Sharap (Baka Girls #1)-Comple...

By gorgeouskitty

34.8K 1K 1.2K

Completed. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas be... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Special Chapter 1

29

457 18 17
By gorgeouskitty

Days passed, hindi nila ako makausap ng ayos lalong hindi ako makakain ng ayos dahil wala akong gana. Hindi ako naglalabas sa kwarto ko dahil ayokong makita ang Lolo ko o makasalubong ang kahit isa man lang sa mga nakatira sa bahay na to. Bumalik na sa Manila si Pops at Mommy tanging ako lang ang naiwan sa kadahilanang may trabahong naiwan si Pops at ayaw mag-iwan dito ni Mommy. 

Wala ngayon ang Lolo kasama niya ang Tito Francis tanging kaming magpipinsan lang ang nandito kaya binalak kong lumabas ng Kwarto at magpa-araw man lang dahil ilang araw na akong hindi sinisinagan ng araw. Nakahanap na daw to ng kapalit ko sa School na pinagtatrabahuhan ko at katulong sa paghahanap si Sir Montello.  

Simula ng i-announce ang tungkol sa pagpapakasal namin ay hindi ko pa siya nakakausap. Ayokong makipag-usap sa kahit sino mang tao ngayon dahil baka may masabi na naman akong mali. Hindi ako galit sa kanya hindi din naman ako natutuwa sa pagpayag din niya.  

Tama na rin siguro ang Lolo sa pagpipilit niyang ipakasal ako kay Mr. Montello. I know, deep in his heart may pagmamalasakit pa rin siya para sa akin at hindi lang galit dahil sa ginawa ng mga magulang ko. I'm still hoping that one day he will forgive my parents on what they've done.  

Nakav-neck white t-shirt at Short shorts lang ang suot ko habang nakabraid ang magulo kong buhok dahil hindi na ako nag effort na suklayin ito pagkatapos kong maligo. Lumabas ako ng kwarto ko at nagderetso sa may hardin. Umupo ako sa isa sa mga bakal na upuan na nakalagay doon at pinagmasdan ang paru-parong nagliliparan malapit sa gumamelang bulaklak.  

May alaga din akong mga katulad niyong insekto sa loob ng tiyan ko kaya lang namatay na ata sila dahil hindi ko na maramdaman ang pagwawala nila. Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko.  Oo, hihiwalayan ko si Al pero hindi ko inisip na sa ganitong paraan mangyayari. Susundin ko naman talaga ang gusto ng Lolo pero hindi ko lang magawa dahil pag kasama ko na siya nakakalimutan ko ang lahat ng bagay.  

"Hindi mo ba talaga siya kakausapin?" Napukaw ako sa pag-iisip ng may biglang magsalita mula sa likuran ko. Si Jack. Seryoso itong nakatingin at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. 

Sumunod na nagtanong ay si Jelly. "Itutuloy mo ba ang pagpapakasal kay Montello?"   

"Kung ayaw mo na kay Al akin nalang." Malanding sabi ni Jelly. Binigyan ko siya ng isang nakakamatay na tingin. Apat na araw nang hindi kami nakakapag-usap at apat na araw na siyang pabalik-balik. Alam ko yon dahil nakikita ko siya sa bintana ng kwarto ko.  

"Buti nalang wala ang Lolo ngayon at nung nakaraang apat na araw or else baka mauwi sa masama ang lagay ng lalaking yon." Si Jack. Totoo ang sinabi niya, knowing my Lolo and his attitude kayang-kaya niyang gawin yon plus his power and connection.  

"As if magagawa niya yon? Takot nalang non sa akin at baka nakakalimutan niya sinunod ko ang gusto niyang pagtira ko dito at sa punyentang kasalan na yon." Mariing banta ko.  

"So you're back." Aniya. 

"Bakit umalis ba ako?" Pamimilosopo ko. Ngumisi lang sa akin si Jack bago umupo ito sa bakal na upuan sa harapan ko.  

"Apat na araw kang sinaniban ng Anghel, ngayon ay nagbalik ka na ulit sa katawan mo. San ka nagpunta?" 

"Seriously? What do you think of me? A demon?"  I rolled my eyes and stand up.  Wala ako sa mood sa pang-iinis niya at lalong-lalong wala ako sa mood makipag-usap sa kanilang tatlo. Nandon si Totoy pero hindi ko siya pinapansin kahit na nakatingin  ito sa akin.  

"Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako." 

Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi lumabas ako ng bahay na nakatsinelas lang. Maglalakad-lakad lang ako at upang makasagap ng sariwang hangin dahil puro amoy nalang ng aircon ang naaamoy ko.   

Mali pala ang paglabas ko ngayon dahil may nakasalaubong akong taong ayokong makita. Akala ko magsasawa na siya sa pagpunta-punta niya dito dahil hindi ko siya nilalabas at hindi ko din tinatanggap ang tawag niya sa akin sa cellphone.  Nalowbat na ang cellphone ko dahil sa kakatawag niya at hindi ko din o wala akong komunikasyon sa mga kaibigan ko sa Manila. Gustong umatras ng mga paa ko pabalik sa loob ng bahay at magtago sa kanya pero ipapakita ko lang na mahina din ako pag hindi ko siya hinarap. 

Nakablack na t-shirt ito na gusot at khaki short.  Magulo din ang mga buhok nitong tinatangay ng hangin, ang mga matang lumalalim at kitang kita ang dark circles doon. Halata din ditong hindi nagshave ng ilang araw dahil kita na ang kanyang balbas at bigote na itim but I still find him hot. Hindi na mawawala yun sa kanya . Akala ko ako lang nag nagdurusa sa aming dalawa pero hindi pala pero hindi ko pa rin kayang makinig sa sasabihin niya sa akin dahil hanggang ngayon sariwa pa rin ang lahat ng nangyari.  

"Jasmin." 

Hindi ko siya pinansin bagkus pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Walang tao ngayon pawang mga busy ang mga nakatira dito dahil hindi basta-basta lang ang mga nakatira dito puro may pangalan na tanyag. I pretend that no one's calling my name and no one's chasing me.  

"Jasmin." Hinablot niya ang kanang braso ko at mariing pinisil iyon. Humarap ako sa kanya. 

 "Nasasaktan ako. Bitawan mo ako." Walang ganang sabi ko. Hindi ko siya tinitignan sa mga mata dahil pag ginawa ko yon ay baka bumigay na ako at mawalang saysay ang mataas kong pride. 

"Mag-usap tayo, please." Pumiyok ang mga boses niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tinignan ko na siya sa kanyang mata na ngayon ay namumula na. Sumasakit na ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil na wag umiyak. Hindi ka niya pwedeng makitang umiiyak, Jasmin.  Nilunok ko muna ang nakaharang sa bingit ng lalamunan ko bago nagsalita. 

"Wala tayong dapat pag-usapan." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong makita ang mga mata niya dahil baka mamaya bumigay akong muli sa kanya. Simpleng hawak palang niya sa braso ko milyon-milyong boltahe na ang nararamdaman ko ngayon tumingin pa kaya sa kanya? Dapat umalis na ako sa kinatatayuan ko ngayon pero punyetang mga tuhod ko dahil nanlalambot sila. 

"Baby." Mahinang tawag niya. Nag-init ang dalawang tenga ko ng marinig ko ang pagtawag niyang yon sa akin. 

"Don't you baby me!" Sigaw ko. Naalala ko na naman ang nakita ko sa Seda at hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil doon kahit na mahal ko siya. Kinalma ko ang sarili ko at itinago ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya ngayon. Walang ganang tinignan ko siya sa mga mata kahit na gustong-gusto ko siyang yakapin ngayon dahil sa itsura niya na parang nasasaktan sa pagtataboy ko. "Umalis ka na dito at please wag na wag ka nang babalik." 

"Kahit paalisin mo ako babalik at babalik pa rin ako sa'yo." Masarap pakinggan ang mga katagang iyon pero ayaw tanggapin ng utak ko dahil nagsasabing kailangan o na siyang layuan at baka magbago na naman ang desisyon ko. "Paano tayo?" Aniya. 

"Walang tayo, Al. Landiaan lang ang meron tayo." Kinalas ko ang kamay niyang mariing nakakapit sa braso ko.  Pumikit ako ng mariin dahil sa susunod na sasabihin ko. "At yung nangyari sa atin isipin mo nalang na one night stand yon sa di mo kilalang tao."  

Hinawakan niya akong muli at sa mga balikat ko naman yon. "Magpapakasal na ako kay Rich Montello. You knew him right?" Matigas na tono ang ginamit ko at laking pasasalamat ko nalang na hindi ako pumipiyok sa bawat salitang lumalabas sa mga bibig ko.  

"Are you fuckin' kidding me?!" 

"No. it's true.  We're getting married soon." Matigas na sagot ko. 

"Baby please. Wag ganito. Hayaan mo akong magpaliwanag."  

"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin, Al. Hindi ko din tatanggapin yan. Kaya please, umalis ka na." Sinasaksak na ang puso ko ng kutsilyo dahil sa mga sinasabi ko sa kanya. Mabilis kong pinahid ang luhang lumabas sa mata ko. Sana lang hindi niya yon nakita pero alam kong alam niya yon dahil nakatitig siya sa akin ng madilim at nagtatangis ang mga bagang niya. Tinanggal niya ang kamay niya sa dalawang balikat ko.  

"Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwanan, Jasmin." Bulong niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Gustong-gusto ko ang init ng katawan niya. Mabilis kong ibinalik sa katinuan ang sarili ko at kumalas sa yakap niya. Bnigyan ko siya ng isang masamang tingin. Nakahawak na ito sa mga bewang niya while I cross my arms in my chest. Kailangan kong maging masama ngayon. 

"Pwede ba, Al. Wag mong pairalin yang pagiging isip bata mo ngayon. Grow up! Hinding magiging tayo at walang tayo. TANDAAN MO YAN." Tinalikuran ko siya. Laking gulat ko ng makita ko si Sir Montello na nakatayo at nakapamulsa sa tapat ng gate namin.  

Naglakad ako papunta sa kanya kahit na nanginginig pa ang mga tuhod ko. Pagkatapat na pagkatapat ko sa kanya ay hinalikan ko agad siya sa labi at hinila papasok sa loob ng Bahay. 

Continue Reading

You'll Also Like

58.1K 1.2K 38
All she wanted to do is to prove to her parents that the profession she chose is better than handling their fishery business in the province. That ev...
209K 3.9K 21
Dice and Madisson
616K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.2K 111 18
Luxary Navarro is a business man. MATURED CONTENT | SPG | R-18 | [ON-GOING] Started: 2021 Finished: GUSTO lang naman ni Luxary Navarro na ma-enjoy n...