktan kita, pero tandaan mo Claire, mas matindi pa rin yung pagmamahal ko sayo kaysa sa sakit diyan sa puso mo."

Napapikit ako nang angkinin niya ang labi ko ng isang sandaling malalim na halik, nalasahan ko ang alak doon kaya naman mas dobleng pagkalunod at pagkalasing ang naramdaman ko sa mga halik niya. Mabilis niyang hinuli ang siko ko nang muntikan na akong matumba sa panghihina dahil sa pag galaw ng labi niya.

Tumigil siya sa paghalik saakin at sinabing, "Lalayo ako baby, dahil yun ang gusto mo, but I promise, konting panahon nalang, matatapos na ang lahat ng 'to. Sinisigurado ko yan."

At halos may magwala sa buong tiyan at puso ko sa sumunod na binitawan niyang salita.

"Baka sa panahon na yon masabi mo ng tama yung lintik na pagmamahal ko para sayo."

****

A/N: Hey guys! Kumusta kayo? Pasensya na sa napakatagal na update. Alam ko inip na inip na kayo. Kahit naman ako, gusto kong magsulat nung mga nakaraang araw pero hindi ko magawa dahil masyado akong maraming iniisip nitong mga nakaraan. Pasensya na kayo. Thank you so much sa mga naghintay ng update.

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 69K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
1K 232 9
Mackenzie's dream is to study at a prestigious university in London and be with her month-long boyfriend. She thought her life would be perfect and b...
1.6M 51.5K 44
Good side and bad side.